KABANATA 19 (1865 words)
“Wow! Ang daming rides dito, Mama!” Saad ni Carlo habang inililibot ang mga tingin nito sa paligid.
Nandito sila sa Enchanted Kingdom at siyempre kasama ang dalawa. Dito dapat balak ni Leah magbonding sila lang ng anak niya.
Napailing na lang siya ng maalala ang nangyari kaninang umaga sa bahay niya.
Natulala na lamang si Leah ng marinig niyang sagutin ng dalawa ang tanong sakanya ni Carlo.
Parehas nakatingin sakanya ang dalawang binata na naghihintay ng sasabihin niya kaya hindi niya maiwasan ang mapalunok.
Hindi niya alam ang isasagot niya sa mga ito.
“Napaka-wrong timing mo naman anak magtanong. Hayst!” Ani ni Leah sa kanyang isip.
Magsasalita na sana siya ng maudlot ito ng isang tunog dahilan para mawala ang namumuong tensiyon na ipinagpa-pasalamat naman niya. Napatingin naman siya kung saan nanggaling iyon.
Tumunog ulit iyon, at napagtantong ang mga sikmura ng dalawang binata ang tumutunog.
Bigla namang nahiya ang dalawang binata at sabay nagkamot ng ulo. Nag-angat si Leah ng tingin sa kanila at tiningnan niya ang mga ito ng seryoso.
“Pumasok na muna kayo at mag-agahan. Mukhang hindi pa kayo nag-aagahan dahil busy kayo sa bulaklak.” Ani ni Leah saka tumingin sa anak niya.
“Tara na, baby. Sasabayan ka na ni Mama kumain.” Saad niya sabay buhat sa anak niya.
Tumingin ulit siya sa dalawa ng hindi pa ito gumagalaw sa kinatatayuan nila. “Bilisan niyo diyan at lalamig ang mga pagkain. Masamang pinaghihintay ang grasya.”
At iniwan na ang dalawa
Nang matapos silang kumain ay naginsist ang dalawa na sila na ang magliligpit ng mga kinainan.
Hindi na rin naman siya makatanggi dahil nagunahan na ang mga ito sa pagliligpit kaya naman ay pinabayaan niya na lamang ang mga ito at saka pinaliguan na si Carlo.
•*•*•*•*•*
“Mama! Faster!” Saad ni Carlo habang tumatakbo pababa ng hagdaan.
“Carlo! ‘Wag sabing tatakbo!” Agad naman siyang bumaba para habulin ito.
Nang makababa ay nakita niya si Carlo na nagsusuot na ng sapatos nito. Nakasuot siya ng blue denim pants na pinaresan niya na puff sleeveless shirt at sandal na brown saka tinernuhan sling bag.
Nakaramdam naman siya ng may tumititug sakanya. Nakita niyang nakatitig ang dalawa sa kanya kaya naman ay nakaramdaman siya ng kaunting hiya.
“Saan ang punta niyo? Hatid ko na kayo?” Saad ni Ariel saka lumapit sa kanya.
Natauhan naman si Troy kaya naman ay lumapit rin siya. “No. Ako na maghahatid. Sabihin mo lang sakin kung saan kayo pupunta.”
Napapikit na lamang si Leah ng magsimulang magsikuhaan ang dalawa sa harap niya. Kaya naman ay umalis na lang siya sa harap ng mga ito at pinuntuhan si Carlo na tapos na sa pagsuot ng sapatos.
“Are you ready, baby?” Tanong niya at tumango naman sa kanya ang anak.
Kinuha naman niya ang bag ni Carlo at binitbit ito. Maya-maya ay nakaramdaman siya ng tapik sa hita niya.
“Mama. Hindi ba sila sasama sa’tin?” Kuriyos na tanong ni Carlo.
Napatigil naman si Leah at tiningnan ang dalawa na ngayon ay nakatayo na ng ayos.
Napabuntong hininga na lang siya at tumango sa dalawang binata na agad naman na naintindihan nila. Halata naman sa mga mukha nila ang saya.
Nakakahiya naman kung iiwanan niya ang dalawa dahil nag-effort pa ang mga ito ng dalhan siya ng bulaklak sa umaga.
Halos hindi na sila makaalis kanina sa bahay dahil sa pag-aaway ng dalawa kung saan sasakay sila Leah at Carlo.
Para matapos ang away nila ay nagpasya siyang sumakay na lamang sila sa sasakyan ni Ariel.
Mahirap mang aminin, ngunit naiilang pa rin siya kay Troy. Dahil alam niyang alam na ng binata ang totoo. Baka kapag nagsabay pa sila sa iisang sasakyan ay baka may masabi pa siyang hindi maganda dito.
