Chapter 18
NAPUTOL ang kulitan ni Cali at Jacob ng tumawag sa cellphone si Mr. Lopez, agad iyong sinagot ni Jacob. Napabuntong hininga na lamang ang binata ng sabihin ni Mr. Lopez na pag uusapan na nila ang kasal nila ni Sandra mamayang gabi sa bahay mismo nito.
Napansin naman ni Cali ang biglaang pagkabahala sa mukha ni Jacob ng ibaba na nito ang tawag.
“Okay ka lang ba? Anong problema?” Nag aalalang tanong ni Cali.
“He wants to talk about about the marriage between me and Sandra,” sagot naman ni Jacob.
“Come with me tonight!” Muling wika ni Jacob.
Noon ay totoong nababahala siya dahil hindi niya alam ngayon ang sasabihin niya kay Mr. Lopez dahil matagal ng napagkasunduan ang kasal na yon dahil mga bata pa lamang sila ay napag usapan na iyon ng kanilang mga lolo kaya’t alam niyan tiyak na magagalit ito.
Ngunit nais ni Jacob na isama doon si Cali upang malaman ni Mr. Lopez ang dahilan kung bakit hindi na niya papakasalan pa si Sandra.
“Sigurado ka ba?” Kinakabahang Tanong ni Cali, nang malaman nya na nais siya nito isama mamaya sa kanilang paguusap.
“Yes, I am sure! Don't worry because whatever happens, I will protect you at all cost, I'll make sure that no one will ever dare to touch you” seryosong wika ni Jacob at noon ay niyakap nito si Cali.
NAGLULUTO na si Jacob ng agahan nila ni Cali, hindi naman lubos akalain ng dalaga na marunong din pala itong magluto. Ngayon ay nakatalikod ito sa kanya at busy-ng busy sa pagluluto ng egg omelete, ito kasi ang nirequest niyang kainin.
Nakatungangnga lamang ang dalaga habang inaantay na matapos si Jacob sa pagluluto. Maya maya pa ay napansin niya ang birthmark ni Jacob sa batok nito, tila ba may ala-alang pumasok sa isip niya ng makita iyon.
Saglit na napatulala at natahimik si Cali dahil doon, hindi na niya namalayan na kinakausap pala siya noon ni Jacob.
Lumapit ang binata dahil napansin nitong nakatulala si Cali, bumalik nalang ito sa malay ng bigla niya itong halikan sa pisngi.
“What are you thinking?” Tanong ni Jacob kay Cali.
“Ah, wala may naalala lang ako,” sagot ni Cali na noon ay nagulat na lamang sa halik ni Jacob, napansin din niyang nakahanda na pala ang kanilang pagkain at tapos ng magluto si Jacob.
“Let's go to the mall before we go home, I want to buy you something,” wika naman ni Jacob.
“Ano naman bibilhin mo para sakin?” Kunot noong tanong ni Cali.
“It’s a secret” wika ni Jacob sabay kindat nito kay Cali, halos masamid naman si Cali sa ginawang yun ni Jacob, dahilan upang mapatawa na lamang silang dalawa.
ALAS DOS na ng hapon ng makarating sa mall ang dalawa, agad silang nagtungo sa isang jewelry shop doon. Pagpasok na pagpasok pa lamang nila doon ay agad silang binati ng mga staff at yumuko pa ito ng makita nila si Jacob.
Nilibot ni Cali ang kanyang tingin sa loob ng jewelry shop, isa itong sikat na brand ng mga mamahaling alahas, nanlaki ang mga mata ni Cali ng makita ang pinakamababang presyo doon ay halos kalahating milyon.
“Sir Jacob, ito po yung pinahanda niyo” wika ng isang babae at lumapit kay Jacob, iniabot noon sa kanya ang isang maliit na box, agad namang kinuha agad yun ni Jacob.
“Thank you!” Wika ni Jacob at tuluyan ng umalis ang babae.
“This is for our baby,” Wika pa ni Jacob at binuksan na ang maliit na box na iyon.
Nanlaki naman ang mga mata ni Cali ng makita ang nilalaman noon, isa iyong singsing ngunit simple lamang ang style noon.
“It's a promise ring, for our baby! I want to let you know that I will be the best father for our child, and I will never leave you both.” Wika ni Jacob.
Noon naman ay may mga namumuong luha na sa mga mata ni Cali, at hindi na niya alam ang kanyang sasabihin dahil walang salitang katumbas ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon.
