Chapter 12
“Bwisit naman oh…” Bulong ni Rian sa kanyang sarili.
Agad naman siyang napatakbo sa pinto ngunit naharangan na ito. Lumingon naman siya sa likod upang doon dumaan ngunit napapalibutan na siya ng mga lalaki.
“Hey, Missy. H’wag ka ng pumiglas dahil hindi ka makakatakas samin.” Saad ng isang panot na lalaki.
“Oh, grabe! Kuya, h’wag ka ng magsalita dah abot dito ang amoy ng hininga mo. Iyan siguro ang dahilan kung bakit nauubos buhok mo eh.” Saad ni Rian at nagkunwari pang nagtakip ng ilong.
Nainis naman ang lalaki sa sinabi ni Rian dahilan upang sumugod ito una. Hinuli naman ni Rian ang kamay nito dabay suntok sa mukha nito at tinulak dahilan upang matumba ang iba. Sumugod naman ang dalawang lalaki kaya naman ay yumuko siya.
Tumama naman sa isa’t-isa ang mga suntok ng dalawang lalaki. Hinampas naman ni Rian ang leeg ng dalawang upang mawalan ng mawalay. Gulat na gulat naman ang mga tao sa loob dahil sa nakikita nila.
“Huwag niyo siyang hahayaah makatakas!”
Nang marinig iyon ay napamura na lamang si Rian dahil padami na ng padami ang mga kalaban niya kaya naman ng makakuha ng tiyempo ay agad na tumakbo si Rian sa pinto at agad na lumabas.
Nang makalabas ay napatigil siya ng wala siyang matataguan. “Hays, bahala na nga.” Agad na tumakbo si Rian sa isang pinto. Nang pihitin niya ang pinto ay bukas ito kaya naman ay agad siyang pumasok dito.
“Hanapin niyo! Nagtatago lang iyan sa mga kwarto.” Rinig ni Rian sa labas ngunit napatigil naman siya ng may magsalita at sumigaw sa likod niya.
“Aahh!”
“What are you doing here and who are you?”
Agad naman na nilingon ni Rian ang nagsalita sa likuran niya. Nakita niya ang isang lalaki at isang babae na parehas nakahubad.
“Hayst. Malas naman oh!” Saad niya at naghanap ng matataguan ngunit wala siya mahanap dahil mahuhuli lamang siya ng mga ito kaya naman ay napatingin si Rian sa bintana kung saan bukas ito. Lumapit siya doon at sinilip ang labas ng bintana. Nakita niyang may hagdan sa gilid nito kaya naman ay agad siyang sumampa doon at bumaba.
“Boss, Nandito ang babae!” Rinig ni Rian at tumingala.
“Sa baba! Abangan niyo sa baba!”
Napamura na lamang si Rian at binilisan ang pagbaba. Saktong pagbaba niya ay nagbukas rin ang pintuan sa likod kaya naman ay agad na napatakbo si Rian sa kabas ng kanto.
“Ayun! Habulin niyo! H’wag niyong patatakasin!”
“Sh*t!”
Napatigil naman si Rian sa pagtakbo ng may tumigil na sasakyan sa harapan niya.
“Pasok, Rian. Bilisan mo!” Saad ni Jonathan at agad na binuksan ang passenger seat.
Napangiti naman si Rian ng makita niya ang binata kaya naman ay agad siyang pumasok at agad na pinaharurot ang sasakyan papa-alis.
“Wwooohh! Hahahaha.” Tawa ni Rian habang nakatingin sa likod kung saan patuloy na tumatakbo ang mga lalaking naghahabol sa kanya.
“H’wag kang tumawa diyan! Sabi ko naman sayo na delikado eh.” Saad ni Jonathan sa dalaga.
Si Rian naman ay napangiti na lamang at bumuntong hininga. “Oo na, Oo na. Thanks.”
Inismiran lamang siya ng binata kaya naman at napatawa na lamang siya. “So ano, may makuha ka bang impormasyon?”
“Oo naman. Hindi naman ako hahabulin ng mga iyon kung wala diba?”
Bumuntong hininga na lamang si Jonathan at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
•*•*•*•
“Talaga bang hindi ka makikinig sa’kin, Adrianne? Huh? Paano kung nahuli ng mga iyon, huh?”
Napapapikit na lamang si Rian habang nakikinig sa sermon sa kanya ng director. Nandito siya sa opisina dahil sa ipinatawag siya nito kanina dahil sa nalaman nitong ginawa niya kagabi.
“At talagang dinamay mo pa ang partner mo. Dahil sa ginagawa mo ay pati ang kasong ito ay nasisira. At dahil sa katigasan ng ulo mo, suspendido ka ng isang linggo. Akin na ang tsapa at baril mo. Ibabalik ko lang ito kapag alam mo na ang kamalian mo. Makaka-alis kana.” Saad nito habang nasa iba ang tingin.
