Chapter 19
HARIETH ZARIE FEDENCIO
Nagsalubong ang kilay ko nang makarinig ng mga kalabog mula sa Living room. Nagmadali akong pumunta doon pero laking gulat ko nang bumungad sa akin ang napakaraming sundalo't police.
"Nandito ka lang pala!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita mula sa likuran ko.
Humarap ako sa taong iyon. Umuwang ang labi nang makilala siya. Siya iyong lalaking lumapit sa akin dati!
"A-anong kailangan niyo?" Nahintatakutan ako nang palibutan nila ako. Ngumisi ang lalaking nasa harapan ko at sumaludo.
"Hi! I'm Police Major General, Arnold Reyvien Alcante. Napag-utusan po kami na hulihin kayo sa salang pakikipagsabwatan kay Kenie Fedencio sa salang pagnanakaw. You have the right to remain silent. Any statement you make may be used for or against you in any court of law. Ikaw ay WALANG KARAPATAN na kumuha ng sarili mong abogado kaya wala kang magagawa at habang buhay na makukulong."
Napabuka ang bibig ko, nakatulala sa lalaking malaki ang ngisi na nasa harapan ko. Nilukob ako ng takot nang umabante siya papunta sa akin. Wala sa sariling napaantras ako na siang ikinahinto nito.
"A-ano bang s-sinasabi mo?"
Napakamot siya sa ulo. "Miss Zarie sumama na lang po kayo ng matiwasay sa amin."
Napaantras ulit ako. "H-hindi ako sasama sa inyo." Nanginginig ang mga tuhod ko at tila babagsak na.
"Miss Zarie, sumama na lang po kayo. Gusto niyo bang mabugbog si kenie? Kapag hindi ka sumama mapapahamak siya!"
Napahikbi ako. "N-nakaw? Hindi magnanakaw ang kuya ko! Bawiin mo iyan!"
Bigla siyang nataranta. Kumunot ang noo ko. Narinig ko pa ang balisa niyang sinabi.
"Shit! Patay ako nito kay General..."
Natigilan ako nang maalala si Ryker at nagkalakas ng loob.
"K-kakausapin ko si Ryker. T-tatawagan ko siya...."
Ginulo nito ang buhok. "Haist! Miss Zarie, si General nga po ang nagpapahuli sa'yo. Sumama na lang po kayo para hindi masaktan si kenie."
Si Ryker ang nagpapahuli sa akin? Sa amin?
Hindi! Hindi totoo 'yan!
"Miss Zarie, halika na po. Sayang ang oras, mapapagalitan ako ni General."
Nang lumapit siya sa akin ay saka naman ang pagtulak ko sa kanya. Nawalan siya ng balanse at napaupo. Sinamantala ko ito kaya tumakbo ako palabas. Narinig ko pa ang sigaw niya sa akin.
"MISS ZARIE! H'WAG KA PONG TUMAKBO BAKA MAPAANO KA!"
Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagmadali akong makalabas. Malakas na malakas ang kabog sa dibdib ko.
"SHIT! HABULIN NIYO SIYA! SIGURADUHIN NIYONG WALANG GALOS IYAN KUNDI MAPAPATAY TAYO NI GENERAL!."
Napasinghap ako nang mabuksan ko ang main door. Napaawang ang labi ko at nanlambot ang katawan. Napatingin sa akin ang batalyong mga Police. Nagkalat sila sa buong paligid. Habol ko ang aking hiningi.
Napapitlag ako ng may humawak sa mga kamay ko at pinusasan ito. Napahagulgol ako ng iyak.
"PAKAWALAN MO AKO! WALA AKONG KASALAN! PAKIUSAP, BITAWAN MO AKO."
Hindi ko alam kung bakit nawala ang mga tao dito sa masyon, maging si Celia ay wala din. Tanging mga sundalo't police lamang ang nabugaran ko.
"Miss Zarie halika na po, please."
"Ayoko! Bitawan mo'ko." Pilit kong tinatanggal ang posas na nasa kamay ko. Wala akong pakialam kung masakit na ang mga ito.
"Halika na po."
May pumaradang puting kotse sa harap nila at pilit s'yang isinakay kaya wala s'yang nagawa ng makapasok na dito.
Si Ryker ba talaga ang may gawa nito? Hindi ako naniniwala. May tiwala ako sa kanya na hindi n'ya ito magagawa sa akin.
"Miss Zarie, h'wag na po kayong umiyak wala naman po kaming gagawin na masama sa inyo. Napag-utusan lang talaga kami."
Tumango lang ako sa kanya at panay ang hikbi.
"Sandali Jude! Iparada mo sa convenient store bibilhan ko lang ng pagkain si Miss Zarie."
Huminto ang kotse sa tapat nito. Nang makababa ang Major Arnold na nagpakilala kanina ay napatingin ako sa paligid. Ang dami palang kotse ng mga police ang nakasunod sa amin. Patingin tingin ako sa unahan at sa likuran kung nakatingin ba sila sa banda ko. Huminga ako ng malalim at yumuko habang walang ingay na binubuksan ang pinto ng backseat. Nang makalabas ako ay nakayuko't dahan-dahan akong pumunta sa gilid ng iskinita ng convenient store at ng makapasok ako doon ay laking tuwa ko. Napasandal ako sa dingding ng hindi ako nakita.
"MGA BALIW! NAWAWALA SI MISS ZARIE! HANAPIN N'YO. MABUBUGBOG TAYO SA GINAGAWA N'YO. NAPAKARAMI N'YO HINDI NYO PA MABANTAYAN."
Kinabahan ako ng sumigaw si Major Arnold.
Napapikit pa ako ng mariin para hindi makita at ng buksan ko ang mga mata ko napasigaw pa ako sa gulat na tumambad sa harapan ko ang nagngangalang Jude na driver kanina.
Hinihingal itong nakangiwi. "M-miss Zarie, halika na po."
Napayuko ako sa nagbabadyang pag-iyak. Mangiyak-ngiyak akong napatango habang walang patid ang pagtulo ng mga luha.
Hindi ko pinansin ang ibinigay na pagkain ni Major Arnold. Walang kibuan ang nangyare sa buong byahe. Napatingin pa ako sa unahan ng makita ang malaking karatulang may nakalagay sa tuktok ng bakal na ito na WELCOME TO MONTEREALEZ WEST HACIENDA.
Nang makababa sa sasakyan ay namangha ako sa ganda ng paligid. Sa gilid ng dagat ay may malaking Mansyon. Namilog ang mga mata ko ng may makita na malaking statue ng Zest-O sa entrance ng mansyon.
S-seriouly?
Statue of Zest-O?
Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong malaking statue ng Zest-O, take note! Hindi lang isa kundi 20 statue of Zest-O.
Papaanong nagkastatue ang Zest-O?
Shock pa rin ako hanggang sa may tumikhim mula sa likuran ko. Napamaang ako ng makita kung sino ang taong ito.
"I-ikaw?" Tigalgal na tanong ko.