Chapter 26
RYKER LUIS MONTEREALEZ
Imbis na ang Chief Inspector ang mag interrogate kay Arnold ay ako gumawa. Kung kaso ito ng iba ay hindi na dapat ako makikialam pero dahil kaibigan ko siya at Major ko, ako na mismo ang mag-iimbistiga. Kahit na sakit sa ulo ang madaldal na'to, maaasahan naman siya at masasabi kong tapat kaya hindi ako naniniwala sa pagbibintang sa kanya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pilit siyang dinidiin ng babaeng 'yon. Bakit? Dahil ayaw nila sa isa't - isa? Siguro?! Pero sino ang bumaril sa kanya? Bakit mas pipiliin niyang mapahamak si Arnold kaysa sa taong bumaril sa kanya?
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni Arnold habang nasa loob kami ng interrogation room. All is recorded sa amin kaya dapat mag-ingat sa mga sasabihin niya na pwedeng maging laban sa kanya.
"Ano ba talaga ang nangyare Arnold?"
"Hindi ko alam, wala akong alam sa pagbibintang ng babaeng 'yon."
"Naniniwala ako sa'yo, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ikaw ang itinuturo niya."
"Malamang ay dahil sa galit siya sa akin."
"Ganon na lang ba iyon?"
"Ano?" Kunot noong tanong niya.
"Ar-"
Naputol ang sasabihin ko ng may pumasok sa pinto at tinawag ako.
"General, ito na po ang resulta ng pinapaexamine niyo."
Lumapit sa akin si Ivan at ibinigay ang papel na naglalaman ng resulta.
"Saka pala General pinalipat na ni Rolly ang asawa niya sa pinakamalapit na Hospital dito." Tumango ako kay Ivan at kinuha ang papel.
"Anong pinaexamine mo, General?" Nagtatakang tanong ni Arnold.
"Pinacheck ko ang balang nakuha ni Zarie - " Napalunok ako sa pagbanggit ng pangalan ni Zarie. Napabuntong hininga ako bago ipagpatuloy ang sinasabi. "I mean ni Doktora, pinaexamine ko ang balang nakuha niya kay Anika kanina. Kung talagang binaril mo siya dapat lang na magtugma ang bala mo at ang balang nakuha sa kanya kanina." Tumango si Arnold.
Dahan dahan kung binuksan ang papel. Nang makita ang resulta agad na nalukot ang mukha ko at nailukot ang papel.
"A-anong result?"
"Positive." Natulala si Arnold at hindi niya magawang makapagsalita. "Arnold?"
"M-maniwala ka sa akin, h-hindi ako."
"Asan ang baril mo Arnold?"
"Ang baril ko ay nasa - " Natigilan si Arnold ng may napagtanto. "G-general ng mga oras na iyon wala akong baril. Naiwan ko ito sa bahay, dapat nga babalikan ko siya sa bahay pero ng humahagos na pumasok sila Rolly kanina ay nakalimutan ko na ang tungkol dito."
"Sino ang nakakaalam na naiwan mo ang baril mo?"
Natahimik siya kaya napabuntong hininga ako. "Wala! Di ba? Alam mong walang kwenta ang salita na walang ebidensya at testigo."
Napasabunot siya ng buhok. "Anong gagawin ko? Wala talaga akong kasalanan."
Tinapik ko siya sa balikat kaya napaangat siya ng ulo sa akin. "H'wag mo ng masyadong isipin, ako na muna ang bahalang mag-imbistiga sa kaso mo na'to. Sa ngayon ay dito ka muna at h'wag kang gumawa ng bagay na ikapapahamak mo."
Tumango siya sa akin at nagpasalamat. Mabilis kong nilisan ang silid na 'yon. Hindi pwedeng mag-aksaya ng oras kaya habang maaga pa ay kumilos na ako. Papalabas na sana ako ng Head Quarter's ng masulyapan ko ang naglalakad na si Zarie, I mean - whatever! I prefer to call her Zarie, I know she is my wife at kapag napatunayan ko 'yan sisiguraduhin kong makikita mo, ikukulong kita sa bahay. Hindi ko alam ang nangyayare pero sinisigurado ko na malalaman at malalaman ko rin.
I stiffened when she suddenly licked the paper cup.
