Chapter 5
Tulad nga ng anunsiyo ng guro nila Rian ay naging busy ang school nila lalo na ang mga guro. Kaya naman ang iba ay naghahanda na para sa paggawa at pag-buo ng booth camp.
Naglalakad naman pababa si Rian habang nakasuot ng volleyball jersey. Isinuot niya muna ang dati niyang jersey dahil wala pang binibigay sa kanila na opisyal na uniform para sa volleyball. Papunta siya sa covered court kung saan pinapapunta ang lahat ng mga studyante na nagpalista kahapon.
Nang makarating sa court si Rian ay bumungad sa kanya ang napakaraming estudyante. Karamihan sa mga ito ay nakasuot ng mga jersey habang ang iba naman ay simpleng jogging pants at white t-shirt. Hinanap naman agad niya ang mga naguumpukan na mga volleyball player.
Nang makarating sa pwesto ay agad naman na nagsalita ang nasa unahan ng stage kaya naman ay napatingin ang lahat ng estudyante sa unahan.
“Ehem. Good day, everyone! Thank for coming and joining our sport fest for our fourtienth celebration of our school. I’m Michelle Anne Roxas a Senior Highschool coordinator and organizer of this sports fest.” Saad ng babae na nakapalda hanggang tuhod at nakausot ng polo na may logo ng school.
Habang nagpapakilala ito ay nagpapalakpakan naman ang lahat.
Marami pang sinabi si Ms. Roxas kung para saan ba itong sports fest, kung bakit ginaganap ang celebration ng school nila. Tumagal rin ito ng ilang minuto hanggang sa nagdesisyon ito na tapusin ang litanya ng “Goodluck and enjoy.”
Nang makababa na ng tuluyan ang guro ay agad naman humarap sila Rian sa unahan kung saan katabi lang nila ang sports adviser at mga coach.
Ang mga ibang estudyante naman sa ibat-ibang sports ay lumipat na ng area. Kaya naman ang naiwan na lamang sa court ay ang volleyball.
“Hello everyone! I’m Coach Matias at kasama rin natin si Ma’am Villegas for our Adviser in this sports. Ang una nating gagawin ay magfoform ng team. Since nasa sixty-eight students ang nagpalista for this sport hinati namin sa six teams ang mga students.” Saad ni Coach Matias sabay abot ng isang papel.
Tiningnan naman iyon ni Rian. Makikita sa papel ang mga anim na grupo na may mga pangalan ng estudyante. Ang bawat grupo ay nahahati sa anim na kulay. At napunta naman siya sa kulay dilaw na grupo.
“And now that you see and know your groups. Magpunta na kayo sa kanya-kanya niyong mga team. This line is red, yellow, black, green, blue and next is orange.” Saad ng coach sabay turo ng mga pwesto. Kumilos naman ang mga estudyante at pumunta na sa kanya-kanyang mga grupo.
Nang makapunta si Rian sa grupo niya, napansin niyang nagsama-sama sa grupo nila ang medyo hindi katangkaran. Habang nasa blue team ay halos nandoon lahat ang mga matataas na estudyante.
“Hindi pa naglalaro pero mukhang talo na kami.” Saad ni Rian sa kanyang isip.
“Ngayong nasa group na kayo, may kanya-kanya kayong coaches but same time yung practice niyo. As you can see, malawak naman ang court natin kaya makakapag-practice ang lahat. Hindi ko naman na kailangan pang ipaliwanag pa ang lahat dahil nakasulat na rin naman diyan sa papel na ibinigay ko ang magiging mechanics ng game na ito.”
Tumango naman ang lahat. Tiningnan muli ni Rian ang Papel na hawak niya at napansin niyang may nakasulat pa sa likod noon. Mga anim na pangalan ng grupo na may mga bracket na katabi ng mga ito hanggang sa pinakadulo ay nakalagay na winner.
“Hmm. Matira matibay.”
Hindi naman mapigilan ni Rian ang makarinig ng bulung-bulungan sa paligid. Ang iba ay may mga natuwa habang ang iba naman ay wala lang reaksiyon. Pumalakpak naman si Coach Matias dahilan para makuha nito ang atensiyon nila.
“At dahil alam niyo na, proceed na tayo sa practice. Go go go!” Saad muli nito at saka naglakad paunahan. Nakasunod naman sila Rian dito at nagkanya-kanya ng pwesto ang mga manlalaro.
•*•*•*•*•
“May I take your order?” Saad ni Rian sa mabait na boses.
