Chapter 6: Is it your fault or my fault?

Kasalukuyan kaming nasa loob ng Phoenix Hotel at nakikipag-usap sila sa babaeng nasa information desk dahil nagkaroon ng problema sa pagkuha ng rooms namin.

"Sorry but we only have one available room today, Sir." sambit ng babae sa information desk at tinipa ang keyboard.

"But we called for a reservation yesterday for three rooms. sambit pa nga ng nakausap ko ay okay na daw ang rooms namin kagabi," sambit ng Manager nila sa babaeng nasa information desk at napahilot pa sa sintido niya.

"Wait, Sir. I will call our Manager." sambit nito at may tinawagan sa telepono. Maya-maya ay may dumating na isang lalaki at sa palagay ko ay ito na ang manager ng hotel na ito.

"I'm sorry po talaga. Nagkaroon po kasi ng error sa server namin kahapon. Iyon po ata ang dahilan kaya nagkaganoon." Paghingi ng paumanhin ng Manager ng hotel sa'min.

"Sana tinawagan mo kami kaagad," sambit naman ng Manager nila Jiro.

"Sorry for the inconvenience, Sir. Maybe we will give you our special offer, nalang po." sambit ng Manager at humingi muli ng paumanhin.

"Fine, kukunin nalang namin ang room for our artist," sambit ng Manager nila at huminga ng malalim saka napahilot sa kanyang sintido habang inaabot sa kanya ang susi.

"Here, Jayvee. Samantha kasama ka nila Jayvee sa suite total magkakakilala naman na kayo." sambit nito at inabot ang susi kay Jayvee.

"Po? Eh, kayo po saan po kayo?" Tanong ko sa kanila.

"We need to find a new hotel for us. Sige, pumunta na kayo sa room niyo ng makapagpahinga na kayo. Tatawagan nalang naming kayo once na makahanap kami ng hotel para sa’min." sambit nito at nagpaalam na sa'min.

__

"We have four rooms here. Ako sa una, si Yuri sa tapat ng room ko, Si Jiro sa tabi ng room ko at ikaw naman Samantha sa tapat ng room ni Jiro," sambit ni Jayvee habang isa-isang tinuturo ang mga rooms.

Matapos ituro ni Jayvee ang mga kwarto namin ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto at nagpahinga na. Ano kayang mangyayari sa loob ng tatlong araw? Magiging memorable kaya ang tatlong araw ko na kasama siya?

--

Maaga akong nagising upang makabawi sa kasalanan ko kahapon. Nang lumabas ako sa kwarto ko ay dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Jayvee na nagluluto samantalang si Jiro naman ay naglalagay ng pinggan sa mesa.

"Goodmorning," sabay na sambit ni Jiro at Jayvee sa'kin.

"Goodmorning din," sambit ko sa kanila at dumiretso sa coffee maker, "Want some coffee, guys?" saad kong muli at bumaling sa kanila.

"Nah, I'm already drink coffee," sambit ni Jiro at umupo sa upuan.

"Yes, with two scoop of milk and one scoop of sugar, please," sambit ni Jayvee at hinango ang bacon na niluluto niya sa pan.

Matapos kong magtimpla ng kape ay inilagay ko iyon sa mesa at umupo sa upuan, "Si Yuri? Tulog pa ba?"

"Oo, gigising din naman iyon mamaya," sambit ni Jiro at tumango ako bilang sagot saka sumimsim sa kape na hawak ko.

"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni Jayvee sa'kin na kasalukuyang naglalagay na ng fried rice sa pinggan.

"Mamaya na siguro hindi ako sanay na kumakain sa umaga," sambit ko sa kanya at tumango siya sa'kin bilang sagot.

Matapos kong uminom ng kape ay nagpaalam na ako sa kanila upang bumalik sa kwarto ko para maggayak. Matapos kong maligo ay lumabas na ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Samanth—" Napatigil siya sa pagsasalita ng lumandas ang mata niya sa'kin at napaiwas ng tingin. Ako naman ay napahawak ng mahigpit sa tuwalya ko at agad na nagtago. Sa gulat ko sa pangyayari ay nakuha ko ang tissue at naibato ito sa kanya.

"Labas! Bakit bigla ka nalang pumapasok? Labas!" Tarantang sambit ko ngunit hindi siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Wala akong naging choice kundi lumapit sa kanya at ipagtulakan siya palabas ng kwarto ko dahil nakatulala nalang siya sa'kin. Napansin ko din na sira ang doorknob ng kwarto ko kung kaya ay napalunok nalang ako.

"Huwag kang papasok. S-Sira ang doorknob ng kwarto ko. Naiintindihan mo!" Utal kong sigaw sa kanya at kinuha ang damit ko sa kama saka nagmamadaling pumasok sa banyo upang magbihis.

