CHAPTER TWELVE
PARANG wala sa sarili si Maricar nang pumasok si Aaron sa loob ng silid kung saan kukunan ito ng dugo at susuriin kung puwede itong maging blood donor ni Jared. Ito ang agad nagprisinta nang sabihin ng doktor na kailangang sumailalim si Jared sa blood transfusion dahil sa maraming dugo ang nawala rito. Kailangan ng bata na masalinan agad dahil kung hindi ay malalagay ito sa mas kritikal na kondisyon. Malubha at malaki ang sugat nito sa tiyan nang mahulog ito sa bangin sakay ng kabayo. Nang tumakbo ito pagkatapos nitong marinig ang pag-uusap nila ni Aaron ay hindi nila ito naabutan nang tumuntong ito sa malaking bato at mabilis na sumakay sa kabayo. Agad sumakay sa kabayo si Aaron at sinundan agad si Jared pero huli na dahil nahulog na ito sa malalim na bangin.
Sinisisi ni Maricar ang kaniyang sarili dahil sa nangyari sa anak. Kung hindi dahil sa kaniyang kahibangan ay hindi sana malalagay sa peligro ang anak.
Madilim ang anyo ni Aaron nang lumabas ito mula sa silid. Tila may ideya na si Maricar sa nakikitang anyo nito. Malamang ay nalaman na nito ang katotohanan, ang kaniyang pinaghahabing kasinungalingan.
"Aaron?" Nanginig na boses ni Maricar nang makalapit na sa kaniya si Aaron.
Naniningkit sa galit na saad ni Aaron. "How could you do this, Maricar?"
"A-aron, I- l'm sorry. Ginawa ko iyon para makasama kang muli. Nagawa kong magsinungaling dahil ayaw kong iwan mo ako." Napahagulgol na si Maricar.
"I can't imagine that you can do this to me. How could you used your son. Napakainosente ng bata para gawin mo ito sa kaniya, Maricar!" Galit na galit na sumbat ni Aaron.
"Patawarin mo ako, Aaron." Napadausdos ito sa sahig at lumuhod sa harap ni Aaron.
"No. Tigilan mo na ako, Maricar! Idinamay mo pa ako sa kalokohan mo. Alam mo bang nagui-guilty ako sa nangyari sa bata?! Alam mo bang sinisisi ko ang sarili ko ngayon?! Ikaw ang may kasalanan nito but I can't help but to blame myself, too. I'm guilty big time! Manalangin ka na lamang na sana makaligtas si Jared dahil kung hindi, pagsisisihan mo ito nang husto!" At agad iniwan si Maricar.
"Aaron!" palahaw ni Maricar pero hindi ito nilingon ni Aaron. Tuloy-tuloy itong lumabas sa ospital. Naiwang luhaan at puno ng pagsisisi si Maricar.
Batid niyang tapos na sila ng kalaki.
Agad kumuha ng emergency flight si Jason nang tawagan ito ni Jandie at ipaalam dito ang nangyari kay Jared. "Kuya!" Tawag ni Jandie at sinalubong ang kapatid sa entrance ng ospital.
"Jandie, kumusta si Jared?" Nag-aalalang si Jason.
"Kuya, mabuti't dumating ka na. Ikaw lang ang pag-asa para masalinan siya ng dugo."
"Where is he, Jandie? I have to save my son."
Mabilis na nilang tinungo ang ER kung saan naroon si Jared. Natigilan si Jandie nang makapasok na sila ng kaniyang kapatid.. Saglit na naitulos si Jandie sa kaniyang kinatatayuan nang makita sina Aaron at Maricar. Nagsalubong ang kanilang mga mata ni Aaron. Guilt. Iyon ang nababasa niya sa mga mata ni Aaron. Labis siyang nasaktan dahil sa ginawa nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na magalit dito lalo na at nasa malubhang kalagayan ngayon si Jared dahil sa kagagawan nila ni Maricar. Ngunit agad siyang nahimasmasan at nakaramdam ng takot nang humakbang ang kaniyang kapatid patungo kay Aaron.
