Chapter 24

TRUST

Sa isang lumang motel siya tumuloy kung saan malapit lang sa pamamahay nila ni Mati. Wala na rin kasi siyang sapat na oras na mamili pa ng magarang hotel na tutuloyan, overnight lang naman siya kaya pagtiyagaan nalang niyang matulog na ang aircon ay parang dalawang taong hindi nalinisan.

The bathroom was another story. Parang hindi rin ito nalinisan ng ilang araw. But he supposed it was better than nothing. Hinubad na niya ang kanyang mga damit at binuksan ang shower. He soaped himself, then stood under the spray, letting the tepid water flow over him. Naalala naman niya ang kanyang pamumuhay noon. Yeah, karangyaan talaga ang nagisnan niya at ang pera ay hindi problema sa kanya. Pero simula ng mamatay siya at nabuhay ulit, ang lahat ng pagmamay-ari niya ay bigla nalang naglaho. Hindi lang yon, kinuha rin nila pati ang pagkatao niya, his past had been also obliterated, and now his future was out of his control.

And the hell of it was that CIA itself was at the center of the scheme.

Rot began at the top, and that was exactly what was happening with the highly respected organization. Simula kasi ng pagkamatay ni Director Chamber tatlong taon na ang nakalipas, nawalan na rin ng kontrol ang pandaigdigang operasyon. Lalo na't gahaman sa kapangyarihan ang pansamantalang humalili sa pwesto ng pumanaw na Director.

Simple lang naman yong huli niyang mga misyon. The plan was simple enough to be brilliant: Replace world leaders with surgically and genetically altered duplicates who were part of the network of renegade operatives. Matagumpay nga niya itong naisagawa sa dalawang European nations, sinunod naman niya ang White House at ang Pentagon.

Kaya lang ang pansamantalang Director na si Arthur, was rumored to be masterminding everything. Nalaman rin niya na may malaking hidwaan rin pala sila ni Luis Aragon, but he'd never been able to uncover the details.

Ang good news lamang ay nabuhay pa rin siya sa kabila ng pagkabaril niya noong gumawa siya ng isang matinik na misyon sa South China Sea.

Ang bad news nga lang ay nailigtas nga siya, pero sa kasapi naman na mga operatives ni Arthur. At kung ano talaga ang plano ng mga ito sa kanya ay hindi niya alam.

Namulat nalang siya na nasa isang hospital na pala siya sa Switzerland. Nabago na ang kanyang mukha, boses, at pati pagkatao niya ay binago na rin nila.

Ilang beses naman siyang napamura habang naliligo sa pagbabalik-tanaw niya sa mga nangyari sa kanya. Marami mang nagbago sa buhay niya, pero ang nag-iisang bagay na kainlanma'y hindi nagbabago ay ang pagmamahal niya kay Mati. At hindi ganon kadaling kunin ang pagtitiwala sa dalaga lalo na't hindi na siya nito kilala ngayon. Napagkamalan pa nga siya nitong magnanakaw eh. Kaya sa tingin niya, mahihirapan talaga siyang matunton ang ama nito.

Si Mati pa naman ang pinakapaboritong anak ni Luis Aragon. Syempre, mahal din nito ang dalawa pang anak, pero hindi maipagkaila na mas paborito nito si Mati. Kaya lang, kailangan pa yata niyang bihagin ang puso ng dalaga para lang ituro nito ang kinaroroonan ng ama.

Si Luis Aragon lang kasi ang nag-iisang tao sa mundo na naniniwala sa mga sinasabi niya. At higit sa lahat, si Luis Aragon lang din ang taong pwede niyang pagkatiwalaan.

Pagkakataon na sana niyang pakiusapan si Mati tungkol sa ama nito, pero mas nanaig pa pa rin ang kagustohan niyang makasama at mahawakan ng paulit-ulit ang dalaga.

Next time he saw her, hindi na talaga niya ito pakakawalan hangga't hindi nito sinasabi kung nasaan ang kanyang ama.