Chapter 23
TRUST
Hinalikan niya si Mati sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon. Yon lang kasi ang naisip niyang paraan para patigilin ang dalaga sa kakasigaw nito.
He liked to think he was tough and heartless as they came, but dying had done something to him, softened him in ways he still didn't understand. Ayaw na ayaw pa naman niyang makita ang takot sa mukha ni Mati, at ayaw niyang siya pa ang maging rason.
"Come on," sabi niya at tuloyang binitawan ang dalaga. "Let's get out while we still can."
"Hindi ako sasama sayo."
He grabbed her by the shoulders and forced her to meet his eyes. "Hindi mo kilala kung sino nga ang nasa labas, at sigurado naman akong hindi ko rin sila kilala. Pero kung sila nga ang mga taong kinakatakotan ko, nanganganib rin ang buhay ninyong mag-ama. Kaya umalis na tayo ngayon na."
"I'll take my chances here."
"Hindi ito isang multiple choice na pasulit. Sa ayaw at gusto mo, sasama ka sakin."
He grabbed her wrist, and the rest of her body followed along with it.
Umalingawngaw naman sa pandinig nila ang putok ng baril at ang pagkabasag ng bintana.
"Dapa." he ordered, ducking below the countertop. "Stay flat." matigas niyang sabi sa dalaga.
"Wag kang mag-alala. Takot rin akong matamaan ng bala." sabi ni Mati. "Sino ka ba talaga? Why are they after you?"
"The less you know about it, ay mas makabubuti sayo."
"Tinatakot mo ba ako?"
He shot her a sideways glance. "Mas mabuti kung matakot ka."
Umalingawngaw na naman ang putok ng baril sa pangalawang pagkakataon, this time tumama ito sa isang cabinet sa kusina.
"Kung mamamatay lang naman tayo dito sa kusina ko, the least you can do is tell me what's going on."
"I have something they want."
"At pursigido ka nilang patayin dahil diyan?"
Napatango siya. "At papatayin ka rin nila kung kinakailangan."
"This doesn't make any sense." ika ni Mati.
He flattened himself out like a limbo dancer, pushing away the broken glasses. "Kung susunod ka lang sana sa sasabihin ko, tiyak makakalabas ka pa siguro ng buhay dito."
"Getting out of here alive wasn't a problem until you showed up." sabi pa nito.
"Bakit may iba pa bang paraan na makalabas tayo rito?"
She pointed toward an archway at the rear of the kitchen. Gumapang naman sila papunta roon na parang mga ahas.
Nang maabot na nila ang tinutukoy na exit ng dalaga. Napakunot naman ang noo niya. "Anong klaseng exit ito?"
"That Sky's door."
"Sinong Sky?"
"Ang alaga kong aso."
"Sa tingin mo ba mag kasya tayo diyan?"
"Eh wala namang ibang exit dito sa kusina kundi yan lang."
"Great," he said, eyeing the opening. "Now all we have to do is get our butts through it and we're out of here."
"Mauna ka." sabi sa kanya ni Mati.
"Mas mabuting ikaw ang mauuna."
"Willing naman akong dumaan diyan eh, but I don't think my hips will make it."
"I'll push you."
"Manyayansing ka na naman?"
"Mahal na Prinsesa, bibilangan lang kita hanggang tatlo, kung hindi ka susunod makakatikim ka talaga sakin."
MATI
Naramdaman niyang seryoso talaga ang lalaki sa banta nito, pero hindi pa rin siya nagpatinag.
"Isa..."
"Dalawa..."
"Tatlo."
His hands reached for her derriere and suddenly Sky's door didn't look half as impossible as it had a second before. She scrunched down and wiggled her way through the opening, tumalsik naman ang mga beads sa suot niya nang pilit niyang ipinagkasya ang sarili sa daraanan ng aso.
What a ridiculous situation to be in. Kung hindi lang siya natatakot, hindi sana siya mahihirapan ng ganito.
Pahirapang nakalabas siya sa wakas, kaya lang nakarinig naman siya ng pagkasa ng baril at alam niyang tinutokan na siya ng mga ito. Kung itim lang sana ang isinuot niya, makapagkubli pa sana siya sa mayayabong na damuhan.
