Chapter 1
“Sige! Ganyan nga!”
“Purohan mo!”
“WOOAAH!!”
Puno ng sigawan ng mga studyante na galing sa ibat-ibang baitang ang hallway.
Meron pa sa mga ito ang kumukuha ng video at nagchecheer sa mga pangyayari.
“Ano? Lalaban ka pa? Wala ka pa lang binatbat eh.” Saad ng isang dalaga habang nakadagan sa isang babae na ngayon ay umiiyak sa sakit na nararamdaman niya.
“Hoy! Anong nangyayari diyan!”
Nagsipagtinginan naman ang lahat ng mga estudyante sa likod. Doon nila nakita ang kanilang principal na kasama nito ang dalawang teacher na namamahala sa guidance office.
“Ms. Adrianne Morales. Ikaw na naman?” Saad ng panot nilang principal.
Napansin naman ng mga ito ang pagkislap ng mga ilaw at pagtutok sa kanila ng mga selpon.
“Itigil niyo iyan! Kuhanin niyo ang mga selpon ng mga batang ito!” Utos niya sa dalawa niyang kasamang teacher.
Agad naman ng mga ito sumunod. Ang iba ay nagmamatigas pa ngunit wala silang magagawa.
“Tara na alis na tayo. Baka madamay pa tayo “
“Oy! Pasok na sa loob!”
“Ano ba iyan! Ang ganda na eh.”
Bulong ng iba na parang hindi pa kuntento ang mga ito ng matigil ang pangyayari.
Tumayo naman si Rian sa pagkakadagan sa babae at saka inayos ang sarili. Nagusot na rin ang palda at damit nito dahil sa pagkakahila.
“Go to my office. Right now!” Saad ng principal saka nauna ng maglakad.
Hinawakan naman siya ng isang guro habang ang isa naman ay tinutulungan makatayo ang isang babae.
“Ano na naman bang ginawa mo at sinaktan mo si Ms. Medez?” Tanong ng principal nila na si Mr. De Guzman pagkapasok pa lang nila sa principal office nito.
Hindi naman nila kasama sa office ang babaeng sinaktan ni Rian. Idineretso ito ng dalawang teacher sa clinic para gamutin ang mga sugat nitong natamo mula sa kanya.
Hindi na lamang siya umimik dito dahil alam naman niyang hindi maniniwala ang mga ito sa kanyang sasabihin.
Kaya lang naman niya nagawang saktan ang babae ay dahil sa tinisod siya nito dahilan para matumba siya sa sahig. Papalagpasin na lamang niya iyon ngunit hindi niya papalagpasin ang mga sinabi nito sa kanya lalo na at tungkol ito sa mga magulang niya.
“You know what, I salute your parent’s for bravery but it the end they’re just like some corrupt people. Sinong magaakala na ang hinahangaan ng maraming tao ay isa pa lang tulak ng droga at isa pang pulis. Hahaha. Nakakata---”
Hindi na pinatapos ni Rian ang sasabihan ng babae dahil sinampal niya ito ng malakas sa pisngi dahilan para matumba ito at dumugo ang labi nito.
At dahil doon nagsimula ang pangyayari na nakita na naman ng iba na siya ang mali.
Pang tatlong beses na niya itong punta sa guidance office. Nung una ay sinisisi siya dahil siya daw ang nagnakaw ng isa sa mga gamit ng kaklase niya. Pangalawa naman ay iyong nahuli siyang sinuntok ang kaklase niya.
Nasuntok lang naman niya ito dahil sa pangbabastos nito sa kanya.
“He deserved it.”
“This is your third time in my office and you know it, Ms. Morales. Nakailang bigay na’ko ng chance sayo sa iyo para magbago ngunit hindi ka nagbabago. At dahil dito, kailang---”
“I dropped out.” Seryosong saad niya sa principal at saka tumayo na.
“Ms. Morales!”
