Chapter 30
HAZEL ALERIYA
"Mommy ko!" Napangiti ako nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Zseto. "Mommy ko! Mabuti po at bumalik kayo agad."
Napakamot ako sa pisngi at napapangiwing tumango.
Naku! Kung alam mo lang! Pinilit lang nila ako.
"Kamusta ka na?"
"Maayos na po ako Mommy ko. Uuwi na rin po ako ngayon,"
"Huh?" Nagsalubong ang kilay ko at wala sa sariling napatingin kay Mr. and Mrs. Monterealez. "Bakit pa uuwiin na po siya? Kahit na maayos na po ang kalagayan niya hindi pa rin po tama na pauwiin siya kaagad. Might as well, magpahinga pa siya hanggang dito bukas."
Nagkatingin ang mag-asawa at tumikhim kaya bahagya akong natigilan sa mga pinagsasabi ko.
Nakakainis! Halos sabunutan ko na ang sarili sa labis na pagkapahiya.
"A-ah! S-sorry po..."
Ngumiti sa akin si Mrs. Monterealez at lumapit bago hawakan ang mga kamay ko.
"Kung nag-aalala ka hija kay Zseto bakit hindi ka na lang sumama sa amin pauwi sa bahay. Kahit magpalipas ka na lang muna ng gabi sa amin. Pasasalamat na rin dahil sa pagligtas mo sa Apo namin,"
Nanlaki ang mga mata ko at panay ang iling sa kanya. "H-hindi na po kai-"
"TALAGA PO GRANDMA?!"
Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Zseto, kalauna'y napahalakhak ang dalawang matanda habang ako ay tuluyan ng natuod sa kinatatayuan. Nasa ganoong eksena kami nang pumasok si Ryker. Nagpasalit-salit ang tingin niya sa aming lahat. Nang mapunta sa akin ang tingin niya, nagtiim-bagang siya at nagdilim ang mukha. Kumuyom din ng mahigpit ang mga kamao niya. Kinabahan ako sa masama at matalim niyang titig na iginagawad sa akin. He keeps on glaring at me.
What? Bakit ganyan siya makatingin? I didn't do anything!
"Daddy ko!" Napabaling ang tingin ni Ryker kay Zseto kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Yes, big boy?"
"Daddy ko! Finally, Mommy will live with us."
Napanganga ako sa sinabi ni Zseto. Bumaling ang tingin ko kay Ryker na walang emosyon na nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at kumunot ang noo.
Ano ba ang problema niya?! Wala akong kasalanan! Malay ko ba na iyan ang sasabihin ni Zseto.
"Really? Big boy?" Masayang tumango-tango si Zseto. "Can I talk to her? For a while?"
"Yes, Daddy ko. Pero balik mo din siya kaagad ah?"
"Sure, big boy."
Napa-antras ako nang lumapit siya sa akin. Napasulyap muna siya sa paang pinang-antras ko bago ibalik ang tingin sa mga mata ko. Lalong nalukot ang mukha niya sa ginawa kong pag-antras sa kanya.
"A-anong pag-uusapan natin?"
Hindi niya ako pinansin sa halip, hinigit niya ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng kwarto.
"A-ano bang problema mo?" Hindi niya ako pinansin. Lalo pa niya akong kinaladkad sa walang tao. Napaasik ako sa kanya nang pabalang niya akong bitawan.
I gritted my teeth and started to feel irritated. "Ano ba talaga ang problema mo?!"
"You!"
Napamaang ako sa kanya. "Ang kapal ng mukha mo! Kung ang ikinaiinis mo ay dahil sa sinabi ni Zseto, h'wag ako ang pagsabihan mo kun-"
"Anong ginawa mo sa kwarto ni Anika kanina?"
Napatigil ako sa sinabi niya at nagsimulang makaramdam ng kaba. "I-" I cleared my voice before I answer him. "I visit her."
"You do?"
"Y-yes."
"And why do you need to lock the door?"
Nanlaki ang mga mata ko at hindi alam kung paano magpapaliwanag. Pero bakit ko nga ba kailangan magpaliwanag sa kanya?
"I-i don't know it was locked."
"Really?"
"O-oo naman, teka nga! Ano ba talaga ang pinupunto mo?"
He laughed sarcastically. "You tell me."
I saw how his eyes looking down to my lips when I conciously bite it kaya wala sa sariling napabitaw ako sa pagkakakagat sa labi. My heart pounded even more to his simple gesture.
A-ano ba ito?! Mahihimatay ata ako sa bilis ng pagtibok ng puso ko. This is not good.
