CHAPTER ELEVEN
HINDI makuhang umupo ni Aaron sa labas ng emergency room habang hinihintay ang paglabas ng doctor na sumusuri kay Jandie. Paroo't parito siya sa paglakad. Sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil sa nangyari kay Jandie. Kung mayroong mangyaring masama sa kaniyang mag-ina ay hinding hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili. Hindi mawaglit sa isip niya ang tagpo kung saan inabutan niyang nakandusay si Jandie sa damuhan. Labis ang takot at kabang kaniyang naramdaman nang umuwi siya ng mansion at hindi nadatnan si Jandie. Inakala niyang nasa bahay na ito ng mga oras na iyon. Matapos niyang makausap si Maricar ay agad siyang umuwi para kausapin si Jandie pero sinabi ng kaniyang yaya na hindi pa ito umuuwi mula ng sundan siya nito sa burol. Patakbo siyang bumalik sa burol at doon nayanig ang mundo niya nang abutan si Jandie na walang malay at putlang-putla. Pinilit niya itong gisingin pero hindi ito tumugon. Malamig ang mga kamay nito at lupaypay. Mabilis niya itong binuhat at iniuwi sa mansion para makuha ang sasakyan at maitakbo si Jandie sa ospital.
Nang bumukas ang ER at lumabas doon ang doctor ay agad siyang lumapit.
"Dr. Fuentes, kumusta na po ang mag-ina ko?"
May sinabi ito sa isang nurse bago ito bumaling sa kaniya.
"Wala ka nang dapat ipag-alala, Mr. McFaden. Dala lamang ng matinding pagod kaya nanghina at nawalan ng malay ang asawa mo. Hindi maganda sa kalusugan ng bata ang exhaustion at depression ng ina. Kaya't dapat iwasan niya ang magtrabaho o magpagod at ang malungkot nang labis. Masama sa kaniyang pagdadalangtao ang mapagod. She's sensitive in this stage kaya't dapat maging maingat siya. At dahil medyo mahina pa siya, mas makabubuting mag-stay muna siya rito ng ilang araw."
Nakahinga siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na maayos na ang kalagayan ni Jandie.
Matapos niyang makausap ang doktor ay kinausap siya ng nurse at ibinigay ang ilang reseta ng mga gamot at vitamins na kailangang bilhin para kay Jandie.
Muling pumikit si Jandie hindi dahil nanghihina pa siya kundi para pigilan ang mga luhang nagbabadyang umagos mula sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya'y tila sasabog ang kaniyang dibdib dahil sa sakit. Ngunit kahit labis na siyang nasasaktan ay hindi pa rin niya kayang kasuklaman si Aaron. Ganito pala talaga ang umiibig, hindi mo kayang kasuklaman at abandonahin ang taong minamahal mo kahit nasasaktan ka na sa katotohanang iba ang mahal niya. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan.
"Mommy will be okay, baby. Hindi tayo susuko. Hindi susuko si Mommy. Dahil kapag sumuko ako, madadamay ka. I will not give up yet, dahil alam ko na may pag-asa pa." mahina niyang sabi sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Iniisip niyang naririnig at naiintindihan siya ng buhay na pumipintig sa kaniyang sinapupunan.
One more reason to hold on is her brother. Kung susuko siya sa laban na ito'y siguradong magwawagi si Maricar na bumalik kay Aaron. Iyon ang ayaw niyang mangyari. Siguradong masasaktan ang kuya niya kapag nawala ang mag-ina nito.
Mas marami ang masasaktan kapag sumuko na siya ngayon.
Hindi na muling bumalik si Aaron sa ospital matapos nitong bilhin ang mga reseta para kay Jandie at masiguradong maayos na ang lagay nito. Pinakiusapan na lamang niya si Seling upang ito ang nagbantay. Muli na namang ginulo ng kaniyang isipan ang mga sinabi sa kaniya ni Maricar. Ayaw niyang dagdagan pa ang depression ni Jandie kapag nakaharap siya sa ganoong ayos. Sa halip na makihalili kay Seling sa pagbabantay sa ospital ay nagbabad siya sa mini bar ng mansion at nagpakalunod sa alak.
