Chapter 8: Eight: Am I a slave?

Lumipas ang kalahating oras ngunit hindi pa rin kami nakakalabas sa elevator. Napakunot ang noo ko ng biglang mawala ang tugtog na naririnig ko kaya tinignan ko ang cellphone ni Jiro.

"Hala, Jiro lowbat na ang cellphone mo." Sambit ko sa kanya.

"Hayaan mo na." sambit niya at kinuha ito sakin.

"Ang tagal naman nila." sambit niya muli at tumayo saka lumapit doon sa may pinto at pinindot ang emergency button.

"Hey, matagal pa ba? Kalahating oras na kami rito." Inis na sambit niya.

"I'm sorry Sir. We doing our--" Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nila ng muli na namang bumulusok pababa ang elevator.

"Bullshit!" Rinig kong sambit ni Jiro kasunod na malakas na tunog at namatay ang ilaw sa elevator. Nasalpok naman ako sa gilid ng elevator at napahiyaw ng maipit ang kamay ko sa sa handrail.

"J-Jiro." Tawag ko sa kanya at sinubukang tumayo upang dahan-dahang tanggalin ang kamay ko sa handrail. Kumikirot ang kamay ko ngunit mas natatakot ako na kung baka may masama ng nangyari ka Jiro namatay na kasi ang ilaw ay hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya.

"J-Jiro nasaan ka? Sumagot ka." Umiiyak kong sambit. Ang dilim dito walang ilaw lalong nanikip ang dibdib ko ng maghalo ang kaba at takot ko. Shit! Not now please... Kailangan ko pang macheck kung okay si Jiro.

"Samantha? Ayos ka lang..." Narinig kong sambit niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Sapalagay ko..." Mahinang sambit ko at hindi pinahalata ang nahihirapang paghinga ko.

Napahiyaw ako ng maramdamang may humawak sa kamay ko.

"Relax. Ako lang ito..." sambit niya at naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko. Teka sobrang lapit niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.

"Huwag mo kong bibitiwan. Please... Takot ako sa dilim." sambit ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng kamay niya sakin.

"Don't worry hindi kita bibitawan..." sambit niya at kahit hindi ko siya nakikita ay nasisigurado kong sincere siya. Inakay naman niya ako paupo.

"Hindi ka pa inaantok?" Tanong niya sakin.

"Nagugutom ako." sambit ko sa kanya

"Ako din." sambit niya

"Ahh... May chocolate bar pa nga pala ako dito sa bag kaso isang piraso nalang..." sambit ko at kinapa ang laman ng bag ko.

"Ito, oh!" sambit ko at inabot sa kanya ang chocolate bar.

"Grabe ha... Ilong ko iyang tinapatan mo." sambit niya at kinuha ang kalahati ng chocolate bar mula sa kamay ko

"Hala?! Pasensya na... Madilim kasi..." sambit ko sa kanya. Kinain ko nalang ang kalahating chocolate bar na hawak ko. Salamat kay Jiro dahil napalakas niya ang loob ko sa masikip at madilim na lugar na ito na dati ay iniiyakan ko.

Jiro's Point Of View:

Nagising ako ng maramdaman ko na may biglang pumatong na ulo sa balikat ko.

"Samantha?" Tawag ko ngunit hilik lang ang response na narinig ko marahil ay mahimbing na ang tulog niya. Napatingin naman ako sa relos ko at isang oras at kalahati na kami narito. Sira na rin ang intercom na kanina lang ay pinangko-communicate ko sa mga tao sa labas.

Nasilaw ako ng bahagyang bumukas ang pinto at nakita ko ang iilang taong nasa labas.

"Are you okay sir?" Tanong nung lalaking nagbukas. Tumango naman ako bilang sagot.

"How about her?" Tanong nito at tinuro si Samantha.

"She's fine too. Ako ng bahala sa kanya." sambit ko

Bahala na siya kung hindi niya naintindihan ang huling sinabi ko pagod na rin ako para kausapin siya. Binuhat ko na si Samantha na mahimbing na natutulog.

"Hays.. Nagugutom na ko." Sabi ko at binaba si Samantha sa kotse ng mapansin kong namumula ang kamay ni Samantha.

