Chapter 27
MATI
Apat na oras ang binyahe niya makarating lamang siya sa rancho kung saan naroroon ang kanyang ama.
Pagkarating na pagkarating niya sa rancho, agad naman siyang sinalubong ni manong Ben, ang katiwala nila sa rancho.
"Naku hija, mabuti naman at nagawi ka dito. Sabi kasi ng daddy mo engagement party mo raw kagabi."
Matagal na rin kasi ang panahon noong huling beses niyang pumunta sa rancho. "Kailangan ko talagang pumunta dito, manong, as fast as possible."
Nagugulohang tinitigan naman siya ni manong Ben. "Ah eh, wala namang problema yon. Pero may nakalimotan ka bang sabihin sa daddy mo?"
"Nakalimotan? Hindi ko po kayo maintindihan."
"Bago ko lang kasi sila sinundo ni Carla, akala ko ba galing siya sa inyo? Nagpaalam kasi ito kahapon na dadalo sa engagement party mo."
"Pumunta si daddy sa engagement party ko?"
"Oo, hindi ba kayo nagkita? Sabi kasi niya hindi niya dapat ma missed ang engagement party mo."
Nagtataka talaga siya kung bakit hindi niya nakita ang kanyang daddy kagabi. At isa pa, hindi pa ito maaring magbyahe sa kalagayan nito. Something wasn't right.
"Pupuntahan ko muna si daddy, manong."
Tumango naman si manong Ben bilang tugon.
"Daddy!" she ran across the foyer at muntik na nga siyang madulas sa makintab na sahig. "Where are you?"
Walang sumagot. Her adrenaline began to surge. Pumasok siya sa loob ng bahay pero wala pa rin ang kanyang ama doon. Wala ring tao sa kitchen pati na rin sa library room nito. Aakyat na sana siya sa itataas nang may tumawag mula sa likuran niya.
"Anak, bakit ka pa pumunta dito? Diba may trabaho ka pa?"
Napalingon siya. Her father stood in the doorway between the kitchen and the foyer, and her breath caught as she looked at him. Nangayayat na talaga ang ama niya, di gaya noon na malaking tao ito. His denim work shirt hung loosely from his bony frame, emphasizing the weight he'd lost. Halata na rin ang wrinkles ng ama, di gaya noong hindi pa ito nagkasakit na mukha pa itong forties.
Naaawa siyang tinitigan ang ama. Somehow the heart attack hadn't scared her as deeply as the sight of her father standing in front of her, diminished by time. Mas malala pa nga siyang tingnan ngayon kaysa noong nasa ICU pa siya. Bakit ganon-ganon nalang kabilis ang malaking pagbabago ng ama?
"Bakit ka pa pumunta sa party kagabi daddy? Akala ko ba nandito ka lang sa rancho nagpapahinga."
"Nababagot na kasi akong panoorin ang pagsilang at pagsikat ng araw."
Niyakap niya ang ama, pero ito pa ang unang kumalas.
Wag mo ng uusisahin pa ang ama mo, Mati. Siguradong pagod ito dahil kagagaling lang nito sa byahe.
Inangkla naman niya ang kanyang braso sa braso ng ama at tumungo sila sa may veranda.
"Naalala ko nga ang sinabi mo noon dad, na hindi mo ma imagine ang sarili mo na tumira sa rancho buong araw."
"Saying and doing are two different things." May diin sa sinabi nito.
Pinili na lamang niya ang manahimik sa sinabi ng ama. Alam kasi niyang hindi madali ang pinagdaanan nito. A heart attack wasn't a common cold, and the recuperation was as much psychological as it was physical. Sabi kasi ng doctor, na mas mabuting unawain nalang muna nilang magkapatid ang kanilang ama hangga't hindi pa raw ito fully recovered.
"Gusto mong uminom, anak? May natitirang bourbon pa sa loob." alok nito sabay hawak ng baso na naglalaman ng bourbon na nakalapag lang sa maliit na mesa sa veranda.
"Si Frances at Sab lang ang kayang uminom ng bourbon, daddy. Alam mo namang tubig lang ng buko ang iniinom ko dito." aniya, then she laughed shakily. "Remember?"
"Wala na tayong coconut tree dito. Iba nalang."
"Sige, juice nalang."
Pero napakibit-balikat lang ang kanyang ama.