“Why are you crying?” Wika ni Jacob ng mapansing tumulo ang mga luha ni Cali.
“Masaya lang ako,” sagot naman ni Cali.
Paunti unti ay pinupunasan nya ang kanyang mga luha. Noong nagbuntis siya ay tila ba mas lalo siyang nagiging emotional. Niyakap naman siya agad ni Jacob at pinapatahan.
“Wag ka munang umiyak, I am not yet proposing! But soon there will be a big surprise.” Wika pa ni Jacob.
Pagkatapos maibigay ni Jacob ang singsing kay Cali ay naisipan na nilang umuwi. Naglalakad na sila papalabas ng mall ng may madaanan silang claw machine. Napansin naman ni Cali ang cute na stuff toy sa loob noon.
“Wow ang cute” wika pa ni Cali. Noon naman ay napatingin si Jacob sa bagay na tinuro ni Cali at doon ay nakita nga niya ang cute na stuff toy.
“Gusto mo ba niyan? I'll get it for you!” Mayabang na wika ni Jacob, wala namang sinabi si Cali na gusto niya ang stuff toy na yon sadyang nacutan lang siya, pero si Jacob ay agad siyang hinila sa loob ng arcade at nagpapalit na ng token.
Nang makakuha ng token ay bumalik sila doon sa claw machine at seryosong sinimulan ni Jacob ang pagkuha nong stufftoy. Samantalang si Cali ay ay chinicheer naman si Jacob, at minsan ay mapapahiyaw pa nga ang dalaga tuwing malapit na ni Jacob maihulog yun sa parang box.
Pero pagkatapos ng maraming attempt ay hindi parin nila iyon nakukuha at nawawalan ng pag asa si Cali, samantalang si Jacob ay mainit na ang ulo dahil kanina pa siya, nabubuwist ng hindi niya magawang makuha yun. Noon ay naubos na nila ang kanilang token pati ang pasensya ni Jacob.
“Okay lang yan, uwi na tayo.” Wika ni Cali kay Jacob.
“No we won’t go home until I can’t get that stuff toy,” muli ay pumasok na naman si Jacob sa arcade, sinundan naman ito ni Cali at buong akala niya ay magpapalit lang muli ito ng token, ngunit nagulat siya ng marinig ang sinabi nito sa babae.
“Miss, magkano yung claw machine sa labas,” inis na tanong ni Jacob, mainit na kasi ang kanyang ulo dahil nauunos na ang pasensya niya dahil hindi makuha kuha ang stuff toy.
“Ah sir hindi po namin pinagbibili iyon.” Sagot naman ng babae.
Magagalit pa sana si Jacob doon sa babae, ngunit mabuti na lamang at napigilan iyon ni Cali.
“Ah miss pasensya kana ha,” wika pa ni Cali at hinila na papalabas si Jacob
"Tara na" wika niya kay Jacob.
Ngunit nagmamatigas parin ang lalaki dahil nais na talaga nitong bilhin ang machine. Napatawa na lamang ang dalaga kay Jacob dahil para itong bata na hindi naibigay ang gusto.
NAGLAKAD na sila papunta sa parking lot noon ng di inaasahang mahagip ng mata ni Cali ang isang pamilyar na babae na nasa loob ng isang boutique ng mga bag, namukhaan niyang ito ay si Sandra, ngunit ang lalo pa niyang ikinagulat ay nang may humalik sa pisngi nitong isang lalaki na walang iba kundi si Ace.
Laking pagtataka ni Cali, sa kanyang nakita, naisip niya agad na baka may relasyon si Sandra at Ace.
Buong byahe niyang iniisip iyon.
Nakauwi na din sila ni Jacob, dumeretso na sila sa kanilang silid noon, at sabay pang nahiga dahil sa pagod na nararamdaman, hindi na naiwasang magtanong ni Cali kay Jacob ng dahil nga sa kanyang nakita kanina.
“Matanong ko lang, paano mo nakilala si Ace at Sandra?” Tanong ni Cali.
“Hmm... bakit mo naman biglang naitanong?” Sagot ni Jacob.
“Ah wala lang, nakita ko kasi yung graduation picture niyo ata yun, nakita kong nakadisplay sa ibabaw ng piano sa baba” Pagdadahilan na lamang ni Cali.
