Chapter 15 Destiny
"Problema?"
"Galit ka ba sa akin?"
"hoyy"
"Tara game"
"Namiss na kita kalaro."
Iilan lamang ito sa nabasang chat nito sa kanya sa inbox niya pagkaopen niya sa kanyang game app. Isang linggo din siyang hindi nag open dahil pinagtatagoan niya ito. Hindi na din muna siya nag e stream na muna. Nang minsang magbasa siya ng mga comments doon ay madami ng fans nito ang nagtatanong kung nag away din ba sila. Hindi na niya talaga alam kung ano ang gagawin.
Saktong nag green ang status ng lalaki ay dali daling nag offline agad ang dalaga. Gusto niyang iunfollow ito pero hindi niya alam bakit may tumututol sa loob niya na gawin iyon.
Namimiss na din niya itong kalaro. Pero ang higit na namimimiss niya ay noong mga panahong masaya pa sila. Nagbalik lahat sa kanya ang mga magagandang alaala kasama ito sa isang iglap.
'Siya kaya namimiss ka din kaya gaya ng pagkamiss mo sa kanya ngayon?' Kastigo niya sa sarili. Nasasaktan man ngunit wala siyang magawa. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana. Kung sino pa yung iniwasan mo sa personal ay siya pang makakaduo mo sa virtual na paraan. Kung hindi ba naman loko loko ang tadhana ay hindi niya alam kung anong tawag pa doon.
Erick's POV
Nakita ng binata na nakamark as online 2 minutes ago ang kaduo. Hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito o sadya lang busy ito kaya di na sila nagkakasabay mag online. Namimiss na niya ito. Isang linggo na mula noong huli silang maglaro nito.
Ilang ulit niyang binalikan sa isip kung may nasabi ba siyang posibleng dahilan ng galit nito sa kanya pero wala siyang maalala.
'Parang ex mo lang biglang nawala ng ganun ganun na lang.' Minsan pa ay sumagi na naman sa isip niya ang ex niyang bigla na lamang nawala sa buhay niya.
'Saan na kaya siya ngayon?' Mula kasi nang bumalik siya mula sa probinsiya ay binalikan niya ang tinitirahan nito para suyuin sana ulit kaso limang buwan na daw pala itong di nakatira doon. Nahihiya naman siyang puntahan mommy nito para tanungin kung nasaan ang dalaga. Kahit alam niyang boto sa kanya ang mama nito ngunit iba na ngayon ang sitwasyon na nagkahiwalay na sila ng babae.
'Makapag facebook na nga lang kung anu ano na naman naiisip ko.' Aliw niya sa sarili.
Pascroll scroll lang siya nang mapadaku siya sa suggested friend ng kanyang account. Napangunot noo siya nang makita ang picture sa profile ng isang account doon. Hindi siya maaaring magkamali. Ito yung baklang kaibigan ni Aries. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang napindot ang add friend sa menu. Ilang sandali lang ay nakita niya ang notification ng kanyang account. Accepted na ang friend request niya dito. Biglang may nagpop na message sa kanyang chat heads kaya pinindot niya ito.
Galing ito sa bestfriend ng ex niya.
"Erick, whattz up? Tagal mong di nagparamdam ah." Sabi nito.
"Galing ako probinsiya eh. Kumusta na?" Reply niya dito.
"Ako ba o siya kinukumusta mo?" Pagbibiro nito. Natawa naman ang binata sa nabasa. Mukhang alam nito iniisip niya.
"Ahm, both??" Sakay niya na lang dito. Hindi masamang aminin na gusto niyang makibalita sa kanyang dating kasintahan for 5 years. Gustong gusto niya talaga makibalita at gustong gusto na niya itong makita. Nagkukunwari lang siyang hindi apektado at pilit itinutuon ang atensyon sa paglalaro para di niya maalala ang dating nobya.
Naisip din niya na kung di siya pumasok sa pag e stream dati at nagconcentrate na lng siya sana sa pag aalaga sa nobya ay baka hindi sila nagkahiwalay nito. Oo ngat matagumpay siya ngayon sa larangang pinili nagkapera na siya pero wala na ang kanyang mahal. Ito pa naman sana ang dahilan kung bakit gustong gusto niyang padamihin ang kanyang mga followers noon kaya naglaan siya ng maraming oras para sa stream. Gusto niyang paghandaan ang kanilang kinabukasan. Alam kasi niya na marami ang yumayaman sa pagiging streamer at blogger kaya sinubukan niya. Sa isip ay para din naman ito sa kanilang kinabukasan pero bakit di iyon maintindihan ng dalaga.
May kasalanan din naman siya dito. Hindi niya sinabi dito kung anong pinagkakaabalahan niya sa tuwing malelate siya sa mga tipanan nila dati. Inakala ng dating nobya na nawalan na siya ng gana dito. Gusto niya kasing surpresahin ito pero ang nangyari ay siya ang nasurpresa sa hiwalayan nila. Binigyan niya ng space ang dating nobya ilang araw siyang di nagparamdam ngunit noong panahong gusto na niya itong suyuin ay bigla naman itong lumipat ng tirahan kaya nagpasya na lang siyang mamundok na lang muna para aliwin ang sarili. Marahil ayaw na talaga nitong magkaayos sila dahil kahit sa messenger ay di na niya ito makontak.
"Well, yung jowa mong hiniwalayan ka dahil sa ml ngayon ay siya naman ngayon ang naloloka sa laro na iyan. Di nga halos naglalabas pag free day eh sa kakadutdot sa cp maghapon." Reply nito na siguro ay may pinaghugotan ng sama ng loob. Baka madalang na din nitong nakakasama ang dalaga sa mga lakaran.
" Oh talaga naglalaro na din siya? " Nabigla siya sa nalaman. Ni hindi niya naiisip na magiging gamer na din ito. Dati kasi ay puro novels lang binabasa nito sa tuwing nagbubukas ito ng cellphone.
"Oo nag i stream pa nga. Ewan ko nga anong magic ginamit noon at biglang lobo ng mga followers eh. Bilis nakahakot ng fans." Pagmamayabang pa nito.
May biglang pitik ng kung hindi niya maipaliwanag na kaba ang biglang umahon sa dibdib ng binata.
'Di kaya siya si..'
" Anong id niya? " Mabilis niyang type..
" Wait copy ko lang ha open muna ko. " Sabi nito.
Ilang minuto din itong nawala. Di na mapakali ang binata sa labis na excitement. Kung totoo man ang hinala niya ay talaga namang napakaliit ng mundo para sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung maniniwala na ba siya na sadya nga talagang silang pinagtatagpo ng tadhana o talagang binibiro lang sila ng tadhana..
"821684994 (10573)" Maya maya lang ay nagreply na din ito.
Madaliang nagsearch ang binata para makita kung sino ang may ari ng id na yun.
'Bingo!!! Kaya pala bigla mo kong iniwan sa ere ha nang marinig mo boses ko noong huli nating laro. Nalaman mo na pala kung sino kaduo mo.' Natutuwang sabi ng binata sa sarili. Ngayon ay may nakikita na siya na maliit na pag asa na makausap na muli ang kinasasabikang dating nobya. May unfinish business pa sila nito at ngayon na may paraan na para makita niya itong muli ay di na niya ito pakakawalan pa.
May nabuo na siyang plano para mapalabas itong muli sa kanyang lungga.