CHAPTER TEN
MALAYANG nakalabas si Jandie ng mansion at nakasakay sa kaniyang kotse na hindi nagigising sina Aaron at Seling. Hindi niya mapigilan ang mga luhang nag uunahang umagos mula sa kaniyang mga mata. Iniisip pa rin niya ang mga katagang binitiwan ni Aaron. Kung pagmamahal lang sana ang dahilan nito kaya siya pakakasalan ay malamang mananatili siya sa piling nito. Ngunit sadyang hindi para sa kaniya si Aaron kaya mas makabubuti na aalis na lamang siya. Katulad ng sinabi niya noon, ayaw niyang magdusa ito sa piling niya. Kung pakakasal siya rito ay lalo lang gugulo ang sitwasyon dahil wala namang pagmamahalang nagbubuklod sa kanila. Oo nga't mahal niya ito, pero hindi naman siya nito kayang mahalin. At ayaw niyang darating ang panahon na pati ang bata sa kaniyang sinapupunan ay madamay.
Binabagtas na niya ang kahabaan ng kalsada nang gulantangin siya ng sunod-sunod na busina ng sasakyan mula sa likuran. Naguluhan siya nang mapagsino ang sumusunod sa kaniya. Naisip niyang huwag pansinin si Aaron at ituloy lang ang pagmamaneho. Kailangan niya nang makalayo roon. Pero bigla niyang inapakan ang preno ng kaniyang kotse nang mabilis itong nag-overtake at humarang sa daan at mabilis na bumaba't umibis si Aaron sa kotse palapit sa kaniya.
"Damn! What are you doing?!" singhal niya nang buksan niya ang windshield ng kaniyang kotse.
"How dare you leave me?!" Halo-halong galit at takot ang mababakas sa anyo ni Aaron. Halata sa mukha nitong hindi pa natutulog. Nakapantulog pa ito pero ang anyo ng mukha nito'y puyat at haggard. Pulang-pula ang mga mata. Hindi malaman ni Jandie kung umiyak ba ito o uminom na naman.
"I didn't sleep yet. I'm awake the whole night. At balak mong tumakas damn it! Ano ba'ng gusto mong mangyari, huh?!" Halos mabingi si Jandie sa lakas ng boses ni Aaron. Ngayon lang niya nakita itong nagalit nang husto. Dahil doon ay nawalan siya ng lakas ng loob para sagupain ang galit nito.
"Just let me go." mahinahon niyang tugon, ayaw salubungin ang mga mata nito.
"Anong akala mo sa akin, tanga?! Bumaba ka diyan." Hindi kumilos si Jandie at nanatiling nakatungo ang ulo.
"Baba!"
Napilitan siyang bumaba.
"Ano bang problema mo? Darating din naman ang araw na aalis ako sa poder mo. Ano ba'ng..."
Galit siyang hinaklit sa braso ni Aaron. "If I said stay with me, you stay, got it?! Kung ayaw mong gagawa ako ng pagsisisihan mo!" pagbabanta ni Aaron.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya.
"Bumalik ka sa bahay. Halika!" At walang pakundangang kinaladkad si Jandie patungo sa kotse nito.
"Aray! Ano ba?! Nasasaktan ako, Aaron. Hayop ka talaga! Bitiwan mo ako! Let me go!"
"Talagang masasaktan ka kapag ipagpipilitan mong umalis." Pasalya siya nitong ipinasok sa loob ng kaniyang kotse.
"Damn you! Hindi kita mapapatawad sa mga pananakit mo sa akin!" Pinagsasampal niya si Aaron nang umupo ito sa driver seat.
Sinalag ni Aaron ang kaniyang mga kamay. "I didn't hurt you physically, Jandie. Kung anong pananakit na sinasabi mo, you deserve it. Kung hindi matigas ang ulo mo at kung sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko, hindi ka masasaktan."
Napahagulgol si Jandie. Susunod sa lahat ng gusto niya? E, mas lalo naman siyang nasasaktan. Pero hindi niya iyon kayang sabihin kay Aaron. "Wala kang karapatang saktan ako, Aaron. Wala akong kasalanan sa 'yo. Pero dahil masaya kang nasasaktan ako, sige, susundin ko lahat ng gusto mo. Pero may isang bagay akong hihilingin sa 'yo." Tumitig siya sa mga mata ni Aaron.
