Chapter7: Photoshoot

Jiro's Point of view:

Nagulat ako ng makitang pati siya ay natapunan ng hot choco kaya tarantang kinuha ko ang tissue sa gulat ko at pinunas sa binti niya iyon ngunit mas nagulat ako ng tapikin niya ang kamay ko.

"Tsk! Ewan, ako na nga ang bahala." Inis na sambit niya bago ako iniwan. Agad ko naman siyang sinundan.

Hindi ko talaga sinasadyang matapon iyong hot choco. Masakit mapaso sa kamay pero paano pa siya? Natapunan din siya sa kamay at binti niya. Bakit kasi hindi ko siya nilingon? Model pa naman iyon hindi siya pwedeng magalusan. Aish! Naiinis kasi ako sa kanya kanina, eh. Kaso ngayon naman nagi-guilty ako sa nagawa ko.

"Sorry na Lorelyn..." sambit ko ng makalapit ako sa kanya. Napaurong ako ng masama siyang tumingin sa’kin

"Anong magagawa niyang sorry mo?"

"Ahh... Ehh... Ewan?" sambit ko at napalunok pa.

"Hindi ko naman kasi sinasadya, eh." Sambit ko at napakamot pa ng batok ko. Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya naging maamo na ito.

"Bumalik ka na doon, Jiro. Baka hinahanap ka na nila. Limang minuto nalang ay magsisimula na kayo." Sambit niya at tuluyan ng umalis. Bumalik na ako muli sa loob at nakitang nakagayak na sila.

"Si Samantha?" Tanong ni Yohan. Isa din siya sa mga makakasama naming sa photoshoot ngayong araw.

"Nagpalit lang ng damit..." sambit ko at sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong nito sa’kin.

"Hindi ko kasi sinasadyang mabitawan iyong paper cup. Ayon, tumapon sa kanya iyong Hot choco." Sambit ko sa kanya at napabuntong-hininga.

"Nyay!"

"Okay, guys. Magstart na tayo punta na kayo sa center." Sambit ng isa sa mga staff.

"Guys, tara na." sambit ni Jayvee at chineck ang camera niya. Umupo na kami kung saan kami data uupo at nagsimula ng magpose sa harap ng camera.

Bali ako ay nakaupo sa couch samantalang si Yuri at nakaupo sa table at si Yohan naman ay nakatayo sa likod ko. Mino-model namin ang bagong labas na product ng Heartfilia Corporation para sa mga magto-tropang lalaki. Inayos ko ang suot kong cup patalikod at ngumiti sa camera. Si Yuri naman ay pumunta sa likod ko at sinabit ang sling bag sa kanya. Samantalang si Yohan naman ay umupo sa sahig at mas pinakita ang damit niya na may nakaprint na ‘Partner in Kalokohan’. Mabilis lumipas ang oras at natapos kami kaagad.

"Finally, we're done..." sambit ni Yohan.

Nagpaalam na ako sa kanila para mauna. Nakita kong nakaupo si Samantha sa waiting room habang natutulog. Hindi ba siya nahihirapan sa pwesto niya?

"Samantha?" sambit ko at ginigising siya. Napakurap-kurap ito at naghikab pa.

"Tapos na ba kayo?" Tanong niya pagkagising na pagkagising niya.

"Oo, uuwe na tayo..." sambit ko at tinanggal ang neck tie ko.

"Ang tagal ko palang nakatulog..." sambit niya saka nag-inat

"Sorry kanina..." Mahinang sambit ko

"It's fine. Alam ko namang hindi mo sinasadya. Tara na..." sambit niya at nauna ng maglakad

-

"Dalian mo, Samantha." Sambit ko sa kanya dahil malelate na kami at hindi nag-alarm ang alarm clock ko dahil nalowbat iyon.

"Ayan na..." sambit niya at nagmamadaling pumunta sa sala bitbit ang gamit niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi matawa dahil sa itsura niya.