"I'm sure dad, hindi masisiyahan si Dr. Teddy pag palaging bourbon ang iniinom mo."
Her father paused before answering. "Hindi mo naman sasabihin kay Dr. Teddy diba?"
Napangiti na lamang siya ama. "Sana man lang nagpakita ka sakin sa party last night."
"Gustohin ko man sana, pero hindi ko nagawa."
"So why didn't you?" she asked, a note of disappointment in her voice.
"Nagka engine trouble kami nang papunta kami roon." sabi nito. "Gusto sana kitang isurpresa kagabi sa pagpunta namin doon, pero ang sabi ni Tomas kailangan daw madala sa mekaniko ang kotse, and that took till morning."
"Wala naman hong binanggit si manong Ben nang magkita kami kanina."
"Wala namang alam si Ben, anak. Hindi rin kasi masyadong usisero itong si Ben."
"Aba eh kabaligtaran ho ng anak niya na masyadong usisera at pakialamera."
Napahalakhak naman ang ama niya. "Esther giving you trouble?"
"Palagi naman po, dad. Nothing new." Wag ka ng magdalawang-isip, Mati. Sabihin mo na sa iyong ama kung ano talaga ang sadya mo.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pa niya itanong sa ama ang bumabagabag sa kanya. "Did you happen to invite any old friends to the party, daddy?"
"Old friends ba ka mo? Eh di mas mabuti kung maraming nakadalo sa mga old friends ko."
"Meron kasing isang tao daddy, na dumalo sa party kagabi at nagpakilalang matagal mo na raw siyang kaibigan, pero sa tingin ko hindi siya nagsasabi ng totoo."
"Siguro reporter lang yon na nagpapanggap, anak."
"No, it wasn't."
"So what was it? Magnanakaw na nagpapanggap na kakilala ko?"
She forced a smile. "Hindi ko alam ang pangalan niya, pero sabi niya matagal ka na raw niyang kilala."
"Naku anak, wag kang magpapaniwala sa mga iyon."
"Opo dad, pero may ideya ka kung sino kaya yon?"
"Wala, kung wala namang pangalan.. Mga ilang taon na kaya siya sa tingin mo?"
"Maybe thirty to thirty-five."
"Mas kailangan ko pang malaman ang higit don, anak."
"Matangkad siya daddy, tapos hazel brown ang kulay ng mga mata niya, hindi masyadong gwapo dahil nga may peklat sa mukha niya."
Pero nagulat na lamang siya sa reaksyon ng kanyang ama.
"Where is he?" he demanded.
"H-hindi ko alam."
"Wag kang magsinungaling sakin bata ka. Where is he?"
"Ang sabi ko hindi ko alam!" she cried out.
Veins stood out at his temples and in his neck, and she was afraid he might have another heart attack.
"Kailan mo siya huling nakita?" he barked.
"A while ago."
"An hour? A day? Ten minutes?"
"Id-don't know," nauutal niyang pahayag. "An hour... maybe four... hindi ko na matandaan. Eh ano namang kinalaman don?"
Mahigpit naman siyang hinahawakan ng kanyang ama sa kanyang magkabilang balikat. "Saan mo siya nakita? Here? Where?"
"Bitawan nyo ho ako, daddy." nanginginig ang boses na sambit niya. "Nasasaktan po ako."
He ignored her demand. "Damn it, sagotin mo ako. Saan mo siya--?"
Bigla namang inawat ni manong Ben ang ama niya, kaya siya nabitawan nito.
"May tumawag sayo, Luis." sabi ni manong. "Nasa line three siya at sinabi niyang urgent daw."
"Okay, sasagotin ko." tugon naman ng kanyang ama.
Napatango si manong Ben at tumalikod agad.
"Stay put." sabi ng ama sa kanya. "Hindi pa ako tapos sayo."
Her shoulders throbbed painfully as she paced back and forth, trying to make sense out of what had just happened. Ano bang nangyari sa daddy niya? Hindi naman siya ganon. He'd never been cruel physically.
"Tonight," dinig niyang sabi ng ama mula sa living room. "The plane is waiting, and we'd better..."
She tilted her head, listening. What was he talking about? The plane might be waiting, but the pilot wasn't. Pero hindi naman marunong pagpalipad ng eroplano ang kanyang dad. Besides, he was too old and his reflexes too slow for him to safely pilot the powerful plane.