"I don't care kung kasal na kayo o magkakaanak na. Ang mahalaga lang sa akin ay makasama ka. Hindi ako mawawalan ng pag-asa, Aaron. We'll be together someday." Ang mga katagang binitiwan ni Maricar nang sabihin nitong itigil na nila ang lihim na pagtatagpo. Gusto na niyang kumalas sa kanilang relasyon at harapin na ang katotohanan. Asawa na niya si Jandie at may pananagutan na siya rito. Noong una ay hindi niya matanggap ang damdaming unti-unting umuusbong sa kaniyang puso para kay Jandie. Ngunit habang tumatagal na nakakasama niya ito ay lalong lumalawig ang damdaming iyon. Gusto na niyang putulin ang lihim nilang ugnayan ni Maricar at harapin ang tunay na mukha ng buhay niya, pero naguguluhan pa rin siya sa tuwing naiisip niya si Jared at ang mga pangarap at pangakong binitawan niya para kay Maricar.
There are so much to lose yet so much more to gain if he'll choose Jandie. Mawawala ang pag-ibig na kay tagal niyang iningatan. Mawawala si Maricar kasama si Jared at ang mga pangarap na binuo niya kasama si Maricar. Ang lahat ng iyon ay mawawalan na ng kabuluhan at tuluyan ng maibabaon sa limot. Gayunman, magkakaroon siya ng isang pamilya. Bubuo ulit ng mga pangarap kasama ang babaeng nagpanumbalik ng kaniyang sigla para mabuhay at nagbigay kulay sa kaniyang paligid. But he has the word of honor. May isang salita siya. He had never say words and give promises and take them back. Naihilamos niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Bakas dito ang pagkalito't pagkabagabag ng kalooban.
Naantala ang usapan nina Aaron at Jandie na uuwi sa Northdown dahil sa kalagayan ni Jandie. Isang linggo ang ginugol nito upang mapanumbalik ang lakas nito. Nang bumuti na ang pakiramdam ni Jandie ay nagdesisyon na si Aaron na makipagkita sa pamilya ng asawa.
Nasa labas pa lamang sila ng malaking tarangkahang bakal ng masiyon nang may sumalubong na sa kanilang dalawang armadong lalaki. Pinigilan ni Jandie sa braso si Aaron nang akma nitong bubuksan ang pinto ng kotse.
"Stay here. Ako muna ang bababa at haharap sa kanila," wika niya.
"Are you scared that they might hurt me?" May himig nanunuksong tanong ni Aaron.
"No. I don't want trouble. I don't want things to get more complicated."
Mabilis siyang bumaba at hinarap ang dalawang guwardiya.
"Ma'am, hinihintay na po kayo ni Señor sa loob," anang isang guard
"May kasama ako, Jun." Nilingon si Aaron na mataman lang nakamasid. "Si kuya, andiyan ba?"
"Kumusta ang suwail kong kapatid?" si Jason na biglang sumulpot sa likuran ni Jandie.
"K-kuya? Biglang kinabahan si Jandie. Akala niya ay handang-handa na siya sa paghaharap nilang magkapatid, pero hindi pa rin niya maiwasan ang matakot. Takot hindi para sa kaniyang sarili kundi takot sa puwedeng gawin ng kuya niya para kay Aaron.
"Isinama mo pa talaga ang hudas na 'yan." Matalim itong nakatingin kay Aaron.
"Kuya, hindi siya naparito para manggulo. Andito siya para makipag-ayos," dipensa ni Jandie.
"Huh! Siya, makikipag-ayos?" Natatawang si Jason. "Nabilog na talaga ng gagong 'yan ang ulo mo, Jandie."
"Kuya, please, ayaw ko ng gulo. Kaya nga isinama ko siya rito para matigil na ang hidwaan ninyo," pagsusumamo ni Jandie sa kapatid.
"Fine. Para sa 'yo, Jandie. Dahil mahal kita, makakaasa kang walang latay ang katawan ni Aaron na uuwi sa kanila."
"Promise me?"
"Oo na nga, e. Sige, pumasok ka na sa loob at kanina ka pa inaabangan ni papa," pagtataboy ni Jason sa kaniya.