"Alam mo walang mapupuntahan ang usapang ito. Aalis na ako, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa anak mo." Akmang maglalakad ako paalis sa harapan niya nang mapatigil ako sa sinabi niya.
"Don't try me, you won't like it when I'm mad. Try not to keep your words to my son and you'll regret it."
Dumaan siya sa gilid ko at sinadyang banggain ang balikat ko bago lampasan. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili.
NAPABANGON ako sa kamang kinahihigaan. Napapabuntong hininga ako dahil hindi ako makatulog.
Namamahay siguro ako. Masarap sana ang matulog dahil katabi ko sa higaan si Zseto pero ang diwa ko ang ayaw matulog.
Napatingin muna ako kay Zseto bago nagpasyang umalis sa kama. Nauuhaw ako kaya bababa muna ako para uminom ng tubig.
Sinong mag-aakala na makakatungtong ulit ako sa bahay nina Mr. at Mrs. Monterealez. Ang akala ko mamamatay na lang ako na hindi na muling makakatapak dito.
Ayoko sanang matulog dito kanina pero ayaw pumayag ni Zseto na hindi ako katabi at gusto niya na dito lang ako. Wala kaming nagawa nang maglumpasay siyang ngumawa. Naawa naman ako at parang binibiak ang puso ko sa tuwing iiyak siya.
Nang makababa ako at makapunta ng kusina, bahagya akong natigilan sa boses na narinig ko. Nagsalubong ang kilay dahil boses ito ni Ryker. Sino ang kausap niya sa ganitong kalalim na gabi? Napasulyap ako sa kusina at tama nga ako. Si Ryker ito at may kausap siya sa cellphone.
"Yes! ok, sige, pagpatuloy mo lang ang pagsunod sa kanya. No, yeah! You can... bawat kilos iupdate mo ako kaagad. Yeah! Make sure she doesn't notice you."
Sino ang kausap niya? She? May pinapasundan ba siya? Pero sino?
Masama ang pakiramdam ko sa mga sinasabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang biglaan siyang humarap banda sa pwesto ko. Nagtama ang mga paningin namin. Blanko ang mukha niya habang nakatitig sa akin. I don't know but I felt numb. My throat went dry. Napaantras ako ng isang hakbang sa kinatatayuan ko.
"Yeah! Ok, update mo na lang ako. You can now take a rest now."
Napasulyap siya sa isang paa ko na gumawa ng isang pag-antras bago ibalik ang titig sa aking mukha. Nag-igting ang panga niya.
"A-ano k-kasi..."
"Don't you know it's rude to listen to other people's conversation?"
"A-ano k-kasi nauhaw lang ako. Hindi ko naman alam na nandito ka." I raised my eyebrow to him. "Kung bakit naman kasi private pala ang pinag-uusapan niyo, dito ka pa talaga nakipag-usap." Hindi ko na pinansin ang madilim na mukha niya sa akin. Dumaretso na lang ako sa ref at kumuha ng tubig. Tinalikuran ko siya bago uminom ng tubig. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang baso. Nakakainis! Why do I always need to feel this fucking kind of feeling everytime I near to him? I felt like I'm going to fall and always nervous wherever he stared at me.
My heart pounded even more when I felt his breath in my neck. Nanlaki ang mga mata ko at hindi sinasadyang mapaantras kaya bahagya akong napasandal sa matigas niyang dibdib. Aalis na sana ako nang hawakan niya ng mariin ang magkabilaang bewang ko at ipirmi sa kinalalagyan ko. kakainom ko lang ng tubig pero parang mas lalong nanuyo ang lalamunan ko.
"W-what are you doing?" I asked him with a hoarse voice. Nais kong kutusan ang sarili ko dahil, bakit parang ang landi ng boses ko sa pagakakatanong?
Nanindig ang mga balahibo ko nang magsalita siya. Tumatama ang hininga niya sa leeg ko.
"Why do you always back off."
"H-hindi ko naman s-sinasadya."
"Hmmm." Nanlambot ang mga tuhid ko at halos hindi na makahinga nang ipatong niya ang baba sa balikat ko at ipalibot ang mga kamay sa bewang ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"W-what are you doing? May be you forgot? I am not your wife."
"Hmmmm." Nagsimula akong mainis. Ayoko ng nararamdaman ko. Traydor kang puso ka! Pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa bewang ko pero lalo niyang hinigpitan ito.
"Let's make a deal." Napatigil ako sa pagpupumiglas at nagtatakang nagtanong sa kanya.
"What deal?"
"Hmmm..."