Mataman siyang pinagmasdan ni Aaron. Wari'y naghihintay ito sa kaniyang sasabihin.
"Papayag lang akong pakasal sa iyo kung pagkatapos kong maisilang ang bata ay magpapa-annul tayo." Mga katagang masakit sa kaniyang dibdib pero pilit niyang sabihin. Napatiimbagang si Aaron pero wala itong sagot. "Sapat nang panagutan mo ang pagbubuntis ko para hindi naman sabihin ng mga tao na bastardo ang anak ko. Kapag kasal tayo, hindi sasabihin ng mga tao na walang ama ang anak ko. Hindi na big deal ang paghihiwalay natin pagkapanganak ko." Dugtong pa niya.
Napabuntong hininga si Aaron. Matiim ang anyo nito at hindi malaman ni Jandie kung galit ba itong lalo sa kaniyang tinuran.
"Fine, if that's what you want. Pero huwag muna nating pag-usapan ang annulment ngayon. Ang pag-usapan muna natin ay ang kasal, puwede?" Pormal ang anyo nito habang nakatitig sa kaniya. Tumango siya bilang pagsang-ayon.
Tinupad nga ni Aaron ang kahilingan ni Jandie na sa huwes na lamang gaganapin ang kanilang kasal. Ayaw niya ng magarbong selebrayon. Para ano naman ang bonggang kasal kung alam naman nila ni Aaron kung ano ang dahilan ng pag-iisang dibdib nila? Isa pa, mas mabuti na sa huwes dahil hindi agad malalaman ng kaniyang ama't kapatid. Natakot din siyang baka biglang sumulpot ang mga ito sa kalagitnaan ng seremonya at manggulo. Ilang malapit na kaibigan lamang nila ni Aaron ang kanilang mga inimbitahan.
Tanaw niya mula sa bintana ng kaniyang silid ang mga bisitang nagsisialisan na. Sinadya niyang huwag nang makisalo sa mga ito pagkatapos ng kasal dahil ayaw niyang magkunwaring masaya sa harap ng kaniyang mga kaibigan at mga kaibigan ni Aaron.
"I told your friends you're not feeling well and you need rest for the baby." Napalingon siya sa pintuan kung saan nakatayo si Aaron.
"Should I thank you for the excuses you did for me." She stated sarcastically.
"Nope. I did it for my own sake. You know what they'll think of me if they'll know bakit ka nagkakaganyan. So I have no other choice but to lie that you're not feeling well."
Muli niyang ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana. Ayaw niyang kausapin si Aaron ngayon. Okupado ng kaniyang isipan ang posibleng mangyari kapag malaman ng kaniyang ama't kapatid ang pagpapakasal nila ni Aaron. May takot at pangamba sa puso niya.
"Prepare yourself, we're going to meet your family. We're going to Northdown the next day."
Natigilan si Jandie sa sinabi ni Aaron. Muli siyang lumingon dito. May kung anong pagtutol sa kasuluk-sulokan ng puso niya pero hindi niya isinatinig iyon.
"Happy?" Kasunod ng pagngiti nito. Ngiti na hindi naman umabot sa mga mata nito. "You don't have to escape again, do you? Ako na mismo ang maghahatid sa 'yo sa bahay ninyo, Mrs. McFaden."
Nang wala pa ring imik si Jandie ay umatras na si Aaron. Nagtaas ito ng kamay bilang hudyat ng pagsuko. Alam niyang masama pa rin ang loob sa kaniya ni Jandie at ayaw na niyang lumala pa iyon. "Okay, I know you don't like to talk to me and you are tired. Hindi na kita gagambalain. Puwede ka nang magpahinga." Tumalikod na ito at isinara ang pinto.
"Kung nabubuhay pa sana si Señiora Esmeralda, siguradong matutuwa iyon na nakapag-asawa na si Aaron," ani Seling habang pinagmamasdan si Jandie na nagbabalat ng water chestnut sa dining table.
