Chapter 6

“Nakuha ni Aquino ang bola, ipinasa naman ngayon kay Morales…BAAM! Isang matinding spike ang ipinakawala ni Morales!” Saad ng MC habang napapatayo na lamang ito sa upuan.

Sigawan naman ang mga manunuod  dahil sa nakikitang laro ng mga  volleyball team. Pangalawang laro na nila Rian ito at ito na ang huling laro nila. Nahirapan ang grupo nila Rian sa unang laro dahil sa mga matatangkad na player na nakalaban nila.

Kahit na nagkaroon ng tie sa unang laro nila Rian, hindi rin nila inaasahan na mananalo sila. At ngayon na nasa huling game ay mas lalo pang tumindi ang paglalaro ng grupo nila.

Maya-maya ay nakarinig sila ng pagpito dahilan para mapatingin ang lahat sa referee. Nagtaas ito ng kamay at saka nagsalita.

“Substitution No. 10!” Sigaw nito. Nagpaayos naman ng tayo si Rian ng matawag ang numero niya. Nagpaalam na muna siya sa mga kateam-mate niya at saka nagtaas ng kamay habang papalapit sa referee.

Nakipag-kamay naman siya sa kapalit niya na sinuklian rin naman iyon. Agad naman siyang sinalubong ng coach nila at inalalayan sa pagupo.

“Good job, Morales. Pahinga ka na muna.” Saad ng coach niya atsaka ngumiti dito. Gumanti rin naman si Rian ng ngiti dito.

Nagpunas naman ng pawis sa mukha at leeg si Rian at saka huminga ng malalim. Habang nagpapahinga at nanunuod ng laro ay may naramdaman siyang isang malamig na bagay na dumampi sa pisngi niya dahilan upang magulat siya.

“Here.” Rinig na saad ni Rian dahilan para mapatingin siya sa taas at nakita niyang si Alec iyon. Nakatingin rin ito sa kanya at hawak-hawak naman nito ang isang bottled water.

“Ahh…Uhmm, salamat.” Tanging saad na lamang ni Rian saka kinuha ang tubig. Agad naman niya itong binuksan at saka uminom.

Naramdaman naman niyang tumabi ito ng upo sa kanya dahilan upang masamid siya sa kanyang paginom.

Agad naman na inalalayan ni Alec si Rian. Kinuha nito ang tubig at saka inilayo sa dalaga habang si Rian naman ay nagpupunas na ng bibig.

“Why are you so clumsy?” Saad ni Alec habang isinasara ang takip ng tubig sabay tingin sa dalaga.

“S-Sorry…” Tanging saad ni Rian at nahihiyang tumingin sa binata. Napapaypay na lamang siya sa sarili gamit ang kanyang damit at itinuon ang pansin sa laro.

“Do you played this sports before?” Biglang tanong ni Alec kay Rian kaya naman ay agad na napatingin dito ang dalaga.

“Ahh…oo.” Maikling sagot ni Rian.

“No wonder, magaling ka maglaro. Akala ko ay hindi ka marunong dahil sa liit mo.” Dagdag ni Alec kaya naman si Rian ay napatayo ng marinig ang sinabi ng binata.

Nainis naman ang dalaga ng makitang nakangisi ito habang nakahawak sa baba. Magsasalita na sana siya ng maramdam niyang masakit ang kanyang mukha.

“Hey!”

“Huh?”

Maya-maya ay naramdaman niyang may tumutulo sa kanyang ilong. Hinawakan niya iyon at nakita niyang dugo iyon. Tumingin naman siya sa kanyang paligid at napansin niyang maraming taong unti-unting lumalapit sa kanya.

“Morales! Morales! Are you okay?”

Napatingin naman si Rian sa kanyang gilid ng makita si Alec na nasa tabi niya habang hawak nito ang balikat niya.

“Sir…?”

Napatingin muli si Rian sa kanyang kamay at bumalik sa mukha ni Alec. Ilang saglit lang ay nakaramdam ng hilo si Rian dahilan para mawalan siya ng malay.

•*•*•*•

Naalimpungatan naman si Rian dahil sa ilaw na tumama sa mukha niya. Agad naman siyang napabangon ngunit napahiga ulit ng maramdaman ang sakit ng kanyang ulo at ilong.

“A-Aww…”

Maya-maya ay naramdaman ni Rian na may gumalaw sa kanyang gilid at nagsalita. “Hey, are you okay? Anong nararamdaman mo?”

Napatingin naman ang dalaga sa kanyang gilid at nakita niya si Alec na halata sa mukha nito ang pagaalala at saka lamang niya napagtanto na nasa loob siya ng clinic.

Tinanggal naman niya ang tissue na nakasuot sa ilong niya at saka bumalik ng tingin sa guro.

“A-Anong nangyari? Bakit nandito ako sa clinic?” Tanong ni Rian na nakahawak sa kanyang ilong at ulo.

