CHAPTER TWO

HANGGANG sa makaalis si tata Elmo ay umaalingawngaw pa rin sa kaniyang pandinig ang mga sinabi ng matanda."Kapag ganap nang lumubog ang araw ay pumitas ka ng isang pulang rosas at mag-usal ka ng hiling para sa pag-ibig mo."

Tinuon niya ang paningin sa lawa. Nagmistulang mga gintong barya sa ibabaw ng tubig ang kinang ng namamaalam na sinag ng papalubog na araw. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng matanda kani-kanina lang ngunit tila may kung anong puwersa na humahatak sa kaniya para gawin iyon habang papalubog na ang araw.

"Do it. Wala namang mawawala sa’yo." udyok ng kaniyang isip.

“How can I find a flower in this grassy land?" kunot-noong tanong niya sa sarili.

Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong paligid. Wala siyang ibang makita kundi puro damo at punong kahoy. May mga bulaklak, pero bulaklak ng mga ligaw na damo.

"Mahahanap mo ang kasagutan sa puso mo." Iyon ang nagtutumining sa utak niya at iyon ang nag-udyok sa kaniya para tawagin ang kaniyang tunay na pag-ibig.

She will summon her paramour.

She will try— kahit na bantulot siya. Pero nang maalala niya ang pamimilit sa kaniya ng ama na magpakasal kay Jeric ay tila gusto na niyang maglaho at sumama sa papalubog na araw.

Hindi niya mahal si Jeric. Ngunit kung hindi niya mahahanapan ng solusyon ang kaniyang problema, baka matuloy na ang balak ng ama na ipakasal siya kay Jerick.

Sa isiping iyon ay tila nabuhayan siya ng pag-asa. Maghahanap siya ng bulaklak ng rosas kahit saan. Kung totoo ang sinabi ng matanda sa kaniya, then she have to find out. Ngunit ang isiping si Jerick ang kaniyang magiging kapalaran ay tila gusto niyang panawan ng katinuan. "No. Not Jerick, please," sambit niya.

"I won't let anyone to interfere in my life this time," bulong niya sa mabining hangin sa paligid. Determinado siyang suwayin ang kagustuhan ng ama.

Binilisan niya ang kilos. Sa lahat ng sulok sa tabi ng lawa ay naghanap siya ng pulang rosas. But to her dismay, there was no rose around that lake.

Malungkot siyang umupo sa may malapad na bato malapit sa lawa. Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang kaniyang puting kabayo na kumakain ng damo sa 'di kalayuan.

Natigilan siya nang mula sa kaniyang kinaroroonan ay matanaw ang isang bagay malapit sa kinatatayuan ng kaniyang kabayo.

A rose.

Hindi ba siya nagkamali? A rose is standing near the stallion. Ang huling sinag ng araw ay tumatama sa nag-iisang bulaklak ng pulang rosas. A blood-colored flower.

She ran towards it at bago pa man maapakan ng kaniyang kabayo ang bulaklak ay mabilis niyang tinapik ang si Zirich para lumayo roon. Ilang sandali na lang at tuluyan nang magkukubli ang haring araw sa kanluran kaya’t madali niyang pinitas ang nag-iisang bulaklak ng pulang rosas at saka inisa-isang pinitas ang bawat talulot n’yon habang mabilis niyang tinatakbo ang lawa.

The sun had sunk and the moment the sun died, she threw the petals on the water. Eyes closed, she uttered a wish.

Her soft voice fused with the gentle breeze, giving wings on her spell to magically fly to the corners of the Earth. Galing sa kaniyang puso patungo sa puso ng kaniyang tunay na pag-ibig.

Itinapat niya sa kaniyang dibdib ang isang palad at inulit ang kaniyang hiling as if it would make the enchantment stronger. “Send me my paramour.”

