Chapter 21: Hiding my pregnancy
Kunot-noo na tumingin sa'kin ang doctor bago muling nagsalita, "Why? Ayaw mo ba magkababy?"
"Nag-aaral pa ako, doc. Hindi maari ito mapapatay ako ng Tito ko kapag malaman niya." Naiiyak na sambit ko at sari-saring emosyon ang aking nadama.
Paano na? Ano nang gagawin ko ngayon?
"Pero nand'yan na iyan, iha. Ginawa niyo 'yan kaya dapat panagutan niyo ng kasama mo ang batang nabuo niyo," sambit nito.
"Pero hindi naman siya ang tatay nito." Sabi ko at sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
"Huh? You mean hindi itong kasama mo ang tatay niyan? Kaya naman pala gulat na gulat siya kagabi. Iba pala ang tatay niyan..." Sambit ng doctor sa'kin at masinsinan akong tinignan. Ginawa pa akong pokpok nito.
"Hindi po siya ang tatay ng anak ko basta hindi siya," sambit ko at tinalikuran ang doctor saka nahiga na.
Maya-maya ay narinig ko ang pagsara ng pinto kaya alam kong lumabas na siya. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ito pwedeng mangyari sa'kin. Napakagat labi nalang ako dahil halo-halo ang emosyong nadarama ko.
Ano kayang magiging reaksyon ni Jiro kapag nalaman niyang magiging tatay na siya? Magiging responsable kaya siya o iiwan niya ako?
Natatakot ako sa makukuha kong sagot.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at napahilamos.
Muling tumulo ang luha ko at humawak sa tiyan ko, "Paano kapag nalaman ito nila Tito at Tita? Paniguradong kasusuklaman nila ako at papalayasin dahil sa nagawa ko.
Ano na? Paano na ako at ang batang ito? Ano ba ang dapat kong gawin sa batang ito?
"Samantha ito na ang— Hey, don't cry..." Rinig kong sambit ni Mark at pinunasan ang mga luha ko. Napayakap ako sa kanya dahil sa mga oras na ito kailangan ko ng comfort.
"Mark, ano nang gagawin ko? Paano kapag nalaman ito ni Tito at Tita malalagot ako," Sambit ko at humikbi sa mga braso niya.
Niyakap niya ako pabalik at marahan na tinapik ako ng mahina sa likod.
"Paano siya? Matatanggap niya kaya ang bata sa sinapupunan ko. Maniniwala kaya siya na anak niya ito?" Natatakot ako sa magiging sagot niya Mark.
"It's... It's just... It's just a one night stand. A sex. Tawag lang ng laman. Hindi namin ginawa ng may pagmamahal. It's just a mistake."
Mas naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin ng sabihin ko iyon. Marahil ay naramdaman na mas sumiksik at humigpit ang yakap ko sa kanya.
Wala siyang binitawang mga salita ngunit ramdam ko ang simpatsya niya. Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak hanggang sa mahimas-masan ako.
"Are you okay now?" Tanong niya sa'kin at tumango ako bilang sagot.
"Sige, kumain ka na. Kailangan mo ng lakas," sambit niya at nilapit ang chicken feet sa'kin.
"Ang baho naman niyan..." Reklamo ko at tinulak ito palayo sa'kin.
"What? 'Di naman, ah?" Sambit niya at inamoy pa ito saka ako tinignan ng nagtataka.
"Basta ayaw ko niyan mabaho." Sambit ko saka kinuha ang strawberry cake at milk ko.
"Sabi ko nga ako nalang kakain nito," sambit niya at inilagay iyon sa mini desk.
"Uhm... Samantha?" Nag-aalinlangang tawag niya sa'kin kaya nilingon ko siya.
"Bakit?" Sambit ko saka kumagat aa strawberry cake na hawak ko.
"Hindi ko sinabi kay Glyren na nasa ospital ka dahil sa ayaw ko silang mag-alala at malaman na buntis ka." Sambit niya at napatango nalang ako.