Nabaling sa matandang babae ang atensiyon niya.
"Señiora Esmeralda? S-sino po siya, ‘Nay?" Kunot-noong si Jandie. Bigla siyang na-curious sa pangalang iyon.
Ngumiti si Seling. "Siya ang mama ni Aaron, Jandie. Mag-aanim na taon na itong sumakabilang-buhay."
"Patay na po ang mama ni Aaron?"
Simula nang magkakilala sila ni Aaron ay hindi nito binanggit sa kaniya ang tungkol sa pamilya nito. Pakiramdam niya'y umiiwas itong mapag-usapan ang mga magulang. Minsan ay naitanong niya ang tungkol doon kay Karen pero hindi nabanggit ng kaibigan na patay na ang mama ni Aaron. Ang nasabi nito'y nasa States ang mga ito.
"Oo, hija." Napailing si Seling. "Alam kong hindi iyon naikukuwento ni Aaron sa 'yo. Ganoon talaga ang batang 'yon. Ayaw niyang mapag-usapan ang tungkol sa mga magulang."
"Bakit naman po?"
"Nang sumugod dito ang pamilya ng dating girlfriend niya para bawiin kay Aaron ang babaeng 'yon ay inatake sa puso si Señiora Esmeralda. Nasa kulungan si Aaron nang bawian ng buhay ang mama niya para magdusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Nang makalaya siya, wala na rin si Señior Amador. Lumipad na ito patungong Estados Unidos. Tanging sulat lamang iniwan nito para kay Aaron. Ang masama ay si Aaron ang sinisi ni Señior sa pagkamatay ni Señiora. Simula noon ay hindi na nagkita at nagkausap ang mag-ama."
"Bakit hindi po gumawa ng paraan si Aaron para makapagpaliwanag sa ama niya? Hindi naman po niya kasalanan ang nangyari kay Señiora Esmeralda." Bigla'y nakaramdam ng awa at simpatya si Jandie para kay Aaron. Ngayon lang niya nalaman ang nangyari sa pamilya nito. Gusto niyang sisihin ang ama't kapatid sa nangyaring iyon. Alam niyang kagagawan iyon ng pamilya niya at pamilya ni Maricar.
"Kilala ko ang alaga ko, hija. Hindi niya magagawang sundan ang ama niya sa States para magpaliwanag o humingi ng tawad dahil mismong siya ay labis ang pagkasuklam at paninisi sa kaniyang sarili. Labis niyang dinamdam ang pagkamatay ng kaniyang mama."
"Hindi naman po niya kasalanan, Nay. Biktima lamang siya ng pamilya ni Maricar at pamilya ng fiance nito."
Napakunot-noo si Seling sa sinabi ni Jandie. Nagtaka ito dahil tila may alam si Jandie sa nakaraan ni Aaron. "Paano mo nalaman, hija? M-May alam ka ba sa nakaraan nina Aaron at Maricar?"
Napabuntong hininga si Jandie. Napilitan siyang magtapat kay Seling. "Kapatid ko po ang asawa ni Maricar, ‘Nay. At matagal ko na ring kilala si Aaron." Kasunod ng pagsilay ng mapait na ngiti sa kaniyang mga labi nang maalala ang mga tagpong sumugat sa kaniyang puso.
"Nagkaroon kami ng relasyon ni Aaron nang makasal sina kuya at Maricar. Hindi ko alam noon na ginagamit lang pala niya ako para magkaroon muli sila ng ugnayan ng hipag ko. Natuklasan ko nang hindi sinasadya ang relasyon nila nang minsang nagbakasyon ako rito. Hindi naglaon ay natuklasan din ng papa at kuya ang relasyon namin. Ikinulong nila ako sa bahay at binawalang makipagkita sa kaniya. Ibinalita na lang nila sa akin na patay na si Aaron. Naniwala ako dahil labis ang nakita kong pagdurusa ni Maricar matapos nilang ipaalam na pinatay ni kuya si Aaron," mahabang salaysay ni Jandie.