"Mati!" boses ni manong John ang tumawag sa kanya. "Asan ka?"
"Wag kang lumapit manong John, baka patatamaan ka nila." she cried out. "May mga baril po sila."
"Oo nga, may mga baril nga sila.. nag bi-bird shooting kasi ang mga sandamukal boys."
Bird shooting? That was disgusting. She sat up. No bullets threatened to double-piece her earlobes.
"Sigurado ka, manong?"
Papalapit na sa kanya si manong John.
"Oo, nakita ko kasi si Baldo - isa sa mga sandamukal boys na papunta rito at dala-dala ang kanyang BB gun."
"Parang hindi naman po yon BB gun ang tumama sa cabinet sa kusina."
"Siguro ligaw na bala lang yon sa BB gun ni Baldo." sabi ni manong John na hindi mo pagkakitaan ng pag-aalala.
Mamaya nalang niya dedebatehin si manong John patungkol sa BB gun na yan. "Tumawag ka ng pulis, manong." utos niya sa tsuper at pinagpag ang damit niyang nadumihan. "Meron hong nakapasok na intruder sa loob ng bahay."
"Naku Mati, baka si Baldo lang yon. Darating din ang panahon na masasampahan ng kaso ang mga iyon dahil sa pamamaril nila ng mga inosenteng ibon."
"Eh hindi naman po ang sinasabi ninyong Baldo ang pumasok sa guest house."
"Kung hindi si Baldo.. sino? Si Sky?"
"Hindi po. Manong naman, may pumasok talaga sa guest house."
"O siya sige, sasamahan na kitang pumasok sa loob ng bahay."
"Tara na manong, baka nandoon pa nga sa loob ang intruder na yon at kailangang maipadakip kaagad natin siya sa mga pulis."
"Paano mo naman nasisiguro na nandoon pa nga yong tao?" tanong ni manong John habang inilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
"Saan pa ba siya pwedeng dadaan, eh naka automatic lock ang front door. At saka hindi siya kasya diyan sa daraanan ng aso. Kung sa salamin na bintana naman siya dadaan, marinig sana natin ang pagkabasag non. Kaya nga siguradong-sigurado po ako na nandoon pa rin siya sa loob."
"O sige, mukha ngang nasa loob pa rin siya."
Another second passed.
"Sumusobra na talaga ang taong yon, paano kaya siya nakatakas?" angil pa niya. "Hindi man lang siya nahiya nang basagin niya ang mga kagamitan dito sa loob."
"Baka may nangyari din sa kanya, Mati. Baka natamaan siya ng BB gun.."
"Eh hindi naman po siya natamaan sa pagbaril kanina."
"Sa tingin ko nandito pa rin siya sa loob ng bahay, wala kasing sinyales na nakalabas nga siya. Titingnan nalang natin mamaya sa CCTV." pahayag naman ni manong John.
Sirens wailed in the distance. Na tense tuloy siya, at umaasang nakatakas nalang sana ang intruder bago pa ito mahuli ng mga pulis. Di kasi niya maintindihan ang sarili, kanina atat na ata talaga siyang ipahuli ang lalaki, pero ngayon parang gusto niya itong makatakas.
"Tsk, meron talagang tao na gustong magpakulong nalang dahil wala na itong matutuloyan na bahay. At least sa kulongan free lahat doon."
Manong John had a point, but she didn't think it applied to her intruder. Mukha man siyang robber nang makita niya ito sa mall, pero naiba na ang pagtingin niya rito nang nakasuot na ito ng tuxedo, he seemed comfortable in a tux. Almost as if he'd born to wear one. At isa pa, willing talaga siya kanina na ibigay ang kanyang seven-carat engagement ring na platinum setting at may mamahaling dyamante pa sa gitna, but he turned it down.
"Sa palagay ko manong, hindi problema sa kanya ang pera."
"Naku Mati, problema sa lahat ang pera. Kung wala kang pera hihiling at hihiling ka na magkaroon ka ng pera. Subalit kung may pera ka naman, gusto mo pang madagdagan iyon."
Sabagay may punto na naman si manong John, ang lalim nga ng sinabi nito. Pero nakasisiguro kasi siyang hindi pera ang kailangan ng lalaki, kundi ang ama niya.