"Salamat." Sambit ko at ngumiti ng bahagya sa kanya. Kahit papaano ay makakahinga ako ng maluwag at makakapag-isip.
"Pero sino ba ang tatay niyan?" Tanong niya at tinuro pa ang tyan ko. Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya.
"Hindi mo kilala..." Matabang na sambit ko ng hindi sinasalubong ang mga mata niya. Napabuntong hininga siya ng malalim ng marinig ang sinabi ko.
"Sige, kung ayaw mong sabihin ay okay lang... Pero kailangan mong sabihin iyan sa magiging tatay ng anak mo. May karapatan siyang malaman dahil isa siya sa may responsibilidad kung bakit nabuo iyan sa sinapupunan mo." Sambit niya sa'kin sa seryosong tono.
Napabuntong hininga ako saka uminom sa gatas na hawak ko.
Paano ko ba sasabihin iyon kay Jiro?
Ano ang magiging reaksyon niya?
Maniniwala kaya siya na tatay siya ng pinagbubuntis ko dahil hindi naman niya maalala ang gabing iyon.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Jir—" Agad akong napatakip ng bibig ko ng marealize kong muntik ko ng masabi ang pangalan niya.
"Jir? You mean si Jiro ang tatay niyan?" Gulat na sambit ni Mark at nakaturo na sa'kin. Agad namang nanlaki at nanubig ang mga mata ko.
Sh_t? Bakit ba nadulas sa bibig ko?
Naiiyak na naman ako. Napaka-emosyonal ko nakakainis.
"Hindi..." Sambit ko sa kanya.
"Hindi? Pero hindi ka makatingin sa'kin ng diretso?" Sambit ni Mark sa'kin.
"Tell me the truth para magawan natin ng paraan iyan, Samantha. Si Jiro ba ang tatay ng batang iyan?"
Nakakunot ang noo niya ng sabihin niya iyon sa'kin. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at iling lang ang aking sagot ngunit taliwas ang mga mata ko dahil sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
"Salungat ang mga sinasabi mo sa nararamdaman mo, Samantha. Nakikita ko sa mga mata mo..." Napahagulgol nalang ako sa sinabi niya dahil imbes na paniwalain ko siya sa sinabi ko ay sarili ko lang ang niloloko ko.
"Please... Huwag mong sabihin sa kanya, Mark." Sambit ko at lumapit sa pwesto niya.
"Ayokong malaman niya. I don't want to ruin his career... Dahil sa oras na malaman nila iyon alam kong magagalit sila... Ang mga fans niya..." Sambit ko sa kanya.
"Shh... Naniniwala ako na maiintindihan nila ang situation niyo." Sambit niya at inalo akong muli.
"Sana nga... Pero hindi gano'n..." Sambit ko at umiyak lang.
Napakiusapan ko siya na huwag sabihin iyon kay Jiro. Alam ko namang naiintindihan niya ako pero sabi niya ay dapat ko pa ring sabihin kay Jiro ang tungkol sa bata. May karapatan daw kasi si Jiro dahil siya ang tatay ng dinadala ko.
"Tara na ihahatid na kita sa inyo." Sambit niya sa'kin matapos bumalik para bayaran ang hospital bills ko.
"Sige, salamat talaga." Sambit ko sa kanya at nginitian siya.
"Don't mention it." Sambit niya at ginulo ang buhok ko saka ngumiti.
"Yah! Mahirap magsuklay..." Reklamo ko sa kanya at sumimangot.
"Ako kaya ang nagsuklay sa'yo kanina kaya may karapatan akong guluhin 'yan..." Sambit niya at muling ginulo ang buhok ko at nginusuan ko lang siya
----
"Salamat sa paghatid, Mark. Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya bago magsalita.
"Hindi na didiretso na ako papuntang airport may flight ako ngayon papuntang China. Inihatid lang talaga kita dito sa bahay niyo." Sambit niya ng nakangiti sa'kin.
