Chapter 22: The scandal
Huminto ako sa tapat ng drugstore at huminga ng malalim. Alam kong sinabi na ng doctor na buntis ako pero baka naman mali lang. Sinuot ko ang salamin at mask ko bago ako pumasok doon. Ayokong may makilala sa'kin mahirap na. Bumili ako ng dalawang pregnancy test at nanginginig pa ang kamay ko ng iabot ito sa counter. Gumagapang na naman ang kaba ko.
"Here, Maam." Narinig kong sambit ng babae at inabot sa'kin ang plastic kung nasaan ang pregnancy test na pinamili ko.
Agad akong umuwi ng bahay matapos kong bayaran iyon at tinignan kung nandoon ba sila Glyren o sila Tita. Nang masigurado kong wala sila ay agad-agad akong pumasok at dumiretso sa banyo. Sinunod ko ang instruction na nakalagay doon at naghintay ng tatlong minuto.
Matapos ang tatlong minuto ay tinignan ko ang pregnancy test.
Pregnancy Test Result #1: POSITIVE
Pregnancy Test Result #2: POSITIVE
It's both positive. Nanglalata akong lumabas ng banyo.
It can't be! What should I do?
"Oh? Ang aga mo naman umuwi Samantha?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Glyren kaya nabitawan ko ang hawak ko.
"Shit!" sambit ko at mabilis na pinulot na pinulot ang mga ito.
Napatingin naman ako sa kanya ng pulutin niya ang isa.
"Pregnancy test? P-Postive? B-Buntis ka?" Gulat na sabi niya habang nanlalaking ang mga mata. Inagaw niya ang hawak ko at naningkit ang mga mata ng makitang positive din ang nakalagay doon.
Hindi ako makapagsalita dahil kitang-kita na ang ebidensya. Parehas na positive ang hawak niya. Napayuko ako at tumayo. Hindi ako makatingin sa kanya at nagsimula na ring mag-unahan ang mga luha ko.
"Please huwag mong sasabihin kila Tito." Humihikbing sambit ko sa kanya.
"P-Paano? S-Sinong ama niyan?" Sabi niya at lumapit pa sa'kin.
Tinignan ko naman siya sa mata.
Hindi na ako makakapagsinungaling pa.
"Si Jiro." sambit ko at mariin na pumikit.
"Si Jiro?! Mygosh! Alam kong idol mo siya pero bakit niyo ginawa iyon? Nag-aaral ka pa? Nasaan na siya ? Alam niya ba ang tungkol dyan?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Hindi niya pa alam..." sambit ko at humagulgol nang tuluyan.
"Ano?! Dapat niyang malaman ang sitwasyon mo, Samantha." sambit niya sa'kin.
"Huwag. Please! Wala siyang alam dito. Hindi naman namin ginusto ito. Nadala lang kami ng pagkalasing namin." sambit ko sa kanya at ginawa lahat ng makakaya ko para pigilan siya.
"Nadala ng pagkalasing niyo? Niloloko mo ba ako? Huwag mo ko idaan na dahil nalasing lang kayo kaya niyo ginawa ang bagay na iyan. Gaano ka man ka lasing you know what you are doing. Excuse mo lang ang bagay na yan dahil nagpadala ka sa init na nararamdaman mo," sambit niya at humarap sa'kin.
"Wala nga siyang maalala sa nangyari sa'min. Anong gagawin ko?" sambit ko sa kanya kahit hilam na ang aking mga mata dahil sa pag-iyak.
"Walang maalala o ayaw alalahanin? Dapat malaman niya ang tungkol sa bata na 'yan. Hindi 'yong ikaw lang ang naghihirap, Samantha. Pinasok mo yan. Mamili ka. Ako ang magsasabi sa kanya o ikaw?" sambit niya at pinameywangan ako.
"A-Ako ang magsasabi... Just give me three days Glyren not now he's busy..." Nakayuko kong sambit.
"Hah?! Siya pa rin ang iniisip mo? Paano ka? Hindi ka busy sa modelling? Sa pag-aaral? Lame excuses again, Samantha?" Inis na sambit niya sa'kin.
