Chapter 20
NAGULAT si Sandra sa sinabi ng doktor, alam naman niyang hindi siya tunay na anak ni Mr. Lopez, kaya’t hindi narin siya umasang posibleng maging same blood type sila ng kanyang ama. Kung iisipin ay napakaliit lamang ng chance na maging AB negative din siya at isa pa ay ilang porsyento lamang ng populasyon ang nagtataglay noon.
Kaya naman laking pasasalamat niya ng magtugma ang kanyang dugo kay Mr. Lopez.
Pagkatapos makuhaan ng dugo ni Sandra ay pinasok na din sa operationg room si Mr. Lopez.
Hindi mapakali ang dalawang anak ni Mr. Lopez, kinakabahan at nababahala sila sa kung anong pwedeng mangyari sa operasyon.
“Magpahinga ka muna, umidlip ka muna kahit sandali” nag aalalang wika ni Jacob kay Cali.
“Hindi rin mapapalagay ang isip ko, kaya’t di ko rin magagawang makatulog” sagot naman ni Cali.
Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na ang Doktor sa operating room, nagtayuan silang lahat upang salubungin ito.
“Dok, kamusta po, ano pong lagay ng dad ko?” Wika ni Sandra.
“Thanks God, He is safe! The operation is successful and stable na siya. Maya maya lang ay pwede na siyang ilipat sa patients ward.” Masayang wika ng doktor.
Agad namang silang nagpasalamat sa doktor at para namang nabunutan ng tinik si Cali ng marinig ang sinabi ng doktor, napayapa na din ang kanyang isipan, maging si Sandra ay ganun din.
Hinihintay na lamang nila noon si Dr. Lopez na mailipat sa ward.
Nagpasya naman si Jacob na bumili muna ng makakain sa labas, dahil anong oras na at hindi padin sila naghahapunan ni Cali, sadyang nag-aalala na siya sa kanyang mag ina, sumama din sa kanya si Ace upang ibili ng maiinom si Sandra.
Sabay na lumabas ng hospital ang dalawang lalaki. Samantalang si Sandra at Cali ay naiwan doong nakaupo at isang upuan lamang ang kanilang pagitan. Para bang naging awkward ang paligid ng sila na lamang dalawa doon, tahimik lang sila at tila ba walang nais magsalita hanggang sa ilang sandali pa ay tuluyang binasag ni Sandra ang katahimikan ng magsalita siya.
“Are you okay?” Tanong ni Sandra kay Cali.
Tanging tango lamang ang sinagot ng dalaga.
“Sana mapatawad mo ako,” wika ni Sandra at sabay napayuko ito.
“I am just jealous! Kaya ko nagawa yun, Dad always thinks of you, every single day of his life, even though I'm there.”
“That’s why I thought I am not good enough because he's still searching for you for over a decade. But now I understand that the love, for you, his real daughter will not die or fade no matter what.”
“You know, growing up without parents is really hard. Iniwan ako ng mama ko sa tita ko noon when I was 6 years old. Sabi nya aalis lang daw sya saglit at babalik din sya pero ilang buwan at taon na ang lumipas ay wala ng bumalik pa. Lagi akong binubuogbog ng asawa ng tita ko kasi palamunin daw ako. So at a young age, lumayas ako sa bahay nila, nagpalaboy laboy ako. It was so hard.”
“Alam mo ung pakiramdam ng walang makain, walang matirhan, walang matakbuhang pamilya, walang nag aalaga. All you have is yourself.”
“And then, one day, may isang milagrong nangyari, your dad found me, naawa siya sakin noon and he decided to keep me, pinakain, binihisan, pinag aral at inampon. And little did I know, he has a lost daughter pala.”
“After a couple of years, nalaman ko na pinapahanap ka niya, I got really jealous, kasi baka pag bumalik ka ay iiwan niya na ako at ibalik niya ako kung saan ako nanggaling. Since then I fought for my position, I always tried to be the best, ginalingan ko at everything.”