Nagkatitigan ang dalawang lalaki. "Kumusta na siya?" Tanong ni Jason kay Aaron.
"Kailangan niyang masalinan agad ng dugo." Napabuntong hininga si Aaron.
Nagluwag ang dibdib ni Jandie. Inakala niyang magkakasakitan ang dalawa pero nagkamali siya. Batay sa anyo ng kapatid ay hindi ito galit kay Aaron. Ngunit hindi maitatanggi na galit ito kay Maricar. Patunay lamang ang paglapit nito kay Aaron para kumustahin ang bata imbes na sa asawa nitong si Maricar.
"Jason." Narinig niyang tawag ni Maricar kasabay ng paglapit nito sa kaniyang kapatid pero iwinaksi nito ang kamay ng hipag nang akma nitong hawakan.
"Kailangan kong makausap ang doktor ni Jared. Come with me, Aaron."
Tahimik na sumunod si Aaron at huminto ito sa harapan niya. "Jandie," tawag nito sa kaniya pero inignora niya. Ibinaling niya sa ibang dereksiyon ang kaniyang mukha.
Laglag ang balikat na humakbang si Aaron palabas ng silid. Ramdam nitong galit siya rito at ayaw niya itong makausap at makita.
Isang buwan na rin ang lumipas, ganoon na rin katagal na wala sa mansion ang kuya niya at pamangking si Jared. Nasa ibang bansa na ang mag-ama at tila wala nang balak pang bumalik sa Northdown.
At si Maricar, wala na siyang balita. Ganoon din si Aaron. Matapos ang aksidenteng nangyari kay Jared ay nagdesisyon na ang kuya niyang manirahan sa ibang bansa. Mas mainam na raw ang lumayo para makalimot silang mag-ama.
Nagulantang siya nang may kumatok sa kaniyang silid. Napagbuksan niya ang kanilang katulong. Agad siyang bumaba nang sabihin nitong may bisita siya. Masaya siyang nagtungo sa sala sa pag-aakalang si Aaron ang kaniyang panauhin. Ngunit nadismaya siya nang makita ang kaniyang bisita.
Si Maricar.
Pinasadahan niya ang anyo ng hipag. Ang laki ng ibinagsak ng katawan nito. Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan at pagsisisi.
"Kumusta ka na, Jandie?" panimula nito nang makita siya.
"Naparito ka?" Walang kaemo-emosyong humarap siya rito.
"Nagpunta ako rito para magpaalam sa inyo ni papa. At... at para humingi ng tawad sa mga ginawa kong kasalanan sa inyo." Lumapit ito sa kaniya at nagulat siya nang lumuhod si Maricar sa harap niya. Humagulgol ito habang binibigkas ang salitang "Patawad". Hindi napigilan ni Jandie ang hindi maluha. Nasasaktan siyang makita si Maricar na humihingi ng kaniyang kapatawaran.
"Get up, Maricar. Hindi mo dapat gawin 'yan. Matagal na kitang napatawad." Pinigil niya ang maiyak at inalalayan si Maricar at itinayo.
"Jandie." Hindi makapaniwala si Maricar sa narinig mula kay Jandie.
Tumango si Jandie at pagkuwa'y ngumiti rito. "Nauunawaan kita, ate. Napatawad na rin kita."
Nagyakapan sila at kapwa umiiyak.
"Aalis ka?" tanong niya nang makaupo sila sa sofa at pareho nang tumahan sa pag-iyak.
"Oo. Hahanapin ko ang mag-ama ko," hikbi nito, puno ng pangungulila ang tinig.
"He will give you a hard time. Kilala ko si kuya. Nasaktan ito nang sobra," babala ni Jandie pero determinado si Maricar sa plano.
"I will endure it. Magtitiis ako hanggang mapatawad at tanggapin niya akong muli. Hindi ko kayang mabuhay na wala sila sa tabi ko, Jandie." Pumiyok ito.