Napakagat labi nalang ako.
"Bahala ka, Samantha. Naiinis ako sa'yo. Also, nagagalit ako kay Jiro. I told you to make progress with him but not this kind of progress. Samantha, this is way too fast. Hindi niyo pa nga kilala ang isa't-isa. Plus, the fact na hindi mo pa siya boyfriend. I thought he's a nice guy but look what he do. Iniintindi lang kita pero gustong-gusto na kitang sapaking loka-loka ka." sambit niya at iniwan ako
---
Maaga ako umalis dahil may pasok ako ngayong araw. Thanks God at half day lang kami ngayon dahil may lakad daw ang mga professor namin. Pagpasok ko palang sa university ay nakaramdam na ako ng kakaiba. Halos lahat kasi sila ay nakatingin sa'kin. Ang iba naman ay nagbubulungan o hindi naman kaya ay tititigan ako ng masama saka ako iirapan. Tumingin naman ako sa likod ko dahil baka iyon ang tinititigan at pinagbubulungan nila pero wala namang tao so it means na ako nga iyon.
Bakit naman nila ako tinititigan ng ganyan?
Binilisan ko nalang ang lakad ko para makarating sa room namin ngunit bago ako pumasok ng building ay binuhusan ako ng kung ano. Nagtawanan naman ang mga taong nanunuod sa'min.
"Iyan ang dapat sa'yo! Mang-aagaw. Sa'min lang si Mark! Malandi ka!" Sigaw ng babaeng nagbuhos ng maruming tubig sa'kin.
"Anong pinagsasabi mo? Sinong Mark?" Inis na sambit ko sa kanya at pinunasan ang mukha ko.
Ang aga-aga binubwiset ako ng mga ito!
Sarap sampalin!
"Huh? Ano daw pinagsasabi mo girl? Pa-inosente si Ate." sambit ng kasama niyang nag-apply ata bilang clown.
"Kahapon lang kasama mo si Mark Torrrs at nagpabuhat sa kanya. Hindi lang iyon niyakap ka pa! Tapos di mo kilala? Sinungaling!" sambit naman ng hipon nilang kasama at binato ako ng itlog.
What the f_ck? Nasaan ang mga guard dito?
Nakigaya naman ang iba at pinaghahagis sa'kin ang papel at ilog. Tumakbo naman ako papasok ng building pero tinulak ako ng isang estudyante palabas.
"Akala mo makakatakas ka? Bagay lang sa'yo 'yan..." sambit nito at sinampal ako.
"Ano bang ginawa ko sa inyo?! Pwede ba?! Lubayan niyo ko..." Naiiyak na sambit ko.
Hindi ko na inalintana yung mga bwiset na naghahagis ng kung ano-ano sa'kin.
Madapa sana silang lahat.
"Bakit naman namin gagawin 'yun?! Eh, mang-aagaw ka?" sambit nito.
Napatawa naman ako sa sinabi nitong pangit na nasa harap ko.
"Ako? Mang-aagaw? Bakit girlfriend ka ba? Hindi naman, di ba? Ilusyunada!" Inis kong sambit sa kanya
"Aba't bwiset ka." Sasampalin niya na sana ako ngunit hindi natuloy iyon ng may humawak ng kamay niya.
"Bitiwan mo nga ako! Sino ka namang pakialamera ka!" Sigaw nito sa babae.
"Ako? Hindi mo na dapat malaman kung sino ako..." Sagot niya dito.
"Bitiwan mo nga ako..."Inis na sambit nito.
"Ayoko nga masyado kang maingay," sambit nito at pinulot ang papel na nasa sahig saka nilagay sa bibig ng babaeng kaharap niya.
"Oh! Mas bagay pala iyan sa'yo..." sambit niya at humagalpak ng tawa. Namula naman sa galit ang babae at susugurin na sana siya
"You. Stop there!" Sigaw ng Dean namin.
"Lahat ng estudyanteng damay sa gulong ito pumunta kayo sa Office ko lalong-lalo ka na..." sambit niya at tinuro ang bumuhos ng tubig sa'kin na napalunok pa.
