Chapter 2
Nang makapasok sa kanilang bahay si Rian ay naiinis naman siyang napahiga sa sofa nila.
Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari kanina sa loob ng convenience store.
“Parang banana milk lang eh. Hmp.”
Simula ng umalis ang lalaki kanina na kumuha ng banana milk niya ay umuwi na siya. Balak niya pa naman sana bumili noon ngunit ng pagbalik niya sa likod ay wala na siyang makita. Last product na lang pala iyon at nakuha pa ng iba. Kaya naman ay nawalan na siya ng ganang bumili at umalis nalang doon.
Hindi na rin niya ito naabutan sa labas ng convenience store kanina.
“Gwapo mo sana, kaso ang sungit.” Saad niya habang pinaglalaruan ang buhok niya.
Habang nagpapahinga ay biglang tumunog ang selpon niya. Kaya naman ay kinuha niya ito sa bulsa ng palda niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Napapikit na lamang siya ng makilala ang pangalan ng tumatawag sa selpon niya. Sinagot naman niya ito at itinapat sa kanyang tenga.
“Rian! Ano itong nabalitaan namin na nagdrop out ka sa school niyo?” Sigaw ng Tita niya sa kabilang linya.
Nailayo na lamang niya ang kanyang selpon dahil sa lakas ng pagkakasigaw ng Tita niya.
“Ahh. I just dropped out. I’m so sick of that school.” Seryoso niyang tugon dito at bumangon sa pagkakahiga sa sofa.
“Hay nako naman, Rian. Hind---”
“Just send me in the other school, Tita. Hindi na’ko babalik sa school na iyon.”
Tumahimik naman ang nasa kabilang linya. Napabuntong hininga naman ang Tita niya bago magsalita.
“May nasabi na naman ba ulit tungkol sa magulang mo?” Saad ng Tita niya sa kabilang linya.
Napatahimik naman si Rian ng marinig iyon. Narinig naman niyang bumuntong hininga ang Tita niya sa kabilang linya.
“Rian. It’s been two years na. Just forg---”
“Forget it? Tita, naririnig mo ba ang sinasabi mo? It’s my parents! Walang kasalanan ang mga magulang ko at alam mo iyan Tita.” Hindi na niya napigilan ang sarili na sumigaw.
Two years ng patay ang mga magulang ni Rian dahil sa pagkaka-sangkot ng mga ito sa pagbebenta ng droga. Parehas pulis ang mga magulang ni Rian kaya mula bata pa lang ay naiintindihan niya na ang trabaho ng mga ito. Nasanay na siya na palagi itong umaalis ngunit bumabawi naman ito sa kaarawan niya.
Ngunit isang trahedya ang nangyari. Pauwi na ang mga magulang ni Rian galing istasiyon ng pulis. Maglabing-anim na taong gulang na siya nito at kaarawan niya itong araw.
Tumawag naman muna ang mga magulang ni Rian sa kanya.
“Anak. Pauwi na kami. Pasensya na kung late na na---”
“Ayos lang iyon, Mom. Basta yung paborito ko huh. Lulutuan mo’ko.” Saad ni Rian.
“Hahaha. Oo naman. Atsaka---Honey, I think may sumusunod sa atin.” Rinig ni Rian sa kabilang linya.
Napakunot naman ang noo niya.
“Mom, ayos lang ba kayo ni Dad?” Tanong niya sa mga ito.
“Ayos lang kami anak. Ibaba ko na muna ito huh.” Saad ng Mom ni Rian sabay patay ng tawag.
Hindi naman maiwasan kabahan at mag-alala ni Rian sa mga magulang niya lalo ng marinig niya sa mga ito na may sumusunod sa kanila.
Habang hinihintay na dumating ang mga magulang ni Rian ay umupo na muna siya sa sofa ng sala nila. Sa ilang oras nitong paghihintay ay hindi na nito namalayan na nakatulog na pala siya.
Nagising naman si Rian ng may kumakatok sa pinto ng bahay nila. Kaya naman ay ipinilit niyang ibangon ang sarili at naglakad sa harap ng pinto upang buksan ito.
Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang Tita niya. Agad naman siya nitong yinakap pagkakita sa kanya.
“Oh, Rian. Thank god.” Saad nito.
Nagtataka naman siya kaya naman ay yinakap niya ito pabalik.
“Teka, Tita. Ba’t pala kayo nandito?” Tanong niya dito.
Humiwalay naman ito at napansin na mugtong-mugto ang mga mata nito. “Bakit mugto ang mata mo, Tita? May nangyari ba?” Tanong muli niya dito.
At dahil doon ay napaiyak na lamang sa harap ni Rian ang Tita niya. Nagulat naman siya kaya naman ay pinaupo niya muna ito ngunit pinigilan siya nito.
“May kailangan ka dapat malaman, Rian.” Saad nito habang nakahawak sa braso niya.
“Mamaya na, Tita. Umupo ka na muna. Ikukuha kit---”
“Wala na ang Dad at Mom mo, Rian. I’m sorry.” Putol nito sa sinasabi niya.
Natigilan naman si Rian at tumingin sa Tita niya na patuloy pa rin sa pagiyak.
“Ano ba iyan, Tita. Umup---”
“Totoo ang sinasabi ko! Rian, Please…” Tugon nito at yinakap muli si Rian.
Para namang nanlambot ang tuhod ni Rian sa narinig dahilan upang mapaupo siya sa sahig.
“P-Paanong…Tumawag sila kagabi sakin. Imposible ang sinasa…”
“Honey, I think my sumusunod sa’tin.”
“Ibaba ko muna ito anak huh.”