Nagpatuloy lang sa pagsasalita ang kanyang ama, pero hindi na niya marinig ang iba pang sinasabi nito. Mukhang nanggagalaiti nga ito sa galit sa kausap. Parang biglang hindi na niya kilala ang ama.
Alam rin niyang right-handed ang ama. Pero bakit kaliwang kamay nito ang pinanghawak sa baso kanina?
Nagsimula ng bumuo ng pawis ang kanyang noo. She tried to push the foolish, dangerous thought from her mind, but it remained stronger, more insistent, with each beat of her heart.
"Oh God!" halos sumikip ang dibdib niya sa isiping iyon. The bourbon. His diminished body. At ang klase ng pagsalubong nito sa kanya ay iba sa nakasanayan niya sa ama. Bile rose into her throat.
Nanganganib ang buhay ng ama mo. Ituro mo sakin ang kinaroroonan ng ama mo bago mahuli ang lahat. Naalala niyang ito nga ang katagang sinasabi sa kanya ng lalaking intruder.
Nagsasabi kaya ang lalaking yon ng totoo?
May narinig na siyang mga yabag papalapit sa kanya. Tumakbo na lamang siya palayo sa rancho at agad na sumakay sa dala niyang sasakyan. Nanginginig pa nga ang kamay niya habang ipinasok niya ang susi sa ignition. She threw the car into reverse at pinaharurot ito. Loud voices came from the direction of the main house, along with the sounds of car door slamming shut.
They want your father, at hindi sila magdadalawang-isip na itumba ka. Naalala na naman niya ang sinabi ng lalaking intruder.
Ayaw niyang maniwala na hindi nga ang kanyang ama ang nakausap niya kanina, pero sa mga ipinakita nito sa kanya parang ibang tao nga ito.
Hindi naman siya pwedeng pumunta sa pulisya hangga't hindi pa niya ito nakumpirma. Ang akala pa nga niya na ang taong pumasok sa guest house nila ay ito pa ang may masamang balak sa ama, pero sa tingin niya nagkamali lang siguro siya sa kanyang inakala.
She'd seen the way the police exchanged glances when the fingerprint report was negative. At kung tatawag naman siya ulit sa mga pulis, paniniwalan pa kaya siya nito na ang inakala niyang ama ay isa palang impostor? Hindi kaya ang iisipin ng mga ito ay nababaliw na talaga siya? Kamukhang-kamukha kasi talaga ng ama niya ang nakaharap niya kanina.
"Oh God," sambit niya. Saan kaya niya hahanapin ang ama?
Or hindi kaya pinatay na nila ito?
She refused to think about that. Hindi maaring gawin nila iyon sa ama niya. Oo, nagkatampuhan man sila ng kanyang ama, but she'd never stopped loving him.
Ituro mo sakin ang kinaroroonan ng ama mo bago pa mahuli ang lahat. Hindi talaga niya malimotan ang sinabi ng intruder.
"Damn!" she pounded her fist on the steering wheel. Ayaw rin niyang humingi ng tulong sa mga kapatid dahil baka madamay pa ang mga ito. Hayaan nalang muna niya ang mga ito na makapag enjoy sa kani-kanilang bakasyon kasama ang mga boyfriend nito.
"Mag-isip ka lang, Mati." she said out loud. Wala naman kasing perpekto na krimen. Kahit nga ang mga notoryos na kriminal ay magka bulilyaso din.
Masyado siyang nahulog sa malalim na pag-iisip kung kaya't hindi niya namalayan ang pagpula ng traffic light. Buti nalang at maagap ang pag preno ng tsuper ng dump truck dahil kung hindi ay mabubura na talaga siya sa mundo. At dahil na rin sa lakas ng pag preno niya ay muntikan na rin siyang mauntog sa windshield sabay ng pagkahulog ng mga librong nakapangalan sa Green Rose Motel.
Alam niyang malapit lang ang Motel sa kanila. The Green Rose Motel was the kind of place you went to when you were too poor to stay someplace better.
Or kung gusto kang walang makakahanap sayo.
She checked the glove compartment and silently thanked her father. Mabuti nalang at tinuruan siya ng ama kung paano gamitin ang baril. Magagamit talaga niya ang baril kung kinakailangan.
Napagpasyahan na rin niyang pumunta sa Green Rose Motel at surprisahin ang lalaki kung naroon man ito doon.