Ngumiti naman ang dalawang lalaki na galing ibang school base na rin sa suot nitong uniform. Habang naghihintay si Rian ng mga order nito ay hindi naman siya mapakali sa suot niya.
Ilang araw bago ang school celebration nila ay ipinakita na sa kanila ang kanilang sususotin na costume. At dahil café ang theme ng booth nilang napili, ang custome naman nila ay pang-maid. Akala ni Rian ay simpleng maid outfit lamang ngunit nagkakamali siya
Dress ito na hanggang hita lamang at may medyas na kasama na hanggang tuhod. Okay naman sakanya ang design cute, dahil may pa-headband itong kasama ngunit hindi lamang siya komportable sa bandang dibdib niya. Halata kasi doon ang hugis ng dibdib niya.
Kaya heto siya ngayon hindi mapakali lalo na kaharap niya ang taga-ibang school.
“Yun lang ang order namin.” Saad ng isang lalaki sabay baba ng menu.
Inilista naman ni Rian ang mga order ng mga ito at nagpa-alam. Ngunit bago siya makaalis ay hinabloy ng isang lalaki ang kamay niya dahilan para lingunin niya ang mga ito.
“Your cute, what’s your name?” Saad nito sabay ngiti sa kanya.
Napapikit naman si Rian at saka tiningnan ito sabay ngiti. Magsasalita na sana siya ng may kumalabit sa kanya. Lumingon naman siya sa kumalabit sa kanya at president niya iyon.
“Psst! Pinatatawag ka na ng kateam-mate mo. Magpalit ka na daw. Ako na bahala dito.” Saad nito sabay abot ng jersey kay Rian.
Tiningnan naman iyon ni Rian at kinuha. Tinanggal niya na ang pagkakahawak ng kamay sa kanya ng lalaki. Bago siya umalis ay nginitian muna niya ang mga ito.
Nagpasalamat naman siya sa president nila bago siya lumabas ng room nila. Nang makalabas na ay agad siyang naghanap ng Comfort Room para pagbihisan. Ngunit hindi ata umaayon sa kanya ang nangyayari. Lahat ng makita niyang comfort room ay puno. Naisipan na rin niyang magbihis sa mga pang-lalaki ngunit ganoon rin puno.
“Sa laki ng school na ito, anim lang ang C. R nila. Ay nako!” Naiinis na saad ni Rian.
“To all the teams of volleyball players, please stand by. Thirty minutes before we start the game.”
Napamura na lamang si Rian ng marinig ang anunsiyo sa speaker sa may gilid. Kaya naman ay naghanap na lamang siya ng bakanteng room kung saan siya pwedeng magbihis. Pumasok naman siya sa isang room na ang loob ay puro desk at merong nga computer.
“Great. It’s a faculty room. What a great day, really.” Tanging saad na lamabg niya sa sarili. Nilapag muna ni Rian ang ang gamit niya sa isang desk saka hinawi ang mga kurtina dahilan para maging madilim ang loob. Hindi naman ganoon kadiliman sa loob dahil may ilang ilaw naman na galing labas ang tumatagos mula sa bintana.
Nang ayos na ang nga kurtina ay puwesto siya sa pinakadulo kung saan walang ilaw. Sumilip silip muna siya sa labas para makumpirma na walang tao. Nang wala na ay saka na siya nagsimulang magtanggal ng suot niya.
Sa kabilang banda naman ay busy naman ang mga guro sa pagaayos sa mga court. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang laro.
Si Alec naman ay tinutulungan magkabit ang isang teacher ng net na gagamitin sa paglalaro ng volleybal. Hindi dapat siya dito naka-assign. Nasa basketball court dapat siya nag-aassist ngunit nakulangan sila ng isang guro sa volleyball na mag-assisslt kaya nagboluntaryo na lamang siya.
Nang maayos ng maikabit ang net ay napapagpag na lamang si Alec sa kanyang kamay. Tumingin naman siya sa kanyang paligid at napansin niyang unti-unti ng dumadami na ang mga tao. Karamihan sa mga nanunuod ay galing ibang school. Lumapit naman siya sa lamesa kung saan nakalagay ang scoreboard na gagamitin. Kumuha naman siya ng tubig na nakapatong doon at uminom. Habang umiinom ay hindi niya sinasadyang mapatingin sa mga list ng mga maglalaro.
Kinuha niya iyon at binasa isa-isa. Napatigil naman siya sa paginom ng may mabasa siyang pamilyar na apelyido.
“Morales…” Bulong niya habang binabasa ito.
