Chapter 3: CHAPTER TRHEE

NAGULAT si Karen nang mapagbuksan nito ang matalik niyang kaibigan na si Jandie. Nagtaka ito kung bakit biglang sumulpot sa kaniyang bahay ang kaibigan gayong wala naman itong ipinaalam sa kaniya na dadalaw o paparoon siya sa kanila.

"Jandie?" bulalas ni Karen, "Bakit hindi ka man lang nagpasabi na paparito ka?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Karen, puwede papasukin mo muna ako?" tugon niya. Pagod na pagod siya sa mahabang biyahe.

"Okey. Pasok ka." Tinulungan niyang buhatin ang maliit na travelingbag ng dalaga.

"Kumusta ka na?" tanong nito nang tuluyan nang makapasok ang kaibigan.

"Tumakas ako sa bahay." pagtatapat ni Jandie kay Karen sabay bagsak ng katawan sa malambot na sofa. Masakit ang katawan niya sa pagkatagtag sa biyahe.

"What?! Ano'ng nangyari?" shocked na tanong ni Karen.

Isinalaysay dito ni Jandie ang buong pangyayari na labis namang ikinagulat ng kaibigan nang ibalita niyang nagkita silang muli ni Aaron.

"Matagal ko nang alam na buhay si Aaron, pero hindi ko sinabi sa 'yo, Jandie." Bakas ang pagsisisi sa mukha ni Karen.

"Patawarin mo ako." malumanay na pagtatapat ng kaibigan.

Napabalikwas si Jandie.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Karen? Anong matagal mo nang alam na…"

"Pagmamay-ari ng mga Fontierra ang lugar na ito, Jandie. Kay Aaron ang Grandia, kaya't hindi malabong hindi ko malaman na buhay siya. Nagtaka na lang ako nang ikuwento mong pinatay siya ng kapatid mo dahil paminsan-minsan ay nakikita ko siya rito," pagtatapat nito na labis ikinagulat ni Jandie.

"Patay na si Aaron. Iyon ang sinabi nina kuya at papa sa akin at gano'n din si Maricar."

Nakaramdam siya ng hinanakit sa ama't kapatid, pati na rin kay Maricar. Paano nagawa ng mga itong maghabi ng kasinungalingan? Lalo pa’t hindi naman lingid sa mga ito kung gaano siya nagluksa at nasaktan sa mga panahong inakala niyang wala na si Aaron.

"Mas pinili kong manahimik na lamang noon dahil takot akong madamay ang pamilya ko kung magtatapat ako sa iyo, Jandie. Dumalaw

ako sa 'yo noon, pero ang kuya mo ang nakaharap ko at binantaan niya ako na huwag ipaalam sa 'yo na buhay si Aaron, kundi mapapahamak ang pamilya ko," ani Karen na limang taon ding hindi pinatulog ng konsensya niya. Ngunit gustuhin man niyang ipagtapat kay Jandie ang katotohanan noon ay hindi niya nagawa dahil sa takot. Mabuti kung siya lamang ang magsasakripisyo— kaya niya iyon basta para sa kaibigang si Jandie. Pero ang madamay ang kaniyang mag-ama— hindi niya iyon kakayanin.

"Ikinulong nila ako sa kuwarto ko nang isinagawa nila ang planong pagpatay kay Aaron. Ngunit bago ang araw na iyon narinig ko ang pag- uusap nina kuya at papa tungkol sa kanilang plano. Nagtangka akong tumakas para ipaalam kay Aaron, pero nahuli nila ako't ikinulong sa aking silid."

Mataman lamang na nakikinig si Karen sa kaniya. At sa pagsasalaysay niya sa buong pangyayari ay muling nanariwa kay Jandie ang pangyayari sa nakaraan.

Tatlong araw na lang ay matatapos na ang bakasyon ni Jandie sa Grandia. Hindi niya mawari sa sarili kung bakit nalulungkot siya at tila ayaw pa niyang umalis sa lugar na iyon. Ang tanging laman ng isipan niya ay ang guwapong mukha ni Aaron at ang maiinit nitong mga yakap at halik. Ngunit kailangan niya nang bumalik sa Manila. Ilang

araw na lamang ay balik-iskuwela na kaya't hindi na siya puwede pang magtagal sa Grandia.

It was a lovely sunset. They're like a sweet couple sitting at the grassy lakeshore while watching such a splendour.

Jandie leaned on Aaron's broad and musceled chest, while he wrapped his arms on her slender waist from behind.

"You're beautiful, Maria Jandie. You've caught my soul with your loveliness," he whispered. She looked up to find him looking at her and he brushed his lips on hers.

