Chapter 19

NANG marinig ni Mr. Lopez ang huling sinabi ng kanyang private investigator ay labis niya itong ikinagulat, hindi niya lubos maisip na alam ni Sandra ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na anak.

Nang maibaba ni Mr. Lopez ang tawag ay agad siyang lumapit kay Cali at agad niya itong niyakap ng mahigpit.

“I've been looking for you this whole life! My dear daughter, Alison! Thank God! Thank God I've finally found you again,” Umiiyak na wika noon ni Mr. Lopez habang yakap yakap si Cali ng mahigpit.

Gulat na gulat naman ang dalaga sa biglaang pagyakap ni Mr. Lopez at wala siyang ka-alam alam sa mga sinasabi nito, samantalang si Jacob naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang dalawa, hindi rin siya makapaniwala ng malamang si Cali pala ang nawawalang anak ni Dr. Lopez.

Hinayaan na lamang ni Cali na yakapin siya ni Mr. Lopez, tila ba ay ayaw pa ng matanda na humiwalay sa pagkakayap sa kanya dahil patuloy padin itong umiiyak. Kahit hindi niya maintindihan ay hinaplos haplos nalang din niya ang likod nito.

Tila ba ay bumabawi si Mr. Lopez sa pamamagitan na lamang ng yakap para sa mga panahong hindi niya nakasama ang kanyang nag iisang anak, walang katumbas na kaligayahan ang mga oras na yun para sa kanya.

Dalwang pong taon ang kanyang hinintay bago makitang muli si Allison, buong akala niya ay hindi na niya ito masisilayan pang muli, kaya’t ngayon ay labis ang kanyang pasasalamat sa Diyos na muli silang pinagtagpo ng kanyang anak.

Maya maya pa ay may pumasok na isang babae, na gulat na gulat ng makitang yakap yakap ni Mr. Lopez si Cali, walang iba kundi si Sandra.

“Whats happening here?” Tanong ni Sandra, habang pinagmamasdan ang mag-ama. Noon naman ay agad na humiwalay sa yakap si Mr. Lopez at hinarap si Sandra.

“What's happening to you, Sandra!!” Wika ni Mr lopez.

“How dare you to hide the truth from me?” Naiiyak na wika ni Mr. Lopez, kahit disappointed siya kay Sandra ay hindi niya magawang magalit dito, dahil itinuring na din niya itong tunay na anak.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sandra ng marealize niya kung ano ang tinutukoy ng kanyang ama. Noon ay napako pa ang tingin niya kay Cali, na noon ay naguguluhan padin sa nangyayari.

Matagal ng alam ni Sandra ang totoong pagkatao ni Cali, limang taon na ang nakakaraan simula ng ipahanap niya ang tunay na anak ni Mr. Lopez. Lahat ng private investigator na hina-hire ng kanyang ama ay binabayaran niya ng malaki upang hindi nila isiwalat ang katotohanan.

Dahil ayaw niyang magkaroon ng kahati pa sa pagmamahal ng kanyang ama.

“You disappoint me, Sandra! Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa pagpapalaki sayo! Pinalaki kita sa pagmamahal, pero bakit? Bakit mo nagawa sakin to, sa kapatid mo?! Bakit mo tinago ang pagkatao ng tunay kong anak, higit sa lahat ay ikaw ang nakakaalam kung gaano ako nangungulila kay Alison,” Wika pang muli ni Mr. Lopez habang si Cali at Jacob ay tahimik lang na nakikinig sa dalawa.

“I am sorry dad,” naluluhang wika pa ni Sandra sa ama.

Ang totoo niyan ay balak na niya talagang sabihin ang katotohahan na si Cali ang nawawalang anak ni Mr. Lopez, dahil pabor din naman iyon sa kanya upang hindi na siya ipakasal pa nito kay Jacob, alam din niyang nahuhulog na ang loob ni Jacob kay Cali dahil hanggang ngayon ay pinapa-imbestigihan niya padin si Cali.

Inaalam niya kung ano ang mga nangyayari sa buhay nito. Laking gulat nga niya noon ng malaman nya na sa kompanya pala ni Jacob nag apply si Cali at swerteng natanggap ito hanggang sa isang araw nagulat na lamang siya ng makita ang dalaga sa mismong opisina ni Jacob at nagtatrabaho na pala ito bilang Assistant ng kanyang nobyo.

Kaya’t sadyang tinarayan niya ito noon kahit wala namang dahilan.

“I just regret” -- Huminga muna ng malalami si Mr. Lopez bago niya ituloy ang kanyang salita at tila ba pinag iisipan pa niya kung sasabihin niya iyon.

“Regret what? Ituloy mo dad, bakit pinagsisisihan mo bang inampon mo ako?” Pigil na luhang wika ni Sandra.

