EPILOGUE
Nasa verandah si Jandie at masayang pinapanood ang kaniyang mag-ama habang naghahabulan ang mga ito sa hardin ng mansyon. Tatlong taon na silang kasal ng asawang si Aaron at tatlong taong gulang na rin ang kanilang panganay na si Gian Carlo.
Hinaplos niya ang kaniyang tiyan na medyo nahahalata na ang umbok. Magtatatlong buwan na ang kaniyang ipinagbubuntis na pangalawang anak nila ni Aaron.
Saglit na nawala ang atensyon niya sa kaniyang mag-ama at nang ibalik ang atensyon sa mga ito'y wala na roon ang mag-ama. Mayamaya pa’y may matitipunong bisig na yumapos sa kaniya mula sa likuran at napapikit siya sa sensasyong hatid nito. Kapag ganoon ang higpit ng yakap ng kaniyang asawa ay alam na niya kung ano ang ibig sabihin no'n.
"Nasaaan si Gian?" Napamulat siya nang maalala ang anak.
"Kinuha ni nanay, papaliguan raw." sagot ni Aaron habang ang mga kamay ay abala na sa paghaplos at paghimas sa malambot na katawan ng asawa.
"Oh, kaya…?"
Tumaas ang isang kilay ni Jandie, kunyari hindi niya gusto ang ginagawa ng asawa. Pero ang totoo'y nag-umpisa nang gumapang ang kiliti at init sa kaniyang mga ugat dahil sa malilikot na kamay nito.
"Kaya puwede na ulit." anito, kasunod nang paggapang ng mga labi nito sa kaniyang batok patungo sa kaniyang leeg. Ang mga kamay nito'y gumapang na sa ilalim ng kaniyang blusa, dahilan para mamasa nanaman ng mauumbok niyang kayamanan.
"Aaron." anas niya at hindi mapigilang mapasinghap at mapaliyad.
"I love you, honey." bulong nito habang pinaghahalikan siya sa kaniyang leeg.
Sasagot sana si Jandie ng "I love you too" nang biglang tumunog ang cellphone ni Aaron.
Napasimangot ito nang palisin ni Jandie ang mga kamay nito't pilit itaboy para sagutin ang tawag.
Saglit itong nakipag-usap sa cellphone bago siya nito muling hinarap.
"Darating si papa sa susunod na linggo. Nami-miss na raw niya si Gian." pagbabalita ni Aaron na ang tinutukoy ay ang kaniyang biyanang nasa States.
Sa wakas ay nakilala at nakita niya na ito bago ang pangalawang kasal nila ni Aaron dahil umuwi ang Don, dalawang linggo bago ang engrandeng okasyon na ginanap sa Melbourne. Masaya siya sa kaalamang makikitang muli ang mabait na biyanan.
Nang angkining muli ng asawa ang kaniyang mga labi ay agad siyang nangunyapit sa batok nito't buong pusong tumugon sa matamis nitong halik. Hindi siya tumutol nang igiya siya sa kanilang silid, bagkus kaniyang tinugon nang buong alab ang init ng pagmamahal ni Aaron.
****
THE END