Chapter 27

RYKER LUIS MONTEREALEZ

Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan agad kong dinayal ang numero ni Rolly. Kailangan ko siyang makausap dahil may bagay akong gustong kunprimahin.

"General?"

"Nandiyan rin ba sa Hospital si Kaito?"

"Opo General dinala ko siya dito kanina. Bakit ho?"

"I just want to talk him about something..."

"Tungkol po ba ito sa nangyare?"

Huiminga ako ng malalim bago sumagot. "Yes!"

"General, ayoko sanang idamay ang anak ko dito. Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin siya. Natrauma siya sa hindi ko malamang dahilan marahil ay nasaksihan niya kung paano nabaril si Anika."

"Iyon na nga ang iniisip ko. Kailangan ko siyang makausap para malaman talaga natin ang totoong nangyare kung nakita man ng anak mo. Ayaw mo bang malaman ang totoong nangyare? Naniniwala ka ba talaga na si Arnold ang bumaril kay Anika? Kapatid mo siya kaya ikaw makakapagsabi kung ano ba talaga ang kaya at hindi kayang gawin ng kapatid mo."

Natahimik siya sa kabilang linya kalauna'y nagsalita din. "H-hindi niya kayang gawin 'yon p-pero si Anika. Mahal ko siya at nagtitiwala ako sa kanya, mabuti siyang babae pero hindi ko alam kung bakit magkaaway silang dalawa ni Arnold."

"Natanong mo ba sila?"

"Ayaw nilang magsabi."

Napabuntong hininga ako. "Sige papunta na ako diyan."

"Sige po, General."

Marahil hindi makapag-isip si Rolly ng matino. Sino nga naman ang makakapag-isip ng matino kung sa pagitan ng kapatid mo at ng babaeng mahal mo ang labanan. Kahit ako hindi ko alam ang pipiliin lalo't kung alam mo at parehas mong kilala ang dalawa. Siguro'y bulag lang tayo sa katotohanan kaya pinipilit natin ang mga sarili na paniwalaan ang hindi tama para mapagtakpan ang kamalian sa maling desisyon na ating ginawa.

Minaobra ko ang sasakyan papunta sa Hospital kung nasaan si Anika. Nasa kalagitnaan ako ng byahe ng tumunog ang cellphone ko. Ikinabit ko ang wireless earphone sa tenga ko.

"Ryker!"

Nagsalubong ang kilay ko ng marinig si Mommy na umiiyak. "Mom? What happened?"

"Anak! Pumunta ka dito sa ****** hospital. Naaksidente si Zseto."

I was stunned in my seat. My breathing quickened as my heart started beating fast.

I'm afraid something bad will happen to Zseto. I can't afford to lose him, not him.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan, mabuti na lamang ay parehas ang hospital na pinagdalhan kay Zseto at Anika. Halos takbuhin ko na ang lakad na ginagawa ko. Ang sabi ni Mommy ay maayos na ang kalagayan ni Zseto pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Muntikan na daw masagasaan si Zseto mabuti na lang at may taong sumagip sa kanya, gayon pa man mayroon siyang natamo na mga sugat at dahil nag-aalala sila Mommy dinala pa rin nila si Zseto sa Hospital.

Nang makarating ako sa private room ni Zseto agad kong binuksan ang pinto. Napalibot ang tingin ko sa mga taong nasa loob; si Mommy, Daddy, at si yaya Celia na tatlong buwan na lang ay manganganak na.

"Daddy!" Napabaling ako sa nakangiting si Zseto.

"Big boy." Lumapit ako sa pwesto niya at umupo sa kama. Nakahiga siya pero naupo na rin pagkalapit ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Agad kong chineck ang mga galos niya. Nandilim ang mukha ko ng makakita ng tatlong galos sa binti at isang galos sa siko.

"Maayos na maayos na po ako Daddy."

Napakunot ang noo ko dahil may kakaiba sa kanya. Nagniningning ang mga mata niya, talagang sayang saya siya.

Masaya ba siya kasi muntik na siyang masagasaan?

"It seems that you're happy. why is that?" Nagtataka kong tanong.

"I am, daddy!" Masiglang niyang sabi. "Pangalawa po sa lahat ay dahil nandito kayo."

Nagsalubong ang kilay ko. "Pangalawa? Er? Ang una?"