"Aaron," she called his name in husky voice. He tried to control himself— control from lust. But her lips parted and he coudn't resist her charm. So he kissed her. But a kiss is not enough to satisfy her desire. Gusto niyang may mas malalim pang ipagkaloob si Aaron sa kaniya.

"You're incredibly sweet." he said, gazing on her lovely face.

"I love you. I love you, Aaron." anas niya habang hindi ihinihiwalay ang mga mata sa mga mata ni Aaron.

Alam niyang hindi maganda na siya ang unang umamin ng nararamdaman kay Aaron, pero parang sasabog ang dibdib niya kung hindi niya ito ipagtatapat. At marahil ay dala na rin ng kabataan niya. Hindi pa naman siya gano'n ka-mature pagdating sa pag-ibig. Ngunit ramdam niya ang kakaibang pitik ng puso niya para sa binata at hindi siya mahihiyang aminin dito ang kaniyang nararamdaman.

"You're different from other women, Jandie. No man could ever resist your beauty. And I'm a man." anas nito.

Hindi alam ni Jandie kung ano ang ibig nitong sabihin. Ramdam niyang may malalim itong kahulugan, pero hindi niya iyon binigyang malisya.

Dahil labingwalong taong gulang lang siya noon at labis na umiibig ay hindi niya nahalata ang totoong layunin ni Aaron. Ang mga salitang binitiwan nito ay hindi niya binigyang pansin noon, bagkus hinayaan niya ang kaniyang murang isipan at walang muwang na puso na magpaubaya rito.

"Say you won't do this." he said between his hard breathing. Asking her to stop him. But instead, she wrapped her arms around his neck and pulled him closer for their lips to meet again. Kissing harder, deeper, and more passionately.

She moaned when his hand explored all over her soft body; touching, pressing, teasing, squeezing, massaging— all the burning sensations made her almost crazy.

She was about to forget who she was and about to give him everything when someone interrupted.

"Aaron?!" cried the woman from behind.

Shock and shame registered on Jandie's face when she saw who it was. "Maricar?!"

Aaron stood up and fixed himself quickly. Maricar cried and ran away from them. To Jandie's surprise, Aaron followed and hugged Maricar. Hinuha niya'y nagpapaliwanag si Aaron sa kaniyang sister-in-law.

“But what was that hug for?”her ego can’t help but to ask pero pilit nyang isina-isang tabi ang mapaghinala nyang kutob.

"Ano'ng plano mo ngayon?" Boses ni Karen ang pumukaw sa kaniyang pagbabaliktanaw sa nakaraan.

"Hindi ko pa alam, Karen. Basta dito muna ako hangga’t hindi tinatantanan nina papa si Aaron." tugon niyang hindi pa rin nakakabawi sa sakit ng alaalang sumagi sa kaniyan isipan.

"You still love him, don't you?"

Napamaang siya sa tanong ng kaibigan.

"Botong-boto ako sa kaniya para sa'yo noon. I saw a good chemistry between the two of you. Kaya nang nalaman ko ang nangyari sa pagitan ninyo, parang hindi ako makapaniwala," ani Karen na binuntutan pa ng malalim na buntong hininga. "Just be careful this time, Jandie. Don't trust the person who already betrayed you once." seryoso ang mukhang paalala ng kaibigan.

"Salamat, Karen. Don't worry, hindi ko na hahayaang lokohin at gamitin akong muli ni Aaron." Iyon ang sabi ng utak niya but her heart knows otherwise. Iba ang sinasabi niya sa udyok ng puso niya.

"Kung hindi mo na nga siya mahal." may pagdududang sinipat siya ni Karen sa mukha. "Eh, sa tingin ko, hindi mo pa siya nakalimutan. Dahil kung naka-move on ka na, bakit takot kang mapahamak ulit siya sa kamay ng papa at kuya mo?"Pinukol siya nito ng mapanuring tingin.

"Dahil ayaw kong magkasala ulit sina papa at kuya dahil lang kay Aaron." sagot niyang hindi nagustuhan ng kaloob-looban niya.

Ngunit hindi kumbinsido si Karen.

"Saan pala si Zirich?" kunwa'y tanong niya para hindi na siya gisahin ng kaibigan tungkol kay Aaron.

"Nasa kuwadra. Kapapakain ni Mang Manolo. Halika at nang makita mo," sabay yakag sa kaniya patungo sa kuwadra.

"Gusto kong mangabayo, Karen. Na-miss ko nang husto si Zirich." Masayang ani Jandie habang tinatalunton nila ng kaibigan ang daan patungo sa kuwadra ng puting kabayo.

