Chapter 4
Sinusundan naman ng tingin ni Alec ang dalaga papalabas ng library hanggang sa hindi niya na ito makita. Bumuntong hininga naman siya at saka naupo.
Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon niya sa nangyari kanina. Maya-maya ay hindi niya mapigilang matawa ng maalala niya ang itsura ng dalaga habang nakasandal sa may bookshelves.
Bilog na bilog ang mga mata nito na halatang gulat na malaman na gising siya. Namumula rin ng unti ang mga pisngi nito at nakaawang rin ang bibig nito na kulang na lang ay pasukan na ng langaw.
Natigilan naman sa pagtawa si Alec ng maalala ang labi ng dalaga. Muntikan niya na itong halikan ngunit buti na lamang ay napigilan niya ang sarili niya.
Pangalawang beses pa lamang sila nagkikita ngunit iba na agad ang epekto ng dalaga sa kanya.
“This is not good, especially she’s my student.”
Naiiling na lamang ni Alec ang kanyang ulo para mawala sa isip ang nangyari.
Tumingin naman siya sa relo niya at late na siya ng limang minuto sa susunod na klase niya kaya naman ay iniligpit niya na ang gamit niya. Nang maiayos na ay lumabas na siya ng library at pumunta sa susunod na klase.
•*•*•*•*•
“Class dismissed.” Saad ng guro nila Rian sabay labas na ng silid.
Napapikit naman si Rian ng sa wakas ay tapos na ang klase. Halos makatulog na siya dahil sa boring magturo ng guro nila.
Nagsigawan naman ang mga estudyante at nagsimula na rin silang magligpit. Ang iba naman ay nagbabatuhan pa at naghaharutan papalabas ng room habang ang mga ibang babae naman ay nagaayos ng mga mukha.
Nang matapos ng mag-ayos si Rian ng gamit ay lumabas na siya ng room. Napatingin naman siya sa selpon niya para i-check ang oras at alas-kwatro y medya pa lang ng hapon.
“Hmm…maaga pa.” Saad niya at nagpatuloy na sa paglabas ng eskwelahan.
Naglakad na lamang siya at hindi na sumakay na dahil gusto niya rin tumingin-tingin sa paligid ng bagong school niya. Sakto naman na paglabas ng gate ay bumungad agad sa kanya ang napakaraming estudyante.
Ang iba dito ay may dala-dalang pagkain tulad ng mga ihaw, fishball at juice. Napahawak naman siya sa kanyang tiyan ng kumulo ito. Naghanap naman siya ng pwedeng niyang kainan at may nakita siyang nagtitinda ng fishball. Agad naman siyang lumapit doon.
Pagkalapit ay agad naman siyang naglaway ng makita niyang niluluto sa malaking kawali ang fishball, kikian at kwek-kwek na lalong nagpakulo ng tiyan niya. Agad naman niyang inilabas ang pitaka at kumuha ng fifty pesos sabay bigay sa tindero.
“Kuya, bayad ko oh.”
Nang maiabot na ay kumuha siya ng stick at baso sabay tusok sa bagong luto na fishball at sabay sawsaw sa maanghang na sauce. Para namang nawala ang gutom niya ng makain niya ito. Halos magtatalon siya sa tuwa. Ngayon na lang ulit siya nakakain nito kaya hindi niya mapigilan ang sarili na kumain.
Nang matapos na siyang kumain ay nagdesisyon na siyang umuwi dahil medyo madilim na rin ang paligid kahit na alas-singko pa lang ng hapon.
Mabilis naman na nakauwi si Rian sa bahay nila kaya pagpasok pa lang sa bahay nila ay agad siyang napahiga sa sofa. Hinayaan niya na lang muna na magkalat ang gamit niya sa sahig dahil liligpitin naman niya ito mamaya.
Habang nakahiga sii Rian sa sofa ay hindi niya mapigilang alalahin ang nangyari sa library kanina. Nakasandal siya sa mga lagayn ng mg libro habang ang guro naman niya ay matalim na nakatingin sa kanya.
Imbis na matakot dahil sa titig nito ay nakaramdaman pa siya ng kilig kanina. Lalo na ng unti-unting nagkakalapit ang mga mukha nila. Hindi naman mapigilan ni Rian ang mapangiwi dahil sa hiya na nararamdaman niya muli. Akala niya ay hahalikan siya nito kaya naman ay pumikit siya ngunit hindi pala.