“So atleast he can be proud of me. I always do what he wants because he's all I have. But now that he found you. I already understand. I will accept my fate. I was happy and thankful that I met him”
Mahabang wika ni Sandra, na noon ay umiiyak na, si Cali ay ganun din at hindi na napigilang mapaluha sa mga sinabi ni Sandra, buong akala niya ay masaya ang buhay nito sa piling ng kanyang ama, ngunit mali siya, dahil punong puno pala ito ng takot sa pagbabalik niya.
Niyakap niya si Sandra at niyakap din naman siya nito pabalik, tanging patak ng luha at mahinang paghikbi lamang ang maririnig mula sa dalawa.
Hanggang sa dumating ang doktor.
“Your dad is fine, don’t cry girls. Nailipat na namin siya sa ward, you can see him now.” Wika pa ng doktor ng mapansin na nag iiyakan ang dalawa.
Agad namang humiwalay sa yakap at nagpunas ng luha ang dalawa ng marinig nila ang sinabi ng doktor. Agad nilang sinundan ang doktor at nagtungo kong asan ang kanilang ama.
Nang pumasok nga sila sa isang kwarto ay doon nila nakita ang kanilang ama, wala padin itong malay, pero sabi ng doktor ay maya maya ay gigising din daw ito.
Matiyagang nag hintay muna ang dalawa sa pag gising ng kanilang ama, hanggang sa makatulog nga ang mga ito habang nakapatong ang kanilang ulo sa kama.
Nagmulat ng mata si Mr. Lopez. Inikot niya ang kanyang paningin, doon lang niya narealize na nasa hospital na pala siya. At doon ay napansin niya ang dalawang babaeng mahimbing na natututog sa tig kabilang gilid ng kanyang higaan.
Napangiti siya at may kaunting luhang tumulo sa kanyang mga mata ng makilala kung sino ang dalawang yun, walang iba nga kundi si Cali at Sandra.
Hinawakan pa niya ang buhok ng dalawa at hinahaplos haplos iyon, labis ang kanyang kaligayahang nararamdaman ngayon, dahil sa wakas ay natagpuan na din niya si Allison at ngayon ay mukhang magkasundo pa ang dalawa niyang anak, kaya’t tila ba ay wala na siya magiging problema pa.
Maya maya pa ay dumating na ang dalawang lalaki, si Ace at Jacob. Laking gulat nila ng makitang gising na si Mr. Lopez at hinahaploas pa ang buhok ng dalawang babae, napansin naman ni Mr. Lopez ang dalwang lalaking nasa pinto.
Sinenyasan niya ito na huwag maingay dahil nga natutulog ang dalawa niyang anak, noon naman ay sabay sabay na mahinang napatawa ang tatlo, at napangiti na din sa labis na kaligayahan.
Umaga na noon at sabay pang nagising ang dalawang babae, nanlaki ang kanilang mga mata ng makitang gising na si Dr. Lopez at nakangiti itong pinagmamasdan sila. Sabay na niyakap ni Sandra at Cali ang kanilang Ama, at hindi rin mawawala doon ang iyakan.
PAGKALIPAS NG DALAWANG BUWAN.
“Hello? Yes! Bakit hindi kayo matutuloy, Myghad! Anong klaseng catering service ba ito! And you're telling me just now! Na nagkaproblema sa scheduling niyo. What the F!” Mataray na wika ni Sandra sa kausap niya.
Nabalitaan kasi nitong hindi matutuloy ang pagca-cater ng mga ito, dahil nagkaproblema sila sa tao.
Stress na stress si Sandra dahil hindi na niya alam ang gagawin niya ngayon, kung saan pa sila makakakuha ng on the spot na catering service, eh mamaya ng 6pm ang pa surprise party nila kay Cali.