"Gusto niyo po bang kumain Sir?" Tanong ng isa sa kasama kong staff naming.

"Treat her hand first.” sambit ko na agad din naman niyang sinunod.

“Okay na, Sir. Kakain po ba kayo?” Tanong niyang muli.

“Hindi na umuwi na tayo." sambit ko at siya na rin ang pinagdrive ko. Dahan-dahan kong binaba si Samantha sa backseat at tumabi sa kanya. Sinandal ko nalang siya sa balikat ko.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong muli nito at tumigin sa rear mirror.

"I'm fine. Now, drive because I'm tired." sambit ko at pumikit.

"Sir, nandito na po tayo sa parking lot ng hotel." sambit nito. Lumabas naman ako kaagad.

Gigisingin ko pa ba to?

"Hanggang ngayon mahimbing pa rin ang tulog mo. Samantalang ako bubuhatin ka na naman." sambit ko at dahan-dahan ko siyang binuhat hanggang makalabas kami ng kotse.

"Ako na lang po Sir magbubuhat sa-"

"Ahehe... Sabi ko nga po ikaw na..." sambit niya ng lagpasan ko lang siya. Sumunod naman siya sakin at pinindot ang 3rd floor button.

-

Pagkabukas ng pinto sa 3rd floor button ay agad na akong lumabas at dumiretso sa tapat ng unit namin. Sakto namang bumukas ang pinto ng unit namin at bumungad sakin si Yuri.

"Jiro? Oh, anong nangyari kay Samantha? Bakit ginabi kayo?" Sunod-sunod niyang tanong

"Pwede bang pumasok muna? Nangangalay na ako." sambit ko sa kanya

"Ah.." sambit niya at tumabi agad sa daan. Sinundan niya naman ako ng dire-diretso akong pumunta sa kwarto ni Samantha saka niya binuksan ang pinto nito.

"Salamat." sambit ko sa kanya at binaba ko si Samantha sa kama niya.

"Ang bigat..." Muli kong sambit

"So, ano ngang nangyari sa inyo?" Tanong muli ni Yuri na ngayon ay nakasandal sa pinto ni Samantha.

"Ginabi na kami matapos sa photoshoot. Na-stuck kami sa elevator kasi nagkaproblema wala namang masamang nangyari sa’min kaya lang napilayan ang kamay ni Samantha. Nailabas kami sa elevator at umuwi. The End. I'm tired so goodnight." Mabilis na pagpapaliwanang ko at dumiretso na sa kwarto ko.

Nakakapagod ang araw na ito. Sobra~

Samantha's Point Of View:

"Waaahhh" sigaw ko dahil pagdilat ng mata ko ay bumungad sakin ang malapit na mukha ni Yuri.

"Grabe naman iyan.. Natakot ka sa kagwapuhan ko?" sambit niya ng nakakunot ang noo

"Bakit kasi nandito ka ang lapit-lapit pa ng mukha mo..." Inis na sambit ko

"Ahh... Iyon ba? Tinignan ko kasi kung pumasok sa bibig mo iyong langaw?" Patanong niyang sambit.

"WHAT?!" sigaw ko sa kanya

"Nakanganga ka kasi matulog kulang nalang i-invite mo lahat ng insektong pumasok sa bunganga mo," natatawa niyang sambit sakin.

"Tsk, ewan ko sayo..." sambit ko at bumangon na. Napakunot naman ang noo ko ng maalala ang nangyari sakin kagabi.

"Teka? Si Jiro ba ang nagbuhat sakin pauwi?" Takang tanong ko.

"Malamang ako. Sino pa ba sa tingin mo?" Napasinghap naman ako ng makita ko siyang nakasandal sa pinto ko at nakahalukipkip. Napatingin ako sa buhok niya na gulo-gulo pa rin at parang kakagising lang.

"Ah.. Eh... Thank you." sambit ko na kulang nalang maglaway. Aga-aga ang gwapo. Hustisya naman sa mukhang bruhilda sa umagang tulad ko.

"Anong thank you? Ihanda mo ang breakfast ko." sambit niya at tinalikuran ako.

"Wait! What?!" Lumingon naman siyang muli sakin habang humihikab.