"I trust you, kuya." Nagbabanta ang titig at tinig ni Jandie bago nilingon si Aaron at humakbang na papasok sa loob ng mansiyon.
"Bakit ayaw mong bumaba? Huwag mong sabihing naduduwag ka, McFaden," uyam ni Jason nang lapitan nito si Aaron.
Bumaba si Aaron mula sa kotse at matikas na hinarap si Jason.
"Wala ka pa ring ipinagbago, Jason. Makitid pa rin ang utak mo. Duwag na agad? Hindi ba puwedeng sabihin na ayaw ko lang ng gulo sa harap ni Jandie. Iniisip ko lang naman kasi ang kalagayan ng kapatid mo. Pasalamat ka't kapatid mo siya. Dahil kung hindi, baka kanina pa kita sinagasahan."
"At talagang ginawa mo pang rason ang kapatid ko para mapagtakpan ang kaduwagan mo. Ang sabihin mo, takot ka kaya ka nagtago sa saya ng kapatid ko," pang-iinis pa rin ni Jason.
"Oo, nagtago ako sa saya ng kapatid mo. At alam kong hindi mo magugustuhan ang nangyari. Alam mo na ang duwag na katulad ko na mahilig magtago sa ilalim ng saya, siguradong mayroon at mayro'ng mangyayaring milagro sa ilalim ng palda ng babae. Mga pangyayaring ayaw mong malaman." Makahulugan itong ngumisi.
Nag-init ang bumbunan ni Jason dahil sa sinabi ni Aaron!
"Tarantado kang talaga, Aaron. Pati kapatid ko pinakialaman mo! Alam mo bang puwede kitang itumba ngayon din mismo?!"
Nanggagalaiti sa galit ni Jason. Balak nitong pangahan si Aaron dahil sa mga sinabi.
"Do it, Jason. Nang mawalan ng ama ang magiging pamangkin mo. At nang sa ganoon ay parang pinatay mo na rin ang kapatid mo," mariing ani Aaron at nakipagtagisan ng talim ng titig kay Jason.
"Damn you, McFaden!" Kuyom ang palad nito.
Ngumisi si Aaron. "Good grief, bro-in-law. Sa ayaw at sa gusto mo, magiging kapamilya mo na ako."
"Aaron," natigil ang tensiyon sa pagitan nila nang biglang lumabas ng tarangkahan si Jandie. Nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa dalawang lalaki. "May nangyari bang..."
"Nope. Everything is fine, darling. Nagkukumustahan lang kami ni bayaw. Hindi ba, bayaw?" Tila walang anumang baling ni Aaron kay Jason.
"Right, Jandie. Nothing to worry." Pinilit ngumiti ni Jason at umakbay kay Aaron para mapanatag si Jandie.
"Good to hear that. Sana magkaayos na kayo ng asawa ko, kuya." At yumakap ito sa kapatid.
"By the way, Aaron, gusto kang makita't makausap ni papa." Si Jandie nang bumaling kay Aaron.
Natigilan si Aaron sa sinabi ni Jandie. Tila kinabahan ulit siya na makita ulit ang ama ni Jandie. Katulad din ang naramdaman niya noong una, nang bantaan at nakialam si Señor Ismael sa relasyon nila ng kaniyang anak. Napaubo siya ng sikuhin siya ng malakas ni Jason. "Goodluck," nakangising anito nang mapansin na pinagpawisang bigla si Aaron.
Nang makapasok sa loob ng tarangkahan sina Jandie at Aaron ay napangiti si Jason. Ramdam niya na masaya nang muli si Jandie. Bumalik na ang sigla at kulay sa mga mata nito na naglaho mula nang nawala si Aaron. Mahabang panahon din niyang sinisi ang kaniyang sarili dahil naging dahilan din siya ng paghihiwalay ng mga ito noon. Naging makasarili siyang kapatid dahil inuna niya ang kapakanan niya. Inisip niya kasi na baka magkaroon muli ng daan para magising ang nakaraan nina Maricar at Aaron. Natakot siyang mawala si Maricar sa buhay niya dahil ramdam niyang mahal pa rin ng asawa si Aaron. Napabuntong hininga siya.