Masaya namang ang naging biyahe nila kay Ariel kaya hindi boring ang buong biyahe nila papuntang Enchanted Kingdom.
“Mama! Let’s ride that car! I want to ride it!” Tuwang-tuwa na turo ni Carlo sa playground ng Bumper Car.
Wala na siyang nagawa at nagpahila na lang sa anak. Ramdam niya naman na nakasunod ang dalawa sa kanila.
Nang makarating sa counter ay agad umuna si Ariel. “ Three tickets please.” Saad niya saka ito binigyan ng ticket.
Nang okay na ay saka siya humarap kay Leah na nakangiti.
“Tara na. Nakabili nako ng ticket natin.” Saad niya at hinila si Leah at Carlo.
Ngunit nahablot ni Troy ang isa pang kamay ni Leah kaya naman ay napatigil sila.
“Hey. Sa’kin sila sasabay.” Saad ni Troy habang nakatingin ng masama kay Ariel.
Napapansin ni Leah na may nakakapansin na sa kanila lalo pa’t nakahawak ang dalawang binata sa kanya.
Kaya naman ay tinanggal niya ang mga kamay nila sa kanya at saka tumingin sa kanila na ikinagulat ng dalawa.
“Can you please stop this? Hindi ko kayo isinama dito para mag-away, okay?” Saad niya at mukhang nagets naman ng dalawa ang ipinapahiwatig niya.
Napabuntong hininga na lamang siya at saka tiningnan ang mga ticket na binila nilang dalawa.
Kinuha niya ang isang ticket kay Ariel na nagpangiti naman sa binata.
“L-Lea---”
Kinuha rin niya ang isang ticket kay Troy at tiningnan ulit ang dalawa.
“Kukuhanin ko na ito para hindi na kayo magtalo pa. And thank you.” Saad niya at nginitian naman niya ang mga ito.
Kahiy papaano ay na-appreciate niya ang ginawa ng mga ito, ang kaso lamang ay naglalamangan sila sa isat-isa.
“Mababaliw na’ko. Jusko.”
“3. 2. 1. Tiingg!”
Masayang masaya si Leah at ang anak niya habang nakikipag-bungguan sa iba. Hindi niya rin mapigilang matawa dahil ngayon na lang ulit siya nag-enjoy ng ganito.
“Mama! Banggain mo siya!” Tapik sa kanya ng anak habang tumatawa ito sa tabi niya.
Sa kabilang banda naman ay nagbabanggaan ang dalawang binata. Imbis na magenjoy ang dalawa ay nag-aasaran pa ang mga ito.
Ngumisi naman si Ariel at saka binangga ang sinasakyan ni Troy dahilan para mapa-atras ng kaunti si Troy.
Tiningnan naman ng masama ni Troy si Ariel.
“That b*stard!”
Gumanti naman siya at medyo napalayo naman ang pag-atras ni Ariel.
“You deserve it.” Ngiti ni Troy at inaasar na tiningnan si Ariel.
Hindi naman nagustuhan ni Ariel ang ginawa nito kaya naman ay binanggan niya ulit ito hanggang sa nauwi na banggain nila ang isat-isa.
Matapos ang oras nila sa Bumper Car ay agad naman na silang lumabas sa exit.
“Ang saya nun, Mama!” Ani ni Carlo habang tumatalon ito.
Napatawa at napangiti naman siya ng makitang nageenjoy ang anak niya.
Hinanap niya ang dalawa at nakita naman niya agad ang mga ito. Nilapitan nila Carlo ang mga ito.
Napansin agad niya ang kakaibang atmospera sa dalawa kaya naman ay tumikhim siya dahilan para makuha niya ang atensiyon nilang dalawa.
Nakangiti naman ang mga ito na nakatingin sa kanya.
“Wala naman sigurong nangyari kanina diba?” Tanong niya sa kanyang isip.
Hindi niya na rin kasi napansin ang dalawa dahil nageenjoy sila kanina ni Carlo.
“So, what’s next?”
Magsasalita na sana siya ng sumigaw si Carlo.
“Mama! I want to ride that one. It looks amazing!” Saad ni Carlo at itinuro ang malaking tower na aangat sa pinaka-tuktok at baba ng biglaan. Nagulat naman si Leah ng makita iyon.
“Hindi pwede anak. Sa iba na lang okay? Nakakatakot ang isang iyan.”
“But, Mama. Gusto ko siya i-ride. Please? Pretty Please?” Nagmama-kaawang saad ni Carlo.