“Pinagsisihan mo na bang pinulot mo pa ako sa daan, habang namamalimos ako dun at halos walang makain. Kung pinagsisishan mo ang araw na yun, ako hindi! Kasi yun ang pinaka masayang araw para sakin kasi nagkaroon ako ng Pamilya, kahit ikaw lang, kaya ginawa ko lahat ng gusto mo para maging masaya ka.”

“Ako ang naging Alison sa buhay mo, ginawa ko lahat ng gusto mo! Kahit ang pagpapakasal kay Jacob na hindi ko naman gusto!” Sabay tingin niya kay Jacob at gulat naman ang binata sa kanyang narinig.

“I tried to love him, but I can't! I broke up with Ace, I let go the man I love, for your happiness of seeing me, marrying him!” Turo pa ng dalaga kay Jacob.

“You know what dad! You know what your real daughter wants! But you never ever ask me, even once, what I really want! Because you never see me as myself, you always see me as your lost daughter, Allison, and now that she's here! I'm done being your daughter. I am sorry for not telling the truth, I really mean it!” Mahabang wika pa ni Sandra, at umiiyak na tumalikod at lumabas na ng bahay.

Noon naman ay naiwan ang tatlo doon na halos walang salitang mabigkas at gulat na gulat sa mga isiniwalat na katotohanan ni Sandra.

Si Mr. Lopez ay hindi na nagawang pigilan pang umalis si Sandra, hindi niya alam na ganun pala ang nararamdaman nito.

Buong akala niya ay naibigay niya ang buong pagmamahal niya dito ngunit siguro nga ay tama si Sandra dahil sa labis na pangungulila niya kay Alison ay inakala niyang ito ang tunay niyang anak, at ni minsan ay hindi niya naitanong ang mga bagay na gusto ni Sandra, dahil siya lagi ang nagdedesiyon sa buhay nito dahil yun ang sa alam niyang tama at makakabuti.

SAMANTALAN, si Cali ay labis paring naguguluhan, ngayong nalaman niyang siya pala si Alison, ang nawawalang anak ni Dr. Lopez, hindi niya lubos maisip kung paano nangyari yon at marami siyang naging tanong sa kanyang isipan.

Kasama na ang mga ala-alalang paminsang minsang bumabalik. Nanatiling nakatulala si Cali sa labis na pagkabigla, napukaw lang ang kanyang atensyon ng muling hawakan ni Jacob ang kanyang kamay.

“Ayos ka lang ba?” Mahinahong tanong ni Jacob.

“Oo ayos lang ako, di lang ako makapaniwala sa mga nangyayri ngayon!” Wika pa ni Cali.

Maya maya ay napansin nilang dumadaing si Mr lopez at nakahawak ito sa kanyang puso na parang nahihirapan itong huminga. Ilang segundo lamang ay bumulagta ito sa sahig.

Agad na tumayo ang dalawa at pinuntahan si Mr. Lopez ngunit noon ay wala na itong malay, hindi na sila tumawag pa ng ambulansiya dahil matatagalan pa iyon, agad na lamang nilang isinakay si Mr. Lopez sa sasakyan.

Hawak hawak ito ni Cali at na noon nga ay labis ang pag-aalala sa sinasabing tunay niyang ama.

Halos paliparin ni Jacob ang sasakyan sa bilis ng kanyang pagmamaneho kayat agad silang nakarating sa pinakamalapit na hospital.

Pagdating nila ng hospital ay agad silang dinaluhan ng mga nurse at doctor, nagulat pa ang mga ito ng makilala kung sino ang lalaking walang malay noon.

Sikat at magaling na doktor kasi si Mr. Lopez at minsan ng natampok ito sa telebisyon at pahayagan, marami din ang humahanga sa kanya bilang isang magaling na surgeon kaya’t ganun na lamang ang pag aatubili ng mga nurse at doktor na agad itong malapatan ng lunas.

Agad nilang pinasok sa emergency room ang nasabing doktor.

ISANG oras din ang tinagal na pag hihintay ni Jacob at Cali, mula sa labas ng emergency room, hindi na mapigilang maiyak ni Cali, masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa kanya, hindi pa nga siya nakakabawi sa pagkabigla ng malaman ang katotohan tungkol sa kanyang pagkatao ay ngayon naman ay nasa hospital ang kanyang ama.

Hindi pa alam kung anong kalagayan nito, si Jacob ang tangi niyang naging sandalan ng mga oras na yun, hindi naman siya nito pinapabayaan.

Ilang sandali pa nga ay lumabas na doon ang isang doktor at kinausap sila nito tungkol sa kalagayan ni Dr. Lopez.

“The patient is stable now, but if you we're a minute late, it could be hard for him to survive.” Wika ng doktor sa dalawa, noon naman ay hindi na muling napigilan ni Cali ang pag iyak, napasandal na lamang siya sa dibdib ni Jacob.