"Ihanda mo na ko ng breakfast ko bayad iyon sa pagpapahirap mo sakin kahapon..." sambit niya at tinalikuran akong muli.

Bakit iba ang iniisip ng pesteng utak ko? Tulad ng sinabi niya ako ang naghanda ng breakfast niya. Kung kanina tuwang-tuwa ako ngayon hindi na. Gawin daw ba akong alila. Tsk!

"Sabi ko mayonaisse ang palaman hindi peanut butter palitan mo iyan." sambit niya at binagay sakin ang tinapay.

"What? Wala ka namang sinabi ang sabi mo lang sakin ay tinapay." Inis na sambit ko

"Saka bakit wala pa ang kape ko?" sambit niya at tinaasan ako ng kilay

"Aish! Oo, na po mahal na prinisipe." Inis kong sambit at pumunta sa kusina kasi mula ng lumabas ako ng kwarto ay puro utos na siya.

Una, hanapin ko daw ang pares ng medyas niya. Tapos lutuan ko daw siya ng ham at fried rice ginawa ko naman tapos dun sa maknaes niya pinakain. Nagpaluto uli siya ng omelet kaso ayaw niya daw ng pagkakaluto ko gusto niya daw iyong medyo tustado, nung tinustado ko naman sabi niya ayaw niya na nun. Nagpaluto naman siya ng ramen tas nagpakuha ng keso kasi gusto daw niya nun. Nagbago na naman ang isip naging tinapay naman. Dinaig pa ang buntis ng loko.

"Oh, ito na ang kape mo at ang librong pinapakuha mo..." Nakangusong sambit ko

"Ayoko pala ng kape... Hot Chocolate ang gusto ko..." Paupo na sana ako ng sabihin niya yan

"What?! Jiro naman eh..." Parang batang sambit ko at nagkakasat.

"Just do it or else~" sambit niya na parang kakainin ako ng buhay. I just rolled my eyes on him. He's savage side and bad boy side is on. Argh!

"Fine!" sambit ko at nginisian niya lang ako. Punitin ko iyang gwapo mong mukha eh.

"Oh! Ito na..." Inis kong sambit at inabot sa kanya ang hot choco

"Ah.. Saman-"

"Ano na naman ba iyan Jiro?! Kung mag-uutos ka na naman pwede mamaya na. Pagod na ako eh. Uso salitang break kung ayaw mong leeg mo na ibreak ko." Inis kong sabi. Pinagtawanan niya naman ako.

"Tinatawa-tawa mo dyan?! Masaya ka na napagtripan mo ko?!" Ngingit ko sa inis at humalukipkip

"Ang sarap mo palang pagtripan..." sambit niya na kulang nalang ay magpagulong-gulong kakatawa

"Kung sakalin kaya kita dyan. EWAN KO SAYO!" sambit ko at iniwan siya sa sala

--

Mula kanina hanggang ngayong nakabalik na kami sa Sync Entertainment ay hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan di niya naman ako kawalan. Siya lang kawalan sakin pero galit ako sa kanya. Hmp!

"Guys, ako na maghahatid kay Samantha..." sambit ni Jiro at hinatak ako.

"Yah? Ayoko..." sambit ko at pilit na kinuhuha ang kamay ko.

"You don't have a choice isa pa may dadaanan pa tayo na related work matters." sambit niya at dumiretso sa kotse niya na nakapark dito sa airport. Iba din. Huminto kami sa tapat ng isang building.

Teka? Z fashion building?

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko

"May kukunin lang... Tara, iwan mo muna ang gamit mo dyan..." sambit ni Jiro at lumabas ng kotse niya.

"Ano naman iyon?" Takang tanong ko

"Edi iyong damit ko." sambit niya at pumasok sa loob

"Brother!" Rinig kong sigaw pagkapasok naming

"Hiro?" sambit ko

"Ow! Totoo ngang personal assistant ka na ni kuya Jiro." sambit ni Hiro at nginisian ako. Pinandilatan ko naman siya.

"Do you know each other?" Manghang tanong ni Jiro.

"Ofcourse, magbestfriend kami eh.." sambit ni Hiro at ginulo ang buhok ko.

"Sabi ng ayaw ko ng ginugulo ang buhok ko ang kulit mo, ah..." Inis kong sambit.