“No, baby. Sa iba na lang tayo. ‘Wag la---”
“Sasamahan na lang namin siya.” Saad ni Ariel kay Leah.
“P-Pero…bak---”
“Kami na bahala kay, Carlo. Diba?” Saad ni Ariel saka siniko si Troy na hindi na maipinta ang mukha.
“O-Oo. Yes.”
“O-Okay.”
Agad naman na silang pumunta sa pila kung saan ang Ekstreme Tower. Medyo matagal rin ang pila dahil mahaba.
Nang makasakay na sila Ariel, Troy at Carlo. Ay hindi maiwasan na kabahan si Leah. Kahit na safe ang mga upuan ng mga ito ay hindi niya maiwasang mag-alala.
“Mama! Mama! Hi!” Rinig na sigaw ni Carlo habang kumakaway papataas. Dahil doon ay medyo gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.
Maya-maya lang ay biglang bumagsak ang sinasakyan nila at maraming napasigaw at napasinghap. Halos lumabas na ang puso ni Leah ng makita iyon lalo na’t sa malapitan.
Agad naman siyang pumunta sa exit at sinalubong sila doon.
Napayakap naman si Leah kay Carlo at sinuri ito.
“Ayos ka lang ba? Wala namang masakit diba?” Pag-aalala ni Leah sa anak.
“I’m okay, Mama. I’m a big boy now.” Napangiti naman siya sa sinabi nito.
Tumingin naman siya sa dalawa. “Ayos lang kayo?” Tanong niya sa dalawa.
“Y-Yes. I’m okay.” Saad ni Ariel habang pinapakiramdaman ang sarili. Feeling nito ay naiwan ang kaluluwa niya sa taas. Hindi nito inaasahan na biglaang baba ang sinasakyan na once na umakyat na ito sa pinaka tuktok.
Ganun rin naman si Troy, at nag-ok sign na lamang ito. Napabuntong hininga na lamang siya at binigyan niya ang mga ito ng tubig na agad naman nilang ininom.
Marami pa silang sinakyan doon. Nagpunta sila ng Vikings, Roller Coster, Flying Fiesta at marami pang iba.
Halos magkanda-suka sula ang dalawang binata after ng rides nila sa space shuttle habang ang anak niya naman ay tumatawa at nakaturo sa dalawang binata.
“I think, magpahinga na muna tayo at kumain.” Saad niya.
Tumango na lamang ang dalawa at binuhat si Carlo. Nakapag-hanap naman agad sila ng table.
“Dito ka muna baby, okay? Bibili lang si Mama ng food.” Saad niya kay Carlo at tumango na lamang ito.
“Samahan na kita.” Aya ni Troy.
Napatingin naman siya dito. Tumango na lamang siya dito at saka tumingin kay Ariel.
“Ikaw na muna ang bahala kay Carlo.” Ani niya dito at naglakad na paalis.
Nakasunod lamang sa kanya ang binata.
Pumunta siya sa store ng hotdog sandwich.
“Four order of cheesedog, medium and three iced tea and three bottled of water.”
“Wait niyo na lang po, Ma’am and Sir.”
Tumango na lamang si Leah at naupo sa isang bench kaharap ng store. Tumabi naman sa kanya si Troy.
Walang nagsasalita sa kanila hanggang sa binasag ni Troy ito.
“Leah…”
Napapikit na lang si Leah dahil alam niya na ang sasabihin nito. Tumingin siya sa binata at nagsalita.
“Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Pero kung tungkol ito sa nakaraan natin ay huwag mo ng subukin. Past is past, Troy. Kalimutan na lang natin ang nangyari noon. Masaya na tayo sa mga buhay natin ngayon.” Saad niya sa binata at tumayo na. Hindi niya pinakinggan pa ang binata dahil baka kung ano lang masabi niya dito.
“Talaga ba, Leah? Nakalimutan mo na ba talaga?”
Dere-deretso lang siyang pumunta sa counter at kinuha ang order niya.
Natigil naman siya sa paglalakad ng may pumigil sa braso niya. Kaya naman ay tumingin siya dito. Nakatingin rin ang binata sa kanya ng deretso sa mata.
“If it’s easy for you to forget that, it’s not for me. I know you can’t forgive me for what I did before. But, I will do everything to get you back. To get back what’s mine. Just like I said before, Once I started, wala ka ng kawala sa’kin.”
Nang marinig iyon ni Leah ay bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso niya. Napahigpit na lamang siya sa hawak niyang plastik.
“Anong ibig sabihin nito? ‘Wag mong sabihing…nahuhulog na naman ulit ako sakanya…?”