CHAPTER ONE

"Just one more shot, Jandie!"

"Jandie, over here!"

"Give me the sweetest smile, Jandie!" singit ng isang photographer.

ANG mga photographer ay siksikan sa pagkuha ng litrato ni Jandie, the only daughter of the great politician Gov. Ismael Sulivan, the amazing singer-actress who had caught the attention of the local and international media.

The reporters are also bombarding her with loads of questions na isa-isa at matiyaga namang sinasagot ng dalaga.

"Totoo bang may relasyon kayo ni Jeric Vidad?" tanong ng isang reporter na labis niyang ikinagulat. Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya akalaing mababanggit ang pangalan ng binata. Jeric is one of her leading man sa isang ongoing teleserye sa telebisyon. Inulit ng makulit na reporter ang katanungan at tila hindi na siya makakatakas na sagutin iyon.

Tumikhim siya bago sumagot. "Uhm," nagbantulot siya kung tama bang sabihin sa publiko ang totoong estado nila ng binata.. "Well, we are... "

Mula sa kung saang dako ay sumulpot ang isang lalaking umagaw ng eksena. Nagulat ang dalaga nang may malalaking bisig na humapit sa kaniyang baywang at kumabig sa kaniya dahilan para bumagsak siya sa matitipunong dibdib ng isang estranghero.

Galit at gulat ang mababakas sa mukha ng dalaga nang tingalain niya ang lapastangang nilalang na humila sa kaniya. Ngunit tila bulang naglaho ang galit niya nang mapagtanto kung sino ang may-ari ng mga bisig na nakayakap sa kaniya.

Rage and shock turned into horror. Aaron Fontierra held her tightly and she, on the other hand, froze. Ito ba talaga si Aaron? "No!" Sigaw ng utak niya. Impossible. He was dead long time ago. This can't be true.

"There’s no mistake, it's really me. Aaron

Fontierra. You do remember me, don't you?" That voice shook her whole being. His voice never changed. It's the same voice five years ago. Warm, sexy, solid. Lalaking lalaki ang tinig nito.

"I'm back, darling. Aren't you happy?" he said with a charming smile. Oh, that smile. How would she be able to forget those curves in his lips? Ngiting may kakayahang magpahinto sa pag-ikot ng mundo niya. Tumingin siya sa mga mata nito. Napakislot ang puso niya nang muling masilayan ang mga matang ilang taon din niyang hindi natitigan. His stare makes her wanna melt and his scrutinizing dark optics seem to have the power to read her mind and unravel the secrets of her soul.

Walang salitang lumabas sa kaniyang mga bibig. She closed her eyes to calm herself. Ayaw tanggapin ng kaniyang diwa ang mga nangyayari. "It's only a dream." Pilit niyang isinisiksik sa utak.

"But I'm real." he murmured na animo’y narinig ang iniisip niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang mukha. His manly scent was intoxicating. And she liked it. Pero naghuhumiyaw sa

pagtutol ang isang bahagi ng isip niya.

Kahit pa mabuhay ng ilang ulit ang isang Aaron Fontierra— she should never fall in love with him again. Never. Hindi ba't puro pait at sakit ang iniwan nito sa kaniya noon? Her memory of him was full of hatred, pain, and bitterness. Para sa kaniya matagal nang patay si Aaron. Iyon ang totoo at iyon ang itinanim niya sa kaniyang isipan. Hindi ba't mismong ang kuya Jason niya ang pumatay dito?

Ang masakit pa, akala niya ay siya lang ang nagluluksa pero hindi pala. There was another woman whom she didn’t expect to be her rival. Walang katumbas ang sakit na naramdaman niya lalo na nang malaman ang katotohanan kung bakit pinaibig siya ni Aaron.

The memory slapped her like a bucket of cold water kaya’t nagsimula siyang magpumiglas."I won't let you ruin my life for the second time," she blasted.

The devilish grin flickered across his mouth, yet pain and anger lit his eyes. No words went past his lips. His hold tightened as she struggle within his strong arms that used to embrace her and keep her safe. However,

right now was different. He was not the man that she thought he was and he will only cause her pain but despite knowing that fact, her longing heart still wants to stay within his warmth.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin ngayong nagpakita ulit si Aaron sa kaniya. Nang maramdaman niya ang init ng mga labi nito sa kaniyang mga labi ay tila nakalimutan niya ang nakaraan at ang kasalukuyan. While being mentally and physically occupied, Jandie didn’t even know how he managed to take her away from those reporters.