"And she love him until now."
Pinisil ni Jandie ang palad ni Aaron nang tunguhin nila ang verandah kung saan naroon at naghihintay ang matandang Sulivan. "Everything will be fine," bulong ni Jandie. Ramdam niyang kabado si Aaron. Was he scared that her father will reject him for the second time? Masaya siya kung ganoon nga ang ikinakatakot nito. Dahil alam niyang mahal nga siya ni Aaron. Hindi man nito sabihin, ramdam naman niya. Hindi ba't takot ang taong umiibig kung mawawala ang minamahal nito?
Tumigil sa paghakbang si Aaron at humarap sa kaniya. Ginagap ni Aaron ang kaniyang mga palad at dinala ang mga iyon sa kaniyang mga labi. Marahan niya itong hinagkan ang kaniyang mga kamay.
"As long as you're there, everything will be okay." Ngumiti ito sa kaniya at hinila na siya at tinungo ang verandah.
Hindi mapakali si Jandie sa labas ng study room kung saan nag-uusap ang kaniyang ama at si Aaron. Pinasunod ng kaniyang ama si Aaron sa study room at sinabihan siyang maghintay na lamang sa labas. Mahigit kalahating oras na ay hindi pa rin lumalabas si Aaron. She's wondering kung saan na nakarating ang usapan ng mga ito. Until now ay hindi pa rin siya mapalagay at natatakot pa rin siya sa posibleng sabihin at desisyon ng kaniyang ama. Nagawa na nitong paghiwalayin sila ni Aaron noon, posible ring gagawin ulit ng ama ito ngayon. Lumapit siya sa pintuan at akmang kakatok na nang biglang bumukas ang pinto at bumulaga sa kaniya si Aaron na akbay ng kaniyang ama.
"Ahm, I'm wondering kung..."
"Kung pinalo ko siya ng tungkod ko?" Maaliwalas na mukha ni Señor Ismael ang nakita ni Jandie. "Don't worry too much, hija. He haven't got beaten yet. Pero mapapalo siya ng tungkod ko kung hindi siya tumupad sa usapan namin."
Napakunot-noo si Jandie. "Usapan? Anong usapan?"
"A confidential agreement, darling. Pero wala ka nang dapata ipangamba o ikatakot." Sabay buhat kay Jandie at inikot sa ere. Napayakap si Jandie kay Aaron dahil sa pagkabigla.
Napangiti si Señor Ismael habang pinagmamasdan ang dalawa. At hindi nakaligtas sa sulok ng kaniyang mga mata ang reaksyon ni Maricar habang nakatayo sa may bintana.
"Tell me what is all about." Jandie demanded Aaron nang ibaba siya nito.
"I said it's confidential," tanggi ni Aaron.
Napasimangot si Jandie at kunwa'y nagtamtampo.
"Oopps... Bawal ang malungkot sabi ng doktor." Nakangiting si Aaron habang nakatitig sa mukha ni Jandie. Nawiwili siyang pagmasdan ang mukha ng kaniyang asawa. Ang gaan-gaan na ngayon ng kaniyang pakiramdam. Ngayong ayos na sila ng ama ni Jandie at hindi man deretsahang sabihin ni Jason ay alam niyang tanggap na siya nito at wala na siyang dapat pang ipag-alala.
"Ayaw mo talagang sabihin?" Kulit parin ni Jandie.
"Ayaw nga sa..."
Pinutol ng maalab na halik ni Jandie sa mga labi ang kaniya sanang sasabihin. And he kiss her back, full of joy and love.
"Ehem..." tikhim ni Señor Ismael ang nagpahiwalay sa kanila.
Nagkatawanan ang dalawa nang lumingon sila sa kanilang ama.
"Maricar, pakisabi kay Meding, ihanda na ang hapunan." Tawag ng señor kay Maricar na parang tuod na nakamasid kina Aaron at Jandie.
Nagkatinginan sina Jandie at Aaron nang mapansin si Maricar na naluluhang nakatingin sa kanila.