Bumuntong hininga muna si Alec bago sagutin ang tanong niya. “Tinamaan ka ng bola kanina sa mukha at nawalan ng malay kaya dinala kita dito sa clinic. Mahigit isang oras ka na ring tulog.” Saad ni Alec sabay tingin sa orasan na nakasabit sa pader.

“Huh? Ikaw nagdala sakin dito?” Nanglalaking pagtatanong muli ni Rian sa guro at napatingin na rin sa orasan.

Tumango naman si Alec kaya naman ay nakaramdam ang dalaga ng biglang pag-init ng mukha.

“Dinala niya ako dito? So it means binuhat niya ako?” Saad sa isip ni Rian sabay baling ng tingin kay Alec.

Nagtataka naman na tumingin rin sakanya ang binata.

“Huh! Impossible! Hahahaha…P-Pero paano kung binuhat niya ako? Ano kaya itsura ko? Ang panget ko siguro ng binuhat niya ako. Mabigat ata ako eh. Waahhh!” Isip-isip ng dalaga.

Si Alec naman ay nagtataka pa rin dahil sa kakaibang kilos ng dalaga kaya naman ay lumapit siya dito at inilapat ang kanyang kamay sa noo ng dalaga.

“Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo?” Pagaalalang tanong ng binata kay Rian.

Nagulat naman si Rian sa paglapit ng kamay nito sa noo niya dahilan upangg makaramdam ulit ng paginit ang kanyang mukha.

“H-Huh? A-Ayos…lang ako. Oo. Walang masakit sakin.” Tugon niya atsaka lumayo ng kaunti sa binata sa pagkakalapit ng mukha nito sa kanya.

“Okay…”

Napapikit naman si Rian sa kahihiyang nararamdaman niya.

“Jusko, Rian! Umayos ka!”

“Here. Drink this.” Pagsasalita muli ni Alec sabay abot ng banana milk nito sa dalaga at napatingin naman doon sa Rian.

“T-Teka…p-paano---”

“Well, when we first met at the convenience store, you said this is your favorite so…I bought this.”

Hindi naman makapagsalita si Rian at tuluyan ng kinuha ang banana milk sa binata. Napangiti na lamang ng bahagya si Rian ng mapagtanto ang sinabi ng binata sa kanya.

“So naalala mo pa pala.” Isip niya.

“Uhh, sige. Mauna na’ko. Kung may kailan ka, tawagin mo lang ang nurse.” Pamamaalam nito at saka tumayo.

Sinundan naman ng tingin ni Rian ang binata. Bago pa makalayos sa kama si Alec ay kinuha na ng dalaga ang kamay nito dahilan upang mapabaling ang tingin sa dalaga.

“T-Thank you…” Saad ni Rian habang nakayuko at habang nagiinit ang kanyang mukha.

Napangiti naman si Alec dahil sa nakikitang reaksiyon niya sa dalaga. Hinawakan nito ang ulo ng dalaga hinimas dahilan para magulat ang dalaga sa ginawa nito.

“It’s fine. Just be careful.” Tugon nito at tuluyan ng umalis.

Nang marinig ni Rian ang pagbukas-sara ng pinto ng clinic ay saka lamang siya nakahinga ng maluwag sabay higa.

“What just happened…” Saad niya sa kayang sarili sabay hawak sa kanyang ulo.

Maya-maya lang ay umikot siya at iniharap ang kanyang mukha sa unan at sumigaw.

“Aahhh!!”

Makalipas ang ilang segundo sa pagsigaw ay napatingin naman siya sa lamesa sa gilid kung asan nakalagay ang banana milk na binigay ng binata sa kanya.

“Waahhh! My god! He remembered! He remembered!” Saad niya sa isip at muling sumigaw sa unan.

•*•*•*•*

“Oyy, congrats sa inyo!”

“Congratulations! Keep it up!”

“Idol! Wwoohhh!”

Hindi naman mapigilan ni Rian ang mapatakip ng kanyang mukha dahil sa mga sigawan ng tao sa loob ng court.

Nandito siya ngayon sa itaas ng stage kasama ang kateam-mates niya at ang ibang grupo na nanalo sa laro upang ipakilala ang mga susunod na maglalaro para sa semi-finals. Hindi na dapat siya aakyat ngunit wala siyang choice dahil ayaw naman niyang maiwan sa upuan nila na magisa kaya naman ay sumama na siya sa pag-akyat.

Hindi nga lamang niya aakalain na sa pag-akyat niya ay biglang magpapalak-pakan at magsisigawan ang mga awdyens, kaya naman ay heto siya sa isang tabi nagsusumiksik sa mga kagrupo upang magtago.

“Let’s congratulate the three teams for semi-finals!” Saad ng MC at sabay-sabay na nagpalak-pakan ang lahat.

