Chapter 16
"Lodz, saan na si miss mysterious? Di na yata namin nakikitang mag online. Di na din nag aupload ng mga new videos. Nag away ba kayo?" Comment ng isang fan niya habang nakalive siya noong araw na iyon.
Lods, miss na namin tandem niyo. " Sabi ng isa pa.
Iilan lamang ito sa mga nabasa niyang comment mula sa kanilang mga fans. Inumpisahan na muna niya sa pagsashout out sa mga ito kasabay ng pagbabasa ng mga comments habang isa isang sinasagot ang mga iyon.
"Hindi ko din alam eh kung nasaan na si mysterious girl. Namimiss ko na nga eh. Naiinlove na nga sana ako sa kanya saka pa naman siya biglang nang ghost." Sagot niya sa mga ito.
'Lodz, baka nakahanap na ng ibang kaduo kaya binalewala ka na.'
"Ouch, wag naman po sana. Masasaktan ako dito." Pakuwelang sabi niya at itinuro pa ang bandang dibdib niya. Bumaha ang heart sa kanyang stream. Kahit kailan talaga ay in na in sa ML ang love team man. Marami na din naman nagkakatuluyan ng dahil sa larong ito at umaasa siya na magkaroon ng happy ending ang love story niyang naudlot dahil na din sa larong ito na siyang dahilan ng hiwalayan nila noon, sa pamamagitan pa din ng larong ito. Dito sila naghiwalay at ngayon naman ay pursigido siyang dugtungan ang yugtong iyon dahil pa din sa apps nato. At gagamitin niyang instrumento ang mga fans niya para palabasin ang babaeng pinapangarap mula noon hanggang sa magpahangga ngayon.
"Baka naman sa mga viewers ko diyan, kilala niyo personally si mysterious girl, comment niyo naman dito oh. Kailangan ko na talaga siyang makita. Pakisabing inlove na ako sa kanya." Pagbibiro niya sa stream.
"Lodz, pahingi I'd number ni mysterious girl sa ML baka kakilala ko ako na magsasabi basta pahingi skin ha." Comment ng isa pa with a lots of 😂😂😂😂 reaction.
Ito ang hinihintay niyang comment mula sa mga viewer's. Balak niyang gambalain ito sa pamamagitan ng mga viewer's. Mas madami mas maigi.
"Ito Id niya." Sabi niya na nagtatype. "Pakisabi na din na kung di siya magpaparamdam na uli ay kakalimutan ko na lang siya ng pilit at babalikan ko na lang ex ko na mahal na mahal ko pa." Pahaging niya sa stream.
Alam niyang manonood ito sa stream niya mamaya sa replay. Iniiwasan siya nito pero sigurado siya na nagmamatyag lang ito at irereview nito ang mga videos niya maya maya lang. Basta ang importante ay masabi niya dito na open siya na makipagbalikan dito.
Kilala niya ang dalaga sa limang taon nilang pagiging magkasintahan. Ayaw nito ng binibigla. Pag nagtatampo ito ay aabot ng kung ilang linggo bago siya nito mapatawad. Kaya ito na ang pinakatamang pagkakataon para hingin ulit ang kapatawaran mula dito.
Siguro naman sa anim na buwan nilang pagkakahiwalay, at ni iisang beses wala pa din itong sinasagot sa mga manliligaw nito ayon na rin sa bestfriend nitong binabae ay iniisip niya na may pag asa pa sila. Na baka kaya wala pa itong natitipuhan sa mga manliligaw nito ay dahil hindi pa ito makamove on sa kanya. Na sana naman ay magkatotoo. Ito ang kanyang dinarasal.
Hinding hindi na niya palalampasin pa ang pangalawang pagkakataon na binigay ng tadhana sa kanya.