Chapter 19
HARIETH ZARIE FEDENCIO
"I-ikaw?" Bakas sa mukha ko ang gulat.
Ngumiti s'ya sa akin. "Bunso!"
"K-kuya? Bakit? Ano? Sabi nila - 'yung mga police."
Humalakhak s'ya kaya lalong nagsalubong ang aking mga kilay.
Lumapit s'ya sa akin at kinuha ang dalawa kong kamay. Bago tanggalin ang lock sa mga posas dito.
"Baliw talaga ang mga 'yun. Ang sabi ni Ryker gumawa ng paraan para mapapunta ka dito. Hindi niya sinabing takutin ka."
"Kuya? Paano napunta ang susi sa'yo? Saka nasaan na sila?" Palinga linga ako para hanapin ang mga Police kanina pero wala na sila. "Saka ano bang nangyayare?"
Nagdilim ang mukha ni kuya nang makita ang pasang naidulot ng posas. "Shit! Yare talaga sa akin si Arnold- sa ginawa niyang ito sa'yo."
Napanguso ako. Tama kasalanan nila. Natakot ako ng sobra kanina.
Napabuntong hininga ito. "Una, nasalubong ko si Arnold at ibinigay sa akin ang susi. Pangalawa, nasa venue na sila." Huh? Venue? "Pangatlo, halika na dahil parang mamamatay na si Ryker sa kaba dahil wala ka pa." Tumawa siya ng malakas kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Nasaan ba siya?"
Inakbayan n'ya ako papunta sa dalawang Zest-O statueng nagsilbing parang isang daanan sa kung saan.
"Malalaman mo rin, bunso. Masayang masaya ako para sa'yo bunso."
Huh?
Napahinto ako kaya napahinto rin si kuya ng makarating kami sa bukana. Gulat dahil sa mga nakaset-up. May nakalatag na pulang carpet sa color pink sand.
Paano naging kulay pink ang lupa? Ngayon lamang ako nakakita ng pink na lupa sa mga beach. Pale cream, caramel at golden sand palang ang mga nakita kong lupa sa mga beaches.
Napalunok ako ng lahat ng tao ay nakangiting nakatingin sa akin. Kaliwat kanan ang mga upuan, bawat upuan ay may naka-upo. Sa mga unahan nito ay ang pamilyang Monterealez; sina Mommy, daddy, ang apat na anak na lalaki na kasama rin ang mga asawa nilang malaki na ang umbok sa tiyan. Napabaling ako sa pinakasentro. Napaawang ang labi ko ng makakita ng Pari at maging si Ryker ay nandoon din habang malapad ang pagkakangiti nito.
"K-kuya? H'wag mo sabihing ikakasal na ako?" Tanong ko kay kuya kenie pero ang tingin ko ay daretso lamang kay Ryker.
"Sige hindi ko sasabihin, bunso."
Napahawak ako sa braso ni kuya Kenie at napaantras ng dalawang beses. Mangiyak-ngiyak akong umiling. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga taong nakaupo at ang pagbubulungan nila habang si Ryker ay madilim ang mukha at nakatiim bagang sa reaksyon kong pag-antras.
Napabaling ako kay kuya Kenie at napapailing, napamaang si kuya kenie sa reaksyon ko.
"Bun-"
"Kuya Kenie naman eh!"
Ayokong magpakasal ng ganito!
Malakas ang bulungan ng mga bisita kaya naririnig pa namin.
"Ayaw n'ya bang magpakasal?"
"Naku lagot na, gulo 'to."
"Ang bata pa pala ng mapapangasawa ni Ryker."
"Mukhang ayaw naman magpakasal."
"Tumahimik kayo. Si General papalapit na."
Napatingin kami ni kuya Kenie kay Ryker na naglalakad papunta sa amin. Daretso ang tingin nito sa akin. Masamang tingin ang kanyang iginagawad. Madilim ang mukha at nagtatangis ang mga bagang. Napaantras ulit ako ng isa kaya lalong nagalit ang mukha nito.
"Zarie!" Madiing tawag n'ya ng nasa harapan na namin s'ya.
Napakagat ako ng labi at nangilid ang mga luha.
"Baby-"
Hinampas ko ito sa tiyan na s'yang ikinasinghap ng lahat. "NAKAKAINIS KA!" akusa ko dito.
