Chapter 21

MATI

Kinagat niya ang kamay na tumakip sa bibig niya. At sumigaw siya ng malakas.

"Damn it!" narinig niyang sabi nito.

Hindi na siya nag aksaya ng oras. Tumakbo siya papunta sa pinto at pipindotin na sana niya ang emergency code nang hablotin nito ang kamay niya.

"Disconnected na yan." sabi nito at hinila siya palayo sa alarm.

"Sinungaling ka!" sabi niya na nagpupumiglas sa hawak nito.

Ngayon unti-unti na niyang naaninag ang pagmumukha ng lalaki kahit medyo madilim pa. Ito yong lalaki sa party. Umupo ito sa may hagdan at hinila siya patabi nito. Less than three hours ago she'd stood in the shadows with this man at the back of bougainvillea, on fire for his touch. Tinanggal nga niya ang lahat ng inhibisyon sa katawan, all because it felt so right to be in his arms.

Pero sa tingin niya magnanakaw ang lalaking ito at parang propesyonal nga ito na magnanakaw. Tinaasan niya ito ng baba at sinuklian ng matalim na titig. "Kung alahas ang kailangan mo, you can have it. We're insured."

Hinugot naman niya ang dyamanteng singsing mula sa daliri niya at inabot sa lalaki. "Eto oh, kunin mo."

"Tsk, may sentimental value yan diba?" parang nanunudyo ang tono nito. "Akala ko ba engagement ring mo yan."

"Oo nga," paangil niyang sabi. "Pero ayaw kong mamatay nang dahil lang sa singsing na yan."

"Hindi ako interesado sa kahit na anong alahas mo."

The memory of how she'd felt in his arms caused a thrill to race up her spine. "This house is wired with the most elaborate security system on the face of the earth. At ngayon, yang mukha mo ay transmitted na sa lahat ng police station sa Metro Manila."

"Mali ka na naman," sabi nito at pinagkrus ang mga braso. "I bypassed the system."

"That's impossible."

"Wala namang imposible. Nakapasok nga ako dito ng walang kamalay-malay, diba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang security system ninyo." he said blandly. "Akala ninyo ba wala itong palya?"

Patuloy pa rin siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito, tuloy ang dalawang kamay na niya ang pinaghugpong nito. No doubt he had a lot of practice.

"Yan din ang akala mo. Trust me, the authorities will show up any minute." kalmadong pahayag niya.

"Makakalabas na tayo dito kung dumating man sila." nakangising turan nito.

"Anong ibig mong sabihin na, tayo? I'm not going anywhere with you."

"Sasama ka sa akin sa ayaw mo man o hindi." matigas nitong saad. "Kung iiwan kita dito, papatayin ka nila."

"At sino naman ang papatay sakin?"

"Hindi sila magdadalawang isip na itumba ka." dagdag nito.

"So far, you're the only one I'm afraid of." sagot naman niya.

"Dalhin mo nalang ako sa ama mo, and you can forget this ever happened."

"Kung hindi mo nga talaga alam kung nasaan ang ama ko, pwes hindi ko sasabihin sayo. Wag mo na siyang gulohin dahil kailangan niya ang sapat na pahinga."

"Kung gusto mo pa siyang makita na buhay, dadalhin mo ako sa kanya."

Ang dalawang kamay lang naman niya ang hinahawakan ng lalaki, pero libre pa naman ang dalawang paa niya. Kaya tinadyakan niya ito sa kanyang suot na stiletto. Too bad, hindi man lang niya nakita sa itsura ng lalaki na nasasaktan nga ito.

"Okay, mahal na prinsesa, uulitin ko - nasaan ngayon ang ama mo?"

She glared up at him, but said nothing. Ano bang gulo ang pinasukan mo, daddy?

The overhead light flickered, then died. She jumped in alarm, and she fell hard against his hip. Mabuti nalang at maagap ang lalaki at mabilis siyang nasalo nito, dahil kung hindi bagsak siya sa sahig.

Mapagkatiwalaan mo siya, sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Nagsasabi siya ng totoo.

"Nalintekan na." mahinang sabi ng lalaki nang marinig nila ang kaluskos na nagmumula sa labas.

"Tulong! nandito kami sa kusina." ubod lakas na sigaw niya. "Tulongan nyo ak--" naputol ang pagkasigaw niya nang lumukob ang mga labi ng lalaki sa mga labi niya.

Hayan, iyon lang ang makapagpatigil sa kanya.