Napangiti si Jandie. Nauunawaan niya ang kaniyang hipag. Alam niya kung gaanong naghihirap ang kalooban nito na layuan ng mga mahal sa buhay. Masakit. Mahirap. Katulad din ng kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi niya kapiling si Aaron at iyon din ang ipinagluluksa ng puso niya.
"Talaga bang napatawad mo na siya, hija?" tanong ng ama kay Jandie na ang tinutukoy ay si Maricar.
Ngumiti si Jandie. "Oo, papa. Wala naman nang dahilan para magalit pa ako sa kaniya. Nakaraan na iyon, 'Pa. Napatawad ko na siya. Nakita ko kasi kung paano niya pinagdusahan ang kaniyang mga pagkakamali. Hindi ba't napatawad n'yo na rin siya, papa? Kayo nga ang nagsabi kung nasaan sina kuya at Jared, e."
"Katulad mo, hija, buong puso kong tinanggap ang paghingi ni Maricar sa akin ng tawad. Alam kong mahal pa rin siya ng kuya mo at kailangan siya ni Jared, kaya ako ma'y gustong magkaayos silang muli."
"Maaayos din nila ang lahat, papa. Don't worry, kaya na nila 'yon." Ngumiti siya. Parang nakikinita na niya ang malapit na pagbabati ng kaniyang kuya at hipag.
"Kung ganoon, mapapatawad mo drin ba si Aaron katulad ng mabilis mong pagpapatawad kay Maricar?" tanong ng ama, tumitig sa kaniya na parang inaarok ang kaniyang tunay na nararamdaman.
Napabuntong hininga siya.
"Paano ko patatawarin ang taong kailanman hindi nagpapakita't humihingi ng tawad, papa?"
May kirot sa kaniyang puso dahil sa katotohanang hindi na sila nagkita ni Aaron matapos makalabas sa ospital si Jared. Ni anino nito'y hindi na niya nakita. Hindi rin ito tumawag sa kaniya. Ayaw naman niyang siya ang unang gumawa ng hakbang. Nagkaroon siyang bigla ng mataas na pride. Nasaling ni Aaron ang kaniyang ego kaya hindi naman niya masisi ang kaniyang sarili.
"Siguro kumukuha lang siya ng magandang tiyempo, hija. Alam niyang nasaktan ka at malay mo, nagpalamig lang."
"Ang sabihin ninyo, talo talaga ako. Hindi niya maibigay sa akin ng buong-buo ang puso niya, papa. Pero tanggap ko na. Alang-alang sa magiging apo ninyo." Naluluha man ay pilit siyang ngumiti.
"Hindi ka nga ba nasasaktan, hija?"
Tumingin siya sa ama. At pinakatitigan. Napabuntong hininga ang Don. "You couldn't hide it, hija."
Mapait siyang ngumiti sa ama. "I'll be fine soon, Papa. Time will heal me."
Niyakap siya ng ama at hinaplos-halos ang mahaba niyang buhok.
"I don't want to see you cry. I want you to be happy, hija. Aaron is a good man. You both deserve happiness."
Tuluyan na siyang napaiyak sa balikat ng kaniyang ama.
"Minsan sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa paghadlang ko noon sa inyong relasyon. Nasasaktan ako kapag..."
"Pa, tama na. Wala ka namang kasalanan. At saka tapos na iyon. Hindi naman ikaw ang dahilan nang sakit na nararamdaman ko ngayon," aniya. "I learned so much from love, papa. Dahil sa sakit, mas tumibay ako. At alam mo ba, papa, kung ano ang the best na natutunan ko sa pag-ibig?" Pilya siyang ngumiti, "Ang suwayin ka."
Nagtawanan sila. Magkahalong saya at lungkot ang kaniyang nararamdaman. Her father changed a lot. Hindi na ito katulad nang dati na manipulative.
