Chapter 3
Nakapalumbaba naman si Rian sa kanyang upuan habang nakikinig sa klase. Kanina pa siya ganito mula ng makita niya muli ang lalaki na nagngangalang Alec.
Kanina pa nakaalis ang guro at iba na ang asignatura ngayong pinapakinggan niya ngunit hindi niya pa rin maialis sa isip ang nangyari kanina. At sa tuwing inaalala niya iyon ay hindi niya mapigilang mainis dahil sa hiya.
Nagtama naman ang mga mata ni Rian at Alec matapos magpapakilala ang lalaki sa dalaga. Para namang napako si Rian sa kinatatayuan niya dah sa gulat na makita niya ang lalaki na nakipagtalo sa kanya nung isang linggo dahil sa isang banana milk.
“You can sit beside Ms. Manjares.” Saad nito sabay turo sa isang bakanteng upuan sa likuran kung saan may nakataas na babae na nakasuot ng salamin.
Sinundan naman ng tingin iyon ni Rian at muling ibinalik ang mga tingin sa guro na nasa harap niya. Hindi niya mapigilang mapatitig dito hanggang sa hindi niya namalayan na sinusuri niya na pala ito.
Matangos na ilong, mala-rosas na mga labi, matangkad, matipuno ang katawan dahilan para bumakat ang mga muscles nito sa suot nitong polo. Isa lang ang masasabi dito ni Rian.
“Gwapo!”
At dahil sa matagal na pagkakatitig ni Rian sa guro ay tumikhim ito at nagsalita.
“I know, I’m handsome but can you stop staring at me and sit down already? You’re wasting my time in lecturing.” Saad nito na halata sa boses ang pag-kairita.
At dahil doon nagsimulang magtawanan ang mga studyante sa loob ng silid dahilan para makaramdam ng hiya si Rian. Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay dumeretso na agad siya sa upuan niya habang namumula ang kanyang pisngi.
Nang makaupo na ay tumingin muna siya dito saka sinamaan ng tingin, ngunit ngiti lamang ang iginanti nito kay Rian dahilan para mainis siya.
“Okay, class. Let’s proceed.”
Bumuntong hininga naman si Rian ng maalala ang nangyari kanina sabay sandal sa kanyang upuan. Sakto naman ay tumunog ang kanilang vell hudyat na breaktime na nila. Kaya naman ang mga studyante ay agad na nagsipag-tayuan habang ang guro naman nila ay naiiling na lamang habang nagliligpit ng mga gamit.
Inilibot naman ni Rian ang kanyang tingin at napagtanto niyang siya na pala ang natitira sa loob kaya naman ay napag-desisyunan niyang lumabas na.
Hindi naman siya nagugutom at wala siyang ganang kumain kaya nagpasya siyang libutin na lang ang paaralan upang maging pamilyar.
Habang naglilibot ay hindi niya maiwasang mamamangha. Malaki ang school na nilipatan niya at maganda rin. Isama pa dito ang malaking field ng soccer at court. Madaming puno sa palagid kaya hindi masyadong mainit.
Habang naglilibot ay hindi niya namalayan na napahinto siya sa silid ng library. Tiningnan naman niya ang kanyang relo na suot at nakitang may kalahating minuto pa siya bago magsimula ulit ang klase.
“May oras pa naman ako.”
Pumasok naman siya sa loob at halos lumuwa ang kanyang mata ng makita ang loob ng silid-aklatan. It’s an old-fashioned style library. Mga nagtataasang mga book shelves agad ang makikita pagpasok pa lamang sa loob.
Naglakad-lakad naman si Rian sa loob. Ganun pa rin ang reaksiyon nito, gulat dahil sa laki ng library. Hindi tuloy mapigilan ni Rian ang mapapikit dahil sa naaamoy niyang mga libro.
“Mukhang may pagkakaabalahan na’ko ah.” Saad niya sa sarili sabay ngiti.
Nagpatuloy naman sa paglalakad si Rian. Hindi na rin niya pinalagpas ang paghahanap ng mga libro. At dahil doon ay marami na siyang nakuha na libro. Halos hindi na magkasya sa mga braso niya ang tatlong makakapal na libro.