"Hala? Nakakahiya naman sa'yo dapat sinabihan mo nalang ako." Nag-aalalang sambit ko.
"Ano ka ba? Ayos lang 'yun. Wala siya kaya ako nalang muna ang papalit sa lugar niya dahil baka kung ano na namang mangyari sa'yo." Sambit niya sa'kin at alam ko na kung sinong 'siya' ang tinutukoy niya.
"You don't need to do this Mark kaya ko naman..." Sambit ko sa kanya at nginitian siya.
"Don't worry bukal sa loob ito. Kaya sige na pumasok ka na sa loob..." Sambit niya sa'kin at hinarap na ako sa gate.
"Oo, na. Bye, Mark!" Natatawa kong sambit at humarap muli sa kanya.
Pumasok na siya sa kotse niya. Tinawag niya akong muli saka siya kumaway at nagpaalam muli bago niya pinaandar ang sasakyan niya.
-
Kinabukasan ay parang normal pa rin ang takbo ng buhay ko pwera nalang sa pagsusuka ko dahil sa aking pagbubuntis.
"Ano ba kasing pinagkakain mo at nagsusuka ka, Samantha?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses na iyon ni Glyren. Hindi niya pa kasi alam at ayaw kong sabihin sa kanya.
"B-Baka sumama lang ang tyan ko sa mga kinain namin ni Mark kahapon," sambit ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"Huwag ka kasing timawa iyan ang napapala mo." Sambit niya at sinundan niya ako sa kusina.
"Tse! Hindi ako timawa, Glyren. S-Sadyang hindi lang ako natunawan." Pagpapalusot ko sa kanya at tinignan siya ng masama. Kumuha naman ako ng noodles at niluto ito.
"Ano iyan? Aning trip mo? Noodles na chocolate? Naglilihi ka?" Para naman akong nabilaukan kahit na wala akong kinakain dahil sa sinabi niya. Gulat akong napatingin sa kanya ngunit kalaunan ay inayos ko din ang sarili ko.
"Pake mo ba? Trip ko ito at saka napanood ko ang recipe na ito sa Yellow Tube kaya 'wag kang mangialam kasi ita-try ko kung masarap ba ito." Sambit ko at isinalin sa lalagyan ang noodles ng maluto iyon.
"Aso ka ba? Buntot ka ng buntot!" Asik ko sa kanya kaya sinimangutan niya ako.
"Ganda ko namang aso..." sambit niya saka pumunta sa kwarto niya.
Matapos ko kumain ay naggayak na ako para pumunta sa gaganapan ng photoshoot namin.
"Sorry, I'm late..." sambit ko ng makitang nagsisimula na sila.
"Okay lang 'yonn kadarating lang rin ng pumalit sa partner mo.." sambit ng photographer namin.
"Bagong partner? Wala po ba si Hiro?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Tumawag siya kanina na may biglaang lakad siya. Magagalit nga sana ako dahil ngayon niya lang sinabi pero buti nalang ay may nakita na siyang papalit sa pwesto niya..." sambit nito sa'kin.
"Sino naman po?" Tanong ko at nilapag ang mga gamit ko.
"Malalaman mo din mamaya... Nag-CR lang siya. Pabalik na siguro siya ngayon." sambit nito at tumango naman ako.
"Nandyan na po ba ang magiging partner ko?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na iyon.
Sh_t! Bakit siya? Bakit siya pa?!
Nakakainis ka naman Hiro. Humarap ako para masigurong siya iyon at nanlaki ang mata ko ng makita siya.
"Oh! Andyan ka na pala, iho." sambit no'ng photographer.
"Ito nga pala ang makakapartner mo Samantha. Si Felix ng slay kids..." Nakangiting sambit nito sa'kin.
"Nice to see you again, Samantha." sambit nito at kinindatan pa ako.
Lihim naman akong napairap dahil sa ginawa niya. Kasalanan ko ba na kumukulo ang dugo ko pagnakikita ko siya? Parang mas dumoble pa nga ang inis ko ngayon.