"Oh! Bawal guluhin ang buhok ko, Samantha. Hindi pa kami nagsisimula sa photoshoot." sambit niya at pinrotektahan ang buhok

"Para kang tanga dyang nakatayo umayos ka na.." sambit ko sa kanya

"Sus! Porket P. A. ka na ni Jiro ganyan ka na..." Lumapit naman siya kay Jiro.

"Mag-ingat ka kay Samantha baliw yan. Waahh! Babye na." sambit niya sabay takbo na ikinatawa ni Jiro.

"Yah! Lagot ka sakin Hiro kapag nagkita tayo uli.." Sigaw ko sa kanya.

"He's right. I'm mean nothing." sambit niya ng tignan ko siya ng masama.

"Dalian mo na nga. Gusto ko na umuwi at magpahinga." sambit ko sa kanya

"Tss.. Tara na sa office ni Zach..." sambit niya at nauna na maglakad

"Nandyan ka na pala Jiro. Kamusta?" Tanong niya ng makita si Jiro.

"Hey, there Samantha..." sambit niya at ngitian ako

Wafu~ pero mas gwapo itong katabi ko. Ayieee. Bwiset lang madalas.

"Yung damit ko?" Tanong niya pagkaupo

"Here." sambit ni Zach at may inabot sa kanya

"Asan na ang pinabibili ko?" Tanong naman ni Zach at may inabot sa kanya si Jiro.

"We go ahead." sambit ni Jiro sa kanya.

"See you again next time, Samantha..." sambit ni Zach at ngumiti lang ako. Hinatid naman ako ni Jiro pauwi.

"Salamat." sambit ko

"Welcome." sambit naman ni Jiro at umalis na. Hinintay ko na muna makalayo ang kotse niya bago ako pumasok ng bahay.

*SYNC ENTERTAINMENT*

Maaga akong nakarating sa Sync Entertainment dahil sabi ni Jiro. Ang lalaking iyon napaka-bossy.

"Jiro ito nga pala iyong script mo sa drama mo." sambit ko at inabot sa kanya ang papel na binigay ni Mr. Jung.

"Pakipatong nalang dyan..." sambit ni Jiro habang nagbabasa sa libro ng may kumatok sa pinto.

"Nandyan na ba si Yuri?" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Kie.

"Wala pa eh. Bakit Kie?" Tanong ni Yohan sa kanya.

"Ahh.. Maaga kasi akong nagising kanina. Wala na si Yuri ng magising ako kaya akala ko nandito siya." Saad niya.

"Pero hindi pa naman pumupunta dito si Yuri mula kanina." sambit naman ni Jiro na ngayon ay nahinto na sa pagbabasa.

"Ganun ba?" Malungkot na sambit niya

"Oh? Huwag kang malungkot dyan baka importante lang ang ginawa kaya di na nakapagpaalam sayo. Kumain ka na ba?" Tanong ni Yuri sa kanya. Umiling naman si Kie bilang sagot.

"Tamang-tama gutom na ako samahan mo akong kumain." sambit ni Yuri at lumabas na sila.

"Saan naman nagpunta iyon..." Mahina kong sambit.

"Just mind your own business. Problema na nilang mag-asawa iyon..." Rinig kong sambit ni Jiro. Luh? Nagsusungit na naman ito. Maya-maya lang ay dumating narin si Yuri.

"Atlast your here..." sambit ni Baymin.

"I'm sorry..." sambit ni Yuri ng nakayuko.

"Saan ka nanggaling? Malabong sa bahay niyo dahil hinahanap ka ni Kie kani-kanina lang" sambit naman ni Jackson.

"Ahh.. may pinuntahan lang.." Sagot ni Yuri sa kanya.

"Pinuntahan? At saan naman?" sambit ni Jackson at lumapit sa kanya.

"Nasaan na ba si Kie?" Tanong niya

"Kasama ni Yohan pupuntahan nila ang Slay Kids."

"Ahh.. Sige, puntahan ko muna si Kie." sambit ni Yuri at umalis na.

"Umiiwas..." Sabay naming sambit ni Jiro kaya napalingon sila samin.

"Anong umiiwas?" Tanong nila

"Wala..." sambit ni Jiro at ako hindi nalang kumibo