Buti na lang nakaalis na siya agad doon sa lugar na iyon kung hindi ay baka may anong mangyari.
Ngunit hindi niya rin mapigilan na mapaisip na attracted siya dito. Attracted siya sa guro niya. Isipin niya pa lang iyon nagtataasan na ang mga balahibo niya. Pero…
“Wala namang masama ang magkaroon ng paghanga diba? Paghanga lang naman.” Sambit niya sa sarili.
Alam naman niyang bawal magkaroon ng relasyon ang estudyante at guro dahil labag iyon sa batas. Hindi siya t*nga para gawin iyon at alam niya sa sarili na paghanga lamang ang nararamdaman niya sa guro niya.
“Alec…” Bulong niya sa pangalan ng binata. At dahil doon ay naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya at may kakaiba rin siyang nararamdaman sa tiyan na parang may lumilipad.
Aminin man niya sa sarili ay ngayon lamang siya nakaramdaman ng ganito sa labing-walong taong gulang niyang nabubuhay.
Napahawak naman siya sa dibdib niya ng maramdaman na mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Kaya naman ay hindi niya maiwasan na tanungin ang sarili niya.
“Crush lang naman ang ibig sabihin nito diba? Hindi love?” Tanong niya sa sarili. Ngunit ay hindi rin nagtagal napasabunot na lamang sa buhok si Rian.
“Aahh!! Rian! Ano na bang nangyayari sayo!!”
*•*•*•*•
“I have an announcement. Dahil malapit na ang ika-fourtienth anniversary ng school natin, nagdesisyon ang principal na magkaroon ng school fare for the school celebration at kasama kayo doon. Magkakaroon ng labanan sa booth camp per strand.”
Natuwa naman ang mga kaklase ni Rian ng malaman ang announcement ng class adviser nila.
“Yes! Walang pasok!”
Hindi naman mapigilan ni Rian ang matawa ng marinig ang isa niyang kaklase na magkomento ito. Tiningnan naman ito ng guro nila at nagpatuloy sa pagsasalita.
“At syempre hindi mawawala ang pagkakaroon ng labanan sa sports. Maaga ko kayong idi-dismissed ang klase niyo para mapagusapan niyo ang gagawin niyo sa booth camp ninyo. Two weeks ang event ng school fare dahil may pupuntang taga-ibang school dito. Kaya paghandaan niyo ang booth camp niyo, Okay?” Dagdag ng guro nila sabay bitbit ng lesson plan at laptop niya.
Bago pa ito makalabas ng pinto sa silid ay may sinabi pa itong karagdagan. “For those who want to join in any sports. Pumunta kayo ng covered court dahil doon naglilista. Iiwan ko na kayo para makapag-plano na.” Saad nito at tuluyan ng umalis ng silid.
Nakita naman niyang tumayo ang isang babae saka naglakad sa unahan.
“Narinig niyo naman ang sinabi ni Ma’am, diba? Anong gusto niyong theme ng booth natin?”
At dahil doon ay agad na nagsitaasan ng mga kamay ang kaklase niya. Nakinig na lamang si Rian sa mga suggestions ng mga kaklase niya. Ang iba ay gusto ng café theme habang iba naman ay gusto ang horror theme.
Meron pang nakipag-away dahil sa panget ng suggestion nung isa na maging host club theme. Hindi naman mapigilan ni Rian mapakunot ang noo ng sa suggestion na iyon.
“Ano ito? Magiging bar? Kalokohan.”
Nagtagal ng ilang minuto ang paguusap ng buong klase ni Rian hanggang sa nagdesisyon na magkaroon ng photo-booth at café theme ang booth camp nila. Magagamit daw nila kasi ang pera na kikitain nila para sa class funds. Marami ring sumang-ayon dahil planado na rin kung sino-sino ang magkakasama.
Gustong matuwa ni Rian dahil may plano na ang buong klase ngunit halos sumayad na ang kanyang mukha sa sahig ng mapasama siya sa grupo na magsusuot ng pang-maid na damit.
“P-Pwede bang…taga-luto na lang ako? O kaya taga-deliver ng mga pagkain na lulutuin. Okay lang sa’kin iyon, basta huwag lang ito…itong…” Hindi na matapos ni Rian ang sasabihin niya.
