Chapter 13

Inalalayan naman si Rian ni Alec na tumayo habang ang dalaga naman ay nakatitig lamang sa mukha ng binata.

Hindi pa rin makapaniwala si Rian na nasa harapan na niya ngayon ang binata.

Doon niya lamang na napansin na marami ng nagbago dito. Mayroon na itong mga putting buhok, nakasuot na rin ito ng salamin at naging maskulado ito tingnan. Sa loob ng halos sampong taon na I’ll nakalipas ay hindi inaasahan ni Rian na makikita niya muli ang binata.

“Ayos ka lang ba?” Rinig na tanong ni Rian. Napaayos naman ng tayo ang dalaga at bahagyang lumayo dito kaunti. Napansin naman ito ni Alec kaya bumitaw na ito ng pagkaka-hawak sa kanya.

Ilang saglit silang natahimik hanggang sa may nagbukas ng pinto ng veranda dahilan upang doon matuon ang atensiyon nilang dalawa.

“Adrianne! Nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. Tara na at---Oh my!” Saad ni Leah habang papalapit sa dalaga ngunit napatigil ito ng mapansin nito ang kasama ng dalaga.

“Is that you, Alec?” Tanong ni Leah habang nakatakip sa kanyang bibig. Nagulat naman si Rian ng makita ang reaksiyon ng kaibigan.

“Oh, Leah. Ikaw pala ‘yan. Kamusta na si Troy?” Tugon naman ni Alec sa dalaga.

Si Rian naman ay hindi makapaniwala sa nalaman niya. Pabalik-balik naman ang tingin ng dalaga sa dalawa.

“Don’t tell me…”

“Tara na sa loob. Kasama ko si Troy at pati mga anak namin. I’m sure matutuwa iyon na makita ka. Hindi ka man lang nakapunta sa kasal namin.”

“Yeah, I’m sorry. Busy lang sa business.” Tugon ni Alec sabay tingin kay Rian.

At dahil doon ay umiwas naman ng tingin si Rian. Lumapit naman ang dalaga sa kaibigan at saka hinila ito.

“Tara na. Pumasok na tayo. Diba sabi mo magsisimula na.” Bulong ng dalaga sa kaibigan. Nagtataka namang napatingin si Leah kay Rian dahil sa kakaibang kilos nito. Tumigil muna saglit si Leah atsaka tumingin sa direksiyon ni Alec.

“Alec, sunod ka na lang sa loob, huh.” Saad ni Leah at saka pumasok kasabay ng kaibigan.

Nang hindi na makita ni Alec ang dalawa ay napabuntong hininga naman siya at saka ininom ang natitirang alak sa baso. Ngunit napatingin ulit siya ng biglang magbukas ang pinto ng veranda at lumabas doon si Rian.

Naglalakad ito papalapit sa kanya hanggang sa tumigil ito sa harapan niya. “Ahh…uhmm…here.” Saad nito sabay abot sa kanya ng jacket. Napatingin naman siya doon at saka bumalik ng tingin sa dalaga.

Hindi naman makatingin sa kanya si Rian at napansin niya rin ang pamumula ng tenga nito ng kaunti.

“Suotin mo, baka lamigin ka.” Pagkasabi nun ng dalaga ay kinuha nito ang kamay niya at saka inilagay doon ang jacket niya.

May sasabihin pa sana si Alec sa dalaga ngunit bigla na lamang ito nawala sa harapan niya at nakita niya itong papasok na sa loob ng hall. Hindi naman mapagilan ni Alec ang mapatawa dahil sa nakikitang reaksiyon niya sa dalaga.

Muli ay tumingin siya sa pinasukan ng dalaga. “Hahaha. It’s been a long years. Wala pa ring nagbabago sayo.” Saad nito habang nakangiti.

Sa kabilang banda naman ay hindi mapigilan ni Rian ang pagbilis ng tibok ng puso niya na kulang na ay lumabas na sa katawan niya.

“Ayos lang kaya iyong ginawa ko? My ghad! Nahihiya na’kong humarap sa kanya.” Saad niya habang nakapikit.

Saglit naman niyang pinakalma ang kanyang sarili na saktong namang nagsimula na ang program. Pinapaypayan naman ni Rian ang kanyang sarili dahil sa hindi niya malimutang pangyayari sa veranda. Agad naman siyang umupo sa table nila Rian.