"Bakit hindi mo na lang sabihin sa mga tauhan mo na sila muna ang bahala sa taniman?" Tila gusto nang magtampo ni Jandie dahil sa biglaang pagdesisyon ni Aaron na umuwi sa Melbourne upang asikasuhin ang taniman. Inakala niyang magkasabay sila sa pag-uwi doon. Kung pwede lang sana sa kalagayan niya ang magbiyahe ay sasama na siya kay Aaron ngayon at babalik na lang next week para sa show niya.
"Mas mabuti nang ando'n ako. Baka magkaproblema pa, mahirap na. Hindi biro ang puhunan sa mga pananim, e. Hayaan mo, kapag tapos na ang show mo next week, tawagan mo ako agad para masundo kita. Ilang araw lang baman tayong hindi magkikita, darling." Ngumiti ito pagkasabi niyon.
"Sige na nga. Basta mag-iingat ka, ha?" Pumayag na rin si Jandie dahil alam din naman niyang hindi papipigil ang kaniyang asawa.
"Opo. Ikaw din, ha, mag-ingat ka lagi at huwag magpapagod." Malambing na ani Aaron.
Mahigpit na yumakap dito si Jandie. "I love you." Anas nito.
Napangiti si Aaron. "Hindi ko pa ba nasasabi sa 'yo?"
Kunotnoong kumalas rito si Jandie. "Ang ano?"
"That I feel the same." Hinaplos nito ang pisngi ni Jandie. "I should have to tell you this before, darling." Mataman siya nitong pinakatitigan sa mga mata. "I love you so much, Jandie."
Napaluha si Jandie. Luha ng kaligayahan. Hindi sita nagkamali nang sabihin niya sa kaniyang sarili na dapat siyang magtiis at magpakatatag. Ngayon ay kaniyang-kaniya na ang lalaking kaniyang pinakamamahal. It's really worth to wait. Nag-uumapaw ang saya sa kaniyang puso sa mga sandaling iyon.
"Oh, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang si Aaron.
"I'm so happy. I love you. I love you so much, Aaron."
"And I love you more than my life, darling. Oh, my Jandie." Saka siya nito binuhat sa ere. She wrapped her arms around him and bend to kiss him. Maalab na tinugon iyon ni Aaron. He kissed her like there is no more tomorrow.
"Ooops! See that?!" Bulalas ni Aaron nang maramdaman nito ang paggalaw ng baby nila sa sinapupunan ng asawa. Natawa si Jandie.
"Inipit mo kasi." Ani Jandie nang ibaba siya ni Aaron.
Tuwang tuwa si Aaron at agad lumuhod sa harap ni Jandie at hinalikan at hinaplos-haplos ang maumbok na tiyan ni Jandie. Natatawa ang babae dahil sa mga pinagsasabi ni Aaron sa kanilang anak. Binibilin ni Aaron na huwag itong masyadong malikot nang hindi mahirapan ang mommy nito. Paglabas daw nito ay ipapasyal sa lugar kung saan una silang nagkita ng mommy niya. At tuturuan daw sita nitong sumakay sa kabayo at tatalunin daw nila ulit si Jeric.
Labis ang kaligayahang naramdaman ni Jandie dahil ngayon palang ay nakikita na niya na magiging isang mabuting ama si Aaron. She was blessed to have Aaron.
Nagmamadaling umuwi si Aaron sa mansion nang tawagan siya ni Seling at ipaalam sa kaniya na may mga bisita siyang naghihintay sa kaniya sa mansion. Tuwang tuwa siya sa pag-aakalang si Jandie ang dumating. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat at pagkadismaya niya nang makita ang bisitang sinasabi ng kaniyang yaya. Hindi niya inaasahang makikita niya si Maricar doon kasama si Jared.
Walang nagawa si Aaron kundi ang tanggapin ang mag-ina. Hindi naman niya puwedeng itaboy ang mga ito dahil kay Jared. Ang alam ng bata ay magbabakasyon sila ng kaniyang ina sa lugar ng kaniyang tito Aaron.