She kissed him back and his kiss gone deeper and more exploring. Her mouth opened voluntarily and welcomed his tongue, gliding into the warm home of her mouth.

Somehow, that kiss brought back his memories when he was twenty and Jandie was eighteen. It was the recollection of an orange sunset in Meadow Lake. The situation had been remarkably similar. He was a stranger to her yet she let him kiss her, and right at that moment he knew that she was an easy prey.

Rather than kissing her in a lake surrounded by woods, wild flowers, and darkness of the forest, doing it in front of the media men is better. Suwerte iyon para kay Aaron. Hindi na siya mag-aabalang ikuwento sa mga reporter ang namagitan sa kanila ni Jandie. It was planted and his agenda was no different from before.

"Wooo!!!" Tilian ng mga naiwang mga tao sa di kalayuan ang nagpabalik sa kaniyang huwisyo. Her face flushed red like an overripe tomato. Agad niyang itinulak ang binata at mabilis na tumakbo palayo. Hiling niyang sana bumuka na lang ang lupa at lamunin na siya nang makaalis na siya agad sa lugar na iyon at makalayo kay Aaron.

"You're a disgrace! Jandie, how could you do this? How could you put my name on shame?" galit na galit na ani Gov. Ismael pagkatapos mabasa sa pahayagan ang balita tungkol sa kaniyang unica hija.

"Dad, I'm sorry. I'm really…"

"Shut up! You never changed, Maria Jandie. Matigas pa rin ang ulo mo. Bakit si Aaron pa? Why on Earth are you linked with that trash who abandoned you. At nagpahalik ka pa in front of those reporters!”

Wala siyang maapuhap na irarason sa kaniyang galit na ama.

"This is too much, Jandie. Gusto kong lumayo ka muna habang hindi pa naayos ang gusot na pinasok mo. Lilinisin ko ang pangalan natin sa media at aalisin kong muli sa landas mo si Aaron. At kung kailangang ako ang pumatay sa kaniya para tumigil ka na, I’ll do it!" Nanggagalaiting banta ng gobernador.

"Dad!" Bulalas ni Jandie.

Gusto niyang tumutol sa sinabi ng ama. She's afraid that something might happen to Aaron. Nakaligtas na ito sa kamay ng kaniyang ama at kapatid noon. At ngayon ay may binabalak na naman ang kaniyang ama.

"NO!" tutol ng utak niya. She won't let them touch Aaron this time.

"This time I won't let him take a chance to live again. And I'm warning you, Jandie. Don't intervene." pagbabanta nito sa anak.

Matapos ang pag-uusap nilang mag-ama ay agad siyang nag-impake ng ilang mga damit. She has to leave

before it's too late. Ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari noon. Ayaw niyang muli siyang ikulong sa silid habang isinasagawa ng ama at kaniyang kuya ang balak ng mga ito. She must do something. Kahit buhay niya ang maitaya'y gagawin niya. Huwag lang mapahamak muli si Aaron.

Maganda ang timing niya, walang makakahalata sa kaniyang nag-alsa-balutan siya. Wala ang kaniyang ama at kapatid dahil abala ang mga ito sa pangangampanya. Ang paalam lang niya sa kaniyang yaya ay may bibisitahing kaibigan.

She's got nowhere to go yet she followed where her heart told her to.

Back to the place where it all began, where she abandoned the memories of love. Limang taon na ang lumipas nang umalis siya sa lugar na iyon dala ang pusong sawi. Limang taon na ang lumipas at ngayo'y muli niyang babalikan ang lugar kung saan niya unang nakita't nakilala ang istrangherong nagpatibok sa kaniyang puso— sa Melbourne Valley.

Papalubog na ang araw, ang mga sinag na natitira'y lumalagos sa kagubatan at nagbibigay ng panglaw na liwanag sa mga puno sa paligid. Tinapik ni Jandie ang puting kabayo at sa isang iglap, tumatakbo na ito sa gitna ng takipsilim. Ang halimuyak ng lawang nasa malapit at mga damong nagkalat sa paligid at ang mga malalagong panananim ay nakagagaan ng pakiramdam. Animo binibigyan siya ng assurance.

Tinahak niya ang daan pakanluran, kung saan kasalukuyan nang sumasabog ang kulay kahel sa kalangitan dahil sa papalubog na araw, patungo sa mapag-anyaya at kalmado at asul na lawa. Hinayaan niyang malayang ilipad ng hangin ang kaniyang mahabang buhok— malaya katulad ng mahabang buhok ng kaniyang stallion na si Zirich at malayang katulad ng hamog sa malakas na hangin.