“Ano ka lalaki? Magbubuhat? At saka minsan lang itong mangyari kaya huwag ka ng umangal diyan.” Saad ni Pauleene na presidente ng klase nila.
“Oo nga. Atsaka, maganda ka noh! Sayang ang ganda mo kung taga-buhat ka lang. Hindi naman tayo buong maghapon na nakasuot ng ganoon dahil ang iba sa-atin ay may sasalihan na mga sports, so may shifting na mangyayari.” Saad naman ng isa pang babae na hindi niya alam ang pangalan.
Wala ng nagawa si Rian kundi ang sumang-ayon sa kanila. Well, hindi kasi siya sanay na magsuot ng pang-babae. Madalang lang siya magsuot lalo na kapag may okasyon.
Nagmeeting naman sila kung anong magiging design ng susuotin na dress dahil hanggang sa nagdecide na lang sila gawing simple pero cute tingnan ang dress. Sa susunod na araw na lang daw namin makikita ang dress. Nang matapos na ang meeting ay kanya-kanyang labas na ang mga kaklase ni Rian. Lumabas na rin siya at dumeretso agad ng covered court upang magpalista.
Nang makarating doon ay marami ng mga estudyante ang nakapila. Namangha naman siya dahil malawak ang court at may mga nakatayong stall for different sports na pwedeng salihan.
Hinahanap naman niya ang volleyball na stall dahil doon niya balak sumali. Hindi sa nagmamayabang siya pero hilig niya ang maglaro ng volleyball lalo na’t isa siya sa mga varsity player ng dating school niya.
Nang makita niya ay maraming nakapila doon kaya pumila na rin siya. Medyo naging matagal ang paglilista dahil sa madaming sumali. Hindi rin maiwasan ni Rian na tumaas ang tingin dahil sa mga matatangkad na estudyante na sumali.
Kaya naman ay hindi niya maiwasan na na mapalunok ng isipin na makakalaban niya ito. Iniiling naman ni Rian ang kanyang ulo para wala sa isip niya iyon. Naghintay pa siya ng kalahating oras hanggang sa siya na ang ililista.
“Bukas ay magkakaroon ng meeting para sa magiging team. Huwag niyo kalimutan!” Saad ng babae sabay ngiti kay Rian. Tumango naman siya dito at saka umalis na sa pila.
Nang matapos siyang makapag-palista ay naglibot-libot pa siya sa covered court. May nakikita rin siyang mga guro na busy sa pag-aayos ng stage at ang iba naman ay may binubuhat.
Sakto namang pagkatalikod niya ay nakita niya si Alec. May kasama itong babae na nakasuot na fitted na dress kaya halata ang makurba nitong katawan. Pasimple naman niyang tiningnan ang babae na kasama ng binata, ayaw man niyang aminin pero napakaganda ng babae na kasama nito.
At dahil doon ay nakaramdaman ng kakaibang lungkot si Rian. Halos maningkit naman ang mata ni Rian ng makitang lumingkis ang kamay ng babae sa braso ni Alec. Hindi naman mapigilan ni Rian ang mapaismid sa nakikita niya.
Nagulat naman siya ng lingunin siya ng binata dahilan para lingunin rin siya ng babae na kasama nito. Umiwas na lamang siya ng tingin dito at nagdesisyon ng bumalik na ng room niya.
“Kilala mo ba iyon?” Tanong ng babae na kasama ni Alex na si Raychelle. Sinundan naman ni Alec ng tingin ang papalayong dalaga.
“She’s one of my students.” Saad ni Alec habang nakatingin sa dalaga na paalis.
Hindi niya alam kung bakit ganun makatingin ang dalaga sa kanya. Nakaramdaman naman siya ng kaunting kirot sa dibdib niya dahilan para mapahawak siya doon.
“Ayos ka lang?” Tanong ni Raychelle na may pag-alala sa mukha nito.
“Yeah. I’m fine.” Tugon niya at ibinaba ang kamay niya. Napatingin naman siya sa kamay ni Raychelle na nakalingkis sa braso niya. Walang ano-ano’y tinanggal niya iyon at saka naglakad na pauna.
“What the hell was that? I’m hurt? No way!”
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Salamat po sa mga nagbabasa!