Para siyang bata na agad yumakap sa puting kabayo nang makita niya ito. "Zirich!" bulalas niya nang masilayan ang kabayong limang taon din niyang hindi nakita.

Namangha siya dahil lumaking lalo ang katawan ni Zirich. Halatang alagang-alaga ito ni Mang Manolo.

"Salamat sa pag-aalaga sa kaniya, Mang Manolo."aniya sa matandang tagapag- alaga ng puting stallion.

"Wala pong anuman, senyorita," magalang namang sagot ng matanda bago muling binalingan ang kabayo para ihanda sa pagsakay ni Jandie.

Na-miss niya nang husto ang sariwang hangin sa lugar na iyon. Ilang taon din palang hindi siya umapak doon.

Dahil sa pait ng kahapon ay hindi na siya naglakas-loob na bumalik sa Sagada. Ngunit ngayon ay naroroon ulit siya sa lugar kung saan nakaranas siya ng ligaya at sakit. Pipilitin niyang ayusin ang naghihingalo pa ring puso niya.

That place is filled with memories. Lalo na sa meadow lake, the place where she first met Aaron. It's also the place where she found out the truth. The truth between her lover and her sister-in-law.

Tila muling may bumikig sa kaniyang lalamunan nang muli nanamang maalala ang masakit na nakaraan.

Humakbang siya palapit sa mga ito. Kahit na tila gusto niyang panawan ng ulirat dahil sa nakikita. Yakap ni Aaron si Maricar habang pilit nitong pinapayapa ang nagwawalang hipag.

"Bakit mo nagawa sa 'kin ito? Bakit?!"galit na palahaw ni Maricar.

"I'm doing this for you... for us. Kailangan kong mapalapit sa'yong muli." ani Aaron.

Hindi iyon napalagpas ng kaniyang pandinig. Tila sinasaksak ng patalim ang puso ni Jandie dahil sa narinig mula sa binata.

"At siya ang gagamitin mo? Bakit siya pa?" muli ay si Maricar na patuloy sa pag-iyak.

"No choice, Maricar. Kung hindi si Jandie, sino? I love you. You have to trust me."

Hindi na niya napigil ang sarili. Ang mga luhang pinipigil niya ay nag- unahan nang umagos sa kaniyang mga pisngi.

"You do trust me, don't you?"

Ano'ng ibig nitong sabihin? Naghihinang humakbang si Jandie palapit sa dalawa. "Tama ba ang narinig ko, Aaron? Ginagamit mo…"

"Damn it, woman! Kung hindi dahil sa ama at kapatid mo, hindi sana kami nagdurusa ngayon ng mahal ko!" galit na baling sa kaniya ni Aaron.

"Mahal mo?" Tila pinagsasaksak ang puso niya sa mga katagang iyon ni Aaron. "Si Maricar?" Nangatal ang buo niyang katawan. She was devastated. Kaya pala hindi nito kayang sabihin sa kaniya ang salitang ‘Mahal kita’ ay dahil may mahal na ito. At si Maricar pa.

"Absolutely. Nakipaglapit ako sa 'yo but it's all planted. And thank you. I enjoyed your company." He told her with a smug look on his face.

Tila sasabog ang dibdib niya sa labis na sakit na nararamdaman. Bago pa siya mapahugulgol ng iyak sa harap ng dalawa ay mabilis siyang tumakbo palayo sa mga ito. Balon ng luha ang kaniyang mga mata at durog na durog ang puso niya.

May butil ng luha ang 'di sinasadyang pumatak sa kaniyang mga mata. Tila nanariwa ang sakit at sugat sa kaniyang puso. Para bang biglang umurong ang kaniyang tapang at gustong magsisi sa ginawang paglalayas. Sa pagkaalala niya sa ginawa ni Aaron ay tila nanumbalik ang galit niya na pilit niyang ibinabaon sa limot. Bakit ba kasi kailangan niya pang pumagitna sa alitan ng kaniyang pamilya at ni Aaron?

Napapitlag at bigla siyang napatayo mula sa damuhan nang marinig ang mga yabag ng kabayo palapit sa kaniyang kinaroroonan. Hindi nagtagal ay sumulpot ang lalaking nakasakay ng kabayong itim.

Muli na namang dinagsa ng maraming daga ang puso niya nang masilayang muli ang mukha ng lalaki— the handsome Aaron Fontierra na matamang nakatitig sa kaniyang mukha habang papalapit sa kaniyang kinatatayuan.