Epilogue
Nang bigkasin ni Jacob ang kanyang huling salita ay kasabay noon ang pagbukas ng mga ilaw, at kasabay din noon ang pagtugtog ng isang magandang kanta.
Lalong ikinagulat pa ni Cali ng tumambad sa kanyang harapan ang nakaluhod na si Jacob habang may hawak hawak itong singsing.
Di naman mapigilan ni Cali ang pag agos ng kanyang mga luha ng mga oras na yun, hindi niya lubos akalain na nasa harapan niya ngayon si Jacob, dahil buong akala niya ay nasa ibang bansa pa ito.
Ang hindi alam ni Cali ay nakaplano na talaga ang proposal ni Jacob na isasabay sa kanyang kaarawan, talagang pinagtulong tulungan iyong paghandaan upang masurpresa si Cali.
Isang malakas na palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw sa buong paligid ng sambitin ni Cali ang kanina pang gustong marinig ni Jacob, walang iba nga kundi ang salitang.
“Yes, I will be your wife” Wika ni Cali sabay noon ang pagsuot ni Jacob ng singsing sa kanyang daliri at agad niyang niyakap ang dalaga na noon ay patuloy padin sa kanyang pagluha sa labis na kaligayahan nararamdaman.
Pagkatapos ng mahigpit na yakap ay kasunod noon ang isang matamis na halik na iginawad sa kanya ng soon to be wife na si Cali. Napapikit naman si Cali ay sadyang dinama rin ang halik na yon, sa kanyang pagpikit ay kasabay noon ang pagbalik sa kanyang gunita ng mga ala-ala noong bata pa siya.
“Halika, laro tayo sa labas” wika ng batang lalaki pagkatapos itong maipakilala kay Ali.
Ngunit sadyang mahiyain ang batang babae at tila ba ayaw makipaglaro sa kanya, ngunit wala ng nagawa ang batang babae ng hawakan siya sa kamay at hilahin siya ng bata papalabas ng opisina ng kanyang lolo.
“Maglaro tayo ng tagu-taguan Ali?” Wika ni Jekjek, ang batang lalaki.
Pumayag naman ang batang babae,
Ngunit noon ay hindi na naging malinaw ang kasunod na nangyari sa ala-ala ni Cali, ang huling ala-alang pumasok sa isip niya ay hinalikan siya ng batang lalaki sa kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumalikod na ang bata, at doon niya napansin ang birthmark nito sa batok, na katulad ng nakita niya kay Jacob.
Nang matapos ang halik sa kanyan ni Jacob ay kasabay noon ang kanyang pagmulat at mahinang nasambit niya ang pangalang Jekjek at deretso niyang tinignan sa mga mata si Jacob na noon ay walang ka-alam alam na bumalik na ang kanyang mga ala-ala.
Noon ay maging ang mga bisita, kamag-anak at kaibigan ay hindi mapigilang maantig sa napakagandang tagpong iyon.
At mapapansin naman doon ang isang babaeng nakangiti ngunit nagpapahid ng kanyang luha.
Hindi niya namalayan na habang pinagmamasdan ang proposal ni Jacob at Cali ay maluluha siya, na wari mo ba ay naiinggit sa kanyang nasaksihan.
Napukaw naman ang kanyang atensyon ng may tumawag sa kanya.
"Skaiya, Iha andito ka lang pala” tawag ng isang ginang.
Agad namang nag ayos ng sarili si Skaiya ng makitang papalapit ang ginang upang hindi mahalata ang kanyang pagluha.
“Are you sad, iha? I'm so sorry that my son is not here with you” wika ng ginang kay Skaiya at saglit itong niyakap na tila ba nalulungkot din para sa dalaga, dahil kahit kasal na ito sa kanyang anak na si Jack ay hindi pa rin ito nabibigyan ng kahit konting atensyon.
Samantala, Si Sandra at Ace ay masayang masaya rin habang pinagmamasdan ang proposal ni Jacob.
“Ikaw kelan ka magpopropose? May balak ka ba talagang pakasalan ako?” Mataray na tanong ni Sandra kay Ace, na noon ay halos ikasamid ng binata na tila ba na pressure sa sinabi ni Sandra.
“I can propose here right now if you want” mayabang na wika ni Ace na tinawanan naman ni Sandra,
“Asa” wika pa ng dalaga at sabay silang nagtawanan.
*****
PAGKALIPAS NG LIMANG BUWAN...
Umagang umaga at kagigising pa lamang ni Jacob at nagkakape siya habang nagbabasa ng balita sa ipad, nang biglang umungol ang dalaga sa kanyang tabi ng dahil sa sakit ng kanyang tiyan, nang marinig ni Jacob ang pagdaing nito ay agad siyang nataranta dahil maaring manganganak na ang kanyang asawa dahil ngayon ang kabuwanan nito.
“Sandali, maupo ka lang jan ha! Kukunin ko mga gamit ng baby sa taas, sandali lang ako” wika ni Jacob na noon ay labis ang pagkataranta at dali daling umakyat sa kanilang kwarto upang kunin ang nakahandang gamit ng kanilang baby.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman noon ni Jacob, tila ba naeexcite siya dahil malapit na niyang makita ang kanyang anak, ngunit kasabay din noon ang pag-alala sa panganganak ni Cali.
Nang makuha ni Jacob ang mga gamit ng baby, ay agad niyang inalalayan si Cali pasakay ng kanilang sasakyan at agad na nagmaneho si Jacob patungo sa hospital.
