Chapter 25

HAZEL ALERIYA

Isang linggo ang nakalipas ng magtrabaho ako as a Doctor dito sa Police Head Quarter's. So far, maganda naman ang sitwasyon ko dito iyon nga lang may pagkakataon na ang ibang Police dito ay natatawag akong Zarie. Okey lang naman sa akin, ang kaso ang hindi okey sa akin ay ang pagtitig ni Ryker.

Madalas ko siyang nahuhuli na nakatitig sa akin. Hindi naman siya umiiwas ng tingin kapag nagkakasalubong kami ng tingin kaya naisip ko na siguro wala siyang pakialam doon dahil ganoon ang reaksyon niya. Minsan pa nga nagugulat na lang ako na nasa loob na siya ng clinic at matamang nakatitig sa akin, as in tititig lang talaga siya at walang sasabihin or kahit anong sadya sa pagpunta doon sa clinic.

Minsan nauurat na nga ako sa kanya dahil nawawalan ako ng privacy pero pilit ko lang siyang iniintindi dahil kamukha ko ang asawa niya at nangungulila siya dito.

Paglabas ko ng clinic agad na napangunot nuo ako. Nagkakagulo ang mga Police at natataranta sila.

Ano bang meron?

Napamaang ako at napatigil ng may bitbit na babae ang isang lalaki. Puno ng dugo ang lalaki dahil sa babaeng karga karga. Nataranta din ako ng makitang papalapit sila sa akin. Nagkagulo lalo.

"A-anong nangyare?" Natataranta ako ng makalapit sila sa akin.

"Nabaril siya, Doc."

Iginaya ko ang lalaki para makapasok sa clinic. Mabilis ang kilos ko at ginawa ang dapat kong gawin. Nakahinga ako ng maluwag ng matanggal ko ang bala sa tiyan ng babae. Napatingin ako sa vital sign niya at napanatag ng makitang maayos na talaga siya.

Bumaling ako sa lalaking may bitbit sa babae, sinamaan ko siya ng tingin at hindi maiwasang sigawan siya.

"NABABALIW KA NA BA? BAKIT DITO MO SIYA DINALA? DAPAT SA HOSPITAL! PAANO KUNG WALANG GAMIT DITO? EDI NAPAHAMAK SIYA."

Bumilis ang paghinga ko. Napamaang ang lalaki at akmang magsasalita ng pumasok si Ryker at Arnold.

"Anong nangyare?"

Napatingin muna ako kay Ryker na matamang nakatitig na naman sa akin bago ibaling kay Arnold na nagtatanong.

"Nabaril si Anika, kuya."

Nagsalubong ang kilay ko at napatingin sa lalaki at kay Arnold.

Magkapatid ba sila?

"Sino ang bumaril sa kanya?"

"Hindi ko alam kuya basta pag-uwi ko sa bahay nakahandusay na siya at may tama ng baril. Umiiyak si kaito ng tumawag sa akin."

Lumapit si Arnold sa lalaki at tinapik tapik ang balikat nito. "Magiging maayos din ang lahat, Rolly. Nagsisimula ng mag-imbistiga ang mga tauhan ko. "

"Magkapatid ba kayo?" Takang tanong ko na tinanguan naman nila.

"Doktora, siya pala si Rolly ang kapatid ko, itong babaeng nabaril ay si Anika asawa niya. Si kaito naman ang nag-iisang anak nila, 5 years na ito."

Tumango ako bago ibaling sa pasyente ang tingin. "Mabuti pa siguro ay iwan nyo muna siya dito para makapagpahinga at hindi siya magising. Ako na ang bahala sa kanya at h'wag na rin kayong mabahala dahil nasa Police Quarters naman tayo kaya ligtas siya dito."

Tumango sila bago nagsilabasan. Ako naman ay umupo muna sa swivel chair sa harap ng lamesa na may computer para magawan ng report ang pangyayaring ito. Hindi pa man nag-iinit ang pwetan ko sa upuan ng tumawag ang babaeng kinasusuklaman ko.