“Ah, well! Me and Sandra, Una ko siyang nakita when I was 12, kakabalik ko lang ng Pilipinas noon. We begun to be best friends since then, pero sabi ng mommy ko na meet ko na daw si Sandra nong unang beses kong umuwi ng Pilipinas, when I was 9 years old, hindi ko lang daw maalala yon kasi there was an accident happened back then.”
“And little did I know that I will be going to marry her when time comes! Dahil daw kasunduan yun ng mga lolo namin. Since then I've learned to like her. Dahil papakasalan ko siya someday, And I don't wanna give headache to my dad!” Wika ni Jacob.
“Eh si Ace paano niyo siya nakilala?” Tanong ni Cali.
“Well, Ace, we’ve met him in high school, ang pamilya niya ay business partner ng mga magulang ko noon, and I remember, siya yung tipo ng taong palaging nabubully noon. It was Sandra na lagi siyang pinagtatanggol, Sandra is brave woman”
“She doesn't want to get protected because she will protect you! And that’s what I hate about her. Since then the 3 of us became best friends. Sinasama lagi namin nuon si Ace kasi nabubully nga siya. Sandra is the one who became his first friend, not me.” Wika pa ni Jacob.
Nang marinig ni Cali ang kwentong yon ay marami siyang naging tanong sa kanyang isipan, kung anong dahilan kung bakit hindi maaalala ni Jacob ang una nilang pagkikita ni Sandra, at anong aksidente ang nangyari noon.
Nalaman din niyang Force love pala ang nangyari sa relasyon nila ni Sandra, na parang pinag aralan niyang mahalin ito dahil ikakasal sila. At doon din napagtanto ni Cali na baka matagal ng gusto ni Ace si Sandra at matagal ng may relasyon ang dalawa.
Sa lalim ng pag iisip ni Cali ay hindi niya namalayang kanina pa pala siya tinatawag ni Jacob.
“Anong iniisip mo?” Tanong ni Jacob, kanina pa kita tinawag hindi ka sumasagot wika ng binata.
Noon naman ay nagdahilan na lamang si Cali na napagod lang siya sa byahe. Nagpasalamat din siya kay Jacob sa singsing na binigay nito na ngayon ay kanyang suot at pinagmamasdan.
Walang ano-ano ay bigla na lang niya hinalikan si Jacob sa pisngi. Nagulat naman ang binata sa ginawa ng dalaga kaya’t saglit na namula ang pisngi nito at tinawanan naman ito ni Cali.
“Magpahinga muna tayo sandali dahil mamaya pupunta tayo sa bahay ni Mr. Lopez. Sasabihin kong di ko na itutuloy ang kasal dahil magkakababy na tayo,” Wika pa ni Jacob at hinalikan sa noo si Cali.
Ilang sandali lang ay nakatulog narin agad ang dalawa ng dahil sa pagod.
SAMANTALA si Aling Nancy ay maagang gumayak kanina patungo sa hospital upang kausapin si Mr. Lopez, katanghalian nadin ng makarating siya doon, agad niyang tinanong sa information kung andoon ba si Dr. Lopez at kung pwede ba niya itong makausap.
Noon naman ay humingi ng ilang sandali ang babaeng kausap ni Aling Nancy at agad na tumawag ito sa opisina ni Dr. Lopez at tinanong sa assistant nito kung andun nga ba ang doctor ngunit ng ibaba ng babae ang tawag ay malungkot nitong tinignan si Aling Nancy at sinabing wala doon ang doctor dahil may lakad daw ito.
Sinabi na lamang ni Aling Nancy na muli siyang babalik kinabukasan at noon din ay bigo niyang nilisan ang hospital.
ALAS SYETE na ng Gabi nang magising si Cali at Jacob, agad silang nag-ayos ng kanilang sarili at gumayak patungo sa bahay ni Mr. Lopez.
“Kinakabahan ako, baka kung anong gawin sa atin ni Mr. Lopez pag nalaman niyang hindi mo itutuloy ang kasal.” Nagaalalang wika ni Cali.
“Diba sabi ko sayo kanina, hindi kita hahayaang mapahamak, I will protect you and our baby no matter what” wika pa ni Jacob at hinalikan sa noon si Cali.
Ilang oras ang lumipas at nakarating na sila sa bahay ni Mr. Lopez.
Naabutan nila ang mga katiwala doon na naghahanda ng hapunan.
“Sir Jacob, maupo muna ho kayo at pupuntahan ko lang si Dr. Lopez sa itaas at sasabihin kong andito na ho kayo,” wika ng matandang katiwala, noon nga ay tuluyan na itong umakyat ng hagdan.