"Huwag niyong subukang tumakas kung ayaw niyong mas lumala ang parusa sa inyo!" Sigaw pa nito at napatingin sa buong paligid. Napayuko naman ang mga estudyante dahil dito.
"Ikaw naman. Umuwi ka na muna o kung may pamalit ka... Magpalit ka then we will talk after them." sambit nito at umalis na.
Bago sila umalis ay tinignan nila ako ng masama at napabuntong hininga na lang ako.
"Hayaan mo sila tara na." sambit ng babae kanina.
"May pamalit ka ba?" Sabi niya at umiling ako bilang sagot.
"Tara sa locker room. May damit ako doon papahiramin kita." sambit niya at hinila muli ako.
-
"Ako nga pala si Kassandra." sambit niya at inabot sa'kin ang damit niya.
"I'm Samantha. Babalik ko nalang sa'yo ito kapag nalabhan ko na." sambit ko sa kanya at ngumiti.
"Okay lang kahit kailan mo ibalik. Madami naman akong uniform." sambit niya at ngumiti sa'kin.
"Salamat pala kanina..." sambit ko sa kanya.
"Your Welcome." sambit niya at binigyan ako ng tissue.
"Ayos ka na ba? Ewan ko ba sa mga iyon nakita lang sa internet na magkayakap kayo ni Mark galit na galit na. Well, nagselos din ako konti pero hindi ako aabot sa point namananakit." sambit niya at tumingin sa'kin.
"May picture kami ni Mark sa internet?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya.
"Oo, meron. Kalat na kalat na nga, eh... In short viral ka na. May picture na buhat ka niya, yakap ka niya, kumakain kayo sa restaurant, pati pictures niyo behind photoshoot meron... Pati yung sa hospital at paghahatid niya sa bahay niyo meron din." sambit niya at binigay ang cellphone niya sa'kin.
Iyong sa ospital ay kuha iyon mula sa labas ng pinto ng kwarto ko at Thanks god dahil soundproof iyon.
"Goodluck! Hahalungkatin nila buhay mo dahil dito." sambit niya sa'kin. Binalik ko naman ang cellphone niya.
Napahilamos naman ako dahil baka may nakaalam na buntis ako at mas lalong lumala ang problema ko.
"Oh! May bagong article? T-Totoo ba ito?" Gulat na sambit niya at napatingin sa'kin. Binigay niya sakin ang cellphone at nanlaki ang mata ko.
***HOT FEED***
Who is the father?!
Mark Torres is a singer and model under Sync Entertainment. Is he secretly dating Samantha Vicquerra? Yesterday, there was a viral photo of them together while Mark was carrying her in the hospital. There's also a statement that the fan heard the doctor say that Samantha was pregnant and even congratulated Mark because of it.
Samantha Vicquerra, a rookie model with a fashion show company, is now pregnant. Her partner in the model industry is Mark Torres, who is also her friend, but the question is, who's the father of the baby?
There's also a new video released this morning at exactly 6:00 am that Samantha and Jiro have a scandal video.
Jiro is also an actor under the same company. Jiro's fan shares a video of Samantha working as Jiro's personal assistant. There's also a video that shows how close they are.
There's speculation saying that the baby is Mark's child, and others say it's Jiro's child. Sync Entertainment has not yet released an official statement.
Fans are now in chaos and non-stop posting on social media.
---
Walang-buhay kong binalik ang cellphone sa kanya at nagsimulang humagulgol. Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa'kin.
"Hindi ko alam kung anong tunay na kwento pero maayos din ang lahat. Mabuti pa kung umuwi ka muna." sambit niya sa'kin.
Sinamahan niya ako hanggang makauwi aki sa'min. Sabi ko nga sa kanya na huwag na ako samahan pero baka daw anong mangyari sa'kin kaya hinayaan ko na lang. Pagod na rin naman akong makipagtalo.
"Salamat. Nakakahiya tuloy sa'yo hindi ka na nakapasok sa klase mo." sambit ko sa kanya.
