KABANATA 21 (1594 words)

Nang mahimasmasan sa mga pangyayari si Leah ay nagdesisyon siyang umalis doon.

Ngunit bago pa siya makaalis ay hinablot ni Troy ang braso niya dahilan para tingnan niya ito.

“What?” Tanong niya dito.

Tumingin naman ito sa baba niya saka nagsalita.

“You’re bleeding.”

“Huh?” Takang tanong niya dito habang ito ay nakatingin pa rin sa baba niya.

Kaya naman ay sinundan niya ng tingin ang binata at doon na lang niya nakita na may sugat siya sa binti niya.

Napatingin naman siya sa mga bubog ng tasa sa sahig. Doon niya lang napagtanto na natalsikan siya ng bubog nito kaya siya’y nagka-sugat.

“Gamutin natin.” Deretsong saad nito at saka siya binuhat ng pang-bridal kaya naman ay nagulat na lang si Leah sa ginawa nito sa kanya.

“T-Teka! Kaya kong maglakad. Ibaba mo’ko.” Saad niya sa binata.

Napatigil naman si Troy sa sinabi ni Leah. Akala ng dalaga ay sasagutin siya nito ngunit tiningnan lamang siya nito sa mga mata.

Pakiramdam tuloy ni Leah ay binabasa siya ng binata hanggang sa kaluluwa niya.

Hindi namamalayan ng dalawa na matagal na silang nagtitigan hanggang sa may dumating na naman ulit na empleyado. .

Tulad ng una, ay gulat rin ito sa nakikita ng dalawang mata niya. Kaya naman ay dahan dahan itong umiikot para umalis ngunit napansin agad iyon ni Troy.

“Stop.” Maotoridad na saad ni Troy na patuloy pa ring nakatitig sa dalaga.

Nagulat naman si Leah sa isinambit ng binata kaya naman ay napansin niya agad na may ibang tao sa loob.

Napatingin siya sa pinto at nanlaki naman ang kanyang mata ng makita na may isang empleyado ulit ang nakakita sa kanila.

Dahil sa hiya ay agad niyang isiniksik sa leeg ng binata ang kanyang mukha.

“Clean this mess here.” Rinig ni Leah na sambit ng binata.

“Y-Yes, Sir!”

Naramdaman naman niyang gumalaw na ang binata. Habang naglalakad si Troy.

Hindi mapigilan ni Leah ang sumilip at tingnan ang nasa likuran ng balita.

Nang masilip ay hindi sinasadyang magtama ang tingin nila ng empleyado ng naka-kita sa kanila.

Kaya naman hindi mapigilan ni Leah maginit ang mukha niya.

Maya-maya lang ay nakarating na sila sa office ni Troy. Ibinaba naman siya nito sa couch at saka siya iniwan.

Napaayos naman siya ng upo. Hanggang ngayon ay ramdam pa ni Leah ang init ng mukha niya.

Parang video ang nangyari kanina sa utak ng dalaga dahil paulit-ulit itong nagpe-play.

Hindi naman niya mapigilang mapakagat sa kanyang labi dahil ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang mga bisig ng binata sa kanya.

Saka lang natauhan si Leah ng marinig ang pagbukas-sara ng pinto kaya naman ay inayos niya ang sarili.

Umupo naman sa harap niya si Troy na may bitbit na medical kit.

“Raise your leg.” Saad ng binata at tiningnan siya nito sa mga mata.

“Huh?” Takang tanong niya dito.

“Itaas mo ang binti mo. Gagamutin natin ‘yang sugat mo.” Seryosong sambit nito.

“Ahh.” Napatingin naman siya sa binti niya at nakita niyang may sugat nga siya doon.

“’Wag na. Hindi naman masakit. Iuuwi ko na la---Ooh!”

Hindi na natapos ni Leah ang sinasabi niya ng si Troy na mismo ang nag-angat ng binti niya at ipinatong niya ito sa hita nito.