Noon naman ay hindi maipaliwanag ang kabang nararamdaman ni Cali sa kung ano ang pwedeng mangyari, ganun din naman si Jacob.
Magkahawak ang kamay nilang nag hihintay sa pagbaba ni Mr. Lopez, ilang sandali pa nga ay kasunod itong bumababa ng matanda kanina na tumawag dito. Agad silang tumayong dalawa.
Nang makababa si Mr. Lopez ay agad niyang nakita si Cali at Jacob. Nagulat siya ng mapansing magkahawak ang kamay ng dalawa. Tinignan niya si Cali, at natuon ang pansin niya dito pagkatapos ay tinignan niya si Jacob.
“Anong ibig sabihin nito?” Mahinahong tanong ng matanda.
Naguguluhan man si Mr. Lopez sa nangyayari kung bakit kasama ni Jacob si Cali ay hindi niya magawang magalit ng makita ang maamong mukha ng dalaga.
“Gusto ko ho sana kayong makausap, Tito.” Panimula ni Jacob.
“Tungkol saan naman? Hindi ba’t kaya kita pinapuntan dito ay upang pagusapan ang kasal niyo ng anak ko.” Tanong ni Dr. Lopez kasabay ang pag upo nito sa sofa at noon ay naupo narin ang dalawa na noon ay magkahawak padin ang kamay.
“Hindi ko na ho,”
“Sandali!” Hindi na natapos ni Jacob ang kanyang sasabihin dahil pinatigil siya ni Mr. Lopez,
Tinignan ni Mr. Lopez si Cali, at napansin niya doon ang suot nitong kwintas.
“Saan mo nakuha ang kwintas na yan?” Tanong ni Mr. Lopez, lumapit pa siya kay Cali upang tignang mabuti ang kwintas.
“Ah ito ho, regalo ho sa akin to ng nanay ko” wika naman ni Cali na noon ay naguguluhan sa kinikilos ni Mr. Lopez maging si Jacob ay ganun din.
“Paano nangyari yon! Alam ko ang kwintas na yan. Nag iisa lang yan sa buong mundo, pinasadya namin yan na walang katulad para sa aming anak.” Wika pang muli ni Mr. Lopez.
“Hubarin mo ang kwintas!” Wika pang muli ni Mr. Lopez.
Nang mga oras na yun ay naguguluhan na talaga si Cali, ngunit agad rin niyang hinubad ang kwintas at binigay iyon kay Mr. Lopez.
Nang mahawakan iyon ni Mr. Lopez ay meron siyang pinindot doon nag automatico itong nahati ang puso sa dalawa. Doon ay tumambad sa kanya ang larawan ng kanyang pamilya, ang asawa niya at anak niyang si Allison, namuo ang luha sa mga mata ni Dr. Lopez ng makita iyon.
Samantalang si Cali ay nanlaki ang mga mata sa nakitang ginawa ni Mr. Lopez hindi siya makapaniwala na nabubuksan pala iyon at nahahati sa dalawa.
Maya maya pa ay lumapit ang, ang katiwala ni Dr. Lopez at iniabot sa kanya ang telepono!
“Sir, Tawag po para sa inyo.” Wika ng katiwala.
Noon naman ay agad sinagot ni Dr. Lopez ang tawag na inyon at sa hindi inaasahan pagkakataon ay ito ang kanyang private investigator.
“Nais ko hong ibahagi sa inyo na tama ho ang inyong hinala, Si Cali Fernandez ang nawawala ninyong anak” wika ng lalaki mula sa kabilang linya, noon naman ay hindi alam ni Dr. Lopez ang kanyang sasabihin tanging patak ng luha na lamang ang kanyang naging salita noon.
Ngunit hindi pa pala doon natatapos ang balita na mas lalo niyang ikinagulat ang kanyang sunod na narinig.
“Pero may kailangan ho kayong malaman pa, napag alaman kong matagal ng alam ng anak niyong si Sandra kung sino ang nawawala ninyong anak.” Dugtong pa ng lalaki sa kabilang linya.
Abangan...
Magalit kaya si Mr. Lopez kay Sandra sa pagtago nito ng tunay na katotohanan? Ano na kayang mangyayari ngayong alam na ni Mr. Lopez na si Cali ang nawawala niyang anak!
Itutuloy...