Hindi na rin umangal si Rian dahil alam naman niya ang ginawa niyang mali. Tumayo na siya at saka inilapag sa mesa nito tsapa at baril na tinaggalan naman niya ng lagayan ng baril.
Bago siya makaalis ay humarap na muna ito muli sa director. “Kung para sa inyo ay ginagawa ko ito dahil sa mga magulang ko. Nagkakamali ka. Ginagawa ko ito dahil mahal ko ang trabaho ko at gusto ko bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Kung sayo ay sarado na ang kaso ng mga magulang ko, sa’kin hindi.” Saad ng dalaga sa director. Pagkasabi nun ay agad muna siyang sumenyas ng salute dito sabay labas na sa opisina nito.
Pagka-labas niya ay agad siyang sinalubong ng partner niyang si Jonathan. “Anong nangyari?”
“Just like you said, suspended ako ng one week.” Saad ni Rian at naglakad pabalik sa opisina niya.
“Ikaw lang? Dapat ako rin dahil kasama mo naman ako kagabi eh. Hindi lang---”
“Stop na okay. Tulad ng sabi ko, ay aakuin ko lahat. Kaya tumigil ka na diyan. Ikaw na muna mag-asikaso sa team.” Saad ni Rian at kinuha ang mga gamit sa kanyang mesa. Hindi na rin naman umangal si Jonathan kaya nginitian na lamang niya ito.
Mang makalabas ng istasiyon ay agad siyang dumeretso sa kanyang sasakyan. Nang makapasok ay agad niyang pinaandar ito at umalis na sa lugar.
“Mom, Dad. Si Adrianne po ito.” Kausap ni Rian sa puntod ng kaniyang magulang. Nandito siya ngayon sa holy garden cemetery kung saan nakalibing ang mga magulang niya.
Dito niya naisipang tumambay dahil wala rin naman siyang gagawin sa bahay niya lalo na’t suspended siya ng isang linggo. Bumili naman siya ng bulaklak at sinindihan ng kandila para sa mga ito.
“Alam niyo ba, may kaso kami ngayon at iyon ang kaso niyo noon, Mom, Dad. Kaya naman nung malaman ko na may kinalaman kayo doon at hindi ako nagdalawang isip na magimbestiga. Alam ko naman na mali ang ginawa ko dahil iniisip ko lang ang sarili ko. Kaya naman pinapangako sa inyo Mom, Dad. Bibigyan ko kayo ng hustisya at huhulihin ko ang gumawa nito sa inyo. Pangako.”
Pagkasabi nun ni Rian ay hindi niya mapigilang mapaiyak dahil sa pagka-miss sa kaniyang mga magulang. Habang kinakalma ang sarili ay tumunog naman ang selpn niya na hudyat na may tumatawag.
Kinuha niya naman ito at tiningnan ang pangalan ng tumatawag.
Sinagot naman niya ito ng mabasa niya kung sino ang tumatawag. “Oh, Leah. Napatawag ka? Bakit?”
“Busy ka ba ngayon?” Tanong nito sa kabilang linya.
“Hindi naman, bakit?”
“Samahan mo ako bumili ng dress.” Nang marinig iyon ni Rian ay napakunot naman ang noo nito.
“Dress? Para saan naman aber?”
“Sa Highschool Reunion natin! Hindi ba binigay sayo nung pulis yung invitation na pinaabot ko?”
Bigla naman naalala ni Rian ang iniabot na invitation ni Jonathan sa kanya nakaraang linggo.
“Ahh iyon ba. Nakuha ko. Pero hin---”
“Iyon naman pala eh. Samahan mo ako bumili at bibili na rin tayo ng iyo. Hintayin kita dito sa bahay ah, miss ka na kasi ni Carlo. Sige, ingat.” Saad ni Leah sa kabilang linya sabay patay ng tawag.
Napatingin na lamang si Rian sa selpon niya ng patayan siya ng kaibigan. Bumuntong hininga na lamang si Rian at saka tumayo.
“Sige na po, Mom, Dad. Mauna nako. Sa susunod na po ulit ako bibista.” Pagpapa-alam ni Rian at saka umalis na sa lugar.
Kagay nga ng sinabi ni Leah ay dumaan muna siya sa bahay nito. Nagdala na rin siya ng pasalubong sa mga bata lalo na kay Carlo. Hindi na rin naman sila nagtagal pa doon at agad na umalis.
Nagtagal sila na mahigit tatlong oras sa mall dahil nagpa-manicure at pedicure pa sila isang salon. Naging masaya naman ang araw ni Rian dahil ngayon na lamang ulit sila nagkasama ng kaibigan na si Leah simula ng mag-asawa ito.
“Oh sige na, salamat Rian. Nagenjoy ako sa ginawa natin.” Saad ni Leah sabay yakap sa dalaga.