Wala namang ka-alam alam noon si Cali na merong nakahandang party sa kanya mamaya, samantalang ngayon ay pa chill chill lamang siya sa kwarto habang nanunuod sa netflix, nasa bahay parin siya ni Jacob at medyo lumalaki nadin ang tyan niya.
Apat na buwan na siyang buntis noon at kasama nya ngayong ang ina ni Jacob dahil nagpu-pumilit ito na sa bahay ni Jacob tumira upang may makasama si Cali dahil si Jacob ay naging busy sa kompanya at kung saan saan ang business meeting nito.
Ngayon nga ay nasa ibang bansa ito upang kausapin ang mayamang amerikanong gustong maging investor sa bago nilang ila-launch na project.
“Iha, I forgot to tell you, mamaya pala punta tayo sa party ha inaya kasi ako ng kumare ko at birthday kasi niya. Nagpaalam na din ako kay Jacob na isasama kita para naman hindi ka mabagot dito” - wika ng ina ni Jacob.
“Sige po Mommy” wika naman ni Cali.
Madali namang nagkasundo si Cali at ang ina ni Jacob dahil mabait naman ito at lalo pa nga nitong ikinatuwa na magkakaroon na siya ng apo. Alam na din niya ang totoo sa pagkatao ni Cali.
Hindi naman maiwasan ni Cali ang ma-miss si Jacob dahil tatlong araw na ang nakakalipas ng umalis ito at sabi nito sa kanya ay isang linggo daw siyang mawawala. Simula noong pumunta ito ng America ay tuwing gabi na lamang niya ito nakakausap sa video call, dahil sa sobrang pagkabusy doon.
Pero hindi naman nakakalimot ang binata na mag update sa kanya, paminsan minsan naman ay nag memessage ito.
DUMATING ang alas singko ng hapon at maliligo na sana si Cali bilang paghahanda sa pagpunta nila sa Party na sinabi ng momi ni Jacob. Papasok na sana siya ng banyo ngunit may biglang kumatok sa labas, nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang ina ni Jacob at iniabot sa kanya ang isang paperbag.
“Momi, ano po ito?” Tanong ni Cali.
“Just wear it honey, it will be nice to you” wika ng matanda at tuluyan ng umalis.
Nakaharap ngayon si Cali sa malaking salamin, tinignan niya ang kabuuhan ng kanyang sarili.
Naka simpleng ayos na siya ngayon, hindi naman siya nagme-make up kaya’t lipstick at kaunting blush on lamang ay sapat na.
Nakasuot siya ngayon ng red maxi dress, na bigay ng ina ni Jacob, namangha pa siya ng isuot yun dahil hindi nahahalata doon ang kanyang lumalaking tiyan. Ilang sandali pa ay muling kumatok ang ina ni Jacob, na di naman mapigilang mamahangha sa taglay na kagandahan ni Cali, sabay na silang bumaba at sumakay ng sasakyan. Nagpahatid na lamang sila sa driver.
Nakarating sila sa isang private villa, tahimik ang lugar pero may mga christmas lights sa paligid na lalong mas nagpaganda ng ambiance.
“Momi, bakit parang wala naman pong tao, hindi po kaya masyado tayong maaga?” Wika ni Cali, na noon ay nagtataka kung bakit walang ibang tao.
“Ah, siguro nasa loob sila ng function hall,” wika naman ng matanda.
Noon din ay agad silang nagtungo sa sinasabing function hall ngunit pagbukas nila noon ng pinto ay isang madilim na lugar lang iyon. Ni walang makikitang kahit ano, na mas lalong pinagtaka ni Cali. Ngunit ilang sandali pa ay nagkaroon ng spotlight at nakatutok ito sa kanya, at yun lamang ang tanging ilaw doon. Nagtataka naman si Cali kung ano ba ang nangyayari.
Ilang sandali pa ay narinig niya na may mga taong kumakanta ng Happy Birthday at doon ay nagsimulang lumiwanag ang buong paligid, tumambad sa kanya ang napakaraming tao na hindi naman niya kilala ang iba doon, maya maya pa ay lumapit na sa kanya si Sandra at ang kanyang ama na patuloy padin sa pagkanta ng Happy Birthday! Agad siyang niyakap ng mga ito.