"Huwag ka ngang tumawa pinagmadali mo ako, eh. Hindi na tuloy ako nakapagsuklay." Sambit niya sa’kin ng nakasimangot.

"Akin na nga iyan..." sambit ko at kinuha ang mga gamit sa kanya

"Magsuklay ka na." sambit ko sa kanya at tumingin ako sa relo ko. 2pm na at 3 pm magsta-start ang photoshoot ko.

Si Jayvee ay tinawagan for photoshoot ng ibang artist dahil busy sa ibang sched si Yohan at Yuri. Si Yohan ay may sariling room niya dito sa Phoenix Hotel dahil hindi siya sanay na may ibang kasama sa kwarto. Si Yuri naman ay nasa isang radio station. Siya ang ginawang special DJ para ngayong araw.

"Tara na. Maglakad na tayo habang nagsusuklay ako." Sambit ni Samantha kaya tumango ako sa kanya.

"Hays, Ewan ko ba? Naghanap ako ng personal assistant para mas mapadali ang gawain ko pero mukhang mali ata ang naging desisyon ko." Sambit ko sa kanya.

"Sorry naman. Hindi pa kasi ako sanay." Pagdadahilan niya.

"Wow! Ha? Mag-iisang buwan na kitang personal assistant at wala pa akong nakikitang pagbabago sayo." Sambit ko at huminto sa paglalakad

"Tss. Fine pipilitin ko." Sambit niya ng determinado.

"Tapos ka na ba magsuklay?" Tumango naman siya bilang sagot sa’kin.

"Good! Bitbitin mo ito at hintayin mo ako dito. Kukuhanin ko ang sasakyan natin." Sambit ko at iniwan siya.

Pumunta ako sa parking lot at hinanap ang kotse na gagamitin ko ngayong araw. Piindot ko ang susi at sa gilid ko ay umilaw ang headlight ng isang itim na kotse. Dali-dali akong sumakay doon at nagdrive na papunta kay Samantha.

"Sakay na dali." Sambit ko sa kanya at agad kong pinaandar iyon. After 30 minutes ay nakarating na agad kami.

"Tatandaan kong kailangan lagi tayong maaga. Ayoko pang mamatay dahil sa mabilis na pagdadrive mo."

"Buhay ka pa naman. Huwag kang mag-alala..." sambit ko at nauna na sa kaniya bumaba.

--

"Hello..." sambit ko sa mga staff.

"Finally, you’re here, Jiro but we have a problem..." sambit ni Mr. Schwen.

"What is it?" Tanong ko.

"Iyong partner mo kasi nagback-out kanina. Si Miss Chae." Sambit ng isa sa mga staff.

"Why?" Tanong ko

"May emergency daw kasi kanina lang siya nagback-out."

"Kailangan natin ng female model as your partner asap." Sambit ng photographer.

"Hays, problema nga iyan." Sambit ko at napailing-iling pa.

"Wait! Is that Samantha?" sambit ng isang lalaking nasa 20's lang ata. Napalingon naman si Samantha.

"Bakit?"

"Remember me, Samantha? Ako ito si Calum, iyong naging photographer sa inyo ni Felix at Hyunjin 2 years ago." Sambit nito ng ngiting-ngiti.

"Woah! Hindi kita nakilala." Manghang sambit niya.

"Sir, itong si Samantha pwedeng-pwede ipalit." Nakangiting sambit nung Calum.

"Really?" Nakataas kilay na sambit ng isa sa kanila.

"Yes, Sir. Ilang beses ko na rin siyang nakatrabaho at mahal na mahal siya ng camera. She's so photogenic." Sambit no’ng Calum.

"Ow, I remember her. Nasa sikat na magazine siya. Sa Z fashion. Am I right?" Tumango naman si Samantha bilang sagot.

"Then we will start pakiatusan na siya." Sambit nito at kumilos na ang lahat

Samantha's Point Of View:

Pagkatapos akong ayusan ay lumabas na ako. Lahat ng mata nila ay nakatingin sakin maging siya.