Nang matapos ang event sa covered court ay nagsimula ng magligpit ng mga gamit si Rian. Wala na rin naman siyang gagawin at tinatamad na rin siyang magbihis kaya nagsuot na lamang siya ng jacket at jogging pants na isinapaw sa suot niyang jersey.

Nang ayos na lahat ay agad na siyang lumabas ng silid at saka bumaba na. Habang bumaba ay may nakakasalubong pa siyang mga naglilinis na studyante.

Nang tuluyan ng makababa ng building ay sakto naman na tumunog ang kanyang selpon. Kinuha naman niya ito sa bulsa ng kanyang jacket at tiningnan kung ano iyon.

Nang makita ay text iyon ng Tita niya.

“:Tita Amely

Rian, kamusta ang game? Nanalo ka ba?”

Nang mabasa iyon ay agad naman nag-type si Rian upang replayan ito.

“Alec…Ano ba! Kausapin mo naman ako!” Rinig ni Rian upang mapatigil siya sa pagtipa sa kanyang selpon at mapalingon sa isang hallway kung saan nanggagaling ang narinig niya.

“Alec…Alec…BABE!”

Bigla naman siyang napatago ng makitang may dalawang tao ang biglang sumulpot hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan.

Habang nagtatago sa may pader ay napahawak na lamang si Rian sa kanyang dibdib dahil sa kaba ng kanyang nararamdaman.

“Don’t you dare call me that! Wala na tayo, Trixie. Kaya pwede ba, lubayan mona ako.”

“Oh! Boses yun nung ng teacher ka ah! Si Sir Alec!” Isip ni Rian.

Nang marinig muli ni Rian iyon ay hindi niya mapigilang sumilip sa kinatatayuan niya. Nang masiguro na kanyang guro nga niya ang narinig na boses ay mas lalo pa siyang nakuryos ng makitang may kausap itong babae. Napatitig naman ng matagal si Rian sa babae hanggang sa parang may biglang bumbilya ang nasa taas ng kanyang ulo ng maalala ang babae na kasama ng kanyang guro.

“Ohh! Diba, iyan yung kasama ni Sir Alec nung nakaraang linggo? Akala ko teacher, ex niya pala.” Bulong niya sa kanyang sarili at sumilip pa lalo.

Gusto sana ni Rian lumapit pa sa kanila upang marinig ang kanilag piang-uusapan dahil sa medyo humina na ang kanilang boses. Buti na lamang ay walang tao sa hallway na iyon.

Nang mapagdesisiyon na lumapit ay sakto naman na tumunog ang kanyang kaya naman ay napatago siya muli at kinuha ang selpon.

“Oh, sh*t! Bwisit naman oh!” Saad niya at agad na tiningnan ang selpon. Nakita niyang tumatawag ang kanyang Tita kaya naman ay agad-agad niya itong sinagot.

“Tita! Ba’t napatawag ka?” Tugon ni Rian na may halong inis sa kabilang linya. Napahawak naman siya sa kanyang dibdib sa kaba habang kausap ang Tita niya.

: Ikaw, bata ka! Ba’t hindi ka na nagrereply sa mga text ko?”

“Huh?”

Inilayo naman muna niya ang kanyang selpon at saka tiningnan ang messages. Halos mapamura na lamang si Rian ng makitang maraming text ang Tita at niya at nakita rin niya ang putol na message reply. Akala niya ay nasend na niya ito ngunit hindi pa pala.

“Sorry, sorry! Hindi ko napansin. Rereplayan naman kita Tita eh, may urgent lang na nangyari.” Saad niya.

: “Ganun ba? Oh siya, umuwi kana kapag tapos  kana diyan.”

“O-Opo.” Tugon niya dito at sabay na pinatay ang tawag.

Napapalo na lamang si Rian sa kanyang noo at napaupo sa sahig habang nakasandal sa pader. Napahawak muli siya sa kanyang puso ng maramdamang napakalakas ng tibok ng puso niya.

“Ahh, grabe!” Saad na lamang ni Rian sa kanyang sarili. Ilang saglit lang ay saka lamang niya naalala na hindi lang siya nagiisa sa hallway na iyon.

Inaayos naman niya ang kanyang sarili upang sumilip ngunit bago pa siya makasilip ay may nakita na agad siyang dalawang pares ng sapatos na nasa harap niya.

“What are you doing here, huh? Ms. Adrianne Morales?”

Nang marinig iyon ni Rian ay nanigas naman ang kanyang katawan. Napamura na lamang si Rian sa kanyang isip ng makilala ang dalawang pares na sapatos na nasa harapan niya at ang nagsalita.

Agad naman siyang tumingala at nakita ang seryosong mukha ng kanyang guro habang nakatingin sa kanya.

Isa lang ang nasa isip ni Rian.

“I’m in trouble.”

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Salamat po sa mga nagbabasa!