“Sinong may Birthday?” Nagtatakang tanong ni Cali.
“Ngayon ang tunay mong kaarawan anak!” Wika pa ng kanyang amang si Dr. Lopez.
Laking gulat naman ni Cali sa sinabi nito, nanlaki pa ang kanyang mga mata at hindi siya makapaniwala na para sa kanya ang birthday party na iyon. Buong buhay niya ay ngayon lang niya nalaman na October 8 pala ang kanyang tunay na kaarawan bilang si Alison.
“This is organized by your sister” wika pa ni Dr. Lopez kay Cali, noon naman ay napatingin siya kay Sandra at naluluhang niyakap at nagpasalamat siya dito.
Noon din ay ayos na ang problema ni Sandra sa catering, dahil to the rescue naman si Ace, ginamit nito ang kanyang mga connection upang masulusyunan ang problema ni Sandra.
Nagsimula na ang Party at nagsalita si Dr. Lopez, doon ay pinakilala niya na din si Cali, bilang si Kristin Alison Lopez na nawawala niyang anak.
Gulat naman ang mga tao doon, ngunit hindi mapigilang maluha ng mga ito dahil sa kwento ni Dr. Lopez, tungkol sa mga pinag daanan niya sa paghahanap sa kanyang anak, na talaga namang napakasakit para sa isang ama.
Nakaupo naman doon si Cali sa isang table kalapit si Sandra, Ace, at si aling Nancy at ang ina ni Jacob.
Hindi na mapigilang maluha ni Cali sa mga naririnig niyang salita mula sa kanyang ama, na halos ikadurog din ng kanyang puso, noon naman ay labis din ang pagluha ni Aling Nancy dahil alam niyang siya ang may kagagawan kung bakit pinagdaanan iyon ni Mr. Lopez.
Taos puso na din siyang humingi ng tawad dito at sadyang napakabuti ni Mr. Lopez dahil napatawad siya nito agad.
Napansin ni Cali na tumutunog ang kanyang cellphone at nakita niyang tumatawag si Jacob. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito.
“Happy Birthday! Sorry If I am not there to celebrate it with you,” malungkot ngunit malambing na wika ni Jacob.
Magsasalita na sana si Cali ngunit biglang naputol ang tawag, parang mahina yata ang signal sa loob ng function hall, kaya tatayo na sana siya upang lumabas para muling matawagan si Jacob.
Ngunit napatigil siya ng biglang mamatay muli ang ilaw at nakatutok na muli sa kanya ang spotlight. Halos mapaluha si Cali ng marinig sa speaker ang boses ni Jacob. Nais man niyang hanapin kung asan ito ay hindi niya magawa dahil wala siyang ibang makita.
“To my dearest Cali or Allison! Or whoever you will be,”
“I am sorry for surprising you like this, stay seated my love, because this will be a very long message for you, but first of all Happy Birthday” Nang marinig iyon ni Cali mula kay Jacob ay agad siyang umupo, noon ay nakatutok parin sa kanya ang spotlight.
“You know when I first met you, I admit that you didn't catch my attention.” Pagpapatuloy ni Jacob.
Mahina namang napatawa sa sinabi ni Jacob ang mga tao sa paligid.
“But when I came to know you, I got this feeling inside me, that's burning. You opened up a new world within me. You helped me see the good in everyone and everything! Because of you I am more centered, more gracious and more passionate.”
“Because of you, I know there’s more to life that I ever thought possible. I want nothing more than to hold you forever and have you by my side for all eternity. This maybe the first time that I will be saying this to you, because this words are so precious to me, and so are you.”
“I love you, Kristin Alison Lopez! Will you be my wife?”
Abangan...
Kailan ba ang kasalan ng makadalo naman kami.
Itutuloy...