"You’re so beautiful..." sambit no’ng baklang stylist.

"Lumapit ka na kay Jiro at simulan na natin." Sambit ng photographer at tumango ako

"Okay lang ba?" Tanong ko kay Jiro pagkalapit ko sa kanya

"Pwede na." sambit niya at lumingon muli sa photographer

"First pose niyo is para kayong couple..." sambit ng photographer.

Napaawang ng bahagya ang labi ko ng hagitin niya ako sa bewang papalapit sa kanya.

"Samantha, relax halatang kinakabahan ka." Sambit ng photographer

Tell me? Sinong hindi kakabahan kapag hinagit ka bigla ng crush mo?

"Relax, be natural." Sambit ni Jiro sakin. Tumango naman ako at humawak sa balikat niya. Edi be natural. Bahala kayo dyan. Free tyansing din ito.

"Nice, ganyan nga! Next pose." Masayang sambit nito.

Sunod naman ay naka-akbay sa’kin si Jiro at nakahalf-hug ako sa kanya. Pinagpala ata ako ngayong araw. Next naman ay nakayakap ako sa leeg niya at nakatitig ako sa mata niya. Ang lapit ng mukha namin sa isat-isa. Kung kanina ay natutuwa ako ngayon ay hindi na. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga.

"Last post! Hmm... Gusto ko nakaback-hug si Jiro sayo Samantha tapos nakapatong ang ulo niya sa balikat mo..."

"What?!" Gulat na sambit ko

"Why?"

"Ano? Hehe..." sambit ko. Kasi naiilang na ako sa’yo.

"Tapusin na natin ang last pose. Nagugutom na ako." Sambit ni Jiro.

"Hayst, gutom na rin naman ako." Nagulat siya ng kuhanin ko ang kamay niya at iyakap sa’kin.

Yiee... Ang demanding ko.

"Pakipatong na ang ulo mo sa balikat niya Jiro." Sambit ng photographer.

"Teka? Hahaha.. Nakikiliti ako.. Hahaha..." sambit ko at umiwas sa kanya

"Ano ba yan?! Ang arte mo naman..." sambit niya at tinanggal ang pagkakayakap sakin.

"Sa nakikiliti ako eh! Arte-arte ka dyan?! Mukha mo! Hindi ka pa ba nakiliti dati?!" Inis kong sambit sa kanya. Nagpamewang naman siya at huminga ng malalim.

"Tiisin mo na lang kasi..." sambit niya at yumakap sakin saka pinatong muli ang ulo sa balikat ko kaso nakikiliti talaga ako.

"Waahh!! Haha..." Inis naman niyang tinanggal ang ulo niya sa balikat ko.

" May suggestion ako..." sambit ko at tumingin kay Jiro.

"Ano?" Asik niya.

"Huwag mo nalang masyadong ipatong ang ulo mo sa balikat ko. Hehehe..." sambit ko at nagpeace-sign pa.

"Fine." Sabi niya at inirapan ako. Ka-lalaking tao irap ng irap. Kung hindi ko lang mahal ito, dudukutin ko mata nito.

"Well, done.” Sambit ng photographer.

"Finally." Sambit ni Jiro at tinanggal na ang kamay na nakayakap sa’kin.

Kanina lang ayaw ko matapos ang oras pero ngayon sana yakap niya pa rin ako. Gulong-gulo na ako sa takbo ng utak ko. Nagpalit na muna kami ng damit bago umalis doon at nagpaalam sa mga staffs.

"Hoy! Hintayin mo ko." Sambit ko ng makita siyang papasok na ng elevator.

"Bilisan mo." Sigaw niya.

"Ayan na. " sambit ko at dali-daling pumasok sa elevator. Pagkapasok ko ay pinindot niya ang first floor button.

"Ang tagal-tagal mo gutom na ako." Sambit niya at pinasok ang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.

