Chapter 7

“What are you doing here, huh? Ms. Morales?”

Agad naman naibaling ni Rian ang kanyang tingin sa mukha ng kanyang guro. Hindi naman siya makagalaw at napapamura na lamang sa kanyang isip.

“Ayan kasi! Napaka-tsismosa mo. Ba’t kasi hindi ka pa umuwi eh.” Aniya sa kanyang isip.

Maya-maya ay may sumulpot naman na isang babae kaya naman ay mas lalong nagulat si Rian ng mapagtantong ito ang babae na kausap ng binata ngayon-ngayon lang.

“Who is she?” Tanong nito at nakataas ang kilag na tinitigan si Rian.

Napalunok naman si Rian ng makita ang titig nito sa kanya kaya naman ay agad-agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Pakiramdam niya ay tumatagos hanggang kaluluwa ang mga titig nito.

“S-Sorry po. Hindi ko sinasa---”

“Yeah, Yeah so go now. Your eves dropping on our conversation.”

“Huh?” Gulat na tanong ni Rian dahil sa hindi inaasahang pagputol nito sa kanyang sasabihin.

“Can you not hear me? I said go now, because your---”

“Stop!” Madiing saad ni Alec dahilan upang mapatingin sa kanya ang dalawa.

Tumingin naman sa kanya si Alec at nagsalita. “Go home, now. Ako na ang bahala dito.” Saad ni Alec sa kanya.

Wala na rin naman na nagawa si Rian kundi ang sundin ang sinabi nito at saka nilagpasan ang dalawa. Habang papalayo ay naririnig niya ang sigawan nila.

Napasampal na lamang si Rian sa kanyang noo ang mga nangyari. “Hayst, Rian. Kahit kailan talaga. Lagi ka na lang nadadamay sa gulo. Hayst.” Saad na lamang ni Rian saka tuluyan na lumabas ng eskwelahan.

•*•*•*•

“Alec! Sagutin mo nga ako. Sino ba ang babaeng iyon? Siya ba? Siya ba ang pinagpalit mo sakin?” Tanong ni Trixie habang nakasunod sa kanya.

Napatigil naman si Alec ng marinig ang tanong nito kaya naman ay humarap siya sa dalaga ay nagsalita.

“Pwede ba, Trixie. Stop bothering me. Wala na tayo okay? Ilang beses ko bang kailangan ulit-ulitin ito sayo?” Saad ni Alec at tuluyan ng iniwan ang dalaga. Hindi na niya ito nilingon pa kahit na naririnig pa niya ang mga tawag nito.

Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng Faculty Room ay napasandal na lamang sa couch si Alec sabay hawak sa kanyang sentido. Sumakit ang ulo niya dahil sa nangyari ngayon.

The girl she had a conversation with is her ex-girlfriend. Ilang araw na siya nitong sinusundan dahil gusto nitong makipag-balikan sa kanya. But, he’s not. Wala siyang balak balikan pa ang dalaga dahil sa mga nalaman niya tungkol dito.

Ilang beses na pala siya nitong niloloko na patago. Kaya ng mahuli niya ito sa akto ay nakipag-hiwalay na agad siya dito.

Balak pa sana niya itong pakasalan dahil sa gusto niya ang dalaga at dahil na rin sa mahigit dalawang taon nilang pagsasama na ipinag-papasalamat niya na hindi natuloy. Kaya naman ay ito ay nangungulit sa kanya na makipag-balikan ulit sa kanya.

He already move on. Kaya naman ay naiinis na rin siya dito. Akala niya nung una ay tutulong lang ito sa school program nila dahil isa ito sa mga VIP guest dahil sa pag-sponsor sa school nila. Ngunit sa ilang araw lang nilang pagsasama ay kinukulit na siya nito.

Napabuntong hininga na lamang ulit si Alec sa mga nangyari. Hindi niya naman mapigilan ang alalahanin ang dalaga na si Rian lalo na sa mga narinig nito kanina.

“Hayst. What a day.” Saad na lamang ni Alec at ibinalik ang sarili sa pagkaka-sandal.

“I need to talk to her tomorrow, baka ay iba ang isipin nun.”

•*•*•*•

“Thank you, Please come again.” Saad ni Rian sabay yuko.

Pang-apat na araw ngayon ng school fair nila at balik na muli siya ngayon sa pagiging isang maid ng booth camp ng section nila.

Nandito siya na-assign sa counter at mahigit dalawang oras na rin siya dito. Dapat ay hindi na muna siya papasok ngayong araw dahil nahihiya siyang harapin ang binata dahil sa nangyari kahapon.

Ngunit napagtanto niya na bakit siya mahihiya sa mga ito gayong wala naman siyang kasalanan. At hindi rin niya kasalanan na aksidente niyang narinig ang mga pinaguusapan nila.

“Hello? Hello, Rian? Ayos ka lang ba?”

“Ahh. S-Sorry. Pasensya na.” Saad ni Rian sa kasama niya magbantay dito sa counter.

“Gusto mo paghinga ka muna? Kanina ka pa dito, at may laro pa kayo mamaya.” Tugon nito na may halong pag-alala.

“Huh? Hindi na. Ayo---”

“Sige na. Magpahinga ka na muna. Kaya ko na naman na dito.” Aniya muli nito at ngumiti.

Hindi na makatanggi si Rian at ngumiti na lamang dito. Nagpalit muna siya ng damit at saka lumabas ng silid.