Nagulat ang matanda sa nalaman. "Kung ganoon, hija, ikaw din ang babaeng tinutukoy ni Aaron na nakilala niya sa lawa?"
"Hindi ko po makakalimutan kung paano kami nagkakilala ni Aaron, 'Nay. Una nga po kaming nagkita sa lawa."
Napangiti si Seling. "Ikaw nga, hija. Mabuti at nagtagpo kayong muli. Ang babaeng iyon kasi ang lagi niyang bukambibig noon sa akin kapag binibiro ko siyang maghanap na ng babaeng pakakasalan. Tinupad niya ang sinabi niya noon na ang babaeng iyon ang kaniyang pakakasalan at pipiliing makapiling habambuhay. Ikaw iyon, Jandie."
Napamaang si Jandie. "Sinabi niya po iyon?"
Tumango ang matanda at bakas ang kasiyahan sa mukha nito.
"Oo, hija. Sinabi rin niya noon na hahanapin niya ang babaeng iyon at kahit ano'ng mangyari hindi niya iyon pakakawalan tulad ng kaniyang unang girlfriend."
Napangiti siya at binalot ng ligaya ang puso niya sa mga nalaman kay Seling. Kung ganoon ay may nararamdaman din si Aaron sa kaniya. Base sa mga sinabi ni Seling ay noon pa ma'y mahal na siya ni Aaron. Ngunit bakit hindi man lang nito kayang ipaalam at iparamdam sa kaniya ang pagmamahal na iyon?
Napatayo siyang bigla. "Nasaan po si Aaron, 'Nay?"
"Nasa burol. Dinalaw niya ang puntod ng kaniyang mama. Bakit, hija?"
"Susundan ko po siya roon," at mabilis na siyang tumakbo palabas ng mansiyon.
"Naku, dahan-dahan Jandie at baka mapa'no ka!" pahabol ni Seling na hindi na nasagot ni Jandie dahil sa pagmamadali.
Hindi siya puwedeng sumakay sa kabayo kaya't naglakad siya patungo sa burol. Kailangan niyang makausap si Aaron. May mga bagay na dapat niyang malaman dito. Hindi naman siguro kahihiyan sa parte niya kung siya na ang mag-uumpisa ng paksa tungkol sa namamagitan sa kanila.
Nag-usal siya ng panalangin para sa ina matapos niyang mailapag ang pumpon ng puting rosas at magsindi ng kandila sa puntod ng ina. Nang magmulat siya ng mga mata'y nagulat siya nang makita si Maricar na nakatayo na sa tabi niya. Ngumiti ito sabay yakap ng mahigpit kay Aaron.
"Maricar? Why are you here?" Hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang dating katipan.
"I miss you. Hindi ko na kaya pa ang maghintay." Magkahalong pananabik at kalungkutan ang tinig nito.
"Bakit ka nagpunta rito?" ulit ni Aaron.
"Hindi mo man lang ba ako yayakapin at hindi mo man lang ba sasabihing na-miss mo rin ako?" Nagtatampo pero nakalakip pa rin ang paglalambing sa tinig nito.
Napipilitang gumanti ng yakap si Aaron kay Maricar. Ilang sandali rin silang magkayap. Hinayaan niyang yakapin siya nang mahigpit ni Maricar bago siya kumalas dito at niyakag na umupo sa damuhan sa tuktok ng burol.
"K-Kumusta ka na?" Panimula ni Aaron.
Humugot nang malalim na hininga si Maricar bago ito sumagot.
"Malungkot. Tulad nang dati, hindi pa rin ako makalimot. Umaasa pa rin sa pangako mong babalikan mo ako at si Jared," at isinandig nito ang ulo sa balikat ni Aaron. "Gaano katagal pa kaming maghihintay, Aaron?"
"Maricar, I- I have something to--"
"I know," agaw ni Maricar. "You will tell me to wait a bit more. Aaron, pagod na ako. Mahal na mahal kita. Magsama na tayo. Sasama na ako sa iyo," desperadang ani Maricar.
"No." Bigla ang pagkabalisa ng lalaki.