Ilang sandali pa ay nagmulat siya ng mga mata at iginala ang kaniyang paningin sa paligid. Napabuntong hininga siya nang titigan ang hawak niyang rosas. Isang ordinaryong bulaklak lamang iyon— walang mahika. Ang naramdaman niyang puwersa ng mahika kani-kanina lamang ay biglang umurong tulad ng isang nasipang tuta.

Wala sa loob na pinagdiskitahan ang tangkay ng rosas, pinutol niya iyon hanggang sa magkapira-piraso at kaniyang ibinato sa lawa.

Laglag ang kaniyang mga balikat, tumalikod siya at humakbang patungo sa kaniyang kabayo.

Bigla siyang napatigil sa paglalakad nang makita ang anino sa kinaroronan ni Zirich. It was not the shadow of the stallion. Bigla siyang kinabahan. Madilim na ang paligid at ang alam niya'y nag iisa lang siya sa lugar na iyon. Natutop niya ang kaniyang mga bibig sa labis na pagkabigla nang ang aninong 'yon ay naghugis tao. Malaki ang bulto nito at matikas ang tindig habang ang direksyon ng mga mata nito— kung hindi siya nagkakamali, ay sa direksyon niya nakatingin.

There’s no mistake about it. What she saw was that of an able bodied man.

Animo naipako ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan, hindi siya makakilos. Tanging sa direksyon ng taong iyon nakapokus ang kaniyang mga mata.

She panicked when the man started to walk towards her. She stepped back but he continued to close the distance between them.

Sa kabila ng matinding kaba at takot ay hindi maikakaila na nahuli nito ang kaniyang atensiyon. Kahit hindi pa niya ganap na nasilayan ang mukha nito, she can still notice his handsome face. Apart from that, she can’t ignore the fact that he is tall, and his shoulders are broad. Just like a model cut out from a magazine. Nakasuot ito ng maong na pantalong kulay itim at jacket na kulay itim. He was all-in-black. Perhaps that was why he looked so dangerously handsome.

Ngumiti ito sa kaniya nang ganap na itong makalapit and that simple boyish smile electrified every single fiber of her romance-deprived heart.

She gasped. "Is he the one that I am wishing for?" bulong niya sa sarili.

"No." His smile widened. "it was your beauty that had guided me to you."

Ang makamundong pagkakatitig nito sa kaniya ay yumanig sa pagkatao niya. Nagkatotoo ba ang hiniling niya kanina? Ito na kaya ang sagot sa hiling niya?

"Your beauty caught my attention," malumanay nitong sabi.

"W-who are you?"she stuttered.

"Aaron Fontierra."

"Fontierra?" ulit niya at bahagyang napakunot ang kaniyang noo.

Pamilyar sa kaniya ang apelyidong iyon, ngunit hindi niya maalala kung may kakilala siyang tao na may apelyidong gano'n.

"Yes. And you are?"kapagkuwa'y baling nito sa kaniya.

"Jandie." she paused at napalunok siya nang maaninag ang mapang-arok nitong mga titig.

"Maria Jandie Sulivan, ang buo kong pangalan."

"Pleased to meet you, Jandie. Sa wakas ay nakita rin kita sa personal." Ngumiti ito at inilahad ang palad sa dalaga.

Bantulot ang dalagang abutin iyon. Ngunit naisip niyang isang pambabastos kapag hindi niya paunlakan ang pakikipagkamay nito kaya’t iniabot niya ang kamay rito. Sa pagdadaop ng palad nila'y naramdanan niya ang malakas na boltahe ng kuryenteng gumapang sa kaniyang mga ugat.

"Glad to meet you, Mr. Fontierra." Gumanti siya ng ngiti habang pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa kakaibang init na gumapang sa kaniyang katawan.

Kumunot ang noo nito nang magkadaop ang palad nila. "You're bleeding." May pag-aalala ang boses nito. "What happened?" tanong nito habang sinisipat ang kaniyang daliring nagdurugo.