Nang makalabas ay nakita niya agad ang mga bising estudyante ng kabilang strand. Napangiti naman siya agad ng makita niya ang ibat-ibat booth camp ng ilang strand.

“Hmm. Maybe I do need this.” Saad niya sa isip at naglibot-libot pa.

Nagtagal rin siya sa paglilibot ng isang oras at na-enjoy naman niya lahat. Marami ring mga palaro ang ibat-ibat grade level na tema nila. At ngayon lamang ulit naramdaman ni Rian ang magsaya.

At dahil na rin sa pagod sa paglilibot ay umupo na muna sa isang bench si Rian. Napapikit na lamang ito habang sinasariwa ang hangin.

“Hey.” Rinig ni Rian sa di-kalayuan. Ngunit hindi naman niya ito pinansin

Ngunit ilang saglit lang ay may dumampi naman sa kanyang pisngi ng malamig na bagay dahilan upang siya’y magulat at mapabukas ng mata.

“Ay ina’y ko po!”

Saktong pagmulat niya ng mata ay nakatayo na sa harapan niya ang kanyang guro na si Alec.

“Bakit ba palagi ka na lang nagugulat?” Tanong ni Alec sa dalaga at saka tumabi dito ng upo.

“Eh paano naman kasi ako hindi magugulat kung parang kang multo na susulpot na lang. Ay na’ko, hindi pa’ko nagkak---”

“I’m sorry.”

Naputol naman ni Rian ang kanyang sasabihin ng marinig ang sinabi ng binata. Napatingin naman siya dito hanggang sa maalala niya ang nangyari kahapon.

“Yun bang nangyari kahapon?” Tanong ni Rian sa kanyang isip.

Napaayos naman ng upo si Rian at itinuon ang tingin sa harapan niya. “Ahh, iyon ba. Na’ko wala iyon. At saka kasalanan ko rin naman eh.”

“Talaga ba, Rian? Wala lang sa’yo? Or…” Ipinilig na lamang ni Rian ang kanyang ulo.

“Ahh ehh, Sino pala iyong kausap mo kahapon?” Hindi mapigilang itanong ni Rian sa binata.

Nilingon naman siya nito dahilan upang siya’y matigilan. “Iyan kasi. H’wag ka na nga lang magtanong, Rian.”

“Ahh ano… okay lang kung ayaw mo sagutin, hindi naman kita pipilitin. Hahaha. Sino ba na---”

“She’s Trixie. My ex-girlfriend. It’s been a week when we broke. Pero hindi ko alam na sinusundan pala ako nito. And it’s really annoying me that gives me a thought to punch her.”

Nagulat naman si Rian sa mga narinig lalo na ang marinig nito sa dulo na gusto ng suntukin ng binata ang babae. Magtatanong ulit sana siya ngunit napansin naman agad iyon ni Alec at ipinagpatuloy ang kwento.

“Well, she cheated on me. Many times. So, I decided to break up with her.” Pagtatapos ng binata sa kwento.

Napatango-tango na lamang si Rian sa mga nalaman niya. “Hmmp. Kaya naman pala eh. Bagay lang dito ang masuntok.”

“Well, yes. Pero hindi ako nanununtok ng babae.” Napakunot ng noo at napalingon naman si Rian kay Alec ng marinig ang sinabi nito.

“Paanong…Mind reader ba ito?” Tanong muli ni Rian sa kanyang isip.

“No, I’m not. Halata lang talaga sa mukha mo ang iniisip mo.”

Nang dahil sa sinabi nito ay hindi napigilang mapalayo ng pwesto ang dalaga.

“And, I’m sorry again.” Muling sambit nito at dumeretso ng tingin sa dalaga.

“Dapat ako iyong nagso-sorry kasi pwede ko namang h’wag pansinin iyon. Pero nak---Bakit? May problema ba?” Tanong ni Rian sa binata. Napansin kasi ng dalaga na nakatitig sa kanya ang binata.

At dahil doon ay hindi mapigilan ni Rian ang maginit ng kanyang mukha at saka iniwas dito ang tingin. Naramdaman na naman niya muli ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

“Hayst. Ayan ka na naman.” Bulong sa isip ng dalaga.

Si Alec naman ay napansin ang kaunting pamumula ng mga pisngi ng dalaga lalo na ang tenga nito na hindi rin maitatago sa pag-kapula.

“Cute.” Tanging saad ni Alec sa kanyang sarili dahilan upang hindi niya maiwasan na ngumiti.

“Ah. I need to go now. I’m late for the meeting.” Ani ni Alec atsaka tumayo.

“Huh? Ahh, sige sige.” Tugon ni Rian at saka tumayo na rin.

Bago umalis ang binata ay iniabot naman niya dito sa dalaga ang isang inumin. Kinuha naman ni Alec ang kamay ng dalaga at saka inilagay doon ang paboritong inumin ni Rian na banana milk.

“Here. It’s for you. It’s my apology, so yeah, please accept it.” Saad nito at umalis na sa harapan ng dalaga.

Hindi na magawang makapagsabi ni Rian ng “Salamat” dito dahil nakalayo na ito sa kanya.

Napangiti na lamang si Rian habang nakatingin sa kamay niya kung saan inilagay ng binata ang banana milk.

Kinuha naman nito ang straw at saka tinusok ito sa inumin.

Nangingiti namang ininom ng dalaga ang inumin at saka tumingin sa direksiyon kung saan dumaan ang binata.

“I guess…apology accepted.” Saad ng dalaga sa sarili at nangingiting inubos ang inumin.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Salamat po sa mga nagbabasa!