“But still, there's a problem we have to operate him as soon as possible because he might have an attack again, it was so severe that the next attack could put his life at risk, or could end his life.” Dugtong pa muli ng doktor na lalo pang mas nagpahina kay Cali,

“So, I just needed your consent for the operation, who is the guardian of the patient?” Tanong ng doktor.

"Ako po" sabay na wika ng dalawang babae, hindi nila namalayan ang pagdating ni Sandra at malinaw ang lahat ng kanyang narinig sa sinabi ng doktor.

Napalingon naman si Cali at Jacob ng marinig ang sinabi nito, nagkatingan pa si Cali at Sandra.

“Okay, are you the daughters. I just needed one of you to sign the consent form.” Wika pa ng doktor, tinignan ng doktor ang dalawa at hinihintay magpasya kung sino ang pipirma at sasama sa kanya.

“You should go, Alison.” Wika pa ni Sandra noon kay Cali.

“Hindi, Ikaw ang pumirma, dahil ikaw ang ka apelyedo niya, Sasamahan nalang kita.” Wika pa ni Cali.

Noon din ay sabay na sumama ang dalawa sa doktor at tuluyan ngang pinirmahan ang consent form. Sabay din silang bumalik sa upuan, hindi man nag iimikan ang dalawa ay mababakas naman ang kanilang pag aalala sa kanilang ama.

Mamaya na agad ang schedule para sa operasyon si Mr. Lopez , at inihahanda na lamang ng doktor ang kanilang kakailanganin para sa operasyon.

Nasa waiting area padin ang tatlo, magkatabi si Jacob at Cali, habang nakayakap si Jacob kay Cali. Kinokomport at pinapalakas niya ang loob ng dalaga, samantalang si Sandra noon ay nakatulala lamang at nasa pinakadulong upuan malayo sa dalawa.

Hindi rin maiwasan ang kanyang pag-aalala sa kung anong pwedeng mangyari sa kanyang ama ngunit kailangan niyang tatagan ang kanyang loob dahil wala siyang ibang kakapitan kundi ang kanyang sarili lamang.

Maya maya pa ay dumating nga ang isang lalaking humahangos at ng makita nito si Sandra ay agad siyang umupo sa tabi nito at niyakap ito ng mahigpit.

“Ace, I can't live without my dad! I can’t lose him.” Wika ni Sandra na noon ay tuluyan ng tumulo ang mga luha nito sa mga balikat ni Ace.

“Don't cry, honey! Everything will be fine” wika naman ni Ace kay Sandra at kinokomport niya din ang dalaga.

Ilang oras pa silang nag hintay at muling lumapit ang doktor sa kanila, at hinahanap ang dalawang anak ni Mr. Lopez upang kausapin. Noon naman ay agad na tumayo ang dalawa.

“We have a problem, we don't have a enough blood to proceed for the operation, tumawag na din kami sa blood bank pero nagkaubusan ng AB- negative,” wika ng doktor.

So sino sa inyo ang pwedeng mag donate sa mga anak niya baka may AB- negative din sa inyo.

Pagkasabi noon ng doktor ay agad na tinginan ang dalawa, alam ni Sandra na hindi niya kadugo si Mr. Lopez.

“Ako po, AB negative ako” wika ni Cali sa doktor.

“No. You can’t donate! You're pregnant! It might affect our baby.” Wika ni Jacob na ikinagulat namn ni Ace at Sandra.

Tama naman ang sinabi ni Jacob, kaya hindi talaga maaring magdonate si Cali. Kaya noon ay naisipan na lamang ng doktor na baka merong AB negative sa tatlo, pumayag naman sila na magpatest ng blood type.

Pagkatapos makuhanan ng dugo ay isang oras lang ang kanilang inantay at nalaman na ang resulta, agad na bumalik sa kanila ang doktor upang ianunsyo ang magandang balita.

“We have the result! We have now a donor, one of you, has AB negative blood type. And it’s you Ms. Casandra!” Wika ng doktor.

Laking gulat naman ni Sandra, nang malaman na same blood type din pala sila ng kinikilalang ama, halos makahinga naman ng maluwag si Cali ng malaman ang magandang balita, ang bloodtype na AB- negative ay bibihira lamang, kaya’t laking pasasalamat niya na ganun din ang blood type ni Sandra at hindi na sila mahihirapang maghanap pa.

“Well it’s not impossible for you to have the same blood as your father,” wika pa ng doktor kay Sandra.

Abangan...

Ano kaya ang susunod na mangyayari? Magiging successful kaya ang operasyon ni Dr. Lopez? At napaka bihirang pagkakataon ay naging mag pareho pa sila ng blood type? Meron kayang hindi alam si Mr. Lopez at Sandra tungkol dito?

Itutuloy...