Chapter 8
“Okay, class. My announcement lang ako. At dahil two weeks ang ganap ng ating school celebration, nagkaroon ng meeting kahapon ang lahat ng mga teachers at ang iba ring mga guest.” Saad ng class adviser nila Rian.
Nandito sila lahat sa kanilang loob ng classroom dahil may mahalagang bagay daw na sasabihin ang kanilang guro. Hindi na muna sila nagbukas ng café nila at nagdesisyon na mamayang tanghali na lang magbukas.
“So sa meeting kahapon, ay napagusapan na magkakaroon ng beauty pageant ang school. So, mula junior to senior ay magkakaroon ng representative. Next week na ang start nito, kaya kung may naiisip kayong pwede nating maging representative ay magsabi lang kayo.” Dagdag nito at ngumiti sa mga estudyante.
Nang dahil doon ay nagsimula ng magbulung-bulungan ang mga kaklase ni Rian. Si Rian naman ay wala ng pakielam dahil sigurado naman siyang hindi siya ang pipiliin dahil maraming pwedeng maging representative sa kanila.
Habang busy ang mga ito sa paguusap ay bumalik na muna siya sa pagpupunas ng mga lamesa at ang pagaayos ng mga upuan.
Habang ginagawa niya iyon ay hindi mapigilang makaramdam ng kaba si Rian. Pakiramdam niya ay sa bawat kilos niya ay may nanunuod sa kanya. Kaya naman ay nagdesisyon siyang lumingon sa harap, ngunit nanigas naman ang katawan niya ng mapagtantong lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin sa kanya.
“Don’t tell me…!”
“Ma’am! Si Adrianne na lang ang representative natin!” Sigaw ng isang estudyante na sinang-ayunan naman ng iba.
“O-Oy! T-teka nga---”
“Oo nga, Ma’am. Si Adrianne na lang po representative natin.” Singit ng class president nila sabay yakap sa braso.
Nanglalaki naman na tiningnan niya ang mga ito at sabay na umiling. “Hahaha. O-Oy, ano ba kayo. Marami namang…iba…” Hindi na natapos ni Rian ang kanyang sasabihin ng biglang lumapit sa kanya ang iba niyang kaklaseng babae.
“Ikaw na lang, Adrianne. Atsaka maganda ka kaya.”
“Oo nga, susuportahan ka namin.”
“Please? Please, Addriane?”
Napabuntong hininga na lamang si Rian at tumango sa mga ito. Naghiyawan naman ang mga kaklase nila at saka pumili na ng isa pang representative sa magiging partner niya.
“Hays, jusko po…” Naiiling na lamang na isip ni Rian.
Nang makapagpasya na kung sino ang magiging representative ay bumalik na ang iba sa ginagawa. Tinawag naman sila Rian at ng partner niyang si Vince ng kanilang na agad naman silang lumapit doon.
“Ito ang form sa pageant. Paki-fill up na lang at mamaya niyo na lang ipasa sa’kin. Kung hindi niyo ako mahanap ay sa lunes niyo na lang ibigay sa’kin para mainform rin ang mga magulang niyo. Okay?”
“Yes, ma’am.” Sagot ng dalawa.
“Oh siya sige na, tulungan niyo na ang iba sa loob. Galingan niyo huh! Good luck!” Saad nito umalis na ng kanilang silid.
Tiningnan naman ni Rian ang form na hawak niya. Hindi niya alam kung sasagutan niyo ba ito or itatapos na lang at tumakas, dahil first time niya lamang sa ganoon sumali.
“Sige, Rian. Magusap na lang tayo mamaya. Tutulong muna ako sa iba.” Saad ng partner niyang si Vince. Tumango at ngumiti naman siya dito at muling ibinalik ang tingin sa papel.
“Magugulat ito si tita, panigurado…”
•*•*•*•
“Ahh…grabe kapagod.” Saad ni Rian at saka nahiga sa sofa.
