Chapter 31
HAZEL ALERIYA
"What deal?" Pag-uulit kong sabi sa kanya.
Lumayo siya sa akin kaya humarap ako sa kanya. Bahagya niyang ginulo ang buhok bago titigan ako ng mariin. Napaiwas ako ng tingin at lumunok ng marahas.
Nakakainis! Why do he need to be this handsome. Nakakawala naman ng huwisyo ang mukha niya. Nakakairita! Bakit ba ganito na lang palagi!
"A-ano na?"
"Just live here for one month..."
Lukot na lukot ang mukha. Sinalubong ang mariin niyang pagkakatitig sa akin.
"At bakit naman ako papayag diyan? Anong makukuha ko? Pera? No need, kaya kong kitain iyan."
"No! Not money... your freedom..."
Lalong nagsalubong ang kilay ako. Ano ang sinasabi niya? Freedom? Nababaliw na ba siya? I have my freedom! Did i?
Bahagya akong tumawa ng may panunuya sa kanya. Kalaunan ay nagseryuso. "Anong sinasabi mo?"
He smirked. "Do you think, I wouldn't know anything?"
"Huh?" Naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi niya.
"Hindi ba't ikaw ang nagsabi kay Anika na ituro si Arnold sa pagkakabaril sa kanya?"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang katawan ko sa kabang nararamdan.
Damn that bitch! I will kill her! Makikita niya kung sino ang kinakalaban niya.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung may problema kayong lahat, h'wag niyo akong idamay,"
Akmang aalis ako sa harapan niya nang pigilan niya ang braso ko. Sa kuryenteng dumaloy sa balat ko kaagad kong binawi ang braso.
"Pretending? I see... Anika told me everything kaya wala kang kawala sa kasalanan mo,"
Nagtangis ang mga ngipin ko. Nanggigigil ako sa babaeng iyon. Humanda siya sa akin.
"If you're planning to take revenge, it's better to set aside that. Wala ka ng Anika na makikita dahil naitago ko na siya. Take the deal and you're free..."
Ano ba ang pinaplano ng lalaking ito? Bakit ganito ang kapalit? Kung tutuusin parang madali ang deal na sinasabi niya pero parang mahihirapan akong gumalaw kapag nandito ako sa bahay nila.
"If you are going to trick me, hindi ka magtatagumpay," I clenched my fist.
"Oh? I tell you, everything went well. Everthing is fine according to my plan..."
Anong plano ang sinasabi niya? Hindi ko maintindihan. Nakakainis! Bakit parang ako ang laging dehado sa mga bagay na akala ko ay nasa mga kamay ko na.
"Kung iniisip mo na may alam na si Arnold, nope! He doesn't know everything. Ang sinabi ko lang sa kanya, ang pagbawi ng statement ni Anika laban sa kanya dahil wala siya sa ulirat noon. Ang pagbaril ay aksidente lamang dahil ang totoong nangyari, napaglaruan ni kaito ang baril ni Arnold at natamaan si Anika nang pumutok ito."
Napalunok ako bago tumango sa kanya. May magagawa pa ba ako? "J-just a month?" I said with trembling voice.
"For a month..."
I nodded to him. "O-ok, pumapayag na ako,"
Ngumisi siya ng nakakaloko bago naglahad ng kamay. Noong una'y napakunot ako ng noo dahil naglahad siya ng kamay pero nang mapagtanto ko ang ibig sabihin nito, tinanggap ko ang kamay niya- bagay na pinagsisihan ko. The moment na naglapat ang mga kamay namin, ang siya ring paghila niya sa kamay ko papalapit sa kanya.
Bumangga ang ulo ko sa matigas niyang dibdib. Awang ang labi kong napatunghap sa mukha niya. Hindi ako nakarecover sa gulat sa mga ginawa niya. Lumawak ang pagkakangisi niya, para bang may bagay siyang gagawin na hindi ko magugustuhan.
"We better sealed this deal."
Napalunok ako. "S-sealed? H-how?" Nagtataka kong tanong.
"This is how we are supposed to seal that deal." With that, he kissed me aggresively.
Shock was written all over my face. Hindi ako nakabawi sa ginagawa niya at tuluyan na akong na tuod.
He's nipping and tasting my full lips. Nang makabawi ako sa gulat, nagpumiglas ako. I pushed him away pero malakas siya. Hindi man lang umantras ng kunti ang katawan niya sa akin. Lalo pang humigpit ang nakapulupot niyang kamay sa bewang ko.
"R-ryker, stop!"
"Damn! I miss your lips, baby love..."
Bahagya akong nakapagsalita nang iwan niya ang labi ko para bumaba sa leeg pero bumalik ulit ito sa labi. He continue his kisses, bahagya niyang kinagat ang pang-ibaba kong labi. He even twisted his head para mahalikan ako ng maayos, ng malalim, ng buo, at ng marubduban.
Bumitaw siya sa labi ko nang parehas na naghahabol na kami ng hininga. Hindi ako nakapagsalita dahil sa paghahabol sa sariling hininga.
"I always like your soft lips, baby love..."
Napa-awang ang labi ko at hindi mahinuha ang mga sasabihin. Bahagya akong napaantras na siyang ikinaalerto ni Ryker at lalo pa akong hinapit papalapit sa kanya at muling hinalikan ang labi ko.
Mas mapusok niya akong hinalikan. Hinapit niya lalo ang aking ulo habang ang kanyang kamay ay nasa batok ko. Pakiramdam ko ay sobra ng namamaga ang labi ko sa bawat pagkagat at panggigigil niyang paghalik sa akin. Napagod ako at napahawak sa braso niya para hindi ako mabuwal sa pagkakatayo. Tinanggap ko ang mga halik niya at sumabay sa paraan ng marubduban niyang paghalik. Wala na! Lunod na ako sa pagkakahalik niya. May kung anong init ang dumadaloy ngayon sa aking katawan.
"Fuck!"
"Ohh!"
Lalo niya pang nilaliman ang paghalik sa akin. Napaungol ako nang hindi ko namalayan na nakarating na pala ang kamay niya sa loob ng damit ko at pisilin ang isang dibdib ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkagising sa realidad. Naitulak ko siya ng malakas bagay na ipinagpapasalamat ko dahil nagawa ko siyang maitulak palayo sa akin. Parang lasing ang mga mata niya, namumungay ito at bakas ang pagnanasa sa mga mata.
"B-bastos ka!" Akusa ko sa kanya. My ghad! Hindi ko akalaing nadala ako sa mga halik niya.
Ngumisi siya. "You also enjoyed it, baby love. Masarap di ba? Nasarapan ka. Want another round? But this time in my bed."
Namula ang buong mukha ko at hindi makapaniwala sa kabastusang lumabas sa bibig niya.
"H-how dare you! You pervert. Mamaga sana ang labi mo!" Mabilis akong tumakbo paalis sa kusina. Mukhang mula ngayon ay hindi ko na gusto ang parte ng bahay kung nasaan ang kusina! Nakakatakot ng bumalik doon.
Hinihingal akong nakabalik sa kwarto ni Zseto. Tumabi ako sa kanya ng higa bago halikan siya sa noo.
Nakakainis ang Daddy mo baby! Nakakainis talaga siya!