"Tsk, akala niya siya lang ang nagugutom." Bulong ko.

"Ano?" sambit niya at sinamaan ako ng tingin. Napaurong naman ako dahil nakikita ko ang dark awra niya. Mas nagiging masungit kapag gutom.

"Hehe... Sabi ko nga gutom ka.." sambit ko at napalunok pa.

Hindi ko napigilang sumigaw at napakapit pa sa hawakan ng elevator ng bigla nalang huminto ng marahas ang elevator. Nanginginig ang tuhod ko kaya sumandal ako sa pader.

"Ayos ka lang?" sambit ni Jiro at lumapit sakin.

"Anong nangyayari?" sambit ko at nagsisimula na akong kabahan.

"I don't know. " sambit niya at may pinindot doon sa mga button sa elevator.

"Excuse me. What's happening?"

"I'm sorry for inconvenience. There's a problem in our elevator now. We will bring our maintenance crew right away." Sambit ng kung sino man.

"Okay thank you." Sambit ni Jiro sa kausap.

"Maghintay lang tayo darating din daw sila agad." Sambit ni Jiro sa’kin at umupo sa sahig.

"S-Sana... Sana huwag din mawalan ng ilaw dito." Bulong ko at tumabi sa kanya. Kinuha naman niya ang cellphone sa bulsa niya.

"Shit! Bakit walang signal. Hindi ko tuloy masasabihan sila Jayvee kung nasaan tayo." Inis na sambit niya at ibinalik ang cellphone sa bulsa niya. Sana talaga ay hindi mawalan ng ilaw. Takot na nga akong tumagal sa gantong lugar kapag dumagdag ang dilim ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Namumutla ka?" Napatingin ako kay Jiro ng sabihin niya iyon.

"Ahm.. Ano kasi medyo masikip sakin ang lugar na ito. May.. May headset ka ba? Makikinig lang ako sa kanta pampakalma." Sambit ko sa kanya. May kinuha naman siya sa bulsa niya at inabot iyon sa akin.

"Salamat..." sambit ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Shet naman! Bakit ngayon ka pa nalowbat kung kailan kailangan na kailangan kita?!" Inis na sambit ko.

"Oh! Ito..." sambit ni Jiro na hindi nakatingin sakin habang hawak ang cellphone niya.

"Ha?"

"Tsk. Ito ang gamitin mo." Sambit niya pero hindi parin ako kumilos kung kaya ay kinuha niya ang earphone sa kamay ko at sinaksak sa cellphone niya.

"Oh..." sambit niya at inabot ang cellphone niya sa’kin.

"Thanks." Sambit ko at kinuha ito.

"Ayaw mo?" sambit ko at inalok sa kanya ang isa sa earphone.

"Hindi na mas kailangan mo iyan." Sambit niya sakin kaya tumango nalang ako.

"Ahh... Sige..." sambit ko at nakinig nalang ng music.

Napasigaw akong muli at napakapit ng muli na namang gumalaw ang elevator na tila ba babagsak na ito anytime. Napaluha ako at nagsimula ng mataranda dahil nagpatay-sindi ang ilaw.

" Gusto ko ng lumabas. Ayusin niyo na ito." Umiiyak kong sambit ng huminto sa paggalaw ang elevator. Tumayo naman at kinalampag ang pintuan ng elevator.

"Hey! Anybody out there! Tulungan niyo kami. Ayoko pang mamatay dito. Waahhh! Nagugutom na din kami baka naman gusto niyong bilisan." Sambit ko habang ngumangalngal.

"Shh... Tahan na. Makakalabas din tayo." Rinig kong sambit ni Jiro at tinapik-tapik ang balikat ko ngunit hindi iyon sapat upang kumalma ako.

"Natatakot na ko matagal pa ba tayo dito?" Tanong ko at hindi naiwasang yumakap sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Sa tingin ko..." Tinanggal ko na ang pagkakayakap sa kanya at umupo dahil baka makahalata siya sa pananantsing ko.