Kakauwi lang ng dalaga matapos ang practice nila sa gaganaping beauty pageant ng school. Hindi niya akalain na sa paglakad-lakad lamang ay mapapagod siya ng husto lalo na nakasuot sila ng mga heels. Hindi na rin siya nakasama sa laro ng volleyball dahil inexcuse na siya ng nga guro. Ganun rin ang booth camp nila. Natapos na ito nung biyernes at masaya siya dahil malaki ang na-kita nila sa café booth nila.
“Kamusta na kaya siya…” Bulong ni Rian sa kanyang sarili.
Ilang araw na kasi niyang hindi nakikita ang binata simula ng mag-sorry ito sakanya. Naiintidihan naman niya na busy ito dahil isa itong guro, ngunit hindi niya alam sa sarili na palagi niya itong hinahanap.
Maya-maya ay natuon ang pansin niya sa kanyang selpon ng tumunog ito. Tiningnan niya naman ito at nakita niya ang pangalan ng Tita niya kaya naman ay sinagot niya ito.
“Yes po, Tita?”
:”Nakauwi kana ba?” Tanong nito kay Rian.
“Opo, kakauwi ko lang. Katatapos lang ng rehearsal namin.”
:”Ganun ba. Pumunta pala kami ni Nikki diyan at nagiwan ng pagkain. Tingnan mo na lang sa Ref.” Saad nito kaya naman ay tumayo si Rian at pumuntang kusina.
Dumeretso naman siyang refrigerator at binuksan ito. Napangiti naman si Rian ng makitang puno ng pagkain ang refrigerator niya lalo na ng makita ang isang container na may laman ng kanyang paboritong inumin na mas lalong nagpangiti sakanya. Sinarado na niya at saka sumandal sa counter ng kusina.
“Salamat, Tita.” Saad ni Rian.
:”Dapat lang. Ikaw kang bata ka. Wala na namang laman yang ref mo. Hay nako kang bata ka. Sige na at magpahinga kana. Bukas ay pupunta kami diyan ni Nikki, para makadalo sa laban mo.” Ani nito sa kabilang linya.
Napatawa na lamang si Rian ng marinig ang mga sinasabi nito sakanya. Minsan ay hindi niya na nalalagyan ang ref niya dahil sa busy at wala rin siya sa mood. Simula ng mawala ang kanyang mga magulang ay natuto na siyang mamuhay magisa.
Gusto sana siyang kunin ng Tita niya ngunit hindi na siya sumama dito. Ayaw niya kasing iwan ang dati nilang bahay kaya naman dito na siya nag-stay. Hindi rin naman siya pinapabayaan ng Tita niya dahil bumibisita naman ito sa kanya kapag free time nito at isinasama rin nito ang mga anak na close rin niya.
“Sige po. Salamat ulit, Tita. Aasahan ko kayo bukas.” Saad ni Rian sa kabilang linya. Nagpaalam na rin naman sila sa isa’t-isa at saka pinatay ang tawag.
Bumalik naman siya sa pagbukas ng ref at muling tinignan ang mga pagkain doon. “Hmm…ano kayang pwedeng lutuin?”
•*•*•*•
At dumating na ang araw ng pageant. Busy ang lahat ng tao sa school dahil isang oras na lamang ay magsisimula na ang nasabing pageant.
“Ang ganda mo Ate Rian! Gusto ko rin maging kasing-ganda mo.” Saad ni Nikki na pinsan niya.
Kasama niya ngayon sa isang room ang Tita Amely niya at ang anak nitong Nikki na sampung taong gulang ang agwat sa kanya. Tinupad naman nito ang pinangakong pupunta ang mga ito upang maunod.
Ngunit hindi niya inaasahan na may kasama itong mga tutulong sa kanya mag-ayos. Nasabi naman niya sa mga ito na may mag-aayos na sa kanya kaya naman ay nagulat siya ng may lima itong kasama.
Ang dalawa dito ay magme-makeup at gagawa ng buhok niya habang ang natitira ay sa pagpili ng mga susuotin.
Wala na rin naman siyang nagawa dahil kasama na ng Tita niya ang mga ito kaya pinaubaya na lamang niya ag sarili sa mga ito.
“Nagmana ka talaga sa mama mo, napakaganda mo.”
