Chapter 26

MATI

Alas tres na ng hapon pero wala pa rin siyang ni isang desinyo na nagawa.

The truth was, she couldn't stop thinking about him. Hindi kasi niya malimotan ang mukha ng lalaki lalo na't ang palatandaan nito ay ang peklat nito sa mukha. Nanghihinayang lang siya dahil napatunayan niyang magnanakaw talaga ang lalaking iyon dahil sa pag ransacked nito sa vault niya na naglalaman ng pera. Pero bakit hindi niya magawang magalit sa lalaking iyon?

Dahil may pagnanasa ka sa lalaking iyon, Mati.

Hindi. Wala siyang pagnanasa sa lalaking iyon. Never! Nagawa na niya ito noong dise-otso pa lamang siya at ayaw na niyang ulitin pa ang pagkakamaling iyon.

She'd spent much of the morning on the telephone, making discreet calls to the family banker, stockbroker and her father's doctor, and nothing seemed amiss. Sabi pa nga ng doctor na ang kailangan lang daw ng daddy niya ay Rest and Recreation, kaya ayaw niyang gulohin ang pagpapahinga nito.

She slung her bag over her shoulder, then crossed the hall and tapped on Esther's door.

"Mauuna na ako."

Tumaas naman ang isang kilay ni Esther. "Hindi ba't maaga pa?"

"Not early enough." sagot niya. "Pagod ako. Plano ko ngang magkulong nalang sa kwarto buong magdamag."

Esther shivered. "Pagkatapos sa nangyari sayo kagabi, hindi ka ba natatakot na bumalik sa guest house ninyo? Pwede ka namang mag stay muna sa bahay ko."

"Masyado akong pagod para matakot, Esther." Ang kailangan lamang niya ay warm bath, isang baso ng alak, at bente-kwatrong oras na pahinga.

She slipped out the back door and was crossing the parking lot when she saw him leaning against a Land Rover. Nanigas siya sa kanyang kinatayuan habang nanginginig ang mga kamay niya.

Nag abot ngayon ang mga titig nila.

Lumalakas din ang kabog ng dibdib niya. He's a thief, Mati. Get a grip!

Humakbang naman ang lalaki papalapit sa kanya. Bakit parang pamilyar sa kanya ang mga kilos nito?

Kinakaposan na yata siya sa kanyang paghinga, hindi rin siya makaisip ng paraan, at lalong hindi siya makagalaw sa kinatayuan niya.

Takbo Mati, Takbo!

Napaatras naman siya ng konti at napalingon siya kung saan siya pwedeng tatakbo.

Nang tatakbo na sana siya, mabilis naman siyang nahawakan ng lalaki.

"Tawagan mo ang ama mo." matigas ang tono nito at hinila siya papalapit rito. "Tell him they took Anderson and Trillo. Sabihin mo sa kanya na--"

Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito, pero sobrang higpit lang talaga ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Tawagan mo na si Luis." sabi nito ulit sa matigas na tono at pagmamadali. "Wala na akong sapat na oras."

"Who are you?" she snaped. "Why on earth should I listen to you?"

"Dahil mahal mo ang ama mo at ayaw mo siyang mawala sayo, at yan nga ang pwedeng mangyari sa kanya pag hindi ko siya maabotan sa tamang oras. Kaya kailangan ko ang tulong mo."

"Bakit naman kita tutulongan? Hindi nga kita kilala eh."

"Ako nalang ang maghahanap sa kanya mahal na prinsesa. Mas madali pa siguro."

She started to laugh. "You're unbelievable." napapailing na sabi niya. "I don't know if you're crazy or just plain nuts."

Matalim naman siyang tinitigan ng lalaki. "Wala akong pakialam kung baliw ang pagtingin mo sakin, just get me to your father before it's too late."

"Over my dead gorgeous body."

"I'm not giving you a choice, Princess." saad nito, at sapilitan siyang hinila papasok sa kotse nito.

Kailangan na talaga niyang aplayan ng self-defense ang lalaking ito. Kung maka tsansa lang sana siya. "We'll call from my office phone."

"No, cellphone mo ang gagamitin natin."

"Pero naiwan ko sa opisina yong cellphone ko kaya nga babalikan ko eh." pagsisinungaling niya.

"Heto, dayalin mo diyan ang numero ng rancho ninyo, at wag mong sabihin sakin na hindi mo rin kabisado ang numero ng rancho ninyo dahil makakatikim ka ulit sa halik ko." anito sabay abot ng kanyang cellphone. Mautak talaga at mapanganib ang lalaking ito, ipinangtakot pa sa kanya ang halik nito. Oh no! She was in deep trouble.

Hindi na siya nakipagtalo pa sa lalaki. She punched in the number at the ranch and waited.

Two rings.

Then six.

"Nakapagtataka," aniya pa. "Bakit wala man lang ni isa sa mga katiwala namin ang sumagot."

"What's wrong?"

"I don't know." nagugulohang sagot niya.

"Baka naman mali yang numero na dinayal mo. Subukan mo ulit."

"Sa tingin ko--"

"Do it."

She dialed, then waited again as the phone at the ranch rang and rang.

"Wala pa ring sumagot. Nasaan kaya si manang Carla?"

"Mati." tawag ng boses babae sa pangalan niya.

Di tulad kagabi sa country club, this time she welcomed the interruption.

"Hindi ako makapaniwalang ikaw nga itong nakikita ko." sabi ni Amelia Walter. "Sino nga pala itong kasama mo?"

Si Amelia Walter ay isa sa pinakamalaki nilang customer sa Aragon & Daughters dahil sa ito ay jewelry addict.

"Alam kong hindi naman siya si Jerson." dagdag na sabi ni Amelia.

At dahil sa halatang ilang ang lalaki kaya nakipagkamay ito sa ginang. "Franz Cullen po." pakilala nito. "I'm an old school friend."

Franz Cullen nga ba talaga ang pangalan ng mokong na ito? sa isip niya.

"Ganon ba?" sabi ni Amelia na parang hindi makapaniwala.

Masyado siyang nag-aalala para sa kalagayan ng ama kaya wala na siyang pakialam sa iisipin ng ginang. "Madame Amelia, I'd love to chat with you, pero nagmamadali po ako ngayon."

"Sa nakikita ko nga, hija. Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan sa nakikita ko."

"Madame Amelia, wala naman po kaming--" naputol ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang siyang inakbayan ng lalaki.

"We appreciate you kindness, Madame." he said. "Baka ano nalang kasi ang isipin ng ibang tao diyan."

"Wala namang iisipin ang ibang tao," she snapped at him. "Ano kasi Madame eh.."

Napangiti naman sa kanya ang ginang. "I know all about these things, Mati. Makakaasa kang wala talaga akong sasabihin."

"Damn you! Paano ko ipapaliwanag ito kay Jerson?" aniya pagkaalis ng ginang. Alam kasi niya ang tabas ng dila ni Madame Amelia kaya nag-aalala siya sa sasabihin nito kay Jerson.

"Pagtuonan mo pa ba ng pansin yon?"

"Get lost." angil niya sa lalaki.

He leaned into the car across her and reached for the keys. Nahulog naman ang mga libro nito mula sa dashboard kaya agad nitong pinulot ang mga iyon.

Iyon nga ang tamang tsansa na hinihintay niya. She threw the car into reverse. Tas ubod lakas na itinulak niya ang lalaki, knocking him to the pavement.

Wala na siyang pakialam kung nasasaktan man ito. At lalong wala siyang pakialam kung mamamatay man ito. The only thing she cared about was finding her father before he did.