Chapter 11
Hanggang sa makauwi si Rian sa kaniyang bahay ay hindi niya maalis sakanyag isip na magkikita sila mulit ng binata. Mahigit sampung taon na ang nakakalipas ay hindi na niya na muli ito nakita. Ang huling naalala niya lamang ay noong sinabi niya dito ang nararamdaman niya.
Muli ay tiningnan niya ang sobre na dala niya. “Malabo rin kaming magkita muli. Matagal na panahon na rin at siguro may asawa na iyon.” Kumbinsi ni Rian sa kanyang sarili.
Napasandal na lamang siya sa sofa ng kanyang bahay at napabuntong hininga. Hindi na niya kasama si Leah at si Carlo sa bahay na ito dahil lumipat na ang mga ito sa bahay nila Troy na asawa na nito.
Masaya at malungkot dahil nami-miss na niya ang mga ito lalo na’t nagiisa na lamang siya sa bahay.
Habang nagpapahinga ay biglang tumunog ang selpon ni Rian. Hindi niya ito pinapansin dahil sa sama ng araw niya dahil nangyari kanina. Ilang saglit lang ay kinuha na ng dalaga ang selpon nito dahil sa patuloy na pag-riring. Kahit na inis ay sinagot niya ang tawag.
“Hello? Sino ito? Kapag ito ay hi---”
“May problema, Ms. Morales?” Sagot ng nasa kabilang linya.
Nagulat naman si Rian ng marinig ang isang tinig sa kabilang linya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makikilala niya ito. Dahan-dahan naman niyang inilayo ay ang selpon sa kanyang tainga at tiningnan ang pangalan ng kanyang kausap.
Parang gustong mawala ng dalaga na parang bula ng makita niya ang pangalan ng chief sa selpon niya. Kahit naman ay nakakainis ito minsan may pag-galang pa rin naman siya dito lalo na’t isa ito sa mga nakatrabaho ng kanyang magulang noon.
“Hello? Ms. Morales?”
“Y-Yes, Sir! Ano po ang kailangan niyo at napatawag po kayo ng ganitong oras?” Tugon niya sa kabilang linya sabay hinga ng malalim.
“Hindi na’ko magpapaligoy-ligoy pa. I need your team in this operation. Bukas ay agahan niyo ang punta dito sa police department.” Saad nito ng seryoso sa kabilang linya.
Nang marinig iyon ni Rian ay agad siyang sumeryoso. Ngayon niya lamang narinig ang boses nito na ganito.
“Mukhang seryoso ang operation na ito.”
“Sige, Sir. Asahan niyo po kami bukas.” Tugon niya dito.
Wala na rin naman itong sinabi pa kaya pinatay na nito ang tawag.
“Another busy days na naman bukas.” Saad niya sa kanyang sarili. Tumayo naman siya at saka naginat ng katawan. Napatingin naman siya sa sahig at nakita niyang nandoon na ang sobre.
Kinuha naman niya ito at muling tiningnan. “I guess, hindi na muna ako aattend.” Saad niya at saka dumeretso paakyat sa kanyang kwarto.
•*•*•*•*•
“This operation is big, dahil pati ang mga kabataan ay nadadamay na rin sa pagbebenta ng droga. Ang pinaka mataas na bilang na nahuli ngayong linggo lamang ay umabot na sa mahigit isandaan at ito ay sa lugar ng Tondo, Maynila.” Saad ng isang babae habang ipinapakita sa screen ang mga chart at report na nakalap nila.
Si Rian naman ay nakatingin naman sa folder na hawak niya habang nakikinig.
“Kaya naman ay nanawagan ang Manila Police District kasama ang ang ibang mga kapulisan na huliin ang taong nasa likod ng pagbebenta ng droga.”
Tumagal na mahigit isang oras ang pagme-meeting nila Rian. Napagusapan rin dito ang pagdi-disguise nila pansamantala upang makahanap pa ng impormasyon sa gagawing operasiyon.
“Iyan lamang sa ngayon ang ating paguusapan. Nakikipagtulungan na rin ang istasiyon natin sa iba. Inaasahan kung malulutas niyo ito sa lalong madaling panahon. Okay, dismissed.” Saad ng Director at bumaba sa maliit na entablado.
Isa-isa namang nagsi-tayuan ang mga tao sa labas at umalis na sa silid. Si Rian naman ay naginat-inat pa muna dahil sa matagal na pagkakaupo.
“Rian, ano tara? Sabay na tayo magtanghalian.” Saad ni Jonathan habang papalapit sa dalaga.
Napatingin naman si Rian sa kanyang relo at saktong oras na magtatanghalian na nga. Lumingon naman siya dito at nagsalita.
“Basta libre mo. Gusto ko yung kare-kare dun sa karinderya ni Aling Pasing.” Saad ni Rian habang nakangiti dito.