Napatakip naman agad siya sa palda niya. Medyo may kaiksian ng kaunti ang palda niya na hanggang sa taas ng tuhod.

“Don’t worry. Hindi ako maninilip.”

“A-Anong---Ahh!”

Napasigaw naman na lamang sa sakit si Leah ng dumampi ang cotton sa sugat niya.

“D-Dahan dahan lang, pwede ba.”

Dinahan-dahan naman ni Troy. Hindi akalain ni Leah na mahaba pala ang sugat niya.

“Kainis naman. Bakit ba ang malas malas ko na lang palagi?”

“Done.” Sambit ni Troy saka iniligpit ang pinaggamit sa pag-gamit sa sugat kay Leah.

Napatigil naman sa pagsasara ng medical kit si Troy ng biglang lumapit si Leah.

Bigla na lamang niyang nahigit ang paghinga niya ng maamoy ulit ang amoy ng dalaga. Hindi niya mapigilang ipikit ang mata at damdamin ang amoy nito.

“Her scent…F*ck!”

Iminulat naman niya ang kanyang mga mata at pinakatitigan ang mukha nito.

Wala pa ring nagbago sa dalaga. Kung may nagbago man ay mas lalo itong gumanda lalo na’t hindi na ito ngayon nagsusuot ng salamin.

Sumeksi rin ito lalo kaya sa tuwing nakikita niya ang dalaga ay hindi niya mapigilang magreak ang katawan niya dito.

Buti na lamang ay napipigilan niya pa ang sarili niya, kung hindi ay baka masundan na nila si Carlo.

Simula ng maka-alala na siya ay palagi niyang binibisita patago ang anak niyang si Carlo.

Kahit hindi na aminin ng dalaga sa kanya ay alam niyang anak niya si Carlo.

Alam naman niyang natatakot rin ang dalaga sa kanya dahil sa nangyari noon. At iyon ang pinagsi-sisihan niya.

“Kung ipinaglaban ko lang sana ang relasyon namin. Hindi na siguro kami aabot sa ganito.”

Naramdaman naman ni Leah na may nakatitig sa kanya kaya naman ay nag-angat siya ng tingin.

Nagtama naman sila ng tingin ni Troy.

Hindi magawang alisin ng dalawa ang pagkakatingin nila sa isa’t-isa. Para silang hinihigop ng mga mata nila papalapit sa isa’t-isa.

Hindi na nila namamalayan na unti-unting ng lumalapit ang mga mukha nila.

Para silang nabibingi dahil sa parehas na bumibilis ang pagtibok ng puso nila.

Ibinaba naman ni Troy ang tingin niya sa labi ng dalaga.

May naguudyok sa kanyang halikan ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili.

Napansin ni Leah na nagbaba ng si Troy sa labi niya kaya naman ay hindi niya mapigilang mapa-kagat sa labi niya.

Bigla naman nagiba ang mukha ni Troy.

“Stop that.” Maotoridad na sambit ni Troy habang nakatingin pa rin sa mga labi niya.

“S-Stop, what?” Takang tanong ni Leah.

Kinakabahan naman siya dahil sa nagiiba ang ekspresiyon ng binata.

Kaya naman ay hindi niya mapigilang kagatin muli ang labi niya dahil sa nerbiyos.

“God d*mm*t!”

Ilang saglit lang ay naramdaman na lang ni Leah ang mga labi ni Troy sa kanya.

Napahawak naman siya sa mga balikat ng binata ng magsimulang gumalaw ang mga labi nito.

“Mmghh.” Hindi mapigilang *ngol ni Leah.

Nagsisimula na ring magreak ang katawan niya.

Napasinghal naman siya ng kagatin ng binata ang labi niya dahil para ibuka ito. Mas lalong lumalim ang halikan nila ng magsimulang laruin ni Troy ang dila niya sa loob.

“Mmhh. Ohh---mghh.”

Ipinulupot naman ni Troy ang kamay niya sa bewang ng dalaga sabay hila nito palapit sakanya dahilan para umupo ito sa mga hita niya.