Ilang saglit lang ay naalala niya bigla ang isang estudyante na Morales ang apelyido.
“I’m… Adrianne Morales.”
Napatango naman si Alec ng maalala si Rian lalo na ng ma-encounter niya ito sa library.
“Hmm. She’s the student in the library. Akala ko ay hindi ito naglalaro ng sports.” Saad niya sa sarili.
Ilang linggo na rin niyang hindi nakikita ang dalaga dahil matapos ang nangyari sa silid-aklatan ay naging busy na siya lalo na sa kaganapan ngayon sa school nila. Hindi niya akalain na sasali ito sa sport.
At dahil doon ay napalingon naman siya sa gawi ng mga volleyball player. Napansin niyang ibat-ibang kulay ang mga ito. Kaya naman ay hindi niya mapigilan ang hanapin ang dalaga sa mga ito. Ngunit hindi niya ito makita.
“Ah! Sino babalik sa inyo ng faculty room? Naiwan ko kasi doon ang first aid kit na gagamitin.” Saad ng isang guro na halata na sa mukha ang pagod.
Inilapag naman ni Alec ang papel na may list ng mga player’s at saka nagtaas ng kamay.
“Ako na lang sir ang kukuha. May naiwan rin ako sa faculty room.” Saad niya.
Umaliwalas naman ang mukha ng guro sabay ngiti kay Alec.
“Ganun ba sige. First aid kit lang naman ang naiwanan ko, dahil nandito na rin naman yung ibang gagamitin. Nasa table ko nakalagay.”
Tumango naman agad si alec at agad na umalis ng covered court. Habang naglalakad papuntang Faculty Room ay hindi niya mapigilang mamangha sa mga booth camp ng ilang grade level. May nakikita siyang mermaid land booth, horror booth na pinaka-common na, history booth, at marami pang iba.
May nakaagaw pansin naman sa kanya ang mga babaeng estudyante na nakausot na pang-maid. Ngayon na lang ulit siya nakakita na may ganoong booth. Nilagpasan na naman niya ito at saka dumeretso na.
Nang makita niya na ang Faculty Room ay agad na siyang tumakbo papalapit doon sabay bukas ng pinto.
“Ohh. It’s open.” Bulong niya sa isip niya.
Akala niya ay sarado ang Faculty Room kaya nagdala siya ng susi para dito. Nang mapag-alaman na bukas ito agad naman siyang pumasok saka sinarado ang pinto sabay bukas ng ilaw.
Saktong pagbukas niya ng ilaw ay may biglang sumigaw na isang matinis na boses.
“AAAAAHHHH!!”
Nagulat naman doon si Alec dahilan para lingunin kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Halos lumabas na ang mga mata niya ng may nakita siyang babae sa dulo ng silid.
Ang mas malala pa dito ay nakita niya itong nagtatanggal ng pang-maid na suot. Doon niya lamang napagtanto kung sino ang babaeng iyon kaya naman ay agad siyang napatalikod dito.
“W-What are you doing here?” Tanong niya dito habang nakakuyom ang mga kamay.
“Bakit ba hindi ka kumaka---”
“And why should I knock, kung alam ko naman na lahat ng teacher ay nasa labas? And why are you changing clothes here? May Comfo---”
Hindi na pinatapos ni Rian ang sasabihin ng binata ng sumigaw siya muli. “Kasi puno na ang banyo. Ewan ko ba sa school niyo. Ang laki-laki tapos anim lang ang banyo.”
Napatahimik naman doon si Alec ng marinig ang sinabi ni Rian. “Atsaka wala nako oras, kaya dito na’ko nagpalit. Hindi ko naman alam na Faculty Room ito eh.” Saad ni Rian sa malungkot na boses.
Bumuntong hininga naman si Alec sabay harap sa dalaga ngunit tumalikod ulit siya ng mapagtanto ang itsura ni Rian.
“Fine, fine. Magbihis kana. Lalabas na muna ako.” Saad ni Alec sabay labas na ng silid.
Nang makalabas ng silid si Alec ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya namalayan na kanina pa niya pinipigilan ang paghinga niya.
Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa sarili o sa dalaga ngunit iba ang tumatakbo sa isip niya. Hindi mawala sa isipan niya ang itsura ng dalaga kanina.
Lalo na ng mapadako siya sa katawan nito. At dahil sa ala-alang iyon ay biglang nakaramdamn ng kakaibang init si Alec. Iisa lamang ang napagtanto niya ngayon.
This is trouble.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Salamat po sa mga nagbabasa!