Ipinagpasalamat ni Maricar na nasa ibang bansa si Jason para sa isang business convention. Dahil doon ay malaya niyang naipatupad ang kaniyang mga plano. Mag-aanim na taong gulang na si Jared at gusto niyang mapalapit ang kalooban nito kay Aaron nang sa ganoon ay hindi na mahirap para sa kaniya na sabihin dito na si Aaron ang tunay nitong ama. Kaunting lang at darating na ang panahong iyon. Matutupad na rin ang mga pangarap nila ni Aaron. Makakasama na nila ni Jared si Aaron. Natigilan siya nang tumunog ang handphone ni Aaron sa ibabaw ng mesita. Kasalukuyan siyang nasa terasa't nagpapahangin habang masaya niyang pinagmamasdan sina Aaron at Jared na nangangabayo. Tinuturuan ni Aaron ang kaniyang anak na mangabayo. Kaunting panahon na lamang at masasanay na si Jared kay Aaron at iyon na rin ang tamang panahon para sabihin sa kaniyang anak na si Aaron ang tunay nitong ama.
Napangiti siya ng matamis nang makita kung sino ang tumatawag. "Tingnan mo nga naman kung umayon sa 'yo ang pagkakataon." Dinampot niya ang handphone at sinagot ang tawag ni Jandie.
Napaikot-ikot sa sobrang galak si Maricar matapos niyang makausap si Jandie. Animo nabasag na baso si Jandie nang magkausap sila. "Akin pa rin ang halakhak, Jandie. Hindi ka magtatagumpay na agawin sa akin si..."
"Sino ang tumawag?" Biglang sumulpot si Aaron sa kaniyang likuran nang hindi niya namamalayan.
Namutla siya sa sobrang pagkabigla. Lalo na nang makita ang madilim na anyo ni Aaron. "Si Jandie, hindi ba?"
"Ahm... Aaron, I can explain." Nanginginig na ani Maricar.
"Maricar, please, don't do this. Hindi ikaw ito! Ibang iba na ang Maricar na kaharap ko ngayon sa nakilala ko noon. Ang minahal kong Maricar noon. I want to see the old Maricar."
"It's all because of you, Aaron. Dahil mahal pa rin kita. Nagkakaganito ako dahil ikaw lang ang...."
"Time have changed everything, Maricar. Iniba rin nito ang ang damdamin ko, ang tibok ng puso ko. Hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na minsan ay naramdaman ko sa iyo. God knows how much I loved you but that was before. My heart broke into pieces when I lose you. But Jandie came and mend it. Inakala ko nang una she was a bridge to reconnect with you but I fall for her instead. I do loved her more than I love you before. I'm sorry, Maricar."
"Aaron, no, please tell me you still love me. Hindi ko kayang mawala ka. Paano si Jared?" Histerical na si Maricar.
"Hindi ako kilala ni Jared bilang ama niya."
"Let's tell him the truth "
"No. You'll break him. Alam mo kung gaano niya kamahal si Jason, " mariing tanggi ni Aaron.
"Pero ikaw ang tunay niyang ama, Aaron."
“Gusto mo bang kasuklaman ng bata?”
Saglit na naguluhan at natahimik si Maricar.
"There are secrets that better to keep. Sekretong hindi na dapat maibunyag alang-alang sa mga mahal mo. If you love me and Jared, keep the secret. Baunin natin sa hukay. Leave it behind us, Maricar. Or else you'll hurt us both."
"Pero paano tayo? Paano ang mga binuo nating mga pangarap noon?" Pagpipilit ng babae.
"Burry them like what I did. We must face the truth. Move on, Maricar. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan. Don't be selfish. We're hurting our love ones right now."
"Mommy," si Jared na kanina pa pala nakatayo sa may sliding door at nakikinig sa kanilang usapan. Larawan ng pagkabigla at galit ang mukha ng bata nang lingunin nila ito. " Tell me it's not true." Naiiyak ang bata.
Hindi makasagot si Maricar. Natakot at tila binuhusan ng malamig na tubig.
“Hindi ko siya Daddy! Si Daddy Jason lamang ang daddy ko! Sinungaling ka, mommy! I hate you! I hate you two!" sigaw nito bago tumakbo palabas ng mansion.