KABANATA 20 (1602 words)
“Pakibaba na lang si Carlo sa kwarto niya.” Ani ni Leah kay Ariel.
Tumango naman sa kanya ang binata at umakyat na sa hagdan. Napaupo na lamang sa pagod si Leah sa sofa at saka pumikit.
Kakauwi lang nila at si Ariel na ang naghatid sa kanila sa bahay. Nauna ng umuwi sa kanila si Troy dahil may emergency daw kaya naman ay pinauna na nila ito.
Ngunit, ng malaman ni Leah na aalis na ang binata ay hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot.
Kaya naman ay nag-aya na rin siyang umuwi after nila kumain dahil pagod na pagod na si Carlo. Habang na sa biyahe ay nakatulog na agad doon ang anak niya.
“Nakakapagod ang araw na ito. Andaming nangyari.”
“Are you okay, Leah?”
Napamulat naman si Leah ng mata at tumingin sa nagsalita. Nakita naman niya si Ariel na nakatingin sa kanya.
Bakas sa mga mukha nito ang pag-alala. Ngumiti naman siya dito at tumango.
“I’m fine.”
Tumango-tango naman ito saka tumabi ng upo sa kanya. Tahimik lang sila ng ilang minuto hanggang sa magtanong si Ariel sa kanya.
“May nangyari ba sa inyo ni Troy kanina?”
“Huh?” Gulat ni Leah sa narinig.
“Nung bumalik kasi kayo kanina ay parang hindi magandang nangyari.”
Nang marinig iyon saka niya naalala ang nangyari kanina.
Nang makabalik sila sa upuan ay hindi niya na pinansin si Troy ngunit ramdam niya ang mga tingin nito sa kanya.
Hindi niya inaasahan na mapapansin iyon ni Ariel. Kaya naman ay tumingin siya dito. “Ah, iyon ba. Wala namang nangyari.”
Pagsisinungaling niya at saka ngumiti dito. Ngunit alam niyang hindi maniniwala si Ariel.
Umiwas na lang siya ng tingin at ibinaling ang tingin sa harapan nila.
Maya-maya lang ay naramdaman niyang may humawak sa mga kamay niya kaya naman ay napatingin siya doon.
“Leah, can I court you?”
Nag-angat naman siya ng tingin dahilan para magtama ang mga tingin nila. Kitang-kita niya dito ang pagka-seryoso ng mukha nito.
Hindi makaimik si Leah. Hindi niya alam ang sasabihin sa binata. Parang umurong ang dila niya dahil sa pagkabigla niya.
Kinuha naman ni Ariel ang isa pa niyang kamay at taimtim na tiningnan sa mga mata ang dalaga.
“I know you’re scared and not ready to love again and I understand that. But, I promise to never hurt you.”
Gustong magsalita ni Leah ngunit naitikom niya lang ang bibig niya.
“You don’t have to answer me right now. Kaya kong maghintay, Leah. Just give me a chance to prove my love for you.”
Nagsimula ng pumatak ang mga luha ni Leah. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya kaya napayakap na lamang siya sa binata.
“Give me a chance to prove my love to you, Leah.” .
Napahagulhol na lang sa iyak si Leah ng maalala niya bigla ang mga sinabi sa kanya noon ni Troy.
Yumakap naman pabalik sa kanya si Ariel at inalo-alo.
“Shh. It’s okay. I’m always here. I love you.” Saad nito saka hinalikan ang ulo nito.
•*•*•*•*•*•
Lunes na at papasok na ulit siya sa trabaho.
Maya-maya lang ay hindi niya namalayan na ngumingiti na lang siya at nararamdaman niyang umiinit ang mukha niya.
Hindi niya mapigilang mapahawak sa pisngi niya. Ramdam niya pa rin doon ang malambot na bagay na dumampi doon.
“Gosh, Leah! Para kang bata.”
Hinatid kasi siya kanina ni Ariel dito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nagsimula na itong manligaw sa kanya at seryoso ang binata sa kanya.
Dinalhan siya nito ng bulaklak kaninang umaga at hinatid pa siya nito dito.
Mas lalong uminit ang mukha ni Leah ng ang nangyari sa may entrance.
Pagkababa niya sa sasakyan ni Ariel ay agad siyang nagpasalamat dito.
“Thank you sa paghatid at…sa mga bulaklak kanina.” Nahihiyang sambit ni Leah dito.
Napatingin naman siya sa relo niya ng makitang mag-aalas siyete na. Tumingin naman siya sa binata at muling nagpasalamat dito.
Paalis na sana siya ng tawagin siya ng binata.
“Leah!” Tawag sa kanya ng binata.
Humarap naman siya dito.
“Yes?”
Hindi naman ito sumagot bagkus ay lumapit lang sa kanya ang binata. Bigla naman niyang naramdaman na bumilis ang tibok ng puso niya.
Maya-maya lang ay naramdaman niyang may malambot na bagay na dumampi sa pisngi niya.
“Have a great day.” Saad nito at lumayo na sakanya sabay ngiti.
Doon niya lang napagtanto na hinalikan siya ng binata sa pisngi.
Ipinilig niya ang ulo para mawala sa isip niya iyon ngunit paulit-ulit itong nagpe-play.
Habang papalapit sa kanyang desk si Leah ay napansin niyang wala ang kanyang desk niya doon.
Para namang nawala bigla ang masayang naramdaman niya ng wala siyang maabutan na desk niya.
“Saan napunta ang desk ko dito?”
Napabaling naman ang tingin niya sa isang emplayado na saktong kakalabasang ng office ni Troy.
“W-Wait! I have a question. Nakita mo ba kung saan inilagay ang desk ko?” Deretso niya tanong dito.