"Napatawag ka?"

"May ipapagawa ako sa'yo. Maganda itong plano na'to ng maputulan siya ng pakpak."

"What is it?"

Pinakinggan ko ang mga sasabihin niya. Nang masabi niya na sa akin ang mga plano niya agad kong tinapos ang tawag.

Napatitig ako sa babae ng matagal. Mahabang katahimikan ang namayani sa akin bago napailing at simulan ang report na dapat ay gagawin ko kanina. Pero ilang saglit lang ay napatigil ako dahil sa nagising ang babae. Dahil sa banda ko siya nakaharap kaya madaling nagtama ang mga paningin namin. Nakatitig siya sa akin habang ako ay unti unting nginitian siya.

May sinabi ako sa kanya kaya unti unting nabakasan ng takot ang mukha niya. Napangisi ako sa kanya.

"You should rest Ma'am, mamaya din ay dadating na sila."

Wala siyang sinabi sa halip ay pumikit na lang siya.

Isang oras ang lumipas bago bumalik ang tatlo. Nag-aalalang lumapit si Rolly sa kamang kinahihigaan ng asawa. Tumayo ako sa swivel chair at lumapit sa kanya.

"Nagising siya kanina pero agad din na natulog."

Wala siyang sinabi pero tumango naman siya. Makalipas ang ilang minuto ay nagising din ulit si Anika. Nakatulala siya habang pilit na kinukuha ni Rolly ang atensyon niya.

"Anika, nakilala mo ba ang bumaril sa'yo?"

Hindi sumagot si Anika sa halip ay nabalisa ito at humagulgol ng iyak. Niyakap ni Rolly ang asawa at pilit na pinapakalma.

"Anika, sabihin mo! Sino ang bumaril sa'yo?"

Napasinghap kami sa sumunod na nangyare. Sa nanginginig na mga daliri ni Anika, itinuro niya si Arnold na nakatulala kay Anika dahil sa pagturo nito sa kanya.

Pasalit-salit ang paningin namin sa kanila.

"WALANGHIYA KA KUYA!"

Napasigaw kami sa sumunod na nangyare. Sinapak ni Rolly si Arnold kaya napasalampok siya sa sahig. Mabilis na kumilos si Ryker at agad hinawakan si Rolly.

"Fuck! Hindi ko magagawa 'yon!" Tumingin ng masama si Arnold kay Anika. "Putang-ina h'wang mo kong pinagbibintangan babae ka!"

Napayuko si Anika at humagulgol ng iyak.

"KUYA WALA KANG KARAPATAN NA MURAHIN ANG ASAWA KO."

"DAMN! BULAG KA BA? HINDI KO MAGAGAWA 'YON."

"BAKIT HINDI KUYA? DATI PA NAMAN AY AYAW MO NA KAY ANIKA. SANA SINABI MO NA LANG KUNG AYAW MO KAMING PATIRAHIN SA BAHAY MO KUNG PAPATAYIN MO LANG DIN NAMAN SI ANIKA."

"TANGNA! HINDI NGA AKO IYON!"

Masama ang titigan ng magkapatid sa isa't isa. Kumawala si Rolly kay Ryker at niyakap si Anika bago bumaling kay Ryker.

"General, alam kung kaibigan mo si Kuya pero gumawa siya ng kasalanan at kailangan niya itong pagbayaran."

Madilim at walang emosyon ang mukha ni Ryker. Tumango siya sa sinabi ni Rolly bago bumaling kay Arnold. "Magkaconduct kami ng investigation tungkol dito. Sa ngayon Arnold sa Interrogation room ka muna."

Tumango si Arnold bago bumaling kay Anika at Rolly. "Lalabas din ang katotohanan na mali ang mga ibinibintang ng babaeng 'yan sa'kin."

Naunang lumabas si Arnold bago siya sundan ni Ryker. Napabuntong hininga ako bago lumabas ng clinic. Nakakagutom ang eksenang 'yon kaya ang mabuti pa ay kumain na muna ako.