“What? I said I’m dropping out. Ano bang pinuputok ng butsi mo diyan. Dapat nga ay masaya kana dahil wala ng magpapainit ng ulo mo.” Sambit ulit niya at saka lumabas na ng office nito.
Dere-deretso namang naglakad si Rian sa room niya. Pagpasok pa lang niya sa room nila ay tumahimik saglit ang room. Ngunit bumalik ito at napalitan ng bulung-bulungan.
Hindi niya na ito pinansin at saka dumeretso sa upuan niya. Iniligpit niya naman ang mga gamit niya. Nang mailigpit na ay isinukbit niya ang bag niya sa balikat at dere-deretsong naglakad palabas ng pinto.
Nakasunod lamang sa kanya ang mga tingin ng kaklase niya. Nang makalabas ay sakto namang nakasalubong niya ang ang homeroon teacher nila.
“Ms. Morales. Saan ka pupunta?” Taas kilay na tanong nito at tiningnan ang bag niya na nakasabit sa balikat niya.
“Home.” Tipid na sagot nito at nilagpasan ang guro.
Hinablot naman ng guro ang braso niya dahilan para tingnan nita ito. “At sino namang maysabi na uuwi ka? Class hours ngay---”
“I dropped out, so can you please let go my arm, Mrs. Hermosa.” Diing saad ni Rian sa guro.
Nagulat naman ang guro sa asta ni Rian. “Aba’t! Wala kan---”
Nang hindi pa rin tinatanggal ng guro ang pagkakahawak sa braso niya ay siya na mismo ang nagtanggal dito at sabay talikod. Narinig niyang tinatawag siya nito ngunit hindi niya na ito pinansin.
Ayaw niya ng magtagal sa school dahil sa nakakasakal na suffocation ang nararamdaman niya doon. Kahit naman na anong gawin niya ay sa paningin pa rin nila ay mali siya.
“Palibhasa mga gutom sa pera.”
Nang makalabas sa gate ng school nila ay naglakad na pauwi si Rian. Hindi rin naman siya makakasakay dahil walang masyadong sasakyan ang nadaan sa ganitong oras. Alas nuebe pa lang ng umaga ngunit heto siya nasa labas na ng school.
Hindi naman niya mapigilang sipain ang maliit na bato sa harap niya dahil sa frustration na nararamdaman niya.
“Hayst. Ano bang buhay ito!” Sigaw niya sabay sipa ulit sa binato.
Naglakad na lang siya ng naglakad hanggang sa mapagod at mapatigil sa tapat ng seven-eleven. Hindi na niya namalayan na nakalabas na pala siya ng street sa school nila.
Pumasok naman siya sa loob para magpalamig. Buti na lang at may upuan na bakante sa loob kaya naman ay iniwan niya na muna ang bag niya. Panatag naman siyang iwan iyon doon dahil dala naman niya ang selpon at pitaka niya.
Pumunta siya sa parteng likod kung saan makikita ang mga inumin at mga tsitsirya.
“Hmm…Meron pa kaya nun?” Sambit niya habang inililibot ang tingin sa refrigerator. Hinahanap niya kasi ang paborito niyang inumin na banana milk. Matagal na siyang hindi nakakainom noon. Hindi niya alam kung bakit niya ito naging paborito basta ang alam niya ay binabalik-balikan niya ito.
Bumuntong hininga naman siya ng wala siyang makitang banana milk. Aalis na sana siya ng mapadako siya ng tingin sa taas. Para namang nagning-ning ang mga mata ni Rian ng makita ang banana milk sa taas na parte ng refrigerator.
“Nandyan ka lang pala huh. Pinahirapan mo’ko.” Saad niya sabay abot dito.
“Bwisit!” Naiinis na sambit ni Rian habang nakatingin sa taas. Kanina niya pa ito inaabot pero hindi niya ito makuha.
“Ganoon na ba ako kaliit at hindi ko maabot ang letseng banana milk na iyan?”