“Libre na naman? Ba’t aya---”
“Captain Morales, may I speak with you?”
Agad naman silang dalawang napalingon sa likod ng may magsalita.
“Sir!”
“Do you have time, Ms. Morales? May paguusapan lang tayong importante.” Saad nito habang nakatingin ng deretso sa mga mata ng dalaga. Si Jonathan naman ay sini-siko si Rian.
“Yes sir, may time si Captain. Sige po, mauna na po ako sa inyo.” Ani ni Jonathan habang nakangiti sa dalawa. Bago umalis ay bumulong na muna ito kay Rian.
“Baka nalaman ni Director ang pagsuntok mo sa anak ng Mayor. Good luck!”
Nainis naman si Rian sa sinabi nito kaya hinabol na muna niya ito ng sipa ngunit nakatakbo na ang binata ng mabilis.
“Ang bwisit na iyon!”
Huminga muna ng malalim si Rian at saka nakangiting tiningnan ang Director.
“Ano po iyong paguusapan natin?”
“Ayaw kong sumama ka sa operasiyon na ito. Mapapahamak ka lang.” Seryosong saad nito sa dalaga dahilan upang mawala ang ngiti sa mga labi nito.
“Bibigyan na lamang kita ng ibang gagawin, basta h’wag ka lamang sasama sa operasiyon na ito.” Pagkasabi ng director ay agad na itong umalis sa harapan ng dalaga.
Ngunit bago pa ito makaalis ay agad na nagsalita si Rian na nagpatigil dito. “May kinalaman ba ito sa mga magulang ko?” Tanong ni Rian habang nakakuyom ang mga kamay.
“Paano mo---”
“So totoo nga na may kinalaman ang operasiyon na ito sa mga magulang ko? Tama ako diba? Kasi ito rin ang hinaw—” naputol na lamang ni Rian ang kanyang sinasabi ng biglang sumigaw ang director niya sakanya.
“Oo at ayaw kong madamay ka pa dito. Ayaw kong pati ikaw ay mapahamak at maging tulad mo rin ang mga magulang mo. Kaya naman ay h’wag mo ng tangkain na sumama sa kaso nito. Kapag nalaman ko na nandito ka sa operasiyon na ito, hindi ako magdadalawang isip na suspendihin ka, Ms. Morales.” Tugon nito sa dalaga sabay labas.
Si Rian naman ay gulat sa mga narinig niya mula sa sinabi ng director sa kaniya. Ngayon lamang siya nito sinabihan na h’wag sa sumali sa kaso. Imbis na mawalan ng pag-asa si Rian dahil sa mga narinig ay mas maging determinado siyang hanapin ang mga pumatay sa mga magulang niya.
“Now, I have a reason to investigate again the case of parents. Hindi ako papayag na hindi sila mabigyan ng hustisya.” Bulong niya sa kanyang sarili at saka lumabas.
•*•*•*•
“Rian, sigurado ka ba dito sa gagawin mo? Mapapagalitan tayo nito eh, pati ako masu-suspinde rin dahil sa ginagawa mo.” Reklamo ni Jonathan na pinipigilan ang dalaga pumasok sa isang bar dito sa Tondo.
“I’m serious. Ginagawa ko ito dahil sa may kinalaman ito sa kaso natin ngayon. At huwag kang mag-alala. Aakuin ko ang lahat.” Saad ni Rian saka kumawala sa pagkakahawak ng kanyang partner.
Bago umalis sa harapan nito ay nagbilin muna siya dito. “Ang plano natin huh. H’wag ka papahalata sa loob kundi mananagot ka sa’kin.” At tuluyan ng pumasok sa loob si Rian.
Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang paguusap nila ng director ay kinuha niya ang case file ng mga magulang niya lalo na ang kaso na hawak ng mga ito noon. Humingi rin siya ng tulong kay Jonathan dahil ito lamang ang mapag-kakatiwalaan niya. Alam niyang mali itong ginagawa niya ngunit hindi siya mapakali lalo na ng malaman niya na may kinalaman ang mga magulang niya sa kasong ito.
Nilista niya rin ang mga nakalap na impormasyon na hawak ng mga magulang niya tungkol sa kaso at una dito sa listahan niya ang isang bar sa Tondo na talamak sa pagbebenta ng droga.
Kaya naman ay nag-apply siya ng trabaho dito sa bar. Nagpagawa siya ng pekeng mga dokumento sa kakilala niya upang makapasok. Buti naman ay nakapasok agad siya. Ngayon ay pangatlong araw niya dito sa bar bilang isang waitress.
At sa loob na tatlong araw na iyon ay marami na siyang nakalap na impormasyon. Isa na dito ang naka-schedule na bentahan ng droga na gaganapin sa isang VIP room at ngayong araw gaganapin.