Para namang tinusok ng kutsilyo ang dibdib ni Rian ng maalala ang mga sinabi ng magulang niya ng tumawag ito sa kanya. Dahil doon ay unti-unti ng pumatak ang mga luha ni Rian.
“I’m sorry, Rian. I’m sorry.” Tanging saad na lamang ng Tita ni Rian sa kanya.
“Rian, nandiyan ka pa ba? I’m sorry dapa---”
“Just enroll me in the other school. Kahit sa school na lang ni Trisha mo ako ipasok. Hindi na ako babalik sa school na iyon. Bye.” Saad niya sabay patay ng tawag.
Napatangin naman siya sa selpon niya sabay bagsak sa lamesa na nasa harapan niya.
Bumuntong hininga naman si Rian at napatingin sa picture frame ng mga magulang niya. Kinuha niya ito at tinitigan.
“Mom, Dad. Miss ko na kayo.” Biglang sambit niya. “Kung nasaan man kayo, sana masaya na kayo. Don’t worry, paglaki ko. Bibigyan ko kayo ng hustisya kasi magiging pulis ako katulad niyo. Alam kung hindi niyo gusto iyon, pero anong magagawa ko? Pangarap ko na maging tulad niyo eh.” Dagdag niya.
Maya-maya ay bigla na lamang pumatak ang mga luha ni Rian.
“I promise. Magbabayad ang mga gumawa nito sa inyo.” Saad niya at saka pinahid ang mga luha niya.
•*•*•*•
Naglalakad na papasok si Rian sa bagong school sa niya. Pagpasok niya sa loob ng gate ay wala ng estudyante sa labas. Napabuntong hininga naman siya.
Late na siya nagising kanina dahil sa hindi niya narinig ang pagtunog ng alarm clock niya. Kaya naman ay kanina ay nagmadali na siyang nag-ayos at dumeretso dito.
Tiningnan naman niya ang selpon na hawak niya at saka binasa ang text ng Tita niya na kaninang umaga dumating. Tulad nga ng sabi niya dito ay nailipat agad siya ng eskwelahan.
Mahigit isang linggo na rin ng makahanap ang Tita niya ng bagong eskwelahan. Ang Tita na lang niya ang natitirang pamilya niya sa side ng Mom niya simula ng mamatay ang mga magulang niya.
Hindi niya rin nakilala ang mga ibang kamag-anak ng Dad niya kaya wala rin siyang kilala sa mga ito. Tanging ang Tita lang niya ang tumulong sa kanya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa tabi niya.
“Section Bill Gates, Room Two, Second Floor yellow building.” Basa niya sa text.
Nang mabasa iyon ay agad niyang hinanap agad ang yellow building. Napansin niyang bawat grade level ay may ibat-ibang kulay na building. Matapos ang ilang minuto ay nahanap niya rin ang dilaw na building.
Tiningnan naman niya ito at namangha siya na malaki at mataas ang building.
Umakyat na agad si Rian papuntang second floor dahil ilang minuto na siyang late.
“Bwisit!” Saad niya ng maka-akyat siya ng ikalawang palapag.
Pagkadating niya kasi doon ay hahanapin pa niya ang room niya. Habang hinahanap ang room ay may nahagip siyang isang bulto ng lalaki na naglalakad sa direksiyon na hindi kalayuan sa pwesto niya.
Tumigil naman siya para sana magtanong ngunit nagulat siya ng makilala niya ang lalaki.
“Siya yung lalaki sa convenience store nung isang linggo ah!”
Tulad ng unang pagkikita niya dito ay nakasuot ito ng polo, slacks pant at itim na sapatos, nadagdagan lamang ito ng mga bitbit na libro.
At dahil sa pagkakatitig niyang iyon ay naramdaman niyang bumilis ang kanyang puso. Napahawak naman siya doon sa hindi malamang dahilan.
“Ayos ka lang ba, hija?” Tanong ng isang guro kay Rian kaya naman ay napatingin siya sa kanyang gilid kung nasaan katabi niya na ang guro.
“A-ayos lang po. Hinahanap ko lang po ang section Bill Gates.” Saad niya at tinanggal ang pagkakahawak sa dibdib niya.
“Ahh, new student ka ba?” Tugon nito na ikinatango niya.
Iginaya naman siya nito sa room na hinahanap niya. Kumatok naman muna ang guro na kasama niya kaya naman ay lahat ng estudyante sa loob ay nakatingin na sa kanila. May sinabi pa muna ang guro sa loob bago ito bumaling ng tingin sa kanya.
“Sige na, hija. Pumasok kana.” Saad nito. Pumasok na naman si Rian loob.
Pagkatapak niya sa loob ng silid ay inilibot niya ang paningin niya.
“Iwan ko na siya sa inyo, Sir.” Saad ng guro sabay alis.
“Introduce yourself.” Naibaling naman ni Rian ang atensiyon niya ng may magsalita sa harapan niya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Rian ng makilala muli ang nasa harapan niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa mga oras na iyon. Tila napako ang mga paa niya sa kinatatayuan niya.
“Magpakilala ka.”
Natauhan naman si Rian saka nagsalita.
“A-Adrianne Morales.” Pagpapakilala niya habang hindi inaalis ang mga tingin sa harap niya.
“Nice to meet you…again, Ms. Morales. I’m Mr. Alec Villareal. Your Science Teacher.” Saad nito sabay ngiti ng bahagya sa kanya.
At dahil doon ay muli na naman niyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahilan oara mapahawak siya doon. Ngunit isa lang ang naiisip niya sa mga oras na iyon.
“Huwag mong sabihing may crush ako sa Science teacher ko?!”
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Salamat po sa mga nagbabasa!