Medyo umangat na rin ang palda ni Leah. Nagsimula na ring maglakbay ang mga kamay ng binata sa katawan ng dalaga na nagpapa-dagdag init dito.

Nang maramdaman na hindi sila makahinga ay nagbitaw sila ng halik. Magkadikit ang mga noo nila habang naghahabol ng hangin.

“Leah…” Saad ni Troy at tumingin muli kay Leah.

Hindi alam ni Leah ang gagawin niya. Nagtatalo ngayon ang isip at nararamdaman niya.

“Itigil mo na ito, Leah. Tandaan mo ang ginawa sayo ni Troy. Mauulit-ulit iyon kapag ipinagpatuloy mo pa ito.” Saad ng utak niya.

Nakaramdam naman ulit siya ng takot. Natatakot siya dahil baka lokohin na naman ulit siya nito. Ayaw niya na ulit maranasan ang sakit na ipinaramdam nito sa kanya.

“But…I miss him. I can’t stop missing him. Why? Nahuhulog na naman ba ako sakanya?”

Muli, naramdaman uli ni Leah ang paglapat ng mga labi nila ng binata. Dahan-dahan na ito hindi tulad ng kanina na may pagka-agresibo ang palitan ng halik nila.

Napahawak naman si Leah sa ulo ni Troy dahilan para mas lumalim pa ang halikan nila.

Nagsimula na ring hagurin ng mga palad ng binata ang bewang ng dalaga. Ilang saglit lang ay naramdaman na ni Leah ang pagtaas ng tuck-in shirt niya.

Bumaba na rin ang mga labi nito sa leeg niya. Napa-*ngol naman si Leah ng makita ni Troy ang ‘sweer spot’ ng dalaga.

“Ohh…T-Troy…”

Napasabunot na lang si Leah ng sipsipin iyon ni Troy dahilan para magiwan ng marka doon.

Nanginig naman ang katawan ng dalaga ng naramdaman ang pagpasok ng mga kamay ng binata sa loob ng suot niyang polo. Sabay nito ang unti-unting paghalik sa gitnang dibdib ni Leah.

Para siyang kakapusin sa hangin dahil sa nararamdaman niya.

Bumalik ulit ang mga labi ng binata sa kanya. Hinawakan naman ni Troy ang ulo ni Leab para palalimin pa ang halik.

Tumugon ng halik si Leah habang yakap-yakap sa leeg ng binata.

Parehing nagiinit ang mga katawan nila.

Naramdaman ni Leah na hawak na ng isang kamay ni Troy ang lock ng br* niya. Ngunit bago pa iyon matanggal ay isang tunog ng telepono ang bumasag sa mainit nilang ginagawa.

Nagbitaw naman sila ng halik sa isa’t-isa. Napasubsob na lamang si Leah sa mga balikat ni Troy.

“D*mn. Bitin!” Rinig na sambit ni Leah sa binata.

Hindi mapigilang mapangiti ni Leah sa reaksiyon ng binata. Nagpapasalamat naman si Leah sa telepono para itigil ang ginagawa nila Troy.

Nag-ring ulit ang telepono kaya naman ay bumaba sa pagkaka-upo si Leah sa mga hita ng binata.

Padabog naman na tumayo ang binata at pinuntuhan ang desk nito.

Si Leah naman ay inayos na ang sarili at saka dahan-dahang pumunta sa table niya para kunin ang mga gamit niya.

Tumingin ulit siya sa binata nakita niyang galit na galit ito sa kausap sa kabilang linya.

Hindi na siya nagpaalam dito at agad na sumakay ng elevator. Nang makasakay sa elevator ay naramdaman ni Leah ang pag-init ng ng mukha niya.

Napahawak naman siya sa dibdib nito ng maramdamang tumitibok ito ng mabilis. Napahilamos naman si Leah sa mukha niya ng mapagtanto ang nangyari sa office ng binata.

“Really, Leah. Nahuhulog ka na naman ba ulit? Paano na si Ariel?”