Ang mga libro na nakuha na niya ay tungkol sa matematika at mga ‘law’, at isama pa dito ang storyang “Law of Justice”. Hindi niya alam kung bakit niya iyon kinuha, ngunit ng mabasa niya ang unang pahina nito ay hindi niya na mapigilang basahin kaya nagdesisyon siyang kunin na lamang ito.
Habang naghahanap ng upuan sa loob ay bigla namang napatigil si Rian sa harap ng isang lamesa kung saan nagkalat ang mga papel doon at nakayukong lalaki, nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya ito makilala. Dahil sa kuryusidad ay lumapit siya dito.
Inilapag naman niya ng dahan-dahan sa lamesa ang mga libro na nakuha niya ng mapag-alamang tulog ito. Nang mailapag na ay umikot siya para tingnan kung sino.
“Wha---” Natutop na lamang ni Rian ang kanyang bibig ng makilala ang lalaking nakayuko at natutulog.
It’s her science teacher and the one who stole her banana milk. Alec Villareal.
Natigilan naman si Rian sa kinatatayuan niya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin ngayong nakilala niya na ang lalaki na nakayuko. Dahan-dahan namang lumayo si Rian para hindi ito magising ngunit natigilan naman siya ng gumalaw ito.
Pigil na pigil naman ni Rian ang paghinga niya hanggang sa makahinga na siya ng ayos. Ginalaw lamang ng binata ang kanyang noo at bumalik na ulit ito sa dati. Mukhang may pinaginip itong hindi maganda.
At dahil doon ay napaupo na lamang si Rian katabi ang binata at saka huminga ng malalim. Akala niya ay mahu---
“Teka nga! Eh, ano naman kung mahuli niya ako? Wala naman akong ginawa sa kanya…” Bulong niya sa sarili sabay tingin sa natutulog na binata.
Habang nakatitig sa binata ay hindi niya mapagilang mamangha sa itsura nito ngayon na nakita nita ito sa malapitan. Itinukod naman niya ang isang braso sa lamesa at saka ipinatong doon ang mukha niya habang nakatitig sa binata.
“Hays. Ang gwapo mo. Lalo na kapag tulog.” Saad na lamang niya habang nakatitig dito.
“But, your looks don’t speak your personality.” Dagdag niya ng maalala niya ang unang pagkikita nila sa convenience store.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay hindi niya na mapigilan ang sarili na titigan na ulit ang binata. Lumapit pa siya dito ng kaunti upang masuri nito ang mukha ng binata. May maamong mukha ngunit kapag tulog lamang, matangos na ilong, makakapala na kilay, maputi at mala-rosas na labi.
Hindi naman mapigilan ni Rian ang mapalunok ng mapadako ang tingin niya sa labi ng binata. Bigla namang nanuyo ang lalamunan niya.
“Ano kaya ang lasa nan…” Bulong nito habang nakatitig sa labi ng binata.
Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon sa isang lalaki na pangalawang beses niya pa lang nakikita, ngunit ganito na agad ang epekto nito sa kanya.
Sa kabilang banda naman ay, nakayuko pa rin si Alec at pinapakiramdam ang paligid niya. Hindi niya magawang magmulat ng mata dahil sa may katabi siya.
Kanina pa siya gising ng maramdamang na may umupo sa tabi niya. Gusto sana niyang tingnan kung sino ito, ngunit ng imunulat niya na ang mata kanina ay bigla itong nagsalita.
“Hays. Ang gwapo mo. Lalo na kapag tulog.”
Nang marinig niya iyon ay hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil sa pumunta lamang ito dito para sabihin iyon sa kanya.
“But, your looks don’t speak your personality.” Dagdag nito.
Natigilan naman si Alec ng marinig ang sinabi nito muli sa kanya kaya naman ay hindi niya mapigilang ma-kyuryos dito.
Nagtagal rin iyon ng ilang minuto hanggang sa maramdaman na lumapit ang mukha nito sa kanya dahilan para bumilis ang tibok niya.
Napakuyom naman siya sa isang kamay niya. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng nararamdaman niya pero isa lang ang naiisip niya.
“It’s not good.”
“Ano kaya lasa nan…” Rinig na bulong niya sa katabi niya.
