Chapter 13
'Rico gaming sent 500 stars'
Narinig niyang sabi ng google voice habang naglalive stream. Napawow siya sa isip. Akalain mo bang todo support pa ang loko sa newly found hobby niya.
Bumaha ng hearts mula sa kanyang mga follower nang makita iyon. Ang iba ay di na nakapagpigil at napacomment na.
"Ayieh, sweet naman. Baka rico gaming yarn."
"Totohanan na ba lods? @ricogamingofficial"
"Ano na? Update naman mga lodz. Kailan meet-up? Palive naman😍😍😍😍" Panunukso ng ilan.
Hanggang ngayon overwhelm pa rin ang dalaga sa support na natanggap ng nitizen sa kanilang love team. Mukhang mas excited pa nga ang mga ito sa kanilang pagkikita. Habang papalapit na siya sa legend division ay mas lalong umiingay ang kanilang mga fans.
"Bilisan mo na kasi magpamythic at parang maiihi na kami sa excitement. 🤣🤣🤣" Comment ng isa nilang top fan.
"Hayaan mo na, ok nga yun mas makapaghanda pa sila sa kanilang pagkikita."
Naiiling na lang ang dalaga sa mga nabasang comments. Ayaw niyang umasa. Wala naman kasing kasigurohan ang lahat sa pagkikita nila. Hindi nga niya alam kung may gf ba ito o asawa na. Pero kung magkaganoon man ay imposible naman wala itong alam sa pinaggagawa ng lalaki. Public figure ang lalaki imposibleng hindi ito aalma ngayong pinapareha silang dalawa.
"Paano kung pangit?" Sa isip niya.
Depende pa din, hindi naman kasi siya tumitingin sa hitsura. Basta ba unang pagkikita nila ng lalaki madama niya pa din ang kilig na nadarama niya sa tuwing maglalaro sila ay wala siyang pakialam anuman ang hitsura nito.
"Paano kung ikaw ang di niya magustuhan?" Tanong naman ng isang bahagi ng isip niya.
"Aray naman, wag naman ganoon." Pagsasawalang bahala niya. Basta sa ngayon, papatangay muna siya sa agos ng kanilang paglalandian. Kung magkita man sila balang araw, bahala na si batman.
"Isang duo nga ulit mga lodz. Namiss namin balagbagan niyo sa battlefield eh." Request ng isa pa.
"Game." Reply naman ng binata dito.
Tamang-tama kakainstall lang ng dalaga ng apps na puwede baguhin yung boses. Puwedeng boses ng lalaki at puwede din boses duwende o kung anuman yung gusto mong boses na ipalit sa original voice mo. Balak niyang iedit mamaya ang mga games videos niya at lalagyan ng voice over at subtitle. Siyempre, kailangan may improvement sa mga videos niya para di mabore ang mga fans.
"Request lodz, ikaw naman magcore at si @ricogamingofficial ang mag mage. 🤣🤣🤣" Request ng isa pang netizen.
Handa na rin ang dalaga sa mga ganitong request ng audience. Nakapagpractice na din siya ng ibat ibang klase ng hero. Alam kasi niya na darating ang panahon na hihilingin ng mga followers niya na gumamit siya ng ibat ibang hero. Kaya nagzilong siya. Unang sabak niya ito sa rank pero ilang beses na din niya itong nalaro sa classic kaya kabisado na niya ang paggamit sa hero na ito. Pinili naman nito ang pharsa.
"Para mapuntahan kita agad kung kailangan mo tulong ko." Maya maya ay chat ng binata. Kinilig na naman ng lihim ang dalaga.
'Napakasweet talaga ng gageng ito' Sa isip ay sabi niya.
Hindi nahirapan ang dalaga sa pagbabuff kasi lagi nakaalalay ang lalaki. Nagzozoning ito kaya mabilis niya makita kung nasaan ang mga kalaban. Masarap talaga maglaro kung magaling ang kasama. Totoo nga iyong sabi nila na pag magaling kasama mo sa team ay malamang gagaling din kayo pero kung bonak yung mga kasama malamang mapifeed lang kayo lahat.
Level 3 pa lang ang dalaga ay muntik na siyang mahook ng franco ng kalaban. Di niya ito nakita na nakatago sa bush. Wala pa siyang ulti kaya mahihirapan siya. Buti na lang at alerto ang kaduo sa paglipad at gamit ang second skill nito ay nastun ang tank ng kalaban at kasabay nito ay hinook din ito ng dalaga papasok sa tower nila at salamat sa tulong ng tower ay nafirst blood niya ito.
"Ganyan dapat ang duo di puro landian." Chat ng isang kasama nila sa team. Di na nagtaka pa ang dalaga na alam nito na duo sila. Nagchat nga pala ito kanina sa kanya na kaya pharsa gamit nito para matulungan siya agad. At marahil naghahanap lang ang mga ito ng dahilan para ibash sila. Ganun lagi ang nangyayari pag may kaduo. Binabash ito ng mga kasama pag di na nila magustuhan ang laro.
Nakita niyang sumenyas ang binata sa isang bahagi ng bush kasabay ng pagbitiw nito ng ultimate skills dahilan para lumitaw ang kalaban na papalabas na sa zone ng ulti ni pharsa. Inagapan kaagad ito ng dalaga at kinawit pabalik sa ulti ni pharsa kaya napatay pa din ito ni pharsa.
"Woohoooo ganda pala ng tandem ni pharsa at zilong walang takas! Hahaha" Sabi ng isa pa nilang kasama.
Natatawang nag focus na lang ulit ang dalaga sa laro. Kung di lang talaga magaling ang lalaki ay hindi din niya ito magagawa. Nakakahawa talaga ang kagalingan nito. Magaling din itong magturo ng mga combos sa mga fighter heroes na inaaral niya sa kasalukuyan. Ito ang kanyang mentor.
"Pati din ba sa pag ibig?" Komento ng isang bahagi ng isip niya. Posible nga kayang may tunay na pag ibig sa battlefield?
Saan nga kaya hahantong ang pakikipaglaro ng dalaga dito? Ano't anuman ang resulta ay handa na ang dalaga na harapin ito. Nakapagdesisyon na siya. Hindi na niya hihintayin pa na aabot sa mythic division ang nadaramang ito. Kailangan niya ng sumugal ngayon.
Pinindot ng dalaga ang open mic ng settings niya. Bahala na.
"Ano yan?" Chat ng kaduo.
"Ayaw mo? Off ko ulit." Reply niya.
"Siyempre, gusto!" Sabi nito na nakamic na.
Natulala ang dalaga nang marinig ang boses nito. Magkahalong kaba at excitement ang nadarama.