Huminga naman ng malalim si Rian at saka muling nagtangkang abutin ito. Habang pilit na inaabot ang banana milk ay may naramdaman siyang presensya sa kanyang likod na unti-unting lumapit sa likod niya.
Napansin naman niya ang kamay ng tao na nasa likod niya ng abutin nito ang banana milk sa taas. Tiningnan naman niya kung kanino galing ang kamay na iyon kaya naman ay lumingon siya sa likod niya.
Pagharap niya sa likod ay isang lalaki ang nakatayo na may hawak na banana milk niya. Nakasuot ito ng polo na kulay sky-blue na polo, slacks pants at itim na sapatos.
Isa lang ang made-describe ni Rian sa lalaki.
“Ang gwapo…” Bulong niya.
Napansin naman siya agad ng lalaki kaya nagtanong ito. “Are you okay?”
“Huh? Ahh, O-Oo. Ayos lang ako. Hehehe.” Kinurot naman niya ang braso niya upang mabalik siya sa kanyang wisyo.
“Salamat nga pala sa pagkuha nan. Akin na---”
“Huh?” Pagtatakang tanong ng lalaki sa kanya.
“Uhm. Diba kinuha mo iyan para sakin?” Sambit ni Rian habang nakaturo pa sa sarili.
“At sinong may sabi na sa iyo ito?”
“Wala. Pero diba---”
“Then, sa’kin ito.” Saad nito at tumalikod na sakanya.
Natigilan naman si Rian sa sinabi ng lalaki sa kanya. Napapikit naman siya bago sundan ito upang pigilan.
“Wait! Teka lang. Pwedeng pag-usapan muna natin? Pwede bang akin na lang iyan?”
“At bakit ko naman ito ibibigay sayo?” Taas kilay na tanong nito.
“Kalma ka lang, Rian. Kalma lang.”
“Uhm, kasi matagal na’kong hindi na muli nakainom nan. Kaya nama---”
“Then, it’s none of my business, little girl.” Saad nito at nilagpasan si Rian, ngunit humarang ito sa harapan niya.
Napansin naman ni Rian na naiinis na sa kanya ang lalaki. “What?”
“Please. Sa’kin na lang. Kumuha ka na lang iyo. Tutal abot mo naman eh.” Pagmama-kaawa ni Rian.
Hindi na makapagpigil ang lalaki sa inis kaya naman ay nagsalita ito.
“Can you please, stop? Nakakasayang ka ng oras ko.” Saad nito kay Rian na nakapag-patahimik sa dalaga.
Nakita naman ni Alec ang ekspresiyon ng dalaga na nasaktan ito sa sinabi niya. At dahil doon ay medyo na-konsensya siya, ngunit nilagpasan na niya na ang dalaga at dumeretso ng magbayad sa counter. Hindi na siya lumingon at deretsong lumabas na siya ng convenience store.
Pumasok naman ito sa sasakyan niya at sabay bigay ng banana milk na binili niya sa katabi niyang busy na ngayon sa pagbabasa ng libro.
“Thank you, Uncle” Saad ni Rizzy na pamangkin niya, sabay bukas nito ng banana milk.
“Ba’t po pala ang tagal ninyo?”
“It’s none of your business. Ayusin mo na ang sarili mo dahil papasok ka pa ng school.”
“Hmp. Ang sungit mo po.” Nakasimangot naman na saad ni Rizzy sa Tito niya. Si Alec naman ay pinabayaan niya na lamang ito at saka pinaandar ang sasakyan.
Bago tuluyang umalis ay tumingin muna siya sa side mirror ng sasakyan niya. Tiningnan niya ang babae na kanina ay nakipagtalo pa sakanya dahil sa banana milk. Habang pinagmamasdan nito ay doon niya lamang na napansin na maganda ito.
Naiiling na lamang niya ang kanyang ulo upang mawala sa kanyang isipan ng isipin niya iyon.
“What a troublesome.”
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Sana nagustuhan niyo ang unang Chapter!