Maya-maya ay naramdaman niyang lumayo na ito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya muli ang presensya nito malapit sa ulo niya kaya naman ay iminulat niya na ang kanyang mata at sabay hablot ng kamay at nagsalita.
“What are you doing?” Saad ng binata at unti-unti nitong iniangat ang ulo nito sa pagkaka-yuko at masamang tiningnan si Rian.
“Ayy! Anak ng butiki!” Saad niya na lamang sa pagkakagulat at tiningnan kung sino ang nagsalita.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Rian ng makitang gising na ang binata at masama itong nakatingin sa kanya.
Kinuha naman niya ang braso dito.
“What are you doing here?” Tanong nito at saka lumapit ng unti sakanya dahilan upang mapausod naman siya sa kinauupuan niya.
“Ahh, ano…ano…” Naglibot-libot naman ang paningin niya upang makahanap ng palusot hanggasang sa mapadako ang tingin niya sa mga libro na nasa lamesa na kinuha niya kanina.
“Ahh, ano…K-Kumuha ng libro! Oo t-tama. Kumuha ako ng libro.” Saad ni Rian sabay hablot ng libro sa lamesa at ipinakita sa binata.
Napatingin naman doon ang binata at muling nagbalik ng tingin sa kanya.
“Ahh, ano. Aalis na’ko. Hehehe. Pasensya na sa istorbo.” Saad niya at lumihis sa gilid upang makatakas ngunit nahablot ulit ni Alec ang kamay ni Rian at isinandal sa book-shelves ang dalaga.
“So, what do you mean by, “Ano kayang lasa nan” huh?”
Halos manlambot si Rian sa narinig mula sa binata ang sinabi niya dito habang tulog ito.
“Pa---Gising ka!?”
“Yes. The whole time.”
Naramdaman naman ni Rian ang paginit ng mukha niya ng malamang gising pala ang binata kanina at malamang sa malamang na narinig niya ang sinabi niya mula sa kanya.
“Hay, nako. Dapat umalis kana agad kanina eh.”
Napakagat na lamang ng labi si Rian dahil sa isa na namang kahihiyan ang nangyari. Unang araw niya sa pagpasok ngunit andami ng nangyari sa kanya.
Napatingin naman si Alec sa labi ng dalaga ng kagatin niya iyon. Para namang nanuyo ang lalamunan niya dahil doon, dahilan para lumapit ng unti-unti sa dalaga ang mukha niya.
Napansin naman agad iyon ni Rian dahilan upang matigilan siya sa kinatatayuan niya.
“Huh? Ano ito? Hahalikan niya ba ako? My, ghad! As in now? Hala! Bakit? Aahhh!!!”
Dahil doon ay hindi na mapigilang ipikit ni Rian ang kanyang mata at hintayin ang paglapat ng labi nila ng binata.
Napansin naman ni Alec ang pagpikit ng dalaga at pagngudo nito dahilab upang mabalik siya sa kanyang sarili. Inilayo naman niya ang kanyang mukha dito dahil hindi niya namalayan na malapit na ang mukha niya dito.
“What the hell is this girl doing?”
Napakunot noo naman si Rian ng maramdamang wala pang dumidikit sa labi niya kaya naman ay naimulat niya ang mata niya. Nang maimulat ay saka lamang niya napagtanto na hindi pala siya hahalikan ng binata.
“Assuming mong babae ka.”
Maya-maya ay nag-ring na ang bell dahilan para maimulat ni Rian ang mga mata niya. Napatingin naman siya sa binata na masama pa rin ang tingin sa kanya.
Nginitian naman niya ito saka dahan-dahang umalis sa harap ng binata. Hinabloy niya na rin ang kamay niya sa pagakakahawak dito sabay kuha ng mga libro niya sa lamesa.
Bago umalis ay muli niyang nilingon ang binata na nakasunod ng tingin niya sa kanya. Nginitian niya muli ito saka yumuko bilang paggalang at kumaripas na ng takbo papaalis sa lugar na iyon.
“Don’t run inside the library!” Saad ng librarian ng makita si Rian na tumatakbo.
“P-Pasensya na po!” Saad na lamang ni Rian dahil sa hiya na nararamdaman niya.
“Jusko po, Lord! Ano po ba itong araw na ito. Nakakahiya!!”
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Salamat po sa mga nagbabasa!