“Saan ka ba galing? Bigla ka na lang nawala.” Tanong ni Leah kay Rian ng makaupo ito sa tabi niya.

“A-Ano…P-Pumunta lang ako sa C. R…hehehe.” pagpapalusot niya dito. Hindi na rin nagtanong pa ito ng sabihin niya.

Habang nakikinig sila Rian sa program ay may bigla na lamang nagsalita sa table nila. Nagulat naman siya ng makilala ang boses ng nagsalita.

“Can I sit with you?”

Lumingon naman ang dalaga dito. Halos mapamura siya ng makita muli ang binata sa harapan nila.

“Alec! You’re here, man. Hahaha.” Saad ni Troy sabay tayo at yakap sa kaibigan. Agad naman silang umupo ng mapansin na sakanila na nakatingin ang mga tao sa mga katabi nilang table.

Umupo naman si Alec sa katapat na upuan ni Rian. Hindi naman mapakali si Rian sa kanyang upuan dahil pakiramdam niya sa unting galaw pa lang niya ay titingnan na siya ng binata.

“Act natural. Act natural.” Bulong niya sa kanyang sarili.

Hanggang sa matapos ang introduction at magpapakilala ng mga iilang tao na nag-organize ng reunion nagsimula na ang tugtugan.

Marami na ring nagsasayaw sa gitna at isa na dito sila Troy at Leah. Naiwan naman sa kanila sa ang mga bata. Si Alec naman ang nagbubuhat sa pangalawang anak nila na si Talia.

At dahil doon ay kanina pa niya napapansin ang mga iilang babae na napapatingin sa gawi nila lalo na kay Alec. Kaya hindi rin maiwasan ni Rian tingnan ang binata.

“Para silang mag-ama.” Bulong ni Rian sa kanyang sarili.

Napansin naman ni Alec ang titig ng dalaga kaya naman ay tumingin siya dito ngunit agad rin itong nagiwas at napainok ng tubig.

Sakto naman na kararating lang nila Leah at Troy sa table nila.

Napansin naman ni Rian ang mga ngiti ng dalawa na nagpapahiwatig na nagenjoy sila sa kanilang pagsasayaw. Kinuha naman ni Troy si Talia kay Alec.

Sakto naman ay biglang nagpalit ng kanta. Kung kanina ay medyo jolly ang kanta ngayon naman ay naging slow music ito.

“Oh, magsayaw ka na.” Saad ni Leah kay Rian.

“Huh? Eh wala nga akong partner eh. Atsaka, ayoko. Nahihiya akong sumayaw.” Tugon ni Rian at ibinaling  ang atensiyon sa harap kung saan may mga nagsasayaw.

“Anong wala? Ayan oh.”

“Huh?”

Tumingin naman siya sa kanyang likod ng makitang doon nakatingin ang kaibigan.

“Pwede ba kitang maisayaw?”

Hindi naman makahinga si Rian ng ayos ng makitang si Alec ang nasa likuran niya, nakatayo at nakalahad ang kanang palad nito.

“Oyy, ano na. Tulala ka na diyan. Sige na, mag-sayaw na kayo doon.” Saad ni Leah at saka ipinatong ang kamay ng Rian sa binata.

Hindi na nakapag-reklamo si Rian ng patayuin at ipagtulakan siya ng kaibigan. Habang papalapit sa gitna ng mga nagsasayaw ay hindi mapigilan ni Rian ang kabahan na nahalata naman ng binata.

“Don’t worry. Hindi ako nangangain.” Saad ni Alec dahilan upang tumingin sa kanya ang dalaga.

Tumigil naman sila sa gitna. Kinuha naman ni Alec ang dalawang kamay nito atsaka ipinatong sa balikat niya habang nakapatong naman ang kamay ng binata sa bewang ng dalaga at sumabay sa tugtog ng musika.

Nakatingin lamang sila isa’t-isa ngunit ilang saglit lang ay napaiwas na ng tingin si Rian at napasandal sa dibdib ng binata.

“Ahh, grabe. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal.”

Hinayaan lamang iyon ni Alec at ipinagpatuloy ang pagsasayaw.