"Oh? Magkakilala kayo?" Tanong nito.
"Yes/No" Sagot naming dalawa.
"Woah! Ano ba talaga? Hmmm, may something..." Mapanuksong sabi nito. Napailing nalang ako sa pinagsasabi nila.
"Magsimula na po tayo." sambit ko at nilayasan sila. Narinig ko naman ang pagtawa nila. Mga loko-lokong iyon pinagtri-tripan ako.
"Okay, let's start..." sambit nito.
"Ganda mo dyan sa damit mo..." sambit niya sa'kin.
"Bakit? Bet mo? Bigay ko sa'yo mamaya..." Mataray kong sambit sa kanya at nginisian siya.
Nagulat naman ako dahil sa bigla niyang paghagit sa beywang ko papalapit sa kanya.
"That's good. Next pose..." sambit nito at sinunod naman namin siya.
--
"That's good for now.." sambit ng photographer sa'min. Agad naman akong bumitaw kay Felix ng sabihin niya iyon.
"Galit na galit, gustong manakit," Natatawang sambit niya.
"Sapakin kita dyan, eh..." sambit ko sa kanya at inakmaan siyang susuntukin.
Tumingin muna siya sa paligid bago nagsalita muli ng masigurong wala ng tao.
"Alam mo, Samantha. Hindi ko na hinihiling na bumalik tayo sa kung anong meron tayo dati... pero we can be friends, right?" sambit nito na nagtataas-baba pa ng kilay
"Sarap mong sapakin alam mo yun?" Nakasimangot kong sambit.
"Common, Samantha! Hindi ka naman mabiro hahaha..." sambit niya at napahagalpak pa ng tawa.
Tinignan ko naman siya ng masama saka siya nilagpasan. Tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin hanggang makalabas kami ng building na pinagganapan ng photoshoot. Nakakagigil kasi siya.
---
Nakasimangot si Felix habang nakaupo sa harap ko.
"Mauubos mo ba lahat iyan?" Tanong niya at tinuro pa lahat ng pagkain sa harap niya.
"Syempre mauubos ko at ako lang ang uubos nito."
Nakasimangot si Felix ngayon habang nakaupo sa harap ko.
"Mauubos mo ba lahat iyan?" Tanong niya at tinuro pa lahat ng pagkain sa harap niya.
"Syempre mauubos ko at ako lang uubos nito." Sambit ko sa kanya.
"Hindi mo ba ako bibigyan kahit konti?" Tanong niya at umawang pa ang kanyang labi.
"Bakit kita bibigyan? Libre mo ito tapos bibigyan kita. Edi wow! Umorder ka ng sa'yo." Sambit ko at kinagatan ang fried chicken na hawak ko.
"Tss... Family size kaya 'yan. May buwaya ba dyan sa tyan mo at ganyan kadami ang inorder mo..." Tanong niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya.
Buwaya wala pero baby meron. Pft!
"Tsk! Paki mo ba!" Singhal ko at hindi na siya pinansin pa.
Wala naman siyang naging choice dahil hindi siya makakuha ng pagkain. Sa tuwing kukuha kasi siya ay hinahampas ko ng kutsara iyong kamay niya.
"Tsk! Talagang naubos mo iyang pagkain ng hindi ako binibigyan. Ang takaw mo." Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Oo, busog na busog nga ako, eh.." Sambit ko at napahimas sa tyan ko. After niya mag bayad ay lumabas na rin kami.
"Hatid na kita?" Tanong niya sakin
"Hindi na... May dadaanan pa kasi ako..." Saad ko sa kanya
"Saan naman?" Kunot-noo niyang tamong.
"Wala ka na doon. Salamat sa libre." Sambit ko sabay talikod sa kanya.
"Babye..." Muling sambit ko at kumaway ng nakatalikod.
"Bye." Rinig kong sabi niya.
---