Fuck! Nang-aakit ba talaga siya? Bakit kailangan niyang dilaan ang kapeng tumutulo sa paper cup niya. Damn!
Mabilis akong lumabas para pigilan ang temptation na nararamdaman ko. Fucking hell! Hindi pa ngayon buddy, hindi pa ngayon. H'wag kang mag-alala oras na maconfirm natin, wala kang ibang gagawin kundi ang pagurin siya.
Napangiti ako sa kapilyuhan ng utak ko.
Damn! Fucking boner.
Mabilis kong minaobra ang sasakyan papunta sa bahay ni Arnold. Nandoon na rin ang ibang mga Police para mag-imbistiga.
Mabilis akong bumaba sa kotse nang makarating sa bahay ni Arnold. Nakapalibot ang mga Police dito. Dumaretso ako sa loob, sa kada bati nila sa akin ay tango na lamang ang isinasagot ko.
"Maayos ba ang lahat?"
"Opo, General."
"CCTV nakuha niyo?"
"Nakakapagtaka nga po eh! Burado na po, napalitan ng ibang scene."
Napakunot ako ng noo. "Ano? Paano nangyare 'yon?"
"Hindi po namin alam General, pagkarating namin dito ang CCTV agad ang kinuha namin pero wala na po talaga. Ang iba'y mga kurap na po."
Nagsalubong ang kilay ko. Nakakainis! May mali talaga sa sitwasyong ito. Pilit na itinatago ang katotohanan. Pero bakit? Saka sino? Kilala ko si Arnold at hindi niya magagawa ang bagay na ito.
"Patingin ako ng CCTV." Tumango siya at iginaya ako sa second floor ng bahay ni Arnold. Nang makarating kami sa isang silid kung nasaan ang monitor ng CCTV kaagad niyang ipinakita sa akin ang video.
"General, ito po ang kuha ng CCTV sa bandang gate nila." Mabilis niyang pinindot ang mouse para mapakita sa akin ang mga oras ng video. "Umalis si Major ng 7:28 AM sa bahay. Kita dito ang kotse niya na umalis. Mga bandang 7:42 AM naman nang umalis ang kotse ni Rolly. Tapos - " May pinindot ulit siya, nagfast forward ang video. "Bandang 9:01 AM nakitang pumasok ulit ang kotse ni Major sa gate."
Napamaang ako sa kanya. "Bumalik siya? Impossible! Kasama ko si Arnold at hindi siya umalis."
"Iyon nga po General.... kapag pinanuod ang video ng sunod-sunod, aakalain mong bumalik talaga siya. Pero nang paulit-ulitin kong panuorin ang CCTV may napansin ako."
Tumutok ulit ang mga mata ko sa video nang may pindutin ulit siya. Zinoom niya ang video kaya nakita kong maigi ang itsura ni Arnold.
"Sa bewang ni Arnold nakalagay sa uniforme niya ang baril pero - " Nagbackward ulit siya ng video noong kuha ng 7:28 AM nang umalis si Arnold. "Kita sa video na umalis siya ng walang dalang baril at ito pa General." Nagfast forward ulit ang video ng 9:27 AM. "Nang umalis ulit siya ng 9:27 AM dala-dala niya pa rin ang baril niya."
Humarap siya sa akin. "Nagcheck na rin kami ng CCTV sa Head Quarter's General at nakita naming wala talagang dala na baril pagpasok si Major. Ilang beses din naming pinanuod ang video at talagang hindi naman umalis si Major mula ng makapasok siya dito ng mga 7:58 AM. Kaya masasabi kong natampered ang video kaya nagkaroon ng ganoong scene sa CCTV na bumalik ulit siya ng bandang 9:01 AM."
Napahilamos ako ng mukha. "Sige, salamat Captain."
"Your welcome, General and that's my job kaya maaasahan mo ako."
"Salamat, sabihan mo ako kapag may nakuha kang impormasyon."
"Sure, General."
Akmang tatalikuran ko siya nang may maalala ako. "Sino nga pala ang kasamang naiwan ni Anika kanina dito sa bahay?"
"Anak niya po General, ang limang taong gulang na si Kaito." Tumango ako sa kanya bago nagpaalam na aalis na.