“Hindi ako marunong sumayaw, kaya pwede ka pang maghanap ng makaka-partner mo sa pagsasayaw.” Bulong ni Rian.

“Nahh. It’s okay. Hindi rin ako marunong sumayaw.” Tugon nito.

Wala na muling nagsalita sa kanila at pinapakiramdaman ang mga sarili. Kahit na ganoon lamang ang kanilang ginagawa ay pakiramdam ni Rian ay parang sila lang ang tao sa loob at sumasayaw.

At dahil doon ay naging komportable siya sa binata. Lalo na’t nakasandal siya sa dibdib nito dahilan upang marinig ang tibok ng puso at ang bawat paghinga nito na parang musika sa dalaga.

Kaya hindi napigilan ni Rian ang yakapin ang leeg ng binata upang mas lalo pa silang maglapit. Natigilan naman ang binata sa ginawa ng dalaga.

“Adri---”

“Can we stay like this? Just a minute are okay…” Bulong ni Rian dito.

Hindi naman narinig ng dalaga ang pagtugon nito ngunit naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa bewang niya. At dahil doon ay hindi maiwasan ni Rian ang mapangiti.

Sa mga oras na iyon, ay bigla na lamang niya naalala ang nangyari, sampong taon na ang nakakalipas.

Kung paano ang una nilang pagkikita, mga moments na sila lang dalawa, at ang mga pag-aalala nito sa kanya.

“Kung panagip ito. Sana hindi na’ko magising.”

•*•*•*•

Nagising naman si Rian sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Agad naman siyang napahawak sa kanyang ulo ng maramdam ang pananakit nun.

Bumangon naman siya at umupo saka hinilot ang ulo niya. Habang naghihilot ay hindi naman mapagilan ni Rian ang mapakunot ng noo.

“Hmm…parang may mali…” Isip niya.

Iminulat naman niya ang kanyang mata at tumambad sa kanya ang isang napakaganda at malawak na kwarto. Inilibot niya ang paningin niya at napansin niyang may isang bookshelves sa gilid niya, may center table at sofa at may isa ring pwesto na mini-office.

Napansin niya rin na amoy lalaki ang paligid. Kaya naman ay nanlaki ang mata ni Rian. Napahawak naman siya sa katawan niya at napagtanto niyang iba na ang suot niya. Nakaputing t-shirt at nakasuot na siya ng boxer.

Hinagilap naman niya kung nasaan ang damit niya at nakita niya itong nakatupi sa sofa. Agad naman siyang umalis sa kama at kinuha ang damit niya kagabi.

Maya-maya ay nakarinig siya ng lagaslas ng tubig. Napatingin naman siya sa isang corner at nakita niyang may pinto doon na kung saan nanggagaling ang tunog. Lalapit sana siya ngunit biglang tumigil ang tunog ng tubig. Kaya naman ay napatigil si Rian sa paglapit dito.

Agad naman na nataranta ang dalaga ng marinig ang pagpihit ng pinto kaya nan ay agad siyang napatago sa pader. Inilibot naman niya ang kanyang paningin upang makahanap ng gamit. Nakakita naman siya ng stand ng ilaw hindi kalayuan sa kanya kaya naman ay kinuha niya iyon.

Nakarinig naman siya ng mga yabag na papalapit sakanya kaya naman ay nagbilang siya.

“Isa…Dalawa…Tatlo!”

Nakapikit na hinampas ni Rian ang dumaan ngunit napigilan ito ng isang matigas na kamay.

“Hey! What are you doing?”

Napamulat naman si Rian ng makilala ang boses ng nagsalita. “A-Alec…? A-Anong ginagawa mo dito…”

“It’s because this is my room.” Nagulat naman si Rian ng marinig ang sinabi nito.

Napaupo naman siya sa sahig dahilan upang magulat ito. “Hey, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?” Pag-aalalang tanong nito sa dalaga.

Si Rian naman ay napatingin sa binata at bakas sa mukha nito ang pagaalala. Ngunit isa lang ang tumatakbo sa isip ng dalaga.

“What the h*ll just happened yesterday? H’wag mong sabihin na may ginawa akong hindi maganda. AAHH! Rian! Ba’t hindi mo maalala.”

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Salamat po sa mga nagbabasa!