Pinalubo nito ang pisngi bago nanunuyang nagsalita. "So what kung ayaw mong magpakasal sa akin? Bubuhatin at kakaladkarin kita papunta sa harap para lang makapagsabi ka ng 'I do'." Madiin nitong sabi.
Hinampas ko ulit ito sa dibdib. "HINDI IYON!" napaawang ang labi nito. "NAKAKAINIS KA! HINDI MO SINABING IKAKASAL NA TAYO!" napaiyak ako at inilahad ang kamay mula ulo hanggang paa. "KAGIGISING KO LANG NG DUMATING ANG MGA TAUHAN MO KAYA NAKAPAJAMA PA AKO. ANO? IKAKASAL AKONG NAKAPANGTULOG PA?"
Napatawa ang lahat ng mga tao sa sinabi ko maliban kay Ryker na nalaglag ang panga sa akin.
"B-baby love."
"NAKAKAINIS KA TALAGA NAPAHIYA AKO SA SUOT KO!"
Napatawa ito at napakamot sa batok. "Sorry na baby love, babawi ako sa susunod na kasal natin sa simbahan."
Napatitig ako sa kanya. "T-totoo?"
Ngumiti s'ya bago ako bigyan ng halik sa labi. "Opo."
Naghiyawan ng malakas ang mga taong saksi sa magiging pag-iisang dibdib namin.
"Sige na! Sige na!" Pagtutulak ni kuya Kenie kay Ryker. "Bumalik ka na doon at kami'y lalakad na."
Tumango si Ryker at patakbong bumalik sa tabi ni Father.
Inalalayan ako ni Kuya Kenie hanggang sa makarating kami sa tapat ni Ryker.
"Ingatan mo ang kapatid ko kundi itatakas ko ulit s'ya sa'yo." Pananakot ni kuya bago ibigay kay Ryker ang kamay ko.
Ngumisi si Ryker. "Kung magawa mong mailayo s'ya sa akin."
Napailing si kuya bago ngumiti at tinapik sa balikat si Ryker.
Iginaya ako ni Ryker sa harapan ni Father. Masaya ang lahat sa magiging kasalan namin. Humiyaw ang mga ito ng parehas kaming mag-I do ni Ryker. Nang mapadako ang seremonya sa pagsusuot ng singsing. Kinuha ni Ryker ang singsing naisusuot sa akin bago kunin ang kamay ko.
"I promi - FUCKING HELL!" madilim ang mukha nito. Napasinghap kami sa ginawang pagsigaw at pagmumura ni Ryker. Masama ang tingin nito sa kamay ko kaya wala sa sariling napatingin din ako. Napalunok ako sa kamay kong ngayon ay kitang kita ang pasa sa maputi kong balat dahil sa posas kanina.
Bumaling si Ryker kay Arnold. "ARNOLD! WHAT DID YOU DO TO HER? BUWISET KA TALAGANG MADALDAL KA."
Napatawa ako ng magtago sa ilalim ng upuan si Arnold, napabaling pa ako kay Father na nakangiwi kay Ryker dahil sa pagmumura nito.
Kinurot ko si Ryker sa tagiliran kaya napadaing ito. Napanguso ako at iwinagayway ang kamay ko. "Sige na Ryker isuot mo na ang singsing para tuloy na ang kasal."
Napabuntong hininga ito, bago sinamaan ulit ng tingin si Arnold at humarap ulit sa akin ng nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya bago tumango.
"I promise baby love na ikaw at ikaw lang ang nag-iisang babae na mamahalin ko hanggang sa kamatayan. Aalagaan at mamahalin ko kayo ng mga magiging anak natin. Itong singsing ang tanda ng pag-ibig at katapatan ko sa'yo na walang hangganan."
Ngumiti ako sa kanya bago kunin ang singsing at isuot sa kanya. "First, thank you sa pagdating sa buhay ko, namin ni kuya Kenie. This ring is a sign na habang buhay hanggang kamatayan, ikaw at ikaw lang din ang mamahalin ko. Kayo ng magiging mga anak natin. I love you, so much."
"I love you more, baby love."
"I now pronounce you husband and wife," said the priest. "You may kiss the bride."
Dinama ko ang isang malalim na halik na ginawa ni Ryker. Malakas na nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin.
Finally! Tapos na ang kasal namin. Makakainom na ako ng Zest-O.
Napanguso ako. Bakit ba? Nauuhaw na kami ng baby ko sa tummy.