Nagulat din siya nang makita niya ang daliring nasugatan. May ideya siyang dahil iyon sa rosas. Natinik siya nanghindi man lang niya naramdaman. Marahil ay dahil sa pagmamadali niya kaya't hindi na niya iyon napansin pa.

"Ahm, a thorn pierced my finger." nahihiyang pag-amin niya. Weird! Baka sabihin nitong may sayad siya kapag nalaman nito kung ano'ng ginawa niya kung bakit natinik siya.

Walang sabi-sabi ay inangat nito ang kaniyang daliring may sugat. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagdaiti ng mga labi nito sa kaniyang daliri. She gasped when he placed her finger inside his warm mouth to sip the blood.

"Okay na," anito nang pakawalan niya ang kaniyang kamay.

"Ano'ng pakay mo rito sa Sagada?" tanong ni Aaron. Pero dahil sa medyo madilim na ay

hindi na nakita ni Jandie ang pagtiim-bagang nito.

"Nagbabakasyon. Isang buwan lang ang ilalagi ko rito." tapat ng dalagang walang kaalam-alam kung sino ang lalaking kaharap.

Ramdam ni Aaron na nagsasabi ng totoo si Jandie, pero hindi niya maalis sa kaniyang isipan ang magduda. At dahil nga sa duda siya sa presensya ng dalagang Sulivan sa Grandia ay lihim niya itong sinubaybayan. In fact, pati ang paglitaw ni Tata Elmo at pagtuturo dito ng lovespell ay kasama sa plano niya. Hindi siya dapat basta maniwala sa dalaga lalo pa sa anak ni Ismael Sulivan at kapatid ni Jason.

Sa pagkaalala niya sa dalawang pangalang 'yon ay nanlisik bigla ang kaniyang mga mata. Biglang nagliyab ang galit na matagal na niyang kinikimkim.

Nang tingnan niya ang dalaga ay nahuli niya itong titig na titig sa kaniyang mukha. Nginitian niya ito nang ubod tamis— the kind of smile that no woman could ever resist. Tingin niya ay umaayon sa kaniya ang panahon. Sigurado siyang magtatagumpay siya sa kaniyang mga plano at alam niyang malaki ang maitutulong ng babaeng kaniyang kaharap. Panahon na ng paniningil.

Dahil sa poot na bumabalot sa puso at pagkatao ni Aaron ay gumawa siya ng paraan para mapalapit kay Jandie. Hindi naman siya nabigo.

Kailan nga ba nabigo si Aaron pagdating sa mga babae? Hindi pa niya iyon naranasan. Pero iba si Jandie sa lahat ng mga babaeng naging bahagi ng buhay niya. Ayaw niyang ihalintulad ang dalagang Sulivan sa mga nakarelasyon nya in the past. Noon kasi ay kasama ang puso niya kapag nakipaglapit at nakipagrelasyon siya sa isang babae, but Jandie was different. Hinding hindi niya isasali ang puso niya. Dahil ang pakikipaglapit at pang-aamo niya sa dalaga ay kasama sa kaniyang plano. Maganda ang dalaga at maamo ang mukha nito. Alam niyang panalo na siya kapag nagtagumpay siya sa mga balak laban sa pamilya ng dalaga.

Alang-alang sa babaeng pinakamamahal niya ay gagawin niya ang lahat mabawi lang ito. Magsisimula silang muli kasama ang kanilang anak.

"Maricar..." bulong niya sa hangin. Magpahanggang ngayon ay damang-dama pa rin niya ang init ng mga halik at yakap ng kaniyang kasintahan. "Babawiin kita kahit ano'ng mangyari. Babawiin ko kayo ng anak natin." aniya pa at mahigpit na kinuyom ang mga palad.

Anak ng isang negosyante si Maricar at bakasyunista sa Grandia, ang lupaing pag-aari ng mga Fontierra sa Sagada. Bukod sa maganda si Maricar, mabait ito at nasa kaniya lahat ang katangian ng isang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Nagtapat siya rito ng pag-ibig na hindi naman binigo ng dalaga. Nanatili si Maricar ng ilang buwan sa lugar na iyon kasama niya. Ang buong akala niya ay hindi mapuputol ang kasiyahan nilang magkasintahan. Ngunit isang araw ay dumating ang ama ni Maricar kasama ang isang lalaki, si Jason Sulivan na fiance ni Maricar.

