Chapter 25

MATI

"Okay ka lang, Mati? parang wala ka yatang tulog ah." sabi ng kanyang assistant na si Esther pagkapasok niya sa opisina.

"Wala nga akong maayos na tulog kagabi." humihikab pang sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Esther sa sinabi niya. "Oh-My-G! you mean gumawa na kayo ng milagro ni Jerson?"

"Esther!" saway niya sa assistant habang namumula naman ang mukha niya. "Hindi namin ginawa yong iniisip mo."

"Naku! pa as if ka pa talaga, Mati." sabi pa ni Esther. "Eh ikakasal na nga kayo tapos hindi pa kayo gumagawa ng milagro. Maybe I was wrong about the two of you not having any va-va-voom."

"I didn't ask you." She pointed out. She refused to get into another analysis of which couples had va-va-voom and which ones didn't. "Sa tingin mo ba ako lang ang nag-iisang babae sa mundo na naniniwala na mas pinahalagahan ang isang relasyon kaysa sekswal na atraksyon?"

Esther rolled her eyes comically. "Eh ako nga twenty-two noong una kong maranasan yon."

"Ayoko sa mga ganitong pag-uusap, Esther." Eh siya nga dise-otso, pero hindi na lamang niya iyon isinatinig pa kay Esther.

Tinapik naman ni Esther ang kanyang balikat. "Somebody has to talk to you about these things, mydear."

Thirty-six years old na si Esther at wala pa itong asawa pero marami na itong karanasan. Matagal na rin itong nagtatrabaho sa kanilang kompanya. Mas una pa nga ito kaysa sa kanya, at isa rin ito sa pinagkatiwalaan ng kanyang ama.

"Akala ko talaga may nangyari na sa inyong dalawa."

She climbed up on her stool and struggled with her composure. "Hindi pa kami mag-asawa ni Jerson, ikakasal pa lang kami, kaya hindi ko muna ibibigay ang sarili sa kanya hangga't hindi pa kami kasal."

"Eh yong kasayaw mo kagabi sa dance floor, sino naman yon? Ipakilala mo naman ako sa macho fafa na yon?"

"Kilala daw siya daddy. Pero hindi ko naman siya kilala."

"Wag mo ngang itanggi Mati na hindi mo siya kilala. Eh parang ang close-close nga ninyong tingnan nong nagsasayaw kayo."

"Magnanakaw ang lalaking yon." defensive niyang sabi para hindi na siya uusisahin pa ni Esther tungkol sa lalaki. "Ang dapat sa kanya ay makulong."

"Eh di wow!" sabi pa ni Esther.

Then she retrieved her design sketches from the locked top drawer of her desk. "Pag-usapan nalang natin ang nawawala kong pera, Esther."

"May kinuha siyang pera sayo?"

"Noong una, akala ko hindi niya kailangan ng pera dahil hindi niya tinanggap itong engagement ring ko. Pero ang gusto pala niya ay instant cash at doon niya ito kinuha sa safe vault ko."

"May naiwan bang fingerprints ang lalaking iyon, Mati?"

"Not a single one." aniya pa. Pero sa hinuha niya parang imposible naman na walang hinawakan na ibang bagay ang lalaki bukod sa kanya.

"So wala talagang nakuha na fingerprints ang mga pulis?" di makapaniwalang tanong ni Esther. "Parang imposible naman yata yon."

"Well, it happened. Mautak lang talaga ang magnanakaw na iyon kaya wala itong iniwan na ebidensya."

"Kung mautak nga siya mydear, bakit hindi niya tinangay ang mga alahas mo?"

"Ano bang gusto mong palabasin, Esther?"

"Ang sa akin lang, pagmatyagan mo muna yang taga linis mo dahil once a week mo lang naman yon pinapapunta sa bahay mo eh." pahayag ni Esther at patungo na ito sa may pintuan. "Mas mabuti pang baguhin nyo nalang ang lahat ng lock sa bahay ninyo." huling sabi nito at tuloyan na nga itong lumabas sa kanyang opisina.