“Ako rin. Nakakamiss ka kasama.”
“Mama! Tita Rian!”
Napalingon naman sila Rian ng tawagin ang mga pangalan nila. Nakita naman nilang tumatakbo papalapit sa kanila si Carlo na nakapaa pa. Kasunod naman nito si Troy na karga karga ang babygirl nila na si Talia na isang taong gulang na.
“Oh nandito na pala kayo.” Saad ni Troy sa kanila. Agad naman na hinalikan ng binata ang asawa sa labi nito dahilan upang mapangiwi si Rian
“Hayst. Oo na, aalis na. Pumasok na nga kayo sa loob. Sige na, mauna nako. Bibisita na lang ako dito sa susunod. Bye!” Saad ni Rian at agad na sumakay ng sasakyan nito.
Narinig naman niyang napatawa si Troy sa kaniyang sinabi. “Salamat sa paghatid sa asawa ko.”
Tumango at ginitian naman niya si Troy at muling nagpaalam sa mga ito. Nang makarating sa bahay si Rian ay agad siyang dumeretso sa kanyang kwarto at inilapag ang mga gamit na binili niya sa sahig.
Napatingin naman siya sa invitation na nasa bedside table niya nakapatong. Muli niya itong tiningnan. Bumuntong hininga na lamang si Rian at ibinalik sa mesa ang invitation.
“Matulog na lang tayo, Rian.”
•*•*•*•
“Rian! Ang ganda ng venue ng reunion natin.” Saad ni Leah habang inililibot ang mga mata nito.
Nandito sila sa Fernwood Gardens sa Tagaytay kung saan ginaganao. ang Highschool Reunion nila Rian. Maganda rin ang hall dahil sa gawa sa window ang kisame nila na talaga namang tamang-tama sa mga nagkikislapang mga bituin. Kasama rin ni Leah ang pamilya niya dahil hindi niya ito maiwanan lalo na ang asawa nito na si Troy dahil nagpupumilit sumama dahil baka daw ay makahanap ito ng iba.
Kaya naman ay napapatawa na lamang ang dalaga kapag nakikita niyang kung paano magselos ang binata sa asawa nito.
“Ako kaya. Kailan kaya ako magkakaroon?” Biglang tanong ni Rian sa kanyang sarili.
Napailing na lamang siya at kumuha ng baso na may alak saka ininom.
“Leah, magpapahangin na muna ako saglit sa labas. Babalik rin ako agad.” Paalam ni Rian sa kaibigan na ikinatango na lamang nito.
Nang makalabas ay bumungad sa kanya ang napakagandang tanawin na makikita sa veranda. Naglakad siya papalapit sa veranda at saka dinamdamn ang malamig na simoy ng hangin. Hindi naman mapigilan ni Rian ang kanyang pagngiti. Simula ng naging isa siyang pulis ay malimit na lamang siya makatanaw ng magandang tanawin dahil busy siya sa mga hinahawakan niyang kaso.
Habang nakamasid sa tanawin ay sumisimsim naman ng alak si Rian na nagbibigay ng init sa kanya.
“Oh, I thought nobody’s here.” Rinig ni Rian sa kanyang likod dahilan upang siya’y mapalingon at makita kung sino iyon.
“Can I join you?” Nang makita at makilala ni Rian ang lalaking nagsalita ay bigla na lamang niya naalala ang isang ala-ala na matagal na niyang kinalimutan.
“Here. Drink this”
“When we first met, you said its your favorite drink.”
“So, what do you mean “Ano kayang lasa nan? Huh?”
“Nice meeting to you…again. Ms. Morales. I’m Alec Villareal, your Science teacher.”
Si Rian ay patuloy pa rin na nakatitig sa binata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Akala niya ay hindi niya na ito makikita dahil napaka-imposible muli na magkita sila nito.
“Hindi ito totoo, Rian. Gising ano kaba! Nasobrahan ka na ba ng inom sa alak at heto ka ngayon nagha-hallucinate?” Bulong niya sa kanyang sarili.
“Are you okay?” Tanong nito na ikinagulat ni Rian kasabay ng pagihip ng hangin. Nakita naman niyang lumalapit ito sa kanya at tumigil sa harapan niya. Ipinatong naman nito ang dalang baso sa veranda at saka hinubad ang jacket nito sabay patong nito sa dalaga.
“Here, suotin mo. Malamig dito sa labas.” Saad nito at napahawak doon si Rian.
Maya-maya ay biglang napasinghap si Rian ng mapagtanto ang nangyayari.
“Alec!?” Gulat na saad ni Rian sa binata.
“Yes?”
Nang marinig iyon ni Rian ay hindi niya mapigilang manlambot ang kanyang mga binti.
“He’s here! He’s f*ck*ng here! It’s Alec Villareal. My first love is here. AAHH!!”
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Salamat po sa mga nagbabasa!