Chapter 14 The voice of a legendary love
"Siyempre, gusto ko!" Sabi nito na nakamic na. Nagulat ang dalaga sa narinig. Hinding hindi siya magkakamali. Si Erick ito ang ex niyang pinagpalit siya sa Mobile Legend.
"Oh ano, di ka na makapagsalita diyan? Lugi ako narinig mo na voice ko." Nanginig ang dalaga sa pagkasorpresa. Hindi niya iniexpect na ganito ang magiging resulta nang muli niyang pagkarinig sa boses nito. Akala niya nakamove on na siya ngunit bakit may epekto pa din sa kanya ang boses nito. Nagbalik sa kanya ang mga alaala nila noong magkasintahan pa sila. Ang mga pagkakataon na magkakasama sila at masayang nagkukuwentuhan at naglalambingan.
Naalala niya napakasweet ng binata sa kanya noong sila pa. Lagi itong nakaupdate sa kanya kung anong ginagawa nito, kung nasaan ito at kung anumang gusto pa nitong gawin. Hanggang sumapit yung mga araw na malapit na silang mag 5th anniversary ay naramdaman niya na madalang na sila nitong nagkikita. Madalang na magtetext at madalang na lang din siya nitong niyayaya ng date. At madalas nagbababad ito sa laro na ewan ba niya kung bakit di nito matigil tigilan kahit magkasama sila.
Ngayong isa na din siyang streamer at kumikita na din kahit papaano, ay naiintindihan na niya ang binata. Ngayon niya narealize na siguro noong mga panahong kasagsagan ng kanilang pag aaway ay bago lang din ito sa pag i stream at working pa ito para dumami ang followers. Unlike her, di siya gaanong nahirapan kasi noong magstream siya, damay na lang din naman siya sa kasikatan ng binata. Kaya madami siyang followers sa ngayon dahil iyon sa dating nobyo. Botong boto kasi yung mga followers nito sa kanya.
"Ano na lang sasabihin ng mga followers niya kung malaman nila na ako yung ex niya na nakipaghiwalay sa kanya 6 months ago?" Sabi ng dalaga sa isip. At higit sa lahat ang higit na nakayanig ng pangamba ng dalaga ay paano niya aaminin dito na siya yung ex nito na nang-iwan dito anim na buwan na ang nakararaan.
Takot ang nanaig sa dalaga kaya naoff niya bigla ang mic. Hindi pa siya handa para magpakilala sa lalaki.
"Oh bat biglang napa off mic ka?" Tanong nito na naka mic pa din.
Naririnig pa din ito ng dalaga kasi naka on pa yung speaker sa settings.
"It's a prank! Gotyahh.." Chat ng dalaga sa kawalan ng maidadahilan niya sa ginawa.
Hindi, hindi nito dapat malaman kung sino siya.
"Daya mo naman. Excited pa naman ako. But anyway's i can wait. Malapit ka naman din kasi magmythic ilang star na lang yan." Narinig niya pang sabi nito na natatawa. Kahit kailan talaga napaka understanding ng kanyang dating nobyo. Ganoon din ito sa kanya dati. Ni minsan hindi ito nagalit sa kanya. Kahit pa noong gabing hiniwalayan niya ito ay never siya nitong sinumbatan. Naririnig pa niya ang mga huling sinabi nito bago siya tuluyang makalayo noong gabing iyon.
"I know it's my fault. I deserve it. Deserve ko to. But let me tell you one last time. I love you Aries and i will love no one except you til the end of time. Im sorry baby for hurting you all over again. Sorry sa mga pagkukulang ko. You deserve someone better than me." Sabi nito na kahit sa mahinang boses ay dinig na dinig ng dalaga. Gusto niyang bumalik at yakapin ito noong gabing iyon ngunit nanaig ang tampo at hinanakit niya kaya mabilis na siyang tumakbo papalayo.
Isang linggo mula noon, nabalitaan niya na umuwi na ito ng probinsiya para siguro magpalamig. Hindi na umasa pa ang dalaga na suyuin pa siya nito. Hindi niya alam kung tinawagan ba siya nito para makipag ayos dahil binlock niya na ito sa lahat ng socmed accounts niya at tinapon ang sim na kanyang gamit para di na siya nito magambala pa.
At ngayon lang niya narealize kung gaano kalaking kaimmature ran ang ginawa niya. 5 years of being together, of being happy together pinagpalit niya sa ilang beses lang na pagkakamali nito. Oo nga at late ito palagi sa tuwing magkikita sila pero never itong hindi nagpakita. Ang ikinakasama lang ng loob niya ay di na niya madama na mahalaga siya rito dahil kung importante siya para sa binata ay hindi nito makakalimutan ang usapan nila.
Ngayon niya lang naisip na paano kung di umiral ang immaturity niya noong gabing iyon, nasaan na kaya sila ngayon sa kanilang relasyon. Malamang masaya na sila ngayong namumuhay at baka nag eexpect na sila ngayong magkababy na. Ang daming what ifs na naisip ang dalaga na kailanman ay di na niya malalaman ang kasagutan.
"No, hindi niya dapat malaman kung sino ako. I will be gone just like that. No explaination." Desisyon niya sa sarili. Magdedeactivate siya sa social media dahil alam niyang hahanapin siya ng mga fans nito. Para wala ng paliwanagan..