Nakasuot siya ngayon ng uniporme sa loob na isang maikling pencil skirt na kapag yumuko ka ay kita na ang kaluluwa mo. Nakasuot rin siya na seksi at fitted na white-shirt.
Hindi na rin siya umangal ng makita na ganto ang susuotin dahil inaalala niya ang misyon sa loob. Nakalugay rin ang buhok niya at ang nakakapag-taka ay ang lahat ng empleyado dito ay nakasuot ng mga maskara.
“Hmm…this is interesting.”
“Here. Table no. Twenty-four.” Kinuha naman ito ni Rian at saka naglakad papunta sa nasabing table.
Habang papa-akyat sa hagdaan ay hinahanap naman niya mula sa taas si Jonathan. Alam na rin nito ang mangyayari ngayong gabi. Nakita naman niya ito sa counter habang umiinom ng alak at nagmamasid.
“Nandito ako sa taas, magbabantay. Diyan ka sa baba.” Saad ni Rian sa earpiece sa kanyang tainga.
Nang mailapag ang order sa nasabing mesa ay agad siyang bumalik sa counter. Pagkabalik niya ay agad siyang nagpaalam na mag-CR saglit, pinayagan naman siya. Kaya naman ay ginamit niya ang pagkakataon na mahanap ang VIP room kung saan ito.
Sinabi rin niya kay Jonathan na hahanapin niya ang silid. Hindi naman pumayag ang binata dahil baka mapahamak lamang siya ngunit nagpumilit ang dalaga dahilan upang wala ng magawa ang binata.
Nang maka-akyat sa third floor kung saan makikita ang mga VIP room ay agad na naginspeksiyon ang dalaga. Nakakita naman siya ng isang pinto di kalayuan sa kanya. Lumapit naman siya dito at saka nagbilang bago buksan.
“Aahh!”
“What the F*ck are you doing!”
Nagulat naman si Rian ng makita niyang magkapatong ang isang babae at lalaki.
“Pasensya na po!” Sambit na lamang niya at saka isinarado ang pinto. Nakaramdam naman si Rian ng pagiinit ng kanyang mukha.
“T*ang*-t*ng* mo talaga, Rian. Hay nako!”
Lumayo na siya sa pinto na iyon at agad na naghanap ng ibang pinto. Agad naman na napatago si Rian ng makarinig ng mga yabag ng mga paa.
“This way, Sir. Nasa loob na rin po sila Mr. Lim.” Sumilip naman si Rian mula sa tinataguan niya at nakita niya ang isang matandang lalaki kasama ang mga body guard nito.
Nasundan naman niya ang mga ito haggang sa pumasok ang mga ito sa dulong pinto ng VIP. Lalabas na sana siya ng makarinig muli ng yabag ng paa. Nakita niya ang isang waiter na may hinihila kung saan nakalagay ang mga pagkain at papalapit sa direksiyon niya kaya naman ay tumigil siya sa harapan nito.
“Hi, ang cute mo.” Saad ni Rian sabay suntok ng malakas sa mukha nito. Agad naman niya itong sinalo upang hindi makagawa ng ingay. Iginilad naman niya ang lalaking waiter at saka kinuha ang hinihila nito. Itinali naman niya ang kanyang buhok at saka dumeretso na sa dulong pinto.
Agad naman siyang pinapasok ng makita siya na mga bodyguard pagbukas ng mga ito ng pinto. Nang makapasik ay napatingin siya sa mga tao sa loob.
“Dalawa lang sila? So, Si Mr. Lim ang isang iyon.” Bulong ni Rian sa kanyang sarili ng makita ang isang binata na napag-alaman niyang si Mr. Lim.
Agad naman siyang lumapit sa mga ito at dahan-dahan na inilapag ang amg order ng mga ito. Nakikinig naman siya sa mga pinaguusapan niya kaya naman ay hindi niya mapigilan ang mapakuyom ng kamay dahilan upang kamuntikan ng mahulog sa kanyang kamay ang isang pagkain.
Napatigil at napatingin naman ang mga ito sa kanya.
“Pasensya na po. Ito po ang last order niyo.” Saad niya habang nakayuko. Agad naman siyang Tumalikod at naglakad papalapit sa pinto.
“Wait. Stop.” Rinig ni Rian dahilan upang siya’y mapatigil.
“Hmm, this is odd. Bakit yata biglang nagpalit ang magdadala ng mga ito.” Rinig niya dahilan upang siya’y lumingon sa mga ito at kabahan.
“P-Po? Ako po iyong inutusan niyo na magdala ng mga ito. Kaya napaka…imposible naman po niyon…hehehe…” Saad ni Rian habang tumatawa.
“But I really remember na ang inutusan ko ay lalaki hindi babae. Perhaps…" Tugon ni Mr. Lim at deretsong tumingin sa dalaga.
"Bwisit naman oh..." Naibulong na lamang ni Rian sa kanyang sarili.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Salamat po sa mga nagbabasa!