"Silly girl." Kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
"Mommy, will be fine, baby. Promise, hindi na iiyak si mommy." Pinilit niyang ngumiti habang hinahaplos niya ang maumbok niyang tiyan. Ka-buwanan na niya ngayon. At anytime, any moment ay manganganak na siya kaya naman lagi siyang naglalakad sa hardin ng mansion kada umaga. Iyon kasi ang payo ng doktor. Paroo't parito ang ginawa niya. Inikot niya ang buong hardin at panaka-naka niyang sinasamyo ang mga nadadaanang mga bulaklak ng orchids. Gumagaan ang kaniyang pakiramdam sa tuwing lalanghap siya ng sariwang hangin sa umaga.
"And I won't let you cry anymore."
Napapitlag siya at saglit na tumigil sa paglakad. Iginala niya ang kaniyang mga mata sa paligid. Ngunit wala siyang nakitang ibang tao doon. Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa pag-aakalang guni-guni lamang niya iyon. Muli siyang nagpatuloy sa paglakad nang biglang may matitipunong mga bisig ang yumapos sa kaniya mula sa likuran, sinamyo ang kaniyang buhok. "I missed your smell, darling."
Bumilis ang pintig ng kaniyang puso nang marinig ang boses nito. May puwersa na humihila sa kaniya para humarap dito at yakapin nang mahigpit at halikan ito sa mga labi. Mga yakap at halik na hinahanap-hanap niya nang bigla na lang itong nawala. Nang maalala niya ang hindi pagpapakita at pagpaparamdam sa kaniya ni Aaron ng ilang buwan ay muling bumangon ang inis sa kaniyang puso.
"Bakit ka nandito? Pilit kinakalas ang mga bisig sa kaniya.
Lumuwag ang pagkakayakap nito at pinihit siya paharap. Their gaze met once again. She saw loneliness and longing in his eyes.
"Pinuntahan ko ang papa sa LA," seryoso nitong wika.
Lihim na natuwa roon si Jandie. Ngayon alam na niya na nagkita na sina Aaron at ang papa nito. Isa iyon sa mga dalangin niya, ang magkita muli at magkaayos ang mag-ama.
"How is he?"
"He's fine. Nagkaayos na rin kami." Makahulugan nitong sabi na may lakip na tuwa sa mga mata.
"Masaya ako para sa iyo."
"Alam kong galit ka pa sa akin noon kaya lumayo muna ako at para gamutin ang sarili ko. Nasaktan ako dahil sa nangyari kay Jared. I'm damn guilty, Jandie." Lumambong bigla ang mga mata nito.
"Nasaktan ka ba dahil sa nalaman mo ang katotohanang hindi mo siya anak?" Tila kinurot ang puso niya dahil pakiramdam niya'y masakit kay Aaron ang katotohanang iyon.
"No, but I'm blaming myself what happened to him," anito sa mahina ng tinig. "Nagluwag nga ang dibdib ko dahil hindi ko siya anak but I hurt you... your brother, and Jared." Hirap sa kaloobang dugtong nito.
"No. It was an accident, Aaron. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Biktima ka rin ng kahibangan noon ni Maricar. Pero tapos na ang lahat, nagbago na si Maricar at nagkaayos na sila ni kuya."
"And what about us? Ayos na ba tayo?" Alanganing ngumiti si Aaron.
Inirapan niya ito. "Ano pa nga ba. You have a valid reason nang bigla ka na lang sumulpot dito."
"Yes!!" Sabay buhat sa kaniya at inikot muli sa ere. Parang hindi man lang nabigatan sa kaniya si Aaron samantalang ang laki-laki na ng kaniyang tiyan.
"Hey! Put me down. Ang bigat ko kaya."
"I love you, darling," anas ni Aaron na hindi pinansin ang kaniyang sinabi.
"I love you, too, Aaron. I miss you so much." She whispered, framing his face with her hands and staring up at him as his head bend lower and brushed her lips with his.
"I miss like crazy." Sinakop nito ang kaniyang mga labi. Maalab, mainit, puno ng pananabik, at puno ng pagmamahal. Na kaniyang tinugon ng buong suyo, buong puso't pagmamahal bilang tanda ng pagsuko. Nawala na nang tuluyan ang pagtatampo niya kay Aaron. Tinupok na ito ng naglalagablab na apoy at tinangay at nalunod na sa nag-uumapaw na pagmamahal at pananabik nila sa isa't-isa.