Animo iniaangat siya sa hangin. The rush of the wind through her face washed her troubles behind and burry them into her dust. Habang papalubog ang araw, unti-unting bumagal ang takbo ni Zirich hanggang sa marating nila ang lawa. Tumigil ito at agad siyang lumundag pababa sa damuhan. Tinapik niya ang likod ng hayop para makaalis na roon. Para namang naintindihan siya ng alaga at naglakad ito patungo sa malalagong damo at nanginain.

Tears needled the back of her eyelids as she sat on the grass. Muling bumigat ang kaniyang pakiramdam nang maalala ang sinabi ng ama, "Marry Jeric and I will be proud of what you've achieved."

She's living like a puppet. Walang kalayaan sa mismong piling ng ama. Masakit. Sobrang sakit para sa kaniya ang panghimasukan ng iba ang sarili niyang buhay. Ang laktawan ang kaniyang mga desisyon. Jeric is a nice guy, a childhood friend at anak ng matalik na kaibigan ng kaniyang ama. Ngunit wala siyang nararamdaman para dito kundi pagmamahal bilang kaibigan lamang.

Paano nagawa ng kaniyang ama na ipagkasundo siya sa pamilya ni Jeric? Dahil sa pulitika. Iyon ang alam niyang dahilan. Ngunit paano naman ang damdamin niya? "Oh, God. I can't. Please, tell me what to do," lumuluhang aniya sa kawalan. "Somebody help me… Let me out of this pain!"

"Problemang puso ba iyan, ineng?" boses ng isang matandang lalaki. Napalingon siya sa gawing likuran. Si Tata Elmo ang nakita niyang nakatayo roon at buhat-buhat ang isang bayong na naglalaman ng sari-saring gulay. Si Tata Elmo na kilalang huwad na manggagamot at batikang manghuhula sa buong Lambak.

"Kayo pala, tata." Ngumiti siya rito at palihim niyang pinahid ang kaniyang mga luha.

"Oo, ineng. Maggagabi na, bakit nandito ka pa?"

"Ah, nangabayo lang po ako, tata. At naengganyo sa paglubog ng araw kaya dumito muna ako."magalang niyang sagot dito. Napangiti ang matanda. Ramdam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit nandoon ang dalaga. Malimit ay nakikita niya ito sa ganoong oras sa lugar na iyon. Hindi rin maitatago ng dalaga na may iniinda itong malaking problema. Matanda na si Tata Elmo at malakas ang pandama nito. "May problema ka. Hindi ba?"

"Ho?! Naku, wala po." Atubiling ngumiti si Jandie.

"May alam akong solusyon sa problema mo, ineng," mayamaya'y ani Tata Elmo.

"Ano pong ibig ninyong sabihin, tata?" naguluhang tanong ni Jandie.

"May paraan para tawagin mo ang tunay mong pag-ibig." Bagama't ngumiti ito sa kaniya, bakas naman sa mukha ang kaseryosohan nito sa sinabi.

"Po? Paano po ninyo nasabing problemang pag-ibig ang-?"

"May mga senyales akong nakikita sa'yo na magpapatunay na malaki ang suliranin mo sa pag-ibig," putol ni tata Elmo.

Naweirduhan ang dalaga sa takbo ng usapan nila ng matanda. Pero humanga siya kay tata Elmo dahil sa galing nitong manghula. Tama naman ito— problema nga niya ang pag-ibig. Pag-ibig na hindi pa dumarating sa kaniya. Kung totoo ang sinasabi ni tata Elmo, can she summon her true love? Paano? What was the spell to call her true love? Yung katulad kaya ng pagsunog ng kung ano-anong papel na may nakasulat na pangalan? O kaya naman pagsunog ng larawan at pagbigkas ng kung ano-anong mga dasal para tawagin ang pakay, at marami pa?

Kaso hindi siya naniniwala sa lovespell. Hindi nga

niya masigurado kung epektibo ba talaga sa mundo ng pag-ibig ang ganoon.

"Simple lang ang gagawin mo, ineng," nakangiting anang matanda. Mataman siyang nakinig sa sinabi ng matanda kahit na duda siya kung magkakatotoo iyon at kung gagawin nga niya ang mga ito. "Tandaan mo ang mga sinabi ko, ineng. Hindi basta rosas. Ang pula ay simbolo ng pag-ibig at romansa, kaya't ito ang gagamitin mo sa pagsasagawa ng orasyon. Huwag na huwag kang gumamit ng puting rosas dahil nagsisimbolo ito ng kamatayan ng pag-ibig."