Sa labis na pagmamadali at pagkataranta ni Jacob ay hindi na niya napansin ang kanyang suot noon, dahil wala na siyang ibang nasa isip kundi ang maihatid ng ligtas sa hospital ang kanyang manganganak na asawa.
Bago manganak si Cali ay nagpa civil wedding muna sila at napagpasyahan kasi nilang pagkatapos nalang manganak ni Cali tsaka sila magpapaksal sa simbahan.
NAPANGITI naman si Jacob habang pinagmamasdan ang kanyang isang taong gulang na anak na noon ay mahimbing na natutulog.
Tila ba ay kay bilis lumipas ng panahon, dahil natatawa na lamang siya sa kanyang sarili noong naalala niya kung paano siya mataranta ng malamang manganganak na si Cali, hindi niya lubos maisip na ang isang Jacob West aya nakarating ng Hospital na ang tanging suot lamang ay boxer at sando.
Wala pang kapares ang suot niyang tsinelas. Napatawa naman silang dalawa ni Cali ng maalala ang araw na yun.
“Thank you, Hon! For giving me this angel!” Wika pa ni Jacob kay Cali habang pinagmamasdan ang kanilang anak na babae.
“I love you both,” wika pa nito at sabay na hinalikan sa labi si Cali.
Ngayon ay nasa Resort sila, na pagmamay ari ng mga West. Doon din ginanap ang team building noon, napagpasyahan kasi nilang mag outing na buong pamilya, kasama din noon si Sandra at Ace, si Aling Nancy at Dr. Lopez na noon ay nagkakamabutihan na.
Pati narin ang ina ni Jacob na ngayon ay nag aalaga sa kanyang apo.
Napagpasyahan ni Jacob at Cali nag maglakad lakad sa tabing dagat, hapon na din noon at malamig na ang simoy ng hangin. Nag hihintay nalang din sila ng sunset noon at ilang sandali pa ay napagod silang maglakad kayat magkatabi silang nahiga sa isang malaking duyan sa ilalim ng puno.
Nakapatong ang ulo ni Cali sa braso ni Jacob, iyon ang ginawa niyang unan.
“Ang ganda ng sunset ‘no?” Wika ni Cali kay Jacob na noon ay pinagmamasdan ang unti unting paglubog ng araw.
Lumilitaw na din ang magandang kulay ng langit noon, kasabay pa ng tahimik na paligid at tanging alon lamang sa dagat ang nagsisilbing ingay doon.
“Yes, I agree, but it’s you who make it more beautiful for me,” Wika ni Jacob. Habang deretsong tinitignan si Cali sa mata.
“Ano nanaman yang banat mo ha?” Natatawang wika ni Cali kay Jacob. Ngunit napansin niyang seryoso ang lalaki at tanging simpleng ngiti lamang ang sagot nito sa kanya.
“You know, for me! Everything in this world is beautiful as long as you're with me.” Wika ni Jacob na noon naman ay muling nagpakilig kay Cali, at hindi nito mapigilan ang ngumiti.
Hindi parin ito nagbabago, ang bawat bitawang salita ni Jacob ay tumatagos parin sa kanyag puso. It seems that it’s always the first time for Cali. Jacob never failed to surprise her or amazed her!
Walang imik na biglang tumayo si Jacob mula sa pagkakahiga sa duyan, tumalikod ito sa kanya habang pinagmamasdan ang papalubog na araw, nagtataka naman si Cali dahil hindi niya alam kung ano ba ang gagawin nito.
“Let's spend our remaining sunset together! Until we grow old.” Wika ni Jacob at pagkatapos nun ay lumingon siya kay Cali at binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.
Dumukot siya sa kanyang bulsa at tumambad kay Cali ang isang maliit na box, muli ay di nanaman inasahan ni Cali ang kasunod na ginawa ni Jacob. Lumuhod ito sa harap niya.
“Will you marry me again?” Tanong ni Jacob.
Na muling nagpaluha kay Cali, sa labis na kaligayahan, noon ay nagyakap ang dalawa, at kasabay noong nagpalakpakan ang nasa paligid. Na kanilang pamilya, ang mga ito pala ay nasa kanilang likuran lamang at nag hihintay ng proposal ni Jacob.
Makalipas ang isang buwan ay natuloy na ang kasal ni Jacob at Cali sa simbahan.
“Please exchange your vows!” Wika ng pari.
Noon naman ay binasa ni Cali ang maikling mensahe niya para kay Jacob.
“May you never steal, lie or cheat, but if you must steal, then steal away my sorrows, and if you must lie, then lie with me all the nights of my life, and if you must cheat, then please cheat death because I couldn't live a day without you!”
*****
Sabi nga ng iba, kung para sayo talaga ang isang tao ay walang sino man o ano mang bagay ang sa inyo’y makakahadlang. Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana upang sa huli ay kayo'y pagtagpuin, ano't ano man ang manyari.
Pumasok ang assistant ni Dr. Lopez sa kanyang opisina at iniabot sa kanya ang isang papel.
“Sir, ito na po ang resulta na hinihintay niyo,” wika ng assistant at agad naman kinuha iyon ni Mr. Lopez at dali- daling binuksan at binasa ang nilalaman noon.
DNA TEST RESULT, nakasulat sa isang papel.
Cassandra Lopez, combined relatedness index 99. 9% percent.
Maraming maraming salamat po sa pagsubaybay ninyo sa storyang ito! Sana'y subaybayan niyo rin ang iba ko pang gagwaing storya.
Jacob and Cali is now signing off! Maraming Salamat po.