Chapter 20

HARIETH ZARIE FEDENCIO

Limang buwan ang lumipas mula ng ikasal kami ni Ryker. Magpipitong buwan na ang tiyan ko. Sa loob ng limang buwan ng pagiging mag-asawa namin ay masasabi kong masaya talaga ako pero may mga araw na hindi, tulad na lamang ngayon.

Naiirita ako sa kanya!

Pilit akong nakikipag-agawan ng kamay ko kay Ryker. Ayokong pumasok sa building na 'yan! Natatakot ako!

"Fuck! Baby love, umayos ka! baka kung mapaano ang baby natin."

"EH, SA AYOKO NGANG PUMASOK DIYAN EH!"

Nangilid ang mga luha ko. Ayoko nga!

Napabuntong hini ga siya sa inasal ko. Hinimas niya ang buhok ko bago marahan akong niyakap.

"Don't cry, baby love. Need natin magpacheck sa doctor. Ayaw mo naman sigurong may mangyareng masama sa baby natin di ba?"

Umuling ako sa kanya kaya tumunghay siya sa akin at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. "Please? Baby love?"

Humikbi ako. "P-pero n-natatakot ako."

"Damn! H'wag mong papakinggan sina Mommy at Daddy, ayan tuloy na pepressure ka."

"Pero kas-"

"Baby love, ok lang naman kahit anong gender ng baby natin. Ang mahalaga ay malusog siya di ba?"

Napanguso ako bago tumango. "Bakit kasi wala sa lahi niyo ang babae? Napepressure tuloy ako na sana ay babae ang anak natin, since babae ang gusto nila."

Tama 'yon. Ang gusto nila ay babaeng Apo. Although sinabi naman nilang ok lang din ang Apo na lalaki, pero nakakapressure din kasi na pinapanalangin nila na babae dapat ang magiging Anak ko.

"Don't mind them baby love."

Tumango ako sa kanya bago ngumiti. "Sorry kung palagi akong sakit ng ulo mo saka kung palagi akong moody lalo na ngayon na kaunting bagay lang ay iiyak na ako."

Marahan niyang pinisil ang pisngi ko bago ako binigyan ng mabilis na halik sa labi.

"It's ok baby love, naiintindihan ko naman na ganyan talaga ang buntis, madaling mairita."

"Salamat, Ryker."

Nalukot ang mukha niya na siyang ikinatawa ko ng malakas.

"Ryker, my ass."

He doesn't want to be called by Ryker. He wants me to call him as his baby love too.

"Ok! Ok! Baby love."

Ngumisi siya sa akin bago ako halikan ulit ng mabilis sa labi. Napanguso ako sa kanya.

Nakakarami na 'to ah!

"Let's go baby love, baka naghihintay na si Doktora." Tumango ako sa kanya.

Hinawakan niya ng mariin ang kamay ko pero hindi ganon kahigpit para masaktan ako. Dahan dahan kami kung maglakad dahil nag-iingat daw siya na hindi kami mapahamak ni baby, lalo't medyo may kalakihan na ang tiyan ko.

"Good Morning, Doktora Anna!" Masayang bati ko sa medyo may katandaan na babae. Ngumiti siya sa pagkakita sa amin ni Ryker.

"Good Morning, Mr. and Mrs. Monterealez." Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay. "Ready ka na bang malaman ang gender ng baby mo hija?"

"O-opo, Doktora."

May ibinigay ito sa aking lab gown na sinusuot ng mga buntis. Nang maisuot ko na ito, agad akong inalalayan ni Doktora at ni Ryler na mahiga. Nilagyan ng Doktora ang tiyan ko ng parang isang gel, tapos may itinutok ito sa tiyan ko, pagkatapos no'n ay nakarinig kami ng tunog mula sa monitor.

"Tignan niyo po Mr. and Mrs. Monterealez, ayan po ang baby niyo." Ipinakita niya sa amin kung nasaan ang baby namin.

Nangilid ang mga luha ko.

Ang baby ko!

"Congratulations, Lalaki po ang gender ng baby niyo."

Napangiti ako, akala ko madidismaya ako kapag nalaman kong lalake ang anak ko pero kabaligtaran ang nangyare. Imbis na malungkot sobrang saya ang nararamdaman ko ng makita sa Monitor ang baby ko. Napatingin ako kay Ryker ng hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin bago tumango kaya ngumiti din ako sa kanya.

Nang matapos ang check-up at nakapagbihis na ako, nagpaalam na kami kay Doktora.

"Marami pong salamat Doktora."

"You're welcome, ilang buwan na lang at manganganak ka na kaya dapat, healthy foods lang ang kakainin, mag-iingat ka."

Tumango kami ni Ryker sa kanya bago lumabas.

"Ryker,"

"Baby love, hindi importante ang gender."

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi naman 'yon eh!"

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

Napanguso ako sa kanya. "Paano ang mana mo? Lalaki ang baby natin. Wala kang Mana na makukuha, kay baby na ibibigay ang Mana na dapat sa'yo."

Tumawa siya ng malakas. "Ok lang baby love, hahahaha hindi naman mana ang habol ko and beside may pera ako. Kaya kong buhayin kayo without their helping money."

"Hindi ba sila madidissapoint sa baby natin?"

Nalukot ang mukha niya. "Bakit sila madidissapoint? Damn baby love!"

Nanlaki ang mga mata ko. Mali ata ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

"Ayaw mo ba sa baby natin?" Nagdilim ang mukha niya, nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"HINDI AH! MAHAL NA MAHAL KO KAYA 'TO."

Nagbago ang itsura niya, mula sa kaninang mabangis na pagmumukha ngayon ay malamlam na.

"Really?"

I bit my lower lip and quickly kissed him in the lips.

"Syempre naman, baby kaya natin ito."

Niyakap niya ako. "Kaya mahal na mahal kita eh!"

"Sus nambola ka pa." Napahalakhak ako sa kanya.

"Ikaw lang naman ang binobola ko." Tumawa siya ng malakas, walang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

Hinampas ko siya ng malakas sa dibdib, sabay kaming napadaing sa sakit.

Grabe ang tigas talaga ng dibdib ng isang 'to. Para tuloy gusto kong makita ang abs niya.

Namula ang magkabilaang pisngi ko ng maalala ang hubad na katawan niya.

Tumikhim si Ryker at bahagyang sinundot ang tagiliran ko kaya napaintad ako. "Oy! Si baby love, namumula naaalala siguro ang kababalaghang ginagawa natin?"

Nagsiakyatan ata lahat ng dugo ko sa mukha, sobrang pula na siguro nito. Namawis ako sa pang-aasar niya.

Kainis! Guilty ako kasi totoo!

"C-che!"

Tinalikuran ko siya at nagsimulang iwan siya doon na parang baliw sa kakatawa.

Kakainis siya!

Napaintad ako ng akbayan niya ako. "Ang baby love ko hindi na mabiro."

Tiningala ko siya dahil sa matangkad siya sa akin. Dinilaan ko siya kaya lalo siyang tumawa.

"Damn baby love, you always making me happy."

"Yeah right! You always making fun of me."

Lalo siyang tumawa kaya napasimangot ako sa kanya.

Buo na naman ang araw niya sa pang-aasar sa akin, samantalang ako ay sira na naman dahil sa pagkabanas sa kanya.