Sira ba talaga iyon? Bakit hindi ko napansin kagabi? Sabagay pagpasok ko kagabi ay nakatulog agad ako kaya siguro hindi ko napansin. Matapos ang sampung minuto ay agad na din akong lumabas ng banyo at binuksan ang pinto. Nakatayo siya sa tapat ng kwarto ko at nakabihis na.

"P-Pasensya na kanina. Aalis na daw tayo sabi ni Jayvee," sambit niya ng hindi makatingin sa'kin ng maayos saka siya umalis.

"Nasa baba na daw sila Manager. Ayos na ba ang lahat wala ka ng nakalimutan?" Tanong ni Yuri na kasalukuyang nilalagay ang earphone sa kanyang cellphone.

"Okay naman na," sambit ni Jayvee at bumaba na kaming lahat.

----

Nang makarating kami sa venue ay agad inayusan si Yuri at Jiro saka binigyan ng damit na susuotin. Si Jayvee naman ay hinanda na ang gamit niya na gagamitin niya sa pagkuha ng litrato nila mamaya. Napatingin naman ako sa hawak kong cellphone ng maramdaman kong nag-vibrate ito at nakitang may notification galing sa Inspiregram. Mula ito sa account ni Yuri informing his fans about the photoshoot.

"Samantha, ikaw iyong Salore peachy?" Tanong ni Yuri at pinakita ang cellphone niya sa'kin.

"Oo, bakit mo natanong?" Takang tanong ko sa kanya.

"Iyong picture mo kasi na nakatalikod ako ang kumuha no'n, di ba? Bakit walang credits?" nakangusong tanong niya sa'kin kaya natawa ako. Mukha kasi siyang batang ‘di nabigyan ng kendi.

"Tsk! Akala ko pa naman kung ano. Huwag na baka gerahin ako ng fans mo." Natatawang sambit ko sa kanya.

Maya-maya naman ay may nag-pop sa notification ko.

'YuriDaHot commented on your photo'

YuriDaHot: This photo is credited to one and only Yuri the pogi.

Comment niya sa latest post ko sa Inspiregram and after that thousands of comments appear on my notification.

‘Wow! Ang swerte naman niya.’

‘Sana all photographer si Yuri’

‘How to be you po?’

‘Tsk! Sino ba to? Ganda ka na nyan porket kinuhanan ka ng litrato ng Yuri namin?’

"Yah! Sabi ko sa’yo huwag kang mag-comment, eh. Tignan mo naman, oh! May mga nagwawala na sa comment box ko." Nakasimangot kong sambit sa kanya na ikinangisi niya.

"That's my power," sambit niya at humalakhak pa ng malakas.

Napailing nalang ako sa kanya at tinurn-off ang notification ko sa post na iyon dahil wala itong lubay sa pagtunog. Tinulungan ko naman ang mga staff na ibigay ang mga gamit na kakailanganin nila para sa photoshoot ngayong araw.

"Jiro, ito daw ang susuotin mong damit ngayong araw." sambit ko at inabot ang damit sa kanya.

"Thanks but can you help me with my hair pati na rin dito sa foundation ko hindi kasi pantay ang nilagay no'ng make-up artist. Nagmamadali kasi siya dahil ang katulong niyang make-up artist ngayong araw ay nagkasakit kaya nagagahol siya sa oras." Paliwanag nito sa'kin.

"Sure." sambit ko at umikot sa likod niya dahil nakaupo siya.

Sinuklay ko muna ng bahagya ang buhok niya. Hinawi ko iyon ng kaunti tulad ng nakita kong hairstyle sa isang magazine. Ang gwapo niya doon, nakita ko nang naging hairstyle niya ‘yon before. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya para ayusin ang foundation niya.

"Harap ka dito, Jiro," sambit ko at agad din naman siyang humarap sa'kin. Kinuha ko ang foam sa make-up kit at lumapit ng kaunti sa mukha niya. Ilang inches lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko at hindi ko maiwasan ang titigan siya.

"Lagyan din natin ng concealer iyang eye bags mo ng mabawasan." sambit ko habang nakaturo pa sa ilalim ng mata niya.

"Sige," sambit niya sa'kin at umayos ng upo saka siya pumikit. Hindi ko naman maiwasang mapatigil ng maamoy ko ang hininga niya. Ang baho kasi—Charot! Ang bango nga eh. Parang ang sarap amuyin maghapon. Napatitig ako sa mata niya ng bigla siyang dumilat at pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga ito. Bakit ganto kaganda ang mga mata niya?

"I-Iyan... P-Patungan nalang natin ng konti pang foundation." Nauutal kong sambit sa kanya.

Nanginginig ang kamay ko habang nilalagyan ng foundation ang mukha niya. Nilagyan ko din siya ng kaunting lipbalm sa labi upang hindi siya maputla tignan. Hindi ko naman maiwasang sunod-sunod na mapalunok ng mapatitig ako sa labi ni Jiro.