"What? Bakit hindi?" Naguguluhang si Maricar at hindi maitago ang takot sa mukha. She's scared that Aaron might dump her anytime.
Napabuga ng hangin si Aaron. "I mean not now. Not yet, Maricar. Hindi mo puwedeng iwan si Jared sa poder ni Jason. Anak ko siya at ayaw kong madamay siya sa sigalot na namamagitan sa amin." Napailing siya dahil hindi niya kayang sabihin kay Maricar ang totoong dahilan kung bakit ayaw niya sa suhestiyon nitong magsama na silang dalawa. Nagsusumiksik sa kaniyang isipan si Jandie at ang kalagayan nito. Kasal na sila ni Jandie kaya't mas lalong malabo at hindi puwede ang gustong mangyari ni Maricar.
Malapit na si Jandie sa tuktok ng burol at abot tanaw na niya ang nakatayong si Aaron. Binilisan pa niyang lalo ang maglakad kahit hingal na hingal na siya. Tagatak na rin ang pawis niya. Mabuti na lamang at hindi na gaanong masakit sa balat ang init ng araw dahil papalubog na ito sa dakong kanluran. Malapit na siya at tatawagin sana niya ang asawa nang mapansin niyang hindi ito nag-iisa. Hindi man siya lumapit nang husto sa mga ito ay kilala na niya kung sino ang kasama ni Aaron. Tindig pa lamang nito at kahit nakatagilid ito sa gawi niya ay kilala na niya.
"Why is she here?" naibulong niya sa sarili. Kinabahan siya sa mga sandaling iyon. Tila gusto niyang umurong at huwag nang tumuloy nang makita niyang nagyakapan ang mga ito. Nasapo niya ang kaniyang dibdib nang muling bumalik sa kaniyang alaala ng nakaraan. Tila ganoon din ang tagpong iyon noon. Nang malaman niyang may relasyon ang dalawa. Nang ipamukha ni Aaron sa kaniya na si Maricar ang mahal nito at siya ay ginagamit lang nito para mapalapit sa hipag. Hindi niya napigilan ang isang butil ng luha na pumatak mula sa kaniyang mata. Saglit siyang tumigil sa paglakad at nag-isip. Pinilit niyang pinakalma ang kaniyang sarili at nagdesisyong lapitan ang mga ito. Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa umabot sa kaniyang pandinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Muli ay nadurog nang husto ang puso niya nang marinig niya ang tungkol sa kaniyang pamangking si Jared.
"Bitch! Ang kapal ng mukha mo! Matagal mo na pala kaming niloloko! Niloko mo si kuya!" Sigaw ni Jandie sabay sugod kay Maricar. Gulat ang dalawa at biglang napatayo ang mga ito.
"Jandie?" Panabay na sambit ng dalawa sa pangalan niya.
Hindi pa man nakakatayo nang lubusan si Maricar ay isa ng malutong na sampal ang pinadapo ni Jandie sa mukha nito. Nabigla ang dalawa sa ginawa ni Jandie lalo na si Aaron.
"Jandie, let's talk about it." Awat ni Aaron sa nagpupuyos sa galit na si Jandie.
"Tungkol saan? Sa patuloy na panloloko ng babaeng 'yan sa kuya ko?"
"Hindi ko kasalanan, Jandie. Ang kuya mo ang dapat sisihin dito." Baling naman ni Maricar kay Jandie habang sapo ang kaliwang pisngi na namumula dahil sa sampal niya.
"At si Jared? Pati ba siya ay ginagamit mo para makuha ang gusto mo? Ganyan ka na ba talaga kahibang, Maricar?" tuya niya sa hipag.
Naningkit ang mga mata ni Maricar sa sinabi niya. "Hindi ko ginagamit si Jared. Totoong anak namin siya ni Aaron. Kung hindi ang kuya mo, hindi sana nagulo ang buhay namin. Sana isa na kaming masayang pamilya ngayon," garalgal na ani Maricar.
"Liar! Hindi maikakailang isang Sulivan si Jared. Sisihin mo na si kuya. Magalit ka sa kaniya pero utang na loob, huwag mong idamay sa kasinungalingan mo ang pamangkin ko." Mariin at nagbabanta ang tinig ni Jandie. Kung puwede lang at kaya niya ay baka nilamon na niyang buhay si Maricar dahil sa sobrang galit dito.