Nginitian naman niya ang mga ito at tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi niya maitatanggi na napakaganda niya. Naka-kulot ang ayos ng buhok niya na bagay na bagay naman suot niyang silk-green dress na hapit na hapit sa katawan niya.
“Daring but sexy…” Saad ni Rian sa kanyang isip at ngumiti pa lalo.
Kakaibang excitement naman ang nararamdaman niya na nay halong kaba dahil first time niya lang sumali sa mga ganito.
“Candidates, magsisimula na tayo in thirty-minutes, kaya naman ay pumila na po kayo sa backstage. Ang iba po ay maiwan na lamang po dito. Thank you.”
Napalingon naman silang lahat ng may isang teacher na pumasok sa loob ng silid at paalalahanan sila. Nang marinig iyon ay agad ng tumayo ang mga kalahok at isa-isa ng lumabas at pumila ang mga ito sa backstage.
Nang nasa pila na ang lahat at kasama na ang mga bawat partners at bigla namang pumasok sa isip ng dalaga ang binata.
“Si…Sir Alec…manunuod kaya siya?” Tanong nito sa sarili.
Nang maisip na hindi ito manunuod ay nakaramdam siya ng pagkabigat sa dibdib.
“Rian, Vince. Galingan niyo huh?” Rinig ni Rian sa sinabi ng Tita niya.
Ngumiti naman siya dito at tumango. Ngunit hindi pa rin niya maalis sa isip ni ang binata.
“Candidates, start na tayo. Lalabas kayo isa-isa with you partners kapag tinawag ang pangalan niyo. Good luck sa inyo!”
Nang marinig ay lahat naman ay tumango at sumagot.
“Good day, Everyone! We witness, as thirty-six good-looking and gorgeous partners to present their grade levels.”
“As the stadium fills with sheer excitement, we will soon find out who will worthy of title holder, I’m Christine Loayon.”
“And I’m Jimuel Atienza, And this is…MR. AND MS. LAKAM-BINI 2012!”
Rinig ng mga candidates sa likod ng stage. Hindi naman mapigilan ni Rian ang kabahan ng magsimula ng tawagin isa-isa ang kanilang mga pangalan. Ilang minuto lang ay kanilang pangalan na ang tinawaga.
“And next is, Candidates number thirty-six! From Senior Highschool Department, representing ICT-12 strand!”
Nang marinig iyon nila Rian ay umakyat na sila ng stage. Saktong paglabas pa lang nila ay biglang nagsigawan ang mga audience. Napansin agad niya ang mga banner na may pangalan nila lalo na sa mga ka-section niya.
Todo ngiti naman sila ng dalaga kasama ang partner nito. Hindi niya mapigilang mapahigpit ng hawak sa partner niya dahil sa kakaibang kaba at excitement ang nararamdaman niya.
Maya-maya lang ay tumigil na sila sa gitna at unti-unti na ring tumahimik.
“Good day, everyone! I’m Vince Garcia, 18 years old, from ICT-12 SHS Department.”
Pagkatapos magpakilala ng partner ni Rian ay lumapit naman siya sa mikropono at nagsalita.
“Hello, everyone! I’m Adrianne Morales, 18 years old, From ICT-12 SHS Department!” Pagkasabi nun ay ngumiti siya sa mga audience.
Sinamahan niya rin ang partner niya at nagtagal saglit sa gitna. Habang inililibot ang paningin ng dalaga ay napatigil naman siya ng makita ang kanyang hinahanap.
Nakita niya ang binata na nakatayo sa gilid ng stadium at nakasandal habang nakapa-mulsa ito sa suot nitong pantalon. Hindi naman niya mapigilang makaramdam ng kaunting saya ng makita ang binata na nanunuod.
Nang mga oras na iyon, ay pakiramdam ni Rian ay parang tumigil ang oras at tanging sila lang dalawa ng binata ang naroon sa loob ng stadium.
At muli, ay naramdaman ni Rian ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Isa lang ang ibig sabihin nun sa dalaga.
“Tinamaan ka ng lintik, Rian! May gusto ka nga sakanya!”
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Salamat po sa mga nagbabasa!