Tumingin naman ito sa itinutukoy. Para bang nagkaroon bigla ng bombilya sa taas ng ulo nito ng magets nito ang tinutukoy niya.
“Ahh, yung desk niyo po ba. Pinalipat po ni Sir Salvatore sa office niya po. Nasa loob na po iyong desk niyo.”
Natulala naman si Leah ng malaman niya ang totoo.
“Ahmm, hindi po ba kayo nasabihan?” Tanong ng kausap niya.
Umiling naman siya dito.
“Sige po, mauna na po ako.” Saad nito at iniwan si Leah na nakatulala pa rin.
Nang mahimasmasan si Leah ay agad siyang kumatok sa pinto ng office ni Troy.
“Come in.” Rinig ni Leah mula sa labas kaya naman ay pumasok siya.
Una agad niyang napansin ang desk niya na nasa gilid malapit sa bintana pagkapasok niya.
Tumingin naman siya sa desk ni Troy kung saan busy ito sa pagbabasa ng mga folder.
Lumapit siya doon kaya naman ay napansin siya ng binata.
“Bakit mo inilipat ang desk ko dito?” Tanong niya dito.
“Why? Hindi ko ba pwedeng ilipat ang mesa ng sekretarya ko?” Tugon nito na ipinagdiinan pa nito ang salitang ‘sekretarya’.
Gustong magsalita ni Leah ngunit wala namang lumalabas kahit isang salita sa bibig niya.
Umayos na lamang siya ng tayo saka tumalikod dito at umupo na sa desk niya.
Tumingin naman siya sa binata at nakita niyang nakangisi ito habang nagbabasa ng folder na halatang nageenjoy ito sa reaksiyon niya.
•*•*•*•*•*
Napahilot naman si Leah sa batok niya ng magsimula itong sumakit sa pangangalay. Ilang oras na rin siyang nakababad sa harap ng kompyuter at umiinit na rin ang pwetan niya sa matagal na pagkakaupo. Itinigil niya na muna ang pagtipa sa kompyuter at saka sumandal sa upuan niya.
Napatingin naman siya sa orasan niya at nakitang mag aalas-diyes na ng gabi. Napabuntong hininga na lamang siya dahil anong oras na ay hindi pa rin siya tapos sa ginagawa niya.
Buti na lamang ay tumawag siya kanina sa bahay para kamustahin si Carlo.
“Pasensya kana Rian huh. Mukhang late na’ko makakauwi dahil sa tambak ng gawain ko dito.” Saad niya at ipinakita ang mga folder na patong-patong sa desk niya.
Magka-video call sila kaya naman ay nakikita ni Rian ang nasa paligid ni Leah.
“Ayos lang noh. Atsaka day off ko rin bukas kaya ako na bahala kay Carlo.”
Napangiti naman siya. Napaka-swerte niya talaga na may kaibigan siyang kagaya niya.
Hindi na rin sila nagtagal ng paguusap dahil marami pa siyang gagawin kaya nagpaalam na sila sa isat-isa.
Naging busy ang buong kompanya kanina dahil sa may bago silang ila-launch na magazine at kasama pa nila dito ang isang sikat na aktress na si Heather Manansala.
Mayroon pa namang natitirang iilang emplayado at karamihan sa mga ito ay mga editor and design management.
Nakaramdam naman ng pagka-antok si Leah. Sinilip niya naman ang desk ni Troy at nakitang wala ito doon kaya naman ay nagpasiya siyang pumunta sa isang room kung saan nandoon ang coffee maker.
Naginstant coffee na lang siya dahil tinatamad na siyang gumalaw pa at makagawa ng purong kape. Nang makapagtimpla ay humigop agad siya dito.
Nagising ang diwa ni Leah at nawala ang pagka-antok niya ng matikman ang kape. Kahit na instant coffee iyon ay hindi na masama.
Nagpasiya siyang gawan ng kape si Troy.
“Okay naman na siguro ang instant coffee sa kanya.”
Kaya naman ay humarap siya at itinabi ang kanyang kape. Ngunit pagkaharap niya ay may nabanggaan siyang parang pader dahilan para matapon ang kape niya.
“Oh my!” Gulat na sambit niya. Nawalan rin siya ng balanse dahil sa pagikot paharap sakanya ng nabanggaan niya kaya naman ay hindi niya maiwasang maipikit ang mata at hintayin na bumagsak siya.
Naramdaman naman niyang may pumulupot sa bewang niya kaya naimulat niya ang mata at tumingin kung sino iyon.
“Are you okay?”
Nanlalaki ang mga mata ni Leah ng mapagtanto na si Troy iyon. Nakahawak ang kamay nito sa bewang niya upang alalayan siya habang ang isa naman ay nakasandal sa kabinet sa taas.
Hindi mapigilan ni Leah ang matulala at titigan ang mukha ng binata. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso niya.
Hindi niya namalayan na unti-unti na palang nagkakalapit ang mga mukha nila.
Unting-unti na lang at mahahal---
“AAYY!”
Sabay naman silang napatingin ni Troy sa may pinto at nakita doon ang isang babaeng empleyado na namumula ang mukha.
“S-Sorry po sa abala Ma’am! Sir! Wala po akong nakita.” Saad nito saka dali-daling umalis.
Nagkatinginan naman sila ni Troy. Naitulak na lang bigla ni Leah si Troy ng mapagtanto ang nangyari.
Nakita lang naman sila ni Troy na magkayakap at magkalapit ang mukha.
Hindi mapigilan ni Leah ang paginit ng mukha niya. Napamura na lamang siya sa kanyang isip.
“Nakakahiya! Jusko po! Sana maging panaginip na lang ito!”