Chapter 21
MATI
"Sigurado ka bang ayaw mo talaga magpahatid?" tanong sa kanya ni Jerson.
Napapailing siya. "It's out of your way Jerson. Besides, nandito naman ang driver ni daddy."
Baka na obliga lang din sa kanya si Jerson kaya ito nag presenta na maghatid sa kanya.
"Pero Mati,"
"Hayun, nandito na pala si manong John." aniya at binigyan ng mabilis na halik sa mga labi si Jerson bago pa siya nagpaalam.
"Tawagan mo ako pag makarating ka na sa bahay ninyo." pahabol na saad ni Jerson.
"I will." tugon niya rito.
Nang huminto sa kanyang harapan ang limousine, agad naman na bumaba si manong John at pinagbuksan siya nito ng pintuan.
"Parang ang dali lang yata natapos ng party ninyo, Mati." ika pa ni manong John.
"Napagod kasi ako manong John, kaya po nagmamadali akong umuwi." matapat na pahayag niya sa tsuper.
"Nag enjoy ba kayong dalawa sa party?"
"Sino ho?"
"Eh sino pa nga ba, E di kayo ng mapapangasawa mo.. Hindi ka ba niya inalok na ihatid?"
She swiveled around and peered through the back window. Nakatayo pa rin si Jerson sa may entrance ng country club at sinundan ng tingin nito ang papalayo nilang sasakyan.
"Gusto nga niya akong ihatid manong eh, pero ako ho itong tumatanggi."
Nakabuka ang bibig ni manong John na parang may gusto itong sabihin sa kanya, pero di nito tinuloy. Kaya nga ito ang rason kung bakit nagustohan ng ama niya si manong John dahil alam nito kung kailan lang ito sasabat.
Mayamaya ay nasa highway na sila, she kicked off her stilettos and curled her legs beneath her. No point worrying about the panty hose. Hindi naman kasi ito tinanggal ng lalaki, sabi ng malandi niyang utak.
"Who cares?" bulong niya sa sarili.
"Okay ka lang diyan, Mati?" biglang tanong ni manong John. "Tahimik ka yata ngayon."
"Napagod lang talaga ako, manong."
"Sigurado ka? hindi kaya pinaiyak ka ng Bermudez na yon, dahil kung pinaiyak ka nga niya ay babalikan ko ang lalaking yon at babalian ko siya ng mga buto sa katawan."
"Grabe ka naman manong, hindi po ako pinaiyak ni Jerson. Tigasin yata ang mga lahi namin noh."
"Buti naman kung ganon," ika pa ni manong John. "Para na rin kasi kitang anak Mati, at hindi ko hahayaan na may taong makapanakit sayo."
"Salamat po."
Napansin kaya ni manong na wala talagang pagmamahal sa pagitan nila ni Jerson? Naisip tuloy niya ang sarili kung anong klaseng pagsasamahan kaya meron sila ni Jerson once mag-asawa na sila.
Ano kaya kung tatapatin nalang niya ang kanyang dad? Na mas pipiliin niyang tumandang dalaga nalang kaysa makasal siya sa taong hindi niya mahal. Maybe next week she'd drive up to their ranch and have a heart-to-heart talk with her dad, and tell him that she'd do anything to remain part of Aragon & Daughters. Na gagawin niya ang lahat, maliban nalang sa pagpapakasal kay Jerson.
Nang makarating na sila sa tapat ng kanilang mansyon, agad naman na bumaba si manong John sa sasakyan para pagbuksan siya ng pintuan.
"Sasamahan nalang kita maglakad papunta sa guest house." sabi pa ni manong.
Ang guest house kasi ang naging tahanan niya simula ng mamatay si Trust. Nasa likod lang naman ito sa kanilang mansyon, kaya lang madilim na at lalakarin pa niya ito ng ilang metro.
Napapailing siya. "Ako nalang po, I'll be fine."
Hindi rin naman siya natatakot na tumira mag-isa sa guest house nila. Secured kasi ito sa mga alarm system at may mga CCTV cameras pa sa ilang sulok.
"Anak, bakit kailangan mo pang tumira sa guest house, eh ang laki ng bahay natin. Kahit may mga security system pa sa bahay na yon, hindi pa rin mapapanatag ang loob ko pag mag-isa ka lang nakatira doon." naalala niyang sabi ng ama nang magpaalam siya nito na sa guest house na siya titira.
Her dad wasn't exaggerating. Dahil unang araw pa lang sa kanyang pagtira sa guest house ay maling access code na ang kanyang napindot, kaya naman hindi tumigil sa pagtunog ang alarm system at muntikan ng ipatawag ng ama niya ang mga pulis.
Fortunately, she had no such trouble tonight. She waved to manong John, who had been waiting at the foot of the driveway.
Pinindot na niya ang access code sa pintuan ng guest house at bumukas ito. Sa kanyang pagpasok sa loob ng bahay, awtomatikong sumara naman ang pinto. Pero bigla nalang may humablot sa kanya at tinakpan ng kamay nito ang bibig niya.
"Scream," said a familiar rough-honey voice. "and it's all over."