Oh! Tukso layuan mo ako~ Nagmumuka na akong manyakis dahil sa tuksong iyan.

"Okay na ba ang mukha ko?" Tanong ni Jiro sa'kin at dahil gusto ko pa siya titigan ay umiling ako bilang sagot sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Ano? Ahm, hindi pa kulang pa sa foundation," sambit ko ng nauutal at agad na kumuha ng foundation ulit at nilagay sa mukha niya. Napakagat labi ako ng mapansin kong napakaputi na ng mukha niya. Mukha na siyang bampira kung titignan. Natampal ko na lang ang noo ko at hindi makatingin ng diretso kay sa kanya.

"J-Jiro... Ano kasi... ahm.." sambit ko ng kinakabahan.

"Bakit ka nauutal?" Tanong niya na lalong ikinakunot ng noo niya.

"Sorry, Jiro. Patawarin mo ako," sambitko at napapikit nalang ako sa kahihiyan.

Maghanda ka na Samantha magsisimula na siyang maging dragon muli.

"What do you mean?" sambitniya sa'kin habang naka-kunot noo pa din. Hindi na ako nakasagot pa sa kanya at ibinigay ko nalang sa kanya ang salamin.

"What the hell did you do, Samantha?" Inis niyang sambitsa'kin. Agad akong kumuha ng tissue at ipinunas ito sa mukha niya.

"Sorry. Sorry talaga kasalanan ko." Kagat-labi kong sambit sa kanya ngunit tinapik niya lang ang kamay ko.

"Mas mabuti sigurong sa iba ka nalang tumulong. Ako na ang bahala sa sarili ko," inis na sambit niya sa'kin. Pansin ko din na kinukontrol niya ang inis sa kanyang boses.

"Pero..."

"Sa iba ka nalang tumulong. Pwede ba?" sambit niyang muli at sa pagkakataong ito ay hindi niya na napigilan ang inis sa boses niya. Kumuha siya ng maraming tissue saka ito ipinunas sa mukha niya.

"Ohmygosh! Jiro you look like a vampire. Sobrang puti ng mukha mo para ka ng bangkay. It’s rhyme. Yo!" sambit ni Yuri sa kanya kaya tinignan siya ng masama ni Jiro. Yuri raise his hands na para bang nagsasabi siya ng suko na siya. Ramdam din siguro niya ang galit ni Jiro.

Akala ko hindi na ako magkakamali ngayong araw. Akala ko lang pala iyon dahil galit na naman sa'kin si Jiro dahil sa kapalpakan ko sa trabaho. Tulad ng sabi ni Jiro ay sa ibang artist nalang ako tumulong at lumapit ako kay Yuri.

"Samantha, buti nariyan ka. Paayos naman itong buhok ko." Sambit ni Yuri. Agad naman akong lumapit sa kanya at inayos ang buhok niya. Inisprayan ko ulit ito ng Hair spray net upang hindi ito bumaba-baba mamaya.

"Okay na." Nakangiti kong sambit kaya tumango siya.

"Samantha, ito pa paayos naman itong nasa likod ko na tali. Bakit kasi ang daming tali ng damit na ito." Reklamo niya habang pilit na inaabot ang tali sa likod niya. Inayos ko naman iyong ribbon sa likod niya para hindi ito maging sagabal sa kanya mamaya. Iyong damit kasi na suot niya ay puro tali. Para siyang ireregalo dahil puro retaso ang damit niya.

"Ay! Oo, nga pala.. Pabigay itong hot choco kay Jiro" sambit muli ni Yuri at inabot sa'kin ang isang cup ng hot choco.

"Ahh... Sige.." sambit ko at hinanap si Jiro. Nakita ko naman siyang nagbabasa ng libro.

"Jiro..." halos bulong ko lang na sambit.

"What?" sambit niya ng hindi inaalis ang paningin niya sa librong hawak niya.

"Hot choco mo pinabibigay ni Yuri." Sambit ko sa kanya at kinuha niya naman iyon ng hindi tumitingin sa'kin.

"Ouch!" sambit niya at nabitawan ang paper cup. Napakagat labi ako ng tumapon ang hot choco sa kamay ko at halos maiyak ako ng tumapon din iyon sa binti ko.

"Hala?! Sorry." Gulat na sambit niya at kumuha ng tissue saka pinunas sa hita ko.

"Bakit kasi hindi ka tumingin habang kinukuha iyong hot choco!" Hindi ko napigilang sigawan siya at kinuha ang tissue sa kamay niya upang ipunas sa sarili ko.

"Sorry." Sambit niya at pupunasan sana uli ang binti ko ng tapikin ko ang kamay niya.

"Tsk! Ewan, ako na nga ang bahala." Inis kong sambit sa kanya atsaka tumayo.

Nakakainis naman ang init kaya no'n.