"Ahh!"
Napakunotnoo si Aaron nang itulak siya ni Jandie. "Oh, bakit?" Nag-aalalang tanong nito nang mapansin ang pagngiwi ni Jandie.
"Ang sakit. Ah! A-arayyy!!!
Nataranta si Aaron nang hawakan ni Jandie ang tiyan nito.
"Manganganak ka na ba, darling?" Nanlamig sa takot si Aaron. Hindi na niya ibinaba ang asawa. Mabilis na tinungo ang kotse habang buhat-buhat si Jandie.
"Señor! Señor! Manganganak na po ang asawa ko!" sigaw nito.
"Oh, bakit bigla kang natahimik?"
Napabuntong hininga si Jandie. "I'm thinking about the agreement."
"Agreement?" Kunot-noong si Aaron.
"Yes, the agreement after I gave birth. The annulment, don't you remember?" Diniinan iyon ni Jandie. Pinilit niyang hindi mapabungisngis dahil sa reaksiyon ni Aaron. Nagulat ito't nataranta nang ipaalala niya ang naging kasunduan nila noon pagkatapos niyang manganak.
"Ahm, darling, akala ko ba okay na tayo?"
Pinagpawisan ng malamig si Aaron. Oh, women! Hindi talaga maintindihan ang pag-uugali ng mga ito. Kanina'y ayos si Jandie. Inakala nga niyang maayos na sila, tumugon pa ito sa mga halik at yakap niya. Ngayong nanganak na ito, nag-iba na naman ang mood. Balak na naman yata nitong ituloy ang mga kasunduan nila noon. Halos ayaw nga siyang bitiwan kaninang kasagsagan ng paghilab ng tiyan nito, tapos ngayon may balak yatang itaboy siya.
"Ayos?"
"Ahm, bakit hindi pa ba?"
"Hindi pa. Sabi mo tutuparin mo ang nasa kasunduan natin."
"E, tinutupad naman, darling. Lalagda akong muli pero kailangang magpalakas ka muna," determinadong ani Aaron.
"What?!" Si Jandie naman ang naguluhan. "Anong lagda? E, hindi ka naman lumagda sa huling agreement natin."
"I did. Lumagda ako."
Napakunot-noo si Jandie. Mabibinat yata siya dahil sa takbo ng usapan nila ni Aaron. Napasimangot siya. Iniisip niyang balak yatang patulan ni Aaron ang kaniyang biro. Tila gusto niyang magsisi dahil sa pag-ungkat ng bagay na iyon.
"I did, remember?" Pinakatitigan siya nito sa mga mata at pagkuwa'y ginagap ang kaniyang mga palad.
"You know me better than anyone else in this world and somehow still you manage to love me. You are my brightest star and one true love. There is still a part of me today that cannot believe that I'm the one who gets to marry you.
On this day,
I give you my heart, my promise. I will walk with you, hand in hand.
Wherever our journey leads us.
Living, learning, loving... Together, Forever."
"Aaron, I do remember now." Naluluhang si Jandie. Iyon ang vow na binigkas ni Aaron para sa kaniya nang araw na ikasal sila.
"And I will say that vow again on the day of our second wedding. At sa simbahan na." Anito bago ngumiti at hinaplos ang mukha niya at tinuyo ang mga luha niya gamit ang daliri nito.
"Thank you, darling. You don't have any idea how much you make me happy." Hindi na siya nangimi pang kabigin ang asawa at yakapin ito nang mahigpit.
"I'm so happy too. Thank you for coming in my life, Jandie. You mend my broken heart, darling." anas nito.
"Ahm, darling, may ibibigay sana ako sa 'yo." Pagkuwa'y ani Aaron bago sila kumalas sa isa't-isa.
"What is it?"