"Ano ka ba ayos lang iyon. Ang mahalaga nakatulong ako. Sige, balik na ako sa school." sambit niya at kumaway sa'kin kaya kumaway din ako pabalik sa kanya.
Pagkaalis niya ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ziah. Isa siya sa magagaling na empleyado nila Kieseyah under IT field. Ilang ring lang at sinagot niya na ito.
"Yes?"
"Can you help me with this one. Please, delete my scandal video. Wala kang ititira kahit isa please..." desperado kong sambit sa kanya.
"Copy, basta ikaw. Hahanapin ko na din kung sino ang nag-upload. Be strong, okay?" sambit niya at pinatay ang tawag.
She's one of our friend too. Masyado nga lang workaholic ang babaeng iyon. I hope she can delete it bago pa maging mas worst ang lahat.
----
Nasa harap na ako ng pintuan ng aming bahay. Nilalamon ako ng kaba dahil hindi ko alam kung napanood na ba nila Tito at Tita ang video. Kung may nakapagsabi na ba sa kanila o wala pa. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila kahit na alam ko at malinaw na malinaw sa'kin na mas magagalit sila dahil sa nangyayari sa'kin ngayon. The worst is nag-viral pa ito sa social media.
Huminga muna ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago buksan ang pinto. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nagulat ako na makita sila Tito't Tita na nag-aabang sa'kin sa harap ng pinto. Wala itong binitawang salita ngunit isang malakas na sampal ang sumalubong sa'kin.
"Tito..." Naiiyak kong sambit at hinawakan ang pisngi kong sinampal niya.
"Pa!" Gulat ding sambit ni Glyren.
"Hindi ako naniwala sa mga chismis at pinagsasabi sa'kin ng mga kapit-bahay natin. Ang aki ng tiwala ko sa'yo, Samantha. Pero ano iyong balitang napanood ko. May scandal pa talaga kayo?! At ito pa!" Galit na sambit ni Tito at may hinagis sa'kin. Napahagulgol ako ng makita ang pregnancy test.
"Pa! Hayaan mo muna pumasok si Samantha." Pagpapagitna sa'min ni Glyren.
"Pinalaki naman kita ng maayos tapos ganyan ang gagawin mo, Samantha?" Huminga ito ng malalim bago nagsalita muli.
"Pumunta ka na sa kwarto mo Samantha at simula ngayon grounded ka. Kahit saan ka magpunta ay dapat alam ko. Mag-uusap tayo mamaya..." sambit nito na nagpipigil ng galit. Hinila naman ako ni Glyren papunta sa kwarto ko.
"Dito ka muna Samantha at iwasan mo laging makasalubong ang papa baka magkasakitan lang kayo." Sabi nito sa'kin.
"Ano nang gagawin ko, Glyren? Lahat sila hinuhusgahan na ako. Lahat sila ang sama nang tingin sa'kin. Do I deserve all of this? Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya. Gusto ko lang makapasok sa mundo niya." Humahagulgol na sambit ko.
"Hindi... Hindi ko naman alam na magkakaganto, Glyren. Hindi ko alam!" Sigaw ko dahil hindi ko na mapigilan ang emosyon nais kumawala sa'kin.
"Shh! You don't deserve hate. Oo, nagmahal ka. May point ka pero may mali ka pa din, Samantha. But for now, please stay calm and don't cry. Isipin mo ang bata sa sinapupunan mo. It also feel the same pain you going through." sambit niya at pinunasan ang luha ko.
"Lalabas muna ako para pakalmahin si Papa. Don't cry, okay? Maapektuhan ang baby mo." Sambit nito bago lumabas.
Nanghihina ang mga tuhod ko at napayuko nalang ng umalis siya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak kapag naalala ko ang itsura ni Tito kanina. I saw disappointment all over his face. Nakikita ko din kung gaano siya kagalit sa'kin. Sabagay sino ba naman ang hindi magagalit, di ba? Sinira ko lang naman ang pagtitiwala at pangarap nila sa'kin.
You're so st_pid, Samantha.
Because of that d_mn love you broke all their trust and dreams for you.