Nabigla ako ng biglaan niya akong yakapin kalauna'y tumunghay at tumitig sa mga mata ko. Napabukas-sara ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko mahinuha ang dapat na isasagot sa kanya. Tuluyang nanuyo ang lalamunan ko. Parang kinakapos ako sa paghinga sa mga bagay na ikinukwento niya sa akin ngayon.

"Kasi ang first po Daddy ay dahil kay Mommy ko. Niligtas niya po ako Daddy. Sa wakas nakita ko na po si Mommy, Daddy tapos alam niyo po ba sabi niya babalikan niya po ako dito. Inaantay ko nga po siya eh! Ang tagal ni Mommy ko. Daddy di ba makakasama na natin si Mommy ko?"

Lutang ang sarili na napabaling kay Mommy at Daddy ang tingin ko. Nang makitang sa kanila ako nakatingin, tumikhim sila at nataranta.

"A-ah? Honey, bumili muna tayo ng pagkain."

Tumukhim ulit si Daddy bago ibaling ang tingin kay Mommy at sagutin. "Sige, Honey."

Tahimik na lumabas sina Mommy at Daddy, kaya napabaling ako kay yaya Celia. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang sa kanya na ako nakatingin.

"N-naku S-señorito k-kuha pa pala ako ng gamit ni Zseto sa mansyon. Maiwan ko muna kayo."

Napabuntong hininga ako ng taranta siyang lumabas ng pinto.

May hinala ako pero ayoko namang mag-asume kung tama ba ang hinala ko.

"DADDY!" Napabaling ako kay Zseto na ngayon ay nakapout na.

"W-what?" Takhang tanong ko.

"Sabi ko Daddy makakasama na ba natin si Mommy sa bahay?"

"S-sinong Mommy ba 'yan?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Edi sino pa Daddy, edi si Mommy ko nga."

"Sinong nga ba kasing Mommy 'yan?"

Nalukot ang mukha niya at napakamot sa ulo. "Daddy! Sino pa ba ang Mommy ko? Isa lang naman po ang Mommy ko, syempre po 'yung Mommy ko 'yung asawa niyo."

Nanlaki ang mga mata ko sa kunpirmasyon.

Nandito siya? Nagkita sila?

"Si Zarie?"

Tumango tango siya at lumawak ang pagkakangiti. "Ang ganda ganda pala ni Mommy sa personal Daddy ko. Tapos alam mo ba Daddy natutuwa talaga ako kasi niligtas niya ako tapos niyakap at ni kiss niya pa ako."

Napangiti ako sa kanya. "Ginawa niya 'yon?"

"Opo Daddy! Tapos sabi niya babalik daw po siya dito."

Niyakap ko si Zseto. "Big boy, anong oras daw siya babalik?"

Tumunghay siya sa akin at napalabi. Bahagyang nalungkot ang mukha niya pero saglit lang dahil ngumiti ulit siya sa akin. Nagdilim ang mukha ko at napatiim bagang.

"Wala po siyang sinabi Daddy pero sabi niya babalik daw po siya at naniniwala po ako sa kanya Daddy kasi di ba nga po Mommy ko siya?"

Tumango ako sa kanya bago yakapin siya ng mahigpit.

Damn! Subukan mo lang hindi tuparin ang pangako mo sa anak ko, malilintikan ka sa akin.

Binitawan ko si Zseto bago guluhin ang buhok niya. "Big boy, pwede ba kitang iwan saglit? Babalik din agad ako. Baka parating na rin sila Grandma at Grandpa mo. Mabilis lang ako at babalik din agad."

Tumango siya sa akin at ngumiti. "Sige po Daddy aantayin po kita, baka dumating na rin si Mommy ko, bilisan mo Daddy ah?"

Ngumisi ako sa kanya bago tumango. "Sure, Big boy."

Mabilis kong nilisan ang kwarto ni Zseto at pumunta sa kwarto kung nasaan si Anika. Nang makarating ako ay agad akong kumatok ng tatlong beses bago pihitin ang seradora pero ganon na lamang ang pagtataka ko ng nakalock ito.

Fuck! Ba't na kalock ito?

Pinilit ko itong buksan pero ayaw talaga kaya kinalampag ko na ng katok. Ilang minuto ang nakalipas pero wala pa ring nagbubukas kaya inihanda ko na sanang gawin ang technique na alam ko 'ang bukas pinto trick' ng may pumihit mula sa loob. Dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahan. Napatiim bagang ako, nalukot ang mukha ko. Napatitig ako sa mukha niyang may bakas ng pagkagulat.

Damn! What the fuck is she doing here?