Ngumiti si Aaron at tumayo. Ngunit napalitan ng pagkadismaya ang eksperesyon sa kaniyang mukha nang kapain nito bulsa ng pantalon.
"Oh, God! I dropped it." Mahina niyang sabi.
"Ang ano?"
Hindi na nakasagot si Aaron nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Señor Ismael at ang nurse na may karga sa kanilang baby.
"Here is your baby boy, ma'am, sir."
Nakangiting ani ng nurse sabay abot sa sanggol kay Jandie.
"Oh, my baby." Anas ni Jandie na naguumapaw ng galak sa puso niya. Tinamnan niya ng mga pinong halik ang maliit na mukha ng cute niyang anak habang hawak-hawak at nilalaro naman ni Aaron ang maliliit na daliri nito.
"I have to give you this, Aaron." Agaw pansin ni Señor Ismael.
Sabay na napalingon ang dalawa at pinakatitigan ni Jandie ang iniaabot ng ama kay Aaron. Isang maliit na pulang kahita. Napangiti si Aaron at labis na nasiyahan ng makita na niya sa wakas ang nawawalang bagay sa kaniyang bulsa. Hindi niya namalayang nalaglag iyon kanina dahil sa nataranta siya sa biglaang paghilab ng tiyan ni Jandie. Napulot pala iyon ni Señor Ismael.
Inabot iyon ni Aaron. "Patawad po kung basta ko na lang pinakasalan at inanakan ang inyong anak, Señor." Seryosong panimula ni Aaron. "Kung marapatin po ninyo, hayaan po sana ninyong itama ko ang pagkakamaling nagawa ko. Gusto ko pong hingiin ang approval at bendisyon ninyo para pakasalan ulit si Jandie." Magalang na saad ni Aaron sa ama ni Jandie.
Napangiti ang Señor at tinapik ang balikat ni Aaron. "Ora-mismo, Aaron. Kung naisin mong pakasalan ang anak ko'y hinding-hindi na ako hahadlang pa. I want her to be happy. And I know you're her only love and her happiness." Nakangiting anang Señor.
"Salamat po. Maraming salamat, Señor. Huwag po kayong mag-alala, I'll do my very best to make her happy. Mamahalin ko siya hanggang sa aking huling hininga."
"Take good care of her. She is my precious gift."
"Makakaasa po kayo, papa." Panigurado ni Aaron.
Napangiti ang Don sa pagtawag niya rito ng 'papa'.
"Sounds good, my son. Nagkaroon na naman ako ng anak na lalaki at siyempre a handsome grandson. My precious grandson." Sabay kuha sa apo mula kay Jandie.
"Akin na ang apo ko para maisuot na ni Aaron ang engagement ring sa iyo."
Napangiti si Jandie nang i-abot niya ang kaniyang anak sa kaniyang ama.
Humarap siya kay Aaron na lumuhod sa sahig habang siya'y nakaupo sa gilid ng hospital bed.
"I know it's weird to put on an engagement ring after the wedding ring but I don't care. Basta para sa 'yo lang ang singsing na ito, hindi para sa iba, masaya na ako." Anito sabay bukas ng kahita at kuha sa isang ruby ring. Namangha si Jandie at bakas ang paghanga sa kaniyang mga mata. It's the best and most beautiful engagement ring she'd ever seen.
"Mrs. Maria Jandie Sulivan McFaden, would you marry me for the second time and would you be my wife forever?" Seryosong ani Aaron habang titig na titig sa mga mata ni Jandie.
"I promise to choose you every day, to love you in word and deed, to do the hard work of making now into always. Yes. Yes, Mr. Aaron Y Basco McFaden, I will marry you again and I'll be your wife for a lifetime." Madamdamin niyang sagot.
Isinuot ni Aaron sa kaniyang daliri ang singsing na may ngiti sa mga labi at galak sa puso.
"I love you. I do love you, darling. Thank you." Anito at tumayo at binuhat si Jandie bago inangkin ang mga labi nito.
They kiss like there is no more tomorrow.