Inamin sa kaniya ni Maricar na nakatakda na siyang ikasal kay Jason dahil ipinagkasundo siya ng mga magulang sa pamilyans Sulivan. Pumayag siyang isama ng mga ito si Maricar dahil nangako ang dalaga na babalik siya. Kakausapin lang niya nang masinsinan ang kaniyang mga magulang at makikiusap na huwag ituloy ang kasal nila ni Jason at pagkatapos ay magtatapat tungkol sa sa relasyon nila.

Makalipas ang ilang linggo ay bumalik nga si Maricar kasama ang balitang buntis na ito at siya ang ama. Labis niyang ikinatuwa iyon. Ngunit makaraan ang ilang araw ay dumating si Jason kasama ang mga pulis at pinagbintangan siyang kidnapper. Ipinakulong siya at pinahirapan sa loob ng selda. Ang buong akala niya ay katapusan na niya noon. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay pinalaya siya ng mga pulis na humuli sa kaniya. Paglabas niya sa bilangguan ay nalaman niyang ikinasal na si Maricar kay Jason.

Naging matindi ang galit niya sa mundo at sa lahat ng taong nasa likod ng pagkaka frame-up niya. Higit sa lahat, galit at poot sa taong umagaw kay Maricar.

Simula noon, isinumpa na niyang maghihiganti siya kay Jason at babawiin si Maricar.

Tila umayon naman sa kaniya ang panahon dahil makalipas ang kalahating taon ay may dumating na dalagang bakasyunista. Hindi lang basta bakasyunista, kundi isang Sulivan.

Isang taong magiging tulay para makalapit muli kay Maricar at makakatulong sa kaniyang mga plano.

"Ano 'yan?" tanong ng dalaga, isang araw na magkasama sila sa tabi ng lawa. Nangabayo sila nang umagang iyon.

"Mga ligaw na damong namumulaklak," sagot ni Aaron at ngumiti sa dalaga.

"Aanhin mo?" Bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"You'll see later," at hindi na siya pinansin pa. Nagpatuloy ito sa ginagawang paghabi sa mga damong may maliliit na bulaklak na kulay puti.

Ilang minuto pa ay natapos na si Aaron sa ginagawa. Humarap siya sa dalaga at iwinagayway ang koronang gawa sa ligaw na halaman. Ang puti

at maliliit na mga bulaklak ay nagmistulang mga diyamante na nakapalibot sa koronang hugis bilog.

"Wow! Ang ganda!" bulalas ni Jandie nang mabista ang ginawa ni Aaron.

"For you." nakangiting ani Aaron sabay putong ng koronang bulaklak sa ulo ng dalaga. He held her chin and lifted it up. "You're beautiful," he murmured. Ang mga mata nito'y puno ng paghanga, kaya't inakala ni Jandie na mahal siya ng binata.

Napapikit ang dalaga nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na hininga ng binata sa kaniyang mukha. Napakalapit nila sa isa't isa, damang-dama niya ang kakaibang init dahil sa paglalapit ng kanilang mga katawan. Sinalubong niya ang mga titig nito. Tila may mensaheng gustong ipabatid ang mga mata ng binata but she couldn't read it. Muli siyang napapikit nang unti-unting bumaba ang mga labi ni Aaron sa kaniyang mga labi. When his mouth found hers— flavor exploded— malinamnam at matamis. His kiss was intoxicating. Drunk on him, she threw her arms around him. His other hand slid onto her side and grabbed her closer. While the other hand started to make its way underneath her blouse. Cupping and teasing her full breasts.

They're both breathless when their lips parted. Then a smile curved on his lips as he held her hand tightly.