"Hindi ko kayang mahalin ang kapatid mo kaya utang na loob, Jandie, huwag ka nang makialam pa sa amin ni Aaron," sumamo nito.
"Maricar, this is not the right time to talk about this. Umuwi ka na. Let's talk about it next time," awat ni Aaron.
"Bakit hindi mo sabihin sa kaniyang kasal na tayo? Mas mabuting malaman niya para huwag na siyang umasa pa sa iyo, aniya na ang mga mata'y nakatutok kay Maricar. Kitang-kita niya ang pagkabigla nito sa kaniyang sinabi. Nakita niya ang paglatay ng sakit sa mga mata nito.
"Jandie!" Babala ni Aaron pero hindi siya natinag.
"Oh, ano, Maricar? Gusto mo ba ng patunay? Here, look at my wedding ring." Sabay lahad sa kamay kung saan nakasuot ang wedding ring sa kaniyang daliri. " And look at Aaron's wedding ring." Sabay sulyap kay Aaron na hindi mapakali sa kinatatayuan. Alam niyang galit ito but she doesn't care this time. Wala siyang pakialam kahit sakalin pa siya ni Aaron dahil sa kaniyang pagsabi ng katotohanan kay Maricar. Hindi na niya kaya pang magbulagbulagan sa panloloko ng hipag sa kaniyang kapatid.
"Asawa ko na ang sinasabi mong mahal mo at ama ni Jared, Maricar. You should watch your steps at baka maging kabit ka."
"Jandie, stop it!" Si Aaron muli pero hindi pa rin niya pinansin.
"Kung ako sa 'yo, itigil mo na ang kahibangan mo dahil hindi ka na babalikan ng asawa ko dahil magiging ama na siya. Tunay niyang dugo at laman ang dinadala ko, Maricar."
"A-Aaron, tell me it's not true." Nagmamakaawa at umaasa si Maricar na sabihin ni Aaron na hindi totoo ang mga ibinunyag ni Jandie pero wala itong nakuhang sagot mula kay Aaron. Napahagulgol ito at mabilis na iniwan ang dalawa.
"Maricar!" Tawag ni Aaron pero hindi na ito pinansin ng huli.
"Anong ginawa mo? Nababaliw ka na ba, Jandie? This is not what we agreed! You ruined everything!" singhal ni Aaron sa mukha ni Jandie at pagkatapos ay mabilis na itong tumalikod. Balak niyang habulin si Maricar at magpaliwanag dito.
"Did I? Did I ruin everything?" Natigil sa paghakbang si Aaron nang marinig ang paghikbi ni Jandie. "Aaron, please stay," mahinang pakiusap ni Jandie na humati sa puso ni Aaron. Nilingon niya ito at nakita niya ang mukha nitong luhaan. Ngunit mas pinili niyang sundan si Maricar para kausapin ito.
Tila nauupos na kandilang napadausdos si Jandie nang makita ang pagtalikod ni Aaron at paghabol kay Maricar. "I'm sorry, Aaron." Paulit-ulit niyang sambit kasabay ng kaniyang pag-iyak. Alam niyang para kay Aaron ay mali ang ginawa niya pero iyon ang alam niyang dapat at tama. "Jesus, what have I done?"
Magdidilim na nang tumahan siya sa pag-iyak at maisipan niyang tumayo para umuwi na. Nanginginig ang kaniyang buong katawan dahil sa nangyaring tensyon sa pagitan nila ni Maricar. Nanghihina na rin siya. Marahil ay dala ng pagod sa pag-akyat niya sa burol. Gayunman ay pinilit pa rin niyang humakbang para umuwi nang hindi niya inaasahang mahilo siya sa gitna ng daan.
Nasapo niya ang kaniyang ulo at pilit nilabanan ang pagkahilo pero nanghihina na siya nang husto. Nanlambot ang kaniyang mga tuhod at biglang nagdilim ang kaniyang paningin at bumagsak sa damuhan.