Chapter 12 Teammates

"Oh ano online ba?" Sumilip pa sa screen ng cellphone ng binata ang kaibigan.

Natatawang iniwas ni rico ang cellphone dito.

"Oo kaya wait ka lang chat ko muna." Sagot niya.

"Wag mo na ichat para surprise." Sabi naman nito na inioff na ang cp. Kapag kasi naglalaro sila ay ito lagi ang mage user nila pero sa pagkakataong iyon ay wala itong balak sumali sa laro para pagbigyang makalaro ng mga kasama ang mysterious girl ni Rico. Ganoon sila kasolid na magkakaibigan. Suportado ang bawat isa sa kanila.

Hindi na nga chinat ng binata ang kaduo. Deretsong ininvite na niya ito magrank. Sabagay, epic na nga naman ang dalaga at kakapasok lang ng season kaya nagsibalikan sa legend ang magkakaibigan. Puwede maglaro silang lima.

Aries POV:

"Ano kaya nakain nito at di pa nakipagdaldalan bago magmatch?" Nanibago siya sa gawi ng binatang kaduo.

Noong mag enter siya sa lobby ay nakita niyang nakabukas ang mga mic ng lahat na kasama pati na ang kay Rico. May kutob na siya kung sino kalaro niya sa pagkakataong iyon. Ito yung kasquad ni Rico na lagi nitong kasama sa stream. Mga streamer din lahat ng mga ito.

Binuksan niya lang ang speaker ng kanyang phone pero nakaoff pa din ang mic. Ganoon lagi ginagawa niya pag may nag oon ng mic. Nag e eavesdrop siya lalo na kung may magkasintahan sa team.

"Miss, mic on ka na. Gusto marinig ni Rico malambing mong boses." Narinig niyang sabi ng isa nitong kasama.

"Wag mo na pilitin. May usapan na yan sila ni Rico antayin na lang natin magmythic si miss mysterious." Saway naman dito ng isa pang kasama.

Hinintay ng dalaga na magsalita si Rico pero bigo siyang marinig iyon. Akala pa naman niya makakaisa siya dito.

"Off na nga lang natin yung mic magkakatabi naman tayo ditong apat useless lang." Narinig niyang sabi sa kabilang linya sabay halakhak.

At ilang sandali pay nakita na niyang isa isa ng nawala ang nag oon mic na mga kasama sa team. Nanghihinayang ang dalaga na di man lang narinig ang boses ng lalaki.

Sabagay, siya ang may gusto noon. Kung di ba naman siya nagpapakipot eh di sana baka ngayon magka video call na sila.

"Paano naman kasi kung mukhang balmond iyon eh di laking pagsisisi ko." Pilyang sabi niya sa isip.

"Kaya nga mas dapat mo ng makita kung sino talaga siya para di ka na magsasayang ng oras." Kastigo niya sa isip.

Kinalma ng dalaga ang sarili. Sabi nga nila, may magagandang bagay nga daw ang nakalaan para sa mga taong marunong maghintay. At malay niya isa siya sa mga iyon.

Itinuon na lang ng dalaga ang atensyon sa laro. Di siya puwedeng masabihan ng bobo ng mga kasquad nito. Kailangan niyang galingan.

"Uy ano ba yan johnson, mukhang sinosolo mo na mage natin ah." Sabi ng kasama nila sa exponent lane.

Core na naman ang binata nung oras na iyon.

Siya kasi lagi ang isinasakay ni johnson tuwing mag uultimate skill ito.

"Eh siya pinakamalapit lagi eh." Sagot nito na alam naman niyang part lang naman ng tuksuhan ito ng kateam. Alam naman kasi niya na magkakasama ang apat sa iisang lugar ng mga oras na iyon.

"Dalaw ka naman kasi sa MM bakit diyan ka lagi sa mid?" Hirit pa nito.

"Dito ka js, ginugulo mo lang bonding moments ng core at mage. Hahaha"

"Mga takteng mga lalaking ito. Ako lagi pinagtitripan." Kinikilig man ay di na sumali pa ang dalaga sa biruan ng mga ito. Masaya siya na makalaro ang ganitong klase ng team. Yung good vibes lang. Madalas kasi kasama niya sa laro ay mga toxic players na nagagalit pag matalo ang team. Sa grupong ito